"Don't you have any readings, kuya?" I asked him while looking for croptops. Nasa Market-market kami ngayon dahil mamayang gabi ay may family gathering kami.
I bought some new pumps, a black and a white jacket, hoodie jacket, floral dresses and plain pastel dresses, and now, I am looking for croptops.
"I don't. I already finished yesterday," kanina pa siya humihikab. Siya may bitbit lahat ng pinamimili ko.
"How's Maple?" I asked him which leads him stoned.
"I... I don't know." he uttered. Nagkibit balikat na lamang ako at binayaran na ang mga croptops na pinili ko. Dumiretso rin kami para bumili ng leggings, cycling and oversized tshirts for my training.
"Do you want Gucci Bag and Sneakers? I'll buy." my eyes widened and cling to his arm.
"Really, kuya?" he nodded and tapped my head.
Namili ako ng mga bag na gusto ko at pumili ng isang itim na boots, isang itim at puti na converse, at isang itim na Nike Air.
"How's your training?" kuya asked at umakbay sa akin.
"Coach asked me if I am interested in Cheerdance, since sa UP naman ako magco-college. But I refused. I still choose aerobics. Madali lang naman ang aerobics, kuya. Want to join?"
"I want to, pero I have to focus on my readings. Law isn't that easy, baby." natawa naman ako.
We decided to eat at a Japanese Restaurant. Nanood pa kami ng sine at naggrocery ng stock ko sa unit bago niya ako inihatid.
"Take care, okay? Eat a proper meal, do some workout at wag 'kang gastos ng gastos ng pera mo." sinamaan ko siya ng tingin.
Minsan 'nga lang ako gumastos e! Tch.
"Yea, yea. Ano oras mo ako susunduin?"
"Around 6 pm. Dapat ready ka na 'nun. Wear something formal."
"Yes, kuya. Bye, iloveyou." I kissed him on the cheeks and hugged him.
I miss being with my kuya.
"You too, iloveyou." he kissed me on my hair and left.
Inayos ko muna ang mga pinamili namin at nagbake ng cookies. Nanood lamang ako ng Netflix habang kumakain ng cookies at gatas.
Pagsapit ng 5pm ay naligo na ako at nagayos. I picked a mint green plain dress and a white pumps. I tied my hair in a bun and put some light makeup. Kinuha ko na ang white handbag ko at nagantay muna sa sala.
6pm na ng sunduin ako ni kuya sa unit ko. I saw him wearing a black tuxedo. Ini-lock ko na ang unit ko at sumakay na sa kotse ni kuya.
"Kuya, bakit nagpatawag ng meeting si dad? Do you have any idea?" I asked him while scrolling IG.
"I don't have." hindi na kami muling nagusap. Binasa ko naman 'yung message sa akin ni Tanya.
tan_tans: Woi, bat di ka na sumasama sa BGC?
aesthersett: Not now. We have family gathering. Bawi ako next Fri. After ng training namin.
tan_tans: Oh, okay. Bingwit muna me girl!
aesthersett: Lol. Pigilan mo pechay mo.
tan_tans: Dalawang araw na 'ngang walang dilig e!
aesthersett: Gaga. Magpigil ka.
tan_tans: I cannot may gwapo sa tabi ko. Bye iloveyou.
aesthersett: Iloveyou, ew.
Kahit kelan talaga napaka-adik neto sa kaharutan. Tch. Baka mamaya ma-juntis 'to agad, e. Di pa naman ako ready maging ninang.
Bumaba na kami sa isang sikat na restaurant dito sa BGC. Pagpasok namin sa loob ay napaka-formal ng mga customers. Exclusive. Tch.
"Good evening, mommy, daddy." We kissed them both on cheeks and sitted near mommy. Sa side ni daddy naman ay naruon si Maple. She didn't looked at us.
"Maple, won't you greet your brother and sister?" may awtoridad na tanong ni mommy.
"Good evening, kuya, ate." she looked at us blankly. She's wearing a black fitted-crossed dress and a black killer pumps. Her hair was tied in a bun and has a heavy makeup.
Tumango na lamang si kuya at tipid naman ang ngiti na tinugon ko.
"Maui, Ayii, when we were in college days, nangako kami sa isang barkada namin na ang anak naming babae at lalaki ay aming ipapakasal sa ayaw at sa gusto." mabilis akong napatingin kay daddy.
Fuck, I don't want to get married! I am still young, for God's sake!
"Sino sa dalawa?" kuya asked. Sasagot sana si daddy ng may sumigaw na lalaki.
"Kumpadre!" napatingin kami sa gawing 'yon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita sina Sefa at Kyo.
Don't tell me....
"Maple, meet your future husband, Kyopid."
Napapikit ako sa matinding galit. Mas bata pa si Maple! Fuck this life!
