Chereads / Athena's Married Life / Chapter 1 - Athena's Married Life

Athena's Married Life

🇵🇭_krizzyqueen
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 16.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Athena's Married Life

Athena's POV

FLASHBACK

"ATHENAAAA, PAKASALAN MO NA KO PLEASE!"

Napahinto ako sa pagtakbo ng muling sumigaw si Dreck. He's my boyfriend. Nandito kami ngayon sa park dahil niyaya niya ko. Akala ko gusto niya lang maglibang dahil bored daw siya. Yun pala ay mag-p-propose. Planado na ang lahat kaya nabigla na lang ako ng makitang maraming balloons at may tarpaulin na may nakalagay na WILL YOU MARRY ME?

Hindi ako prepared. Wala man lang siyang binigay na hint. Napatakbo ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Overwhelmed ako, na-e-excite, at the same time kinakabahan. Hindi naman ako tumakbo e dahil hindi ako pumayag. Tumakbo ako dahil kinikilig ako.

Pinipigilan kong matawa ng lingunin ko siya. Para kasing ang bigat-bigat ng problema niya. Hahaha.

"ANO BA KASING PATIBONG 'TO?" Sigaw kong tanong.

Tumakbo siya palapit sa akin. Gayundin ang mga taong tumitingin sa amin.

Dalawang hakbang na lang. "Babe," tawag niya. Ngumiti ako. "Sa anim na taon nating pagsasama ay hindi mawala sa isip ko ang pangyayaring ito. Ang pinapangarap kong magpakasal sa'yo. Ayokong patagalin pa ang pagkakataong ito at baka pagsisisihan ko lang din sa huli." Full of love and sincerity. Rinig ko rin ang tilian sa paligid habang ako ay pinipigilan ang umiiyak. I bite my lips. Lumuhod siya sa harap ko with teary eye. "Athena Alonzo, babe ko. Nandito ako ngayon para hingin ang matamis mong oo at mangangakong mamahalin ka habang-buhay." I wiped my tears. Umiiyak na pala ako, dagdag pa ng makita ang buo kong pamilya. So, kasabwat sila? "Babe, will you marry me?" He asked. Mas lalong lumakas ang tilian especially ang mga kababaihan at mag-jowa.

Hindi ako magdadalawang-isip na tumango. "Of course, yes!" Nilahad ko ang kamay ko para bigyan alay siyang isuot sa akin ang singsing. "yes, yes, yes!" Ulit ko pa. He hugged me so I hugged him back. "Yes, babe. I'll marry you!"

Kumalas siya sa pagyakap at tiningnan ako. "Thank you, Thens. I love you, I love you." He gave me a smack kiss. "I'll promise, I will love you 'till my last breath--" hindi ko na siya pinatapos magsalita at inangkin agad ang labi niya. God, I'm so lucky. Thanks God, at binigyan mo ko ng lalaking ganito.

END OF FLASHBACK

"You may now kiss the bride!" Anunsiyo ng pari.

Tumawa ako ng marinig ang hiyawan sa loob ng simbahan. After 2 months ng paghahanda namin sa kasal ay heto na kami ngayon.

Kissing each other!

Ako ang unang kumalas at ako naman ang maswerteng babaeng kitang-kita ang saya ng lalaking kaharap ko. May luha pang tumulo sa isang mata niya.

"I love you, babe." I whispered.

Humalik siya sa akin. "I love you too, Thens."

Humarap kami sa mga bisita at imbitado ng kasal. They all smiling. Yung tuwa sa kanilang mata ay nakakadagdag kasiyahan sa akin.

After taking pictures with my friends and family ay lumabas narin kami. Nakakapit ang kamay ko sa braso niya habang siya naman ay panay ngiti sa mga tao.

Hinanda ko ang bulaklak na hawak ko para ihagis. Mga bridesmaids lang tapos 'yung iba ay nakiki-join.

Tumalikod na ako at mabilis na ibinato ang bulaklak. Narinig ko pa ang hiyawan bago ako humarap sa kanila.

Nakasimangot ang mukha ng babae nung masalo niya ang bulaklak. Mukha kasing hindi siya kasali. Maganda siya at dagdag sa kagandahan niya ang suot niyang white cocktail dress.

May lumapit sa kaniya. Si Henry. Kaibigan ko at the same time bestfriend ni Dreck. Hinila niya ang babae paalis. What's wrong?

****

RECEPTION (Reinhart Beach) 7:00 pm

Pagmamay-ari ito nila Henry. Sinuggest niya kasi kay Dreck na dito gaganapin ang reception. Tutal naman daw maganda ang tanawin at presko.

