Chereads / My Secret Wife and I (Tagalog) / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Maya-maya pa ay dumating na ang Don, naka wheelchair ito at tulak-tulak ng isang Nurse na lalake. Malaki ang ngiti nito sa kanya habang papalapit ito, siya naman ay tumayo at magalang na bumati.

"Magandang umaga po! Ako po si Ada, kinagagalak ko po kayong makilala Don Manuel!" pagbati ni Ada.

"Masaya ako at nakapunta ka Iha. Sa wakas at nagkita din tayo! Sige, Iha maupo ka na habang hinihintay natin ang aking apo na bumaba. Tska pala, wag mo na akong tawaging Don, Lolo na ang itawag mo sa akin, dahil apo na rin kita!" wika ni Don Manuel.

"Sige po." sumang ayon na lang si Ada.

"Kamusta na pala ang Papa at Mama mo?" tanong ni Don Manuel.

"Ok naman po sila, nasa kabilang City po sila ngayon nakatira, at ako po ay... " hindi na naituloy ni Ada ang sasabihin, dahil nakikita na niyang bumababa ang apo ni Don Manuel.

Kinabahan siya ng makita ito. Mataas na lalaki, maputi, matangos ang ilong, gwapo at maganda magdala ng damit. Naka long sleeve ito ng light blue at nilulupi ang mga sleeve nito papunta sa may siko, habang pababa ng hagdan.

"Oh, andito na pala ang aking apo!"

Nagulat naman si Ada sa pagkilala kung sino ito.

"I-Ikaw?!" gulat na wika ni Ada.

"Ako nga, wala ng iba! Hi, I'm Kent!" ngisi nito at sabay na inilahad ang kanyang kamay kay Ada.

Hindi alam ni Ada ang gagawin, lalo siyang kinabahan ng makita si Kent- si Kent, na kaklase niya, na kinaiinisan niya at ang unang humalik sa kanya.

Kinindatan naman siya ni Kent at parang sinasabing 'makipagkamay kana, nangangawit nko!'

Tska palang nakipagkamay si Ada. Malamig ang kamay ni Ada, damang-dama iyon ni Kent. Naramdaman naman ni Ada na sobrang lambot ng kamay nito, na mas malambot pa sa kamay niya. Agad niya itong binawi.

"So, Iha nagkakilala na ba kayo? Balita ko kasi pareho na kayo ng School na pinapasukan." tanong ni Don Manuel kay Ada.

"Opo." tipid na sagot ni Ada.

"Actually, Lolo mag kaclassmate po kami!" pagdagdag ni Kent sa sinagot ni Ada.

"Ah, mabuti kung ganun. Hindi na ako mahihirapan na ipakilala kayo sa isa't-isa!"

masayang wika ni Don Manuel.

"Halina kayo at kumaen na tayo!" yaya ni Don Manuel.

Nag-aalangan naman si Ada na sumunod.

"After you..." wika naman ni Kent sa kanya.

Napahanga din naman si Kent kay Ada, nang makita ito. Dahil lumabas ang kagandahan nito sa suot nitong dress at konting make-up. Sa school kasi ay hindi niya ito nakikitang nag mamake-up kumpara sa iba nyang kaklase. Hindi rin alam ni Kent na si Ada pala ang sinasabi ng kanyang Lolo na kailangan niyang pakasalan bago ito mamatay. Hindi rin siya payag sa kasunduang ito ng kanyang Lolo, pero ngayong nakita niya si Ada, mukhang nagbago ang kanyang isip.

Sa hapag kainan, habang kumakaen ay magiliw na inaalok ng mga pagkaen si Ada ng kanyang Lolo.

"Sige Iha, kumaen ka lang ng kumaen. Wag ka mahiya ah." wika ni Don Manuel.

"Opo, salamat po." wika naman ni Ada.

"So, Iha sabi mo kanina nasa kabilang City pa kayo nakatira?" tanong ni Don Manuel.

"Ah, opo sila Mama at Papa po nandun nakatira, ako po nangungupahan po dito medyo malapit po sa School namin." wika ni Ada.

"Nangungupahan?" nagulat na tanong ni Don.

Nagulat naman si Ada, na parang nagalit ito sa sinabi niyang nangungupahan siya.

"O-opo, kasi po wala po kaming bahay dito eh." sagot ni Ada.

"Kung ganun, saan ka nangungupahan? Ikaw lang ba mag isa? 'Di ba delikado yun?" pag-aalalang tanong nito.

"Medyo malapit lang po dto. Opo, ako lang po mag-isa, pero kaya ko naman po ang sarili ko." wika ni Ada.

"Sa panahon ngayon Iha, hindi mo masasabi. Mahirap na! Siguro dito ka na lang tumira!" wika ni Don Manuel.

"Ho?!" gulat na wika ni Ada.

"Oo Iha! Tutal magpapakasal naman na kayo ni Kent, ganun na din yun at para mabigyan nyo na kaagad ako ng apo!" masayang wika ni Don Manuel.

"Apo?!" wika ulit ni Ada at dahan-dahang lumingon kay Kent na ngumingiti ito. Napakamot na lang si Ada.

"Sabi ko na, hindi na sana ako nagpunta dito, nasa huli talaga ang pagsisisi." wika ni Ada sa kanyang sarili.

