Chapter 7 - Kabanata 6

"Gago, ang daya mo!" I accused him. Nasa arcade kami ngayon sa Ayala Mall. Nagsasaya kaso napaka daya ng kalaro ko.

"Hindi ako ma-daya, talo ka lang talaga." he smirked. I punched him in his arms.

"Babe, sorry na."

"Babe mo mukha mo! Ulul!" sigaw ko at lumapit kila kuya.

"What's with the sad face?" tanong ni Sefa. Tinaasan naman ako ng kilay ni kuya.

Attitude amputa.

"More like--- irritated face." kuya corrected.

"'Yung kapatid mo kasi, Sefa! Jusme, apakadaya!" pagmamaktol ko.

"Woi! Talo ka lang 'no," sumabat 'yung unggoy sa tabi ko.

"Ehem, LQ!" sinamaan ko ng tingin si Unra.

"What the hell is LQ?" tanong ng unggoy.

"Lovers' Quantity!" natawa kaming lahat sa sagot ni Unra. Kumunot naman ang noo niya at binatukan siya ni Jerv.

"Quarrel 'yun, tanga. Bobo mo, bro!" saad ni Jerv.

Nagpatuloy kami sa paglalaro at nagkaniya-kaniya kami ng paglilibot.

"Tickles tayo?" I nodded. Pumasok kami sa tickles kung saan ito ay isang shop na may mga stuff toys and other stuffs for design.

Kumuha ako ng dalawang sketchpad at mga lapis. Kumuha na rin ako ng mga gamit ko for painting. I'm not into paint but I'll try since I love to draw. Why not, I'll add some colors in my sketches? I'd love that even more.

Kumuha na rin ako ng mga glow in the dark na hugis buwan at mga stars. Maidikit lang sa ceiling. Habang naglilibot ako ay napansin ko ang isang cabinet na punung-puno ng Winnie the Pooh stuffs. Kumuha ako ng isang square na unan, isang hotdog size pillow at isang stuff toy na medyo malaki.

Binayaran ko ito sa counter at inantay si Kyo. Nagtaka naman ako ng may hawak-hawak siyang maliit na paper bag. Samantalang ako anlaki-laki ng dala ko. Nagulat ako ng kinuha niya lahat ng bitbit ko pero nagkibit balikat na lamang ako.

"Stay at the bench, may bibilhin lang ako saglit," I nodded. I was stunned when he kissed my cheeks and left me.

Putangina, isa pa 'nga. Charot. Ang landi ko.

Gaya ng sabi niya, inantay ko siya sa bench. Maya-maya pa ay may hawak-hawak na naman siyang maliit na paperbag kasali sa mga pinamili ko.

"Saan ang iba?" he asked.

Gago, mukha 'bang alam ko?

"I don't know. Nuod muna tayo ng sine," I suggested.

We watched The Conguring. Sa kinamalas-malasan pa naman e sa dulo kami umupo nakatutok pa sa aircon. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng peach na hoodie jacket at itim na ripped jeans. Pero itong katabi ko ay tanging puting adiddas shirt at black ripped jeans!

"Babe, nilalamig ako," he whispered.

"Wag mo ko ma-babe babe! Anong gagawin ko?!" bulong ko pabalik.

Nagulat ako ng ipasok niya ang kaniyang kamay sa aking bulsa ng hoodie jacket and he intertwined our hands.

Kumapit pa siya sa braso ko at sumandal sa balikat ko.

"Anak ng, alisin mo 'nga 'yang kamay mo!" bulong ko.

"Fiancee kita so... I think, you won't mind?" hindi na ko nagsalita pa at nanood na lamang.

Puro kami tawanan sa loob ng sine dahil parehas kaming takot sa horror movies. Nang matapos ang panuod ay nagtungo kami sa Classic Savory dahil anduon ang iba naming kasama.

"Hey, inom tayo mamaya?" alok ni Sefa.

"Saan?" Tans eyes were widened. Binato naman siya ni Sefa ng table napkin.

"Pechay mo, girl!" Sefa and Tans both rolled their eyes.

"QC, may alam ako para naman new tambayan." Sefa said.

"Magkano entrance?" tanong ko.

"Ako na bahala dun," she said and winked at me.

****

Malakas na tugtugan at hiyawan ang bumungad sa amin pagkapasok sa isang sikat na bar dito sa QC.

Si Tans ay dumiretso na sa dancefloor para magsayaw at maghanap ng bagong target. Si El ay sumunod kay Tans sa dancefloor. Si Sefa at kuya Maui ay dumiretso sa sofa para maginom. Si Jerv, Unra at Kyo ay sumunod kila kuya Maui. Kaya naman sumunod na lamang din ako sa kanila at tumungga ng beer.