"Kumpadre, ayoko sa half half ang dugo. I want a full." nakangising tugon ng lalaki. Nagkatinginan naman kami ni Maple ngunit iniwasan niya ko ng tingin.
"Let's eat first." saad ni mommy.
Nanatili kami ni kuya na kumakain ng tahimik. Sila-sila lamang ang naguusap. Occupied masyado ang isipan ko dahil sa nangyayari ngayon. Ni hindi ko na 'nga naubos dahil nawalan ako ng gana.
"He's Severino Philip Zasterius and Seira Zayni Zasterius, they own the Dashima Group." pagpapakilala ni daddy.
"This is my oldest son, Sherwin Maur Grospe. My second daughter, Aesther Rosetta Grospe. And the last, Mayadice Apple Grospe." ipinakilala kami ni daddy.
"This is my oldest daughter, Sereniah Phayii Zasterius. My second son, Kyopid Philae Zasterius." pagpapakilala ng daddy nila. Maging sina Sefa at Kyo ay napaseryoso.
"I heard, Sefa and your daughter are bestfriends?" tanong ng mommy nila.
"Yes. Since gradeschool." sagot naman ni mommy.
Nagkamustahan pa sila at nagkwentuhan. Matagal-tagal na pala silang hindi nagkikita't naguusap.
"I'll choose Rosetta for our Philae." bahagya akong natigilan.
"She's still young!" sabat ni kuya.
"Hindi pa naman ngayon ang kasal nila. After they graduate college, then they will proceed to the next level."
I don't want to graduate anymore.
"So, mabuti na lamang at nakatira si Philae beside Rosetta's unit. I'm glad." I secretly rolled my eyes.
Well, I am not fucking glad.
Nagusap usap sila tungkol sa 'kasal' at nanatili na lamang kaming tahimik nila kuya. Pagsapit ng 7pm ay inihatid na ako ni kuya sa unit ko.
"Ayii, magsabi ka sakin kapag sinasaktan ka ni daddy. Kukunin at ilalayo kita mula sa gagong 'yun." I nodded.
Dumiretso na ako sa banyo para maligo at gawin ang skincare routine. Dahil na rin sa pagod ay agad akong nakatulog.
****
Na-late ako ng gising kaya naman deretso ligo at nagsipilyo na ako. Isang puting sleeveless at itim na shorts ang ipinalit ko.
Nagluto lamang ako ng pancake, bacon at fried rice. Kumuha ako ng gatas sa ref at mag-isang kumain.
kyophilaerius: Hey, do you have plans today?
Hindi ko siya ni-replyan at tinapos na ang pagkain. Sunod-sunod na tunog naman ang narinig ko sa phone ko pero binalewala ko na lamang 'yun. Hinugasan ko lahat ng nagamit ko at nagderetso sa sala para manuod ng Netflix.
Putangina, ang boring.
From: El
10:47 am
Babe, biglaang gala ngayon. 1 pm daw sa Ayala Mall. Bring Kyo, I heard magkatabi lang ang unit niyo.
Nagreply na lamang ako at nagpalit ng damit. Nagsuot na lamang ako ng croptop na kulay yellow at hinayaan na lamang ang itim 'kong short. Isinuot ko na ang slippers 'kong Nike at itinali ng bun ang buhok ko. Isinara ko na ang pinto at kumatok sa unit niya.
Puta, ayaw akong pagbuksan e.
Paulit-ulit akong kumatok at palakas ng palakas. Argh, open this damn door Kyooo!
"What the fuck--- Aesther?!" nanlaki ang mga mata ko sa itsura niya. Gulo-gulo ang buhok at topless. Napaiwas tuloy ako ng tingin.
"Can... Can I... come... in?" kinukurot kurot ko ang mga kamay ko sa likuran ko.
"Ah... Ah, Yea... Of course." he gave me some space to let me enter his unit.
Ang cute ng room niya. Shades of black-white-brown. Andaming paintings ang nakasabit sa dingding. Napaka pormal ng ayos.
Nahiya 'yung unit ko. Parang binagyo 'yung unit ko e.
"Do you want something to eat?" tanong niya. Nagsuot na pala siya ng yellow na damit.
Ang cute, si Spongebob!
"Waaah! Ang cute!" sigaw ko at linapitan ang damit niya.
"You like, Spongebob?" bigla akong napatingin sa kaniya.
"Yes, but I love Winnie the Pooh." bahagya akong lumayo sa kaniya ng mapagtanto kung gaano kami kalapit. Tumikhim naman ako ay bahagya siyang tumawa.
"Do you want anything?" he asked me again.
"Hmm. Dito ako maglulunch, I hope you won't mind?" we chuckled.
"I won't. So, you're my fiancee now?" natigilan ako.
"Hindi ka ba tututol? Duh! You... You..." putangina paano ko ba sasabihin?
