Chereads / My Secret Wife and I (Tagalog) / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

Kinabukasan ay hindi sila nagpansinan ni Kent, hanggang sa makarating sa School ay tahimik lang sila. Nauna ulit bumaba si Ada sa kotse, pagkatapos ay naglakad na siya.

Habang malungkot na naglalakad papuntang room, ay biglang may humila sa kanya papunta sa gilid ng pader - si Kent.

"Mamayang uwian, sabay tayo ah! Wag kang tatakas!" dinuro siya ni Kent habang binabanggit ang mga salitang iyon.

Napatango na lamang si Ada, pagkatapos ay lumakad na ito papunta sa classroom, siya naman ay naiwang nakayuko. Napabuntong hininga na lamang si Ada. Naisip niyang, hindi na siya makakapasok sa Coffee Shop.

Kaya nung breaktime nila ay tinawagan niya ang Boss niya na hindi na siya makakapasok pa. Nagbigay na lamang siya ng ibang dahilan dito.

"Hello! Sir, goodmorning po, pasensya na po, baka hindi na po ako makakapasok dyan kasi kailangan ko pong mag-alaga sa Lolo ko na may sakit." wika ni Ada.

"Ah, ganun ba? Sayang naman. Sige, ipapadala ko na lang sa atm mo ang natitirang sahod mo." wika ng Boss niya.

"Sige po Sir, pasensya na po ulit. Thank you po sa pagtanggap sa akin." wika ni Ada.

"Ok lang Ada, hahanap na lang ako ng kapalit mo. Sana gumaling na ang Lolo mo." wika nito.

"Ok po. Salamat po!" wika ulit ni Ada at ibinaba na nya ang phone.

Pagkatapos niyang tumawag ay dumiretso na sila ni Joice sa canteen. Umorder sila ng pagkaen at habang nakapila ay kinuha niya ang wallet niya. Pagbukas niya dito ay nakita niyang ang daming laman na pera. Naalala niyang inilagay ni Kent ang pera nito sa wallet niya kagabi. Napansin naman ito ni Joice.

"Uyy, ang dami mong pera ah! Libre mo ko ha!" masayang wika nito.

"Ha! Oh sige! " wika ni Ada.

Pagkatapos ay siya na nga ang nagbayad ng pagkaen nila. Habang naghahanap ng mauupuan ay napansin niya si Kent na nakatingin sa kanya. Nakahanap din sila ng upuan na malapit dito. Habang kumakaen ay nagtext si Kent sa kanya.

"Kaya ba, nagtratrabaho ka, para manlibre?" text ni Kent.

"Hindi noh! Ngayon lang ako nanlibre dahil nakita ni Joice na marami akong pera!" reply ni Ada.

"Oyy, sino pa tinetext mo dyan? Kaen na!" wika ni Joice

At ibinaba na ni Ada ang cellphone at kumaen. Habang kumakaen ay nagtanong si Joice sa kanya.

"Syanga pala, bakit ang dami mong pera?" usisa ni Joice

"Ah, nagpadala kasi yun Mama ko, ng allowance ko." pagsisinungaling ni Ada.

"Ah ganun ba, so mayaman pala kayo?" wika ni Joice.

"Hindi naman masyado." wika ni Ada.

"Alam mo Ada, pwede kang sumali sa Ms.Campus!" wika ni Joice.

"Ms.Campus, ano yun?" tanong ni Ada.

"Parang beauty pagent yun, sumasali mga magaganda dito sa campus. At meron din Mr.Campus, at laging si Kent ang nananalo!" wika ni Joice.

"Naku! Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan. Tsaka hindi naman ako maganda!" wika ni Ada.

"Ano ka ba? Maganda ka kaya! Siguradong madaming boboto sayo! Tuwing School Festival yun ginaganap. Tska, para makapartner mo si Kent!" wika ni Joice.

"Ha? Makapartner? " wika ni Ada.

"Kasi kung sino ang mananalo bilang Ms.Campus, makakapartner nya ang Mr.Campus at pati sa ibang event pa ng school, sila lagi ang magkapartner." wika ni Joice.

"Ah, ganun ba." wika ni Ada.

"Tsaka para malaman ni Charm na hindi lang siya ang maganda dito! Porket lagi kasi sya ang nananalo, feeling nya siya lang ang maganda at feeling jowa na niya si Kent! Hmp!" wika ni Joice.

"Ah so, si Charm ang Ms.Campus?" wika ni Ada.

"Oo, dalawang beses na syang nananalo! Pero kapag sumali ka, tutulungan kitang manalo! Kaya sumali ka na!" wika ni Joice.

"Ha? Pag-iisipan ko..." wika ni Ada at nagpatuloy na silang kumaen.

Naiilang naman si Ada sa tingin ni Kent habang kumakaen. Parang lalamunin na sya nito ng buhay. Tiningnan niya ang cellphone niya dahil baka nagtext ulit ito, pero wala naman. Nagtaka naman si Ada.

"Bakit ba siya tumitingin?" sa loob-loob ni Ada, pasimpleng tumingin siya sa likod niya, pero lalake naman ang andun, kaya siguradong sa kanya nga nakatingin si Kent.