Pagkatapos ay madami pa silang pinag usapan nila Don Manuel. Si Kent naman ay minsan lang magsalita at sunod-sunoran din sa kanyang Lolo kung ano man ang sabihin nito.

Sinabi nito na, bago magkatapusan ng buwan ay kailangan na silang ikasal. Ang mga bisita lang ay mga malalapit at hindi ito isasapubliko, dahil na rin sa mga kaaway nito sa kompanya at iba pang mga business. Dahil kapag nalamang ikinasal na ang kanyang apo, ay ibigsabihin ay manganganib na ang kompanya nila, dahil inaakala nilang hindi pa marunong at handa si Kent na magpatakbo ng kompanya.

Kaya ililihim lamang muna nila ito, pumayag din naman si Ada dito, dahil ayaw din niyang pagkaguluhan. Alam niyang, mayaman si Don Manuel at maraming nakakakilala sa pamilya nila.

Pagkatapos nilang mag usap ay nagpaalam na si Ada. Ipinahatid siya kay Kent at para na din masundo siya bukas, dahil sabi ni Don Manuel ay bukas na bukas din ay lumipat na siya sa mansyon. Wala namang nagawa si Ada, kahit na tumutol sya ay hindi rin ito papakinggan ng matanda.

Habang nasa loob ng kotse ay tahimik lang sila, kaya naisipan na lang ni Kent na magpatugtog ng music.

"Saan ba dito yun inuupahan mo?" tanong ni Kent kay Ada.

"Yun, JKS Building." sagot ni Ada.

"Ah ok." wika ni Kent.

Nang makarating sila sa lugar ay pinark ni Kent ang sasakyan.

"Sige, salamat." wika ni Ada.

Lumabas na si Ada ng kotse, pero nagulat siya na lumabas din si Kent. Sinuot nito ang shade na dala at sumabay sa kanya sa paglalakad. Nagtitinginan naman ang mga taong nakakasalubong nila, sa unang tingin lang ay nagkagusto na kaagad ang mga ito kay Kent. Kaya naisip niyang...

"Teka, di mo na kailangan ihatid pa ko sa taas." wika ni Ada.

"Nauuhaw kasi ako, baka gusto mo akong painumin?" wika ni Kent.

"Hay..." yun na lang ang nasabi ni Ada, at tuluyan na siyang nag lakad at pumasok sa elevator na kasama si Kent.

Nang makarating na sila sa inuupahan na kwarto ni Ada, ay nagpalinga-linga si Kent. Maliit lang ito, walang bukod na kwarto. Ang sala at kwarto ay iisa lang, at maliit lang ang ref ni Ada. Halos wala rin siyang gamit, kaya sa kama na lang umupo si Kent.

"Sige umupo ka muna dyan, kukuha lang ako ng inumin." wika ni Ada.

"Ok." wika ni Kent, at umupo sa gilid ng kanyang kama.

"Anong gusto mo palang inumin, juice, water or softdrinks?" tanong ni Ada.

"Ah, kahit ano na lang meron." sagot ni Kent.

Habang nagtitimpla ng juice si Ada, ay tumingin-tingin ng mga gamit si Kent. May mga naka display na picture at ibang drawing ni Ada sa dingding. Nakita din niyang merong picture si Ada nung bata siya at kasama ang isang lalake.

"Oh, ito na yun juice mo!" wika ni Ada.

"Sino to?" tanong ni Kent.

"Ah kababata ko yan!" agad namang kinuha ni Ada yun picture at itinago sa drawer.

Habang nakatalikod si Ada ay lumapit sa kanyang likod si Kent.

"Kababata o boyfriend?" bulong nito sa kanyang kaliwang tenga.

Nalanghap naman ni Ada ang hininga ni Kent at mabangong amoy ng pabango nito.

"Kababata ko, ok?" sagot ni Ada.

"Uminom ka na nga! Ito juice mo oh." iniabot ulit ni Ada ang baso kay Kent.

Kinuha naman ito ni Kent at uminom, habang nakatingin sa kanya.

Nailang naman si Ada sa pagtingin ni Kent sa kanya, kaya umupo siya sa kabilang gilid ng kama. Pagkatapos uminom ni Kent ay inilapag nito ang baso sa maliit na lamesita.

"Sige, bukas na lang ng umaga kita susunduin. Ihanda mo na mga gamit mo." wika ni Kent.

"Ah sige." wika ni Ada.

"Tsaka nga pala, anong number mo?" tanong ni Kent.

"Ah ito." ibinigay ni Ada ang cellphone niya kay Kent at kinopya nito ang number nya.

"Ok!" tipid na wika ni Kent.

Lumakad na ito papunta sa pinto, nakasunod naman si Ada, nang bigla itong huminto.

"Teka, may nakalimutan pa pala ko!" wika nito.

"Ano yun?" maang na tanong naman ni Ada.

Pagkawika ni Ada ay humarap si Kent sa kanya at mabilis siya nitong hinalikan sa labi. Nagulat naman si Ada.

"Sige, goodnight...Wifey!" mahinang sabi nito sa kanya at mabilis na lumabas ng pinto.

"Wifey?!" wika naman ni Ada sa sinabi nito.

Pagkatapos ay sinarado na ni Ada ang pinto.