Nasa harap kami ng mga bisita. Yung iba kumakain, nagtatawanan, nag-uusap, at may sumasayaw pa sa gilid.

Biglang hinawakan ni Dreck ang kamay ko. I looked at him. "Thank you, Thens. Thank you for making my life more meaningful."

I smiled. "You're welcome, Dreck. I love you."

"I love you too."

Nabigla ako ng tumingin na pala ang lahat sa amin. Kapwa sila kinikilig at ngumiti.

Biglang nag-ingay. Pinatunog kasi nila ang baso gamit ang kutsara. They also said in chorus. "KISS!"

I laughed and looked to my husband. He smiled too.

"Gusto ko talaga 'to." He whispered. Mahina ko siyang sinampal.

"Talagang ikaw puro kalokohan alam mo, e."

He chuckled. Walang sabi-sabing hinalikan niya ko.

Marami pang mga nangyayari. Mga mensahe nila mama at papa

Dad at mom ni Dreck. Si Henry. Si Oliver na bestfriend kong lalaki, etc. Pare-pareho lang din naman sila ng mga sinasabi. Like take care of her/him, be a good husband/wife. May mga kalokohan pa nga like, hinay-hinay, twice a week. Like gosh, ang haharot talaga nila. Hahaha.

And speaking of Henry, hindi ko nakita ang babaeng hinila niya kanina. Maybe later ko na lang siya tatanungin about dun.

***

At house

Pabagsak akong umupo sa sofa. Nakakapagod!

Malaki ang bahay. Nasa around third floor din ito. Ito narin ang dati pa naming tinitirhan ni Dreck. Live-in kasi kami.

"Napagod ka ba?" Tumabi siya sa akin. Hinubad na niya ang suot niya kanina. Nakikiliti ako habang hinalik-halikan niya ang leeg ko. "Napagod ba ang babe ko?"

"A little bit. Pero okay lang, worth it naman."

Tumigil siya sa ginagawa niya at hinawakan ang pisngi ko upang humarap sa kaniya.

"I love you." He smiled.

"I love you too." I replied.

He kissed me. I respond. Dahan-dahan niyang hinubad ang suot kong white dress without quitting the kiss. Tanging bra at panty na lang ang natira sa suot ko. Umupo ako sa kandungan niya. I feel his erection. Dahan-dahan siyang tumayo habang ako naman ay karga-karga niya.

"It's time for our honeymoon, baby." He seductively whispered.

Tumawa ako. Araw ng pagkawala ng birhen ko. Araw ng pagbibigay ng mahalagang bagay sa akin sa isang taong pinagkakatiwalaan ko.

Nagising ako ng maramdamang may humalik sa akin. Pagmulat pa lang ng mata ko ay bumungad agad sa akin ang gwapong mukha ng asawa ko.

"Good morning, babe." Bati niya.

I just smiled. Tatayo na sana ako ng maramdamang kong masakit sa ibabang parte ko.

"Ang sakit." Sabi ko habang nakahawak sa puson.

Nakita kong nag-alala ang mata niya. "Diyan ka lang, Thens. Just relax, masakit talaga 'yan sa una." He grinned. "Pero mawawala 'yan kapag araw-arawin."

"Perv ka!" Tumawa ako, ganun rin siya.

"Sa'yo lang naman." Saad niya saka ako ninakawan ng halik. Tumayo siya. "Wait me here, ako na ang maghahanda ng pagkain natin."

I nods. Mahapdi, e. Gosh, ganun pala 'yun pag-first-time? Akala ko normal lang.

"Whoa! Ang suwerte ko, babe." Sabi niya habang nasa pintuan na.

"Why?"

"Ako ang unang nakahalik niyan." Turo niya sa private part ng katawan ko. "The best gift ever!" Sabay alis niya.

Pumikit ako habang nakangiti. Iyon naman talaga ang regalo ko kay Dreck, my virginity. Sabi kasi nila, walang ibang magandang regalo sa asawa kundi ang virginity mo.

Naalala ko na naman ang ginawa namin kagabi. Kissing, licking, and touching.

Ang sarap pala nun? Hehe, hindi ako aware. Tapos, ang laki ni Dreck. I mean, 'yung alaga niya. Hehehe. Bad me.

"Masarap?" Tanong niya sa hinanda niyang pagkain. Just an egg, hotdog, and rice.

Tumango ako. Masarap kaya 'tong magluto ang asawa ko. Kaya nga heto ang nagustuhan ko sa kaniya. Hindi pa kami kasal noon pero kapag umakto siya, parang kasal na talaga kami.

"Masarap." Sagot ko. "Lalo ka na." I teased him.

Kita ko ang pagtaas ng Adam's niya. "Nagiging manyak ka na, babe." He winked at me. "I like that."