Nang matapos silang kumaen ay agad na silang bumalik sa classroom.

Pagkadating nila sa room ay pinasa na nila sa kanilang Teacher ang ginawang Group Project. Pinuri sila ng Teacher nila dahil maganda ang ginawa nilang Project.

Nang matapos na ang klase ay niyaya siya ni Joice na sabay na silang umuwi.

"Halika Ada, sabay na tayong umuwi!" yaya nito sa kanya, pero bago pa sya sumagot ay lumingon muna siya kay Kent. Hindi naman siya pinansin ni Kent at lumabas na ito ng room.

"Ha, kasi sa iba nako nakatira." wika ni Ada.

"Ah, lumipat ka na ng bahay? Saan? " tanong ulit nito.

"Ah...saa.. " hindi naman matuloy ni Ada ang sasabihin dahil hindi niya pwede sabihin na kala Kent sya nakatira. Biglang nag ring ang phone niya agad niyang sinagot.

"Ah teka lang ah, sasagutin ko lang. Mauna ka na umuwi." wika ni Ada kay Joice at umuwi na nga lang ito mag-isa.

"Hello!" sagot ni Ada.

"Where are you? Bilisan mo!" boses ni Kent.

"Ah oo, papunta na dyan!" sagot ni Ada, pagkatapos ay ibinaba na ni Kent ang phone.

"Tsk! Kala mo kung sino!" nasabi na lamang ni Ada sa sarili.

Lakad-takbo ang ginawa ni Ada, kaya hinihingal siya ng dumating sa may kanto na sinabi ni Kent. Nakita niya itong nakatayo sa tapat ng kotse at masama na naman ang tingin nito.

Nang makita siya nito, ay agad na itong pumasok sa kotse at sumunod din siyang pumasok. Hindi na ulit sila nag-usap hanggang makarating sa bahay.

Pagdating nila sa bahay ay nakita niya ang isang magandang babae at isang lalake na kausap si Don Manuel.

"Mom!" wika ni Kent.

Nagulat si Ada ng tawagin ni Kent ang magandang babae, Mommy niya pala.

"Iho! " tumayo kaagad ito at niyakap kaagad si Kent. Ganun din ang Daddy niya, bumaling naman ang Mommy niya sa kanya. Pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

"So, you are Ada? Glad to see you Iha!" mahinahong yumakap ito kay Ada habang nakangiti.

Naamoy ni Ada ang mamahaling pabango nito, mamahalin din ang kasuotan at mga alahas, pati panyong hawak-hawak nito.

Napangiti na lamang si Ada sa pagkabigla.

"This is your Dad!" pakilala nito sa Daddy ni Kent.

"Hello po." magalang na bati niya at nagmano siya sa mga ito.

Pagkatapos ay hinawakan siya sa braso at dahan-dahan siyang hinila ng Mommy ni Kent sa sofa. Pagkaupo nila ay iniabot nito ang dalang pasalubong.

"Come here Iha. Ito, may gift ako sayo!" nakangiting ibinigay nito ang nasa box.

"Ah, thank you po." wika ni Ada.

"You're welcome Iha! Open it!" wika nito.

Dahan-dahang binuksan ni Ada ang pulang box, at nakita niya ang kwentas na puro diamond at hikaw. Nahihiyang sinabi ni Ada.

"Ah Mom, hindi ko po matatanggap to, masyado pong.." hindi matuloy ni Ada ang sasabihin.

"No Iha, it's okey! Bagay na bagay yan sayo! You're so pretty, kaya dapat magaganda at mamahalin din ang isusuot mo!" wika nito.

"Iha, wag mo nang tanggihan ang Mommy mo, napagod nga ako sa kakasunod sa kanya kakahanap niya kung ano ang ibibigay sayo eh." wika naman ng Daddy ni Kent.

"Ah sige po. Thank you po talaga!" wika ni Ada at niyakap niya ang Mommy ni Kent.

Natuwa naman ito sa pagyakap niya.

"Pwede mo rin yan, isuot sa wedding nyo or if meron ka pang ibang gusto bukas mag shopping tayo!" wika nito sa kanya.

"Ah, bukas po, may pasok po kasi kami bukas eh." wika ni Ada.

"No problem, after your class na lang!" wika nito.

"Ah, okey po!" wika ni Ada.

Maya-maya pa ay sabay-sabay na silang kumaen.

Pagkatapos nilang kumaen ay nagpaalam na si Ada na magpapahinga na, dahil may pasok pa sila bukas. Itinago niya sa kanyang kwarto ang regalo nitong alahas. Muli pa nya ulit itong binuksan. Napaka ganda nito at ngayon lang siya nagkaroon ng mamahaling alahas na katulad nito.

Narinig niyang paakyat na si Kent, agad na niyang itinago ito. Pagkapasok ni Kent sa kwarto ay naghubad ito at naligo.

"Hmp! Inunahan pa kong maligo!" wika ni Ada sa sarili.

Pagkatapos ni Kent, ay naligo na rin siya at pagkatapos ay natulog.