"Wag masyadong maglasing, Ayii." sermon na naman ni kuya. Nang makaubos ako ng tatlong beer ay uminom ako ng LK.

Nang malakas na ang tama ko ay sumayaw ako sa dancefloor. I wear a maroon bralette and black high waist ripped shorts and terno it with black killer pumps. I made my hair a bit wavy and put some heavy makeup.

I danced wildly together with El and Tans. Sefa went in other couches. May kakwentuhan, lalaki. HAHA!

"You danced so good," someone whispered.

"Share mo lang?" I asked sarcastically. Di ko maaninag ang mukha nito dahil na rin sa matinding tama ng alak.

"Hey, I like you." the guy said. Magsasalita pa sana ako ng bigla akong nakarinig ng malulutong na mura at sigawan.

Tumingin ako sa gilid ko, nakita ko si El na nakasalampak sa sahig at tulala habang patuloy na nagdaragsa ang mga luha niya. Si Unra naman ay galit na galit na pinagsusuntok ang isang lalaki. Inawat naman sila ng mga bouncer.

"Gago ka! Gago! Putangina mo!" galit na galit na isinisigaw ni Unra. Galit niya namang pinatayo si El habang hawak hawak sa braso.

"At ikaw, napakalandi mo!" sigaw niya. Lalo akong naluha ng bigla niyang sinampal si Unra at sunod sunod ang paghikbi ni El. Tumakbo naman ako papunta kay El at niyakap. Si Sefa naman ay umiiyak sa couch at si Tans naman ay nakasalampak na rin sa sahig habang umiiyak.

Fuck, what the hell happened?!

****

"Kyo, did you know what happened?" I asked him after entering into his car. Nanatili muna kami sa loob at hindi umaalis sa parking lot.

"No," malamig niyang sagot. Kumunot ang noo ko.

"Why are you so cold to me? What did I do?"

"Hanap kayo ng hanap ng lalaki, kating-kati na ba kayo?" I slapped him. Mabilis na pumatak ang mga luha ko.

"You don't have any rights to judge us," sinubukan 'kong hindi pumiyok at tumingin sa labas.

"Seriously? Magfi-first year college pa lang tayo pero puro inom at lalaki ang ginagawa niyo. Tapos kayo ang iiyak-iyak kapag nabastos kayo e ganyan kayo manuot."

"Tangina mo talaga, Kyo. I hate you." pinahiran ko ang luha ko at bumaba ng sasakyan niya.

Pumara na lamang ako ng taxi at nagderetso na sa unit. Agad akong naligo at nagsipilyo pagkarating ko sa unit. Hindi na ko kumain dahil wala na akong gana pa. Nagdesisyon akong magonline at magchat sa GC namin.

aesthersett: Are you girls okay?

tan_tans: Yes but, I think El isn't

sefanniahayii: Okay lang. Maybe we must focus on studies, first. Last night was intimately, fuck!

eldapche seen

Napabuntong hininga na lamang ako at humiga sa kama.

jervinnel: Kamusta na ang bestfriend 'kong panget?

aesthersett: Eto, maganda pa rin.

jervinnel: Ulol. Ano na?

aesthersett: Same as old days.

Hindi na ako nagreply pa at uminom muna ng gatas saka tumambay sa balcony. Malamig na hangin agad ang humaplos sa aking mga balat. Tanging itim na sando at puting pajama ang aking suot habang umiinom ng gatas sa balcony.

Kinuhanan ko ng litrato ang city lights at inilagay sa IG Story.

Another night full of sadness.

Pinatay ko na ang data ko at sinubukang matulog since 3 am na.

****

Halos 6am ako nagising kaya naman nagdesisyon akong magpunta ng gym ngayon. Nag-tsaa lamang ako ngayon at mamaya na lamang ako magbre-breakfast.

Nakakahiya naman sa kanila antaba ko na e, tch.

Tanging itim na sports bra at leggings ang suot ko na tinernohan ko ng puting converse. Ibrinaid ko ang aking buhok at sumakay na sa mustang.

El Calling...

Agad ko naman itong sinagot at isinuot ang airpods.

El?

(Babe, san ka?)

Papuntang gym. Why? Problem?

(Nasa gym na rin ako. I'll wait for you. Sabay na tayo pa-enrol)

Saan?

(Around BGC, babe. Silverian Gym.)

Okay. Iloveyou. Lol.

(Iloveyoutoo. Ew.)

I chuckled after I hang up the call. Lokong babae 'yun. Hindi pala-gym si El. Saka lamang siya nagpupupunta sa gym kapag may problema siya. Well, ako naman ay minsan tinatamad mag-gym. I'd rather eat and sleep, lol. Halos mga 20 minutes bago ako nakarating sa gym. Pagpasok ko ay sabay kaming nagpa-enrol ni El.

