Chereads / My Secret Wife and I (Tagalog) / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

Habang naiinggit si Charm, nang makita niyang ibinibigay ni Kent ang tubig sa Ada.

 

"Tingnan mo Charm, papansin na naman kay Kent." sabi ni Jenny.

 

"Hmp! Malandi talaga siya!" Naiinis na sabi ni Charm.

 

"Oo, dapat nating turuan siya ng isang leksyon para hindi siya makalapit kay Kent." Sabi ni Jenny.

 

"Oo, may plano ako para kay Ada." sabi ni Charm.

 

"Sige, tutulungan ka namin Charm sa plano mo." sabi ni Lyka sabay thumbs-up.

 

"Sisiguraduhin kong hindi na siya muling mapapansin ni Kent." sabi ni Charm na nakacross ang mga braso sa kanyang dibdib.

 

Pagkatapos ng laro, unti-unting nag alisan ang mga nanunod na mga estudyante, at nagpasiyang umuwi. Habang naglalakad si Ada, nakatanggap siya ng text mula kay Kent.

 

"Hintayin mo lang ako sa tabi ng gate." Text ni Kent.

 

"Okay, sige." Sagot naman ni Ada.

 

"Ang ganda ng laro! Talagang ang gagaling nila Kent at Mark!" Humahangang sabi ni Joice.

 

"Oo nga. Ito ang unang pagkakataon kong makanood ng football game. Kahit na, ito ay isang pagsasanay, magandang laro ang kanilang ipinakita." sabi ni Ada habang nakangiti kay Joice.

 

Habang naglalakad ay sinabi ni Joce, "Sana, manalo sila kapag nakipaglaban na sila sa ibang player ng ibang school."

 

"Sana nga, palagay ko kaya nilang manalo." Sagot naman ni Ada.

 

Maya-maya pa ay may narinig silang boses na tumatawag kay Ada, Agad naman na lumingon si Ada sa likuran at nakita niya si Mark na tumatakbong papalapit sa kanila.

 

"Ada! Ada!" Tinawag siya ni Mark, habang tumakbo siya papunta sa kanila.

 

"Ah, Mark!" Sabi ni Ada at tiningnan siya, saglit silang huminto sa paglalakad.

 

"Mabuti naabutan pa kita." Humihingal na sabi ni Mark sa kanila.

 

"Bakit, may sasabihin ka ba?" Kunot noong tanong ni Ada. Tumingin siya kay Joice at ipinakilala niya ito kay Mark. "By the way, this is Joice, my classmate."

 

Tumingin naman si Mark kay Joice at ngumiti ito.

 

"Hi Joice!" sabi niya at inilahad niya ang kanyang kamay para makipag-kamay kay Joice.

 

"Hi din, nice to meet you!" Nakangiting nakipagkamay si Joice kay Mark.

 

Pagkatapos ay nagpaalam na si Joice kay Ada para mauna ng umuwi at para makapag-usap ang dalawa.

 

"Alright Ada, mauna na akong umuwi." Paalam ni Joice kay Ada.

 

"Sige, mag-ingat ka." Sagot ni Ada.

 

"Ikaw rin! Sige Mark, bye." Paalam ni Joice.

 

Kumaway naman si Mark at sinabi, "Okay. Bye!"

 

Nang makaalis na si Joice ay nag-usap si Mark at Ada. Tumungin sa kanya si Mark at nangamusta.

 

"Kamusta na Ada? Ano pala ang room number mo?" tanong ni Mark.

 

"Ah, mabuti naman ako, ang room number namin ay 4A at ang aming kuwarto ay nasa ikalawang palapag. Eh ikaw, saan ang room mo?" sabi ni Ada.

 

"Ah ako ay 4E, ang kuwarto ko sa ikatlong palapag. Ano pala cell phone number mo?" tanong ulit ni Mark.

 

"Ah, ito." Kinuha ni Ada ang kanyang telepono sa kanyang bulsa at iniabot ito kay Mark.

 

Kinuha naman ito ni Mark at sinave ang kanyang number sa kanyang sariling phone. Pagkatapos niyang isave ang number ni Ada ay ibinalik na niya ito kay Ada.

 

"Kumusta sina Auntie Jane at Uncle June?" tanong ni Ada kay Mark, habang dahan-dahan silang naglalakad sa malawak na field ng paaralan.