Kunot noo niya akong tinignan.
"What?"
"Nevermind!" umiling ako at umupo sa sofa. Nanood naman ako sa Netflix habang inaantay si Kyo.
Oh, shit! 'Yung gala pala!
Tumayo ako at lumapit kay Kyo. Sumandal ako sa counter at tumingin sa kaniya.
"May gala daw tayo, Ayala Mall. 1pm." panimula ko.
"Hmmm. Okay," he answered without looking at me.
"Bakit hindi ka tumanggi?" I asked. Natigilan naman siya sa pag-prepare.
"I love my family so much. And, they know what's the best for me."
"But, I think I am not the best for you," mahinang sinabi ko at tumingin sa baba. I bit my lower lip.
"Oh, you aren't? How can you say so?"
"I am not good in handling a relationship. I think.... Maybe I can only give you pain and not the love that you need." mabilis ang takbo ng puso ko at mabilis din ang paghinga ko.
"Then I am willing to suffer from that pain just to be with you," natigilan ako at napatingin sa kaniya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
Joke. Sana all may dibdib.
"Gago, baka mahulog ako n'yan," napailing ako habang nakahawak sa dibdib.
"Edi maganda. We'll fall for each other."
"Ulul. Bilisan mo na jan, gutom na ko." pag-iiba ko ng topic. Masyadong seryoso ang kumag.
Coach Greg Calling Facetime...
"Hala! Wait lang ha? Facetime lang with my Coach," paalam ko. Hindi ko na inantay ang sagot niya at agad sinagot ang tawag ni coach.
Nasa studio siya. Base pa lamang sa background e.
"Hi, Aesther!" kumaway pa si Coach.
"Hello, coach! Bakit po?"
"Aba e, hindi ka ba talaga sasali sa cheerdance?" Napatingin naman si Kyo sa akin. Nasapo ko naman ang noo ko.
"Coach naman! Stick 'nga ako sa aerobics!"
"Ayaw mo ba mag-try ng iba?"
"Ayoko, Coach. Ayoko magpalda,"
"Aba e, try mo magpantalon Aesther." Anak ng, bakit ba 'yan palagi nilang sinasabi sakin? Puta, kung pwede lang magpantalon e, edi sasali ako!
"Ayos 'kang kausap, Coach." Pasimple akong umirap at naging sarcastic.
"Nakausap ko ang kuya Maui mo, ang sabi niya e Maganda raw na subukan 'mong magcheerdance."
Share mo lang, Coach?
"Coach bakit niyo ba ako pinagpipilitan na sumali? Sawa na kayo sa mukha ko?" Sinubukan 'kong magpa-cute.
"Aba, hindi! Jusko ka namang bata ka, oo! Magaling ka na kasing sumayaw. Mula nuon naman e pumapasok ka na sa studio. E, mukhang mas ma-iimprove mo ang pagsasayaw sa cheerdance. Flexible ang katawan mo at ang kailangan mo lang gawin ay balansehin ang kilo." Aish. Ano 'bang problema nila sa katawan ko? Di naman ako masyadong mataba ah! Sexy ko 'nga e, charot.
"Kahit anong sabihin niyo, Coach e stick pa rin ako sa aerobics."
"Osiya, hindi na kita kukulitin. 'Yung kapatid mo pala na ubod ng sungit. Si Mayadice? Aba e, may pinaiyak na lalaki na naman!" Kahit kelan talaga, di na nagtanda ang batang 'yun. Ang bata-bata pero andaming pinaiyak!
"Hayaan niyo na po, Coach. Pagsasabihan ko po." pagsisinungaling ko. Hindi naman ako nagsusumbong kila mommy or daddy kase ayokong lumala ang tensyon sa aming magkakapatid. Kay kuya Maui lamang ako nagsasabi.
"Hmm. Mabuti. Osiya, bye na. Kita na lang tayo sa next sched mo."
"Yes, serrr!" muli akong sumaludo sa kaniya bago pinatay ang Facetime.
"Kain na," rinig 'kong sinabi ni Kyo. Umupo kami sa dining area at nilagyan niya naman ang plato ko ng pagkain.
"Bakit ayaw 'mong sumali?" tanong niya.
"E, ayoko 'nga magpalda!" reklamo ko.
"Try 'mong---"
"Magpantalon?!" inunahan ko na siya.
"HAHAHAHA!! OO!!" humagalpak siya sa tawa. Umirap na lamang ako at kumain na kami.
"Hmm. Masarap ang luto mo ah," pagpupuri ko sa niluto niyang buttered shrimp.
"Mas masarap 'yung nagluto. Tikman mo." he smirked.
"Gago!" binato ko siya ng ulo ng hipon. Humagalpak sa tawa ang kumag.
Argh, I can't believe him! Napaka-libog ng mapapangasawa ko!