"Anong sched? Mamili na kayo," saad ni Aerah. Ang trainor namin dito sa gym.

"Weekends," sagot namin.

45 minutes ang ginawa ko sa treadmill at inubos ko ang halos isang oras sa aerodance. Pagod na pagod naman kami ni El na umupo sa bench at nagpunas ng pawis. Ubos ko na rin ang dinala 'kong tubig.

"Babe, ano ba nangyari kagabi?" tanong ko.

"Me, Tans and Sefa danced. Of course, you didn't saw us kase masyado 'kang busy makipag-harutan duon sa Lasallian Guy. Then there are 3 boys approached us. T-They... T-they t-touched... us. And then, Unra saw that and he... he was so angry. I... I know it was our fault but.... but, do they have to judge us? I.... mean, we.... we just want to have... fun. But then it turns out.... like... that." patigil-tigil siya sa pagkwekwento dahil na rin sa pagpipigil ng luha.

"Lasallian Guy?" I asked. She nodded.

"He's one of the players of Basketball. I think he's the whatever guard, I don't know. But I know him, he's Mackaih Jonel. They own constructions and cars. I know her sister Mackiezy Jonel, cheerleader of UP Diliman."

Puta, mayaman pala 'yung nakasayaw ko? Tch, Baka naman ubod ng sama ng ugali.

"Paano mo nalaman ang kapatid nun?" My mind is full of damn curiosity.

"I saw her with Jerv the other day,"

Aba, pucha! Di 'man lang nagkwekwento.

"Next week pala, pupunta kaming Cebu may family reunion kami. I'll explore tutal malapit na ang pasukan." pamamaalam niya.

"Take care, babe. And, don't forget pasalubongs!" she chuckled.

"Of course! Ano gusto mo? Lalaki?!" binatukan ko naman siya at nagpatuloy sa kwentuhan.

30 minutes ang naging cool down at nagshower na kami. Beige croptop at white high waist shorts ang ipinalit ko saka nagsuot ng slippers.

"Love, breakfast tayo." aya ko. Kinuha na lang namin ang gym bag at dumiretso na sa Mcdo.

Naparami kami ng pagkain dahil hindi kami kumain mula kagabi. Todo picture naman kami at sabay upload sa IG.

Nagpatuloy kami sa pagkain at kwentuhan hanggang sa umuwi na kami. Pagbukas ng elevator ay parang piniga ang puso ko ng makita ko si Kyo at 'yung Amber na magkasama't nagtatawanan. Ams is holding a pink box at panigurado ay cookies 'yun. Papasok naman sila sa elevator kaya naman nagmadali na akong umalis at nagderetso sa unit ko.

Nakita ko ang pagtigil ni Kyo at pagsunod ng tingin sa akin pero blangko lamang ang ibinigay 'kong ekspresyon. Nagtuloy-tuloy na lamang ako at ini-lock ang pintuan. I spend the half day by drawing in my sketchpad and trying to learn how to paint.

After I paint in a canvas, I held the paintbrush and took a boomerang of it. Posted in my IG. And, also a picture of it.

Bored in the house, bored in the house--- Bored. Lol.

tan_tans: Ey, Condo Crash want to?

sefanniahayii: I was supposed to do readings but then I saw your post, foackkkk want to Condo Crash? Aets Fan yah knoWwww!!! xD

jervinnel: Bisita ako jan bukas. Handa mo na mga pagkain mo, babe. Lol xD

eldaphche: Swana Woilll!!!

sherwinaur: This saturday, we'll be there. Do some workouts instead or you can go at the mall.

unraezche: Ehem, 'yung barkada ko nasa tabi lang ng unit mo. Visit him. Lol.

Natawa na lamang ako at nagreply sa mga comment nila. Naghanap ako ng masarap na mailuluto at muling kumain. I checked the time, 11:49 pm. Tch, puyat againnn. I drink milk and put some egg mask on my face. I took a picture of my self and posted on IG.

Korean Foods, huhu. Cravin'

Magulo ang unit ko, sobra. Marami ang mga papel na nagkalat dahil sa andami dami 'kong mali. Inuna 'kong maghugas ng mga ginamit ko kanina at sisimulan na sana ang paglinis ng may marinig akong sunod-sunod na pagkatok.

Puta, minumulto ba ako o ano?

Pagkabukas ko ay nakita ko si Kyo.

"You're cravin' for this right? I am sorry, love. I shouldn't treat my fiancee that way, my bad." he smiled at me.

I really can't understand you.