 

"Okey lang naman sila. Kung minsan tinatanong nila ako kung kamusta na kayo. Sigurado akong matutuwa sila kapag malaman na muli tayong nagkita." Masayang sabi ni Mark.

 

Ngumiti naman si Ada ng malaman ito. "Oo nga, nakakamiss din bumista sa inyo." sabi ni Ada.

 

"Kamusta naman sina Tiyo at Tita?" Pangangamusta naman ni Mark sa parents ni Ada.

 

"Okey lang din sila, medyo abala sila sa negosyo, pero binibisita nila ako paminsan-minsan." Sabi ni Ada at biglang tumunog ang kanyang telepono. Sinasagot niya ito kaagad.

 

"Hello!" Sagot ni Ada.

 

"Nasaan ka na?" tanong ni Kent sa kabilang linya.

 

"Papapunta na ako diyan, malapit na." Sabi ni Ada at ibinaba ang telepono.

 

"Sige, kailangan ko ng umalis." Agad na paalam niya kay Mark.

 

"Sandali, saan ka nakatira? Ihahatid na kita, sabay na tayo." sabi ni Mark.

 

"Naku, 'wag na. Next time na lang, sige ah. Bye!"

 

Pagkatapos ay mabilis na umalis si Ada at tumakbong papalayo kay Mark.

 

"Pero..."

 

Hindi na naituloy pa ni Mark ang kanyang sasabihin, nang makita niyang mabilis na tumatakbo si Ada at wala na sa kanyang harapan.

 

Humingang malalim si Mark at sabi ni Mark sa kanyang sarili, "Forget it! May bukas pa naman eh."

 

Pagkatapos ay umuwi na rin si Mark na mag-isa.

 

Samantala, humihingal si Ada ng makarating sa lugar kung saann sila magkikita ni Kent. Nakita niyang nakasandal na nakatayo si Kent sa kotse. Agad siyang lumapit dito.

 

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nandito." tanong ni Kent habang naiinis na nakatitig sa kanya.

 

"Naharang kasi ako ni Mark, saglit kaming nag-usap." sabi niya, habang hinahabol ang hininga dahil sa pagtakbo.

 

"Tsk! Halika na nga, baka may makakita pa sayo."

 

Pagkasabi ni Kent ay agad niyang binuksan ang kotse at sumakay sa loob nito. Sumunod naman si Ada na sumakay din sa likod ng kotse na katabi ni Kent. Habang nasa loob ng kotse ay tinanong siya ni Kent.

 

"Kumuha ka na ba ng bagong uniporme?" tanong ni Kent.

 

"Oo." sabi ni Ada.

 

"Bakit hindi mo pa ito suot?" tanong sa kanya ni Kent.

 

"Hindi pa, bukas na lang." Pagkatapos ay tumingin si Ada sa bintana ng kotse at tiningnan ang mga dinadaanan nilang lugar.

 

Pagkatapos ay tahimik na silang dalawa, hanggang sa makarating sa mansyon.

 

Pagdating nila sa mansiyon, magiliw silang binati ng kanilang Lolo at parents ni Kent. Agad silang nagpunta sa kwarto para magpalit ng kanilang damit at pagkatapos nilang magbihis, ay agad silang tinawag para kumaen ng hapunan.

 

Pagkatapos ng hapunan sinabi ng mga magulang ni Kent na aalis na sila. Si Ada ay binigyan ng mamahaling damit, sapatos at alahas ng kanyang Mommy bago sila umalis.

 

Nang gabing iyon, inihatid nila ang kanilang mga magulang sa Airport at nagpaalam sila dito.

 

Habang naglalakbay pauwi mula sa airport, napansin ni Ada na mali ang daang tinatahak nila. Kung kaya ay tinanong niya si Kent.

 

"Kent, maling daan iyan." Sinabi ni Ada kay Kent habang seryoso siyang nagmamaneho.

 

"May pupuntahan lang tayo saglit, bago umuwi." sabi ni Kent habang nakatuon parin ang mga mata sa daan.

 

"Ah gaun ba." Sagot naman ni Ada at muli siyang tumingin sa binta.

 

Pagkaraan ng ilang sandali, dumating na sila sa kanilang destinasyon. Pinasok ni Kent ang kotse malapit sa isang sea bay.

 

"Narito na tayo." sabi ni Kent habang bumaba sa kotse at naglakad.

 

Agad ding bumaba si Ada at sumunod kay Kent.