"Hahaha, gago! Dahil sa'yo 'to."

"Aba'y minumura mo ba ko?" I bite my lips saka kumain. Ayaw pa naman nito ang pagmumura. "Babe." May diin niyang tawag.

Tumingin ako sa kaniya. "I'm sorry." Nag-peace-sign ako.

"From now on, bawat mura may parusa." May ibang meaning ang ngiti niya. "One cuss, one sex."

Napakunot ang noo ko. "Ginagago mo ba ko? Tang-ina 'to!"

I bite my lips para pigilan ang tawa. Napalunok kasi siya kahit walang kinain. Oh ano siya ngayon? Nakakatawa.

"Two cuss, babe." Umiwas ako ng tingin. "Babe ko..." Nilapag niya ang pagkain at gumapang papunta sa akin.

"Aaahh! Babe!" Hiyaw ko. Nakapatong na siya sa akin. Luh, mahapdi parin kaya. "I'm just kidding! Babe, joke lang 'yun." I hold his chest.

"Oh, I like that." He groaned. "Sabi ko naman sa'yo, diba? So it means.." hinawi niya ang kumot na tanging takip sa hubo't-hubad kong katawan.

Napatili ako. "Babe, stop it. I'm just joking, okay? Babe, masakit parin kaya please later na lang. Babe--"

He shut my mouth using his lips. "I told 'yah. Kapag salita ko, paninindigan ko. So, two cuss, two sex."

"Babe.." pigil ko. Tumigil siya sa paghalik sa leeg ko at tumingin sa akin.

"Why?" He asked.

"Masakit parin."

"Edi tanggalin natin." At hindi na siya nagpa-awat pa. Grabeng lalaking 'to. Walang kapaguran.

Buong araw lang kaming nasa bahay ni Dreck. Day off ko ngayon sa trabaho. I'm an Ob-Gyne doctor. Mahilig kasi ako sa mga bata. While Dreck, he's a professor.

Exempted naman kami dahil nga bago kaming kasal. May one week day off kami. Pero I think, bukas papasok na ako. Mga next month pa kasi ang alis namin to Korea. Si Dreck din kasi ay may exam pa sa mga estudyante.

"Babe.." lumingon ako sa kaniya ng tawagin niya ko. Nagluluto siya for our lunch. "Alam mo bang matagal kong pinangarap 'to?"

"Ang?"

"This. Ang kasal natin." Lumapit siya sa akin at umupo sa harap ko. "Ang swerte ko talaga sa'yo. I love you."

Kahit ang corny niya kinikilig parin ako.

Tama siya, hindi talaga mawawala sa tuwing mag-uusap kaming dalawa noon ang tungkol sa kasal.

FLASHBACK

Nasa garden ako ng Academy. It's our one month na mag-on kami ni Dreck. Sabi niya din na dito kami magkikita. Tutal absent 'yung prof namin edi pumayag ako.

"Dreck!" Sigaw ko sa kaniya ng makitang palingon-lingon siya. Hinahanap ata ako.

Nang makita niya ako ay kumaway siya. "Babe ko!" Psh. Hindi talaga ako sanay sa tuwing tinatawag niya akong babe ko. "Babe ko, kanina ka pa?" Tanong niya ng makalapit.

"Kakarating ko lang." Sagot ko. May inabot siya sa akin. "Ano 'to?"

"Regalo 'yan, babe."

Simaan ko siya ng tingin. "Alam kong regalo 'to. Pero para saan?" It's a small gift. Nakabalot siya ng red paper at naka-square.

"Babe ko, happy first monthsary." Sabi niya saka ako ninakawan ng halik sa labi. My first kiss! "Hehe, sarap naman ng labi mo babe ko." Manyak!

Sinampal ko siya sa braso. "You stole my first kiss!"

"Anong stole? Hindi 'yun nakaw, uy! Boyfriend mo ko kaya may karapatan akong halikan ka." Sabi niya pa. "Tsaka, ang sarap sa feelings na ako ng nakakuha ng unang halik mo."

Yeah, he's my first boyfriend, my first kiss, my first love, and my first everything.

May inabot din ako sa kaniya. Akala niya siguro nakalimutan ko ang araw na 'to. June 19, 2014.

"Ano 'to, babe?" He asked.

"Regalo 'yan, babe." Panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

Ngumiti siya. "First time mo 'kong tinawag na babe. I like that."

Binuksan ko ang bigay niya at gayunrin siya. I shock when I saw a diamond ring. Hindi lang basta-basta diamond. It's an engagement ring!

"What the?" Bulalas ko at tiningnan siya. Nanlaki rin ang mata niya ng makita ang regalo ko. Hindi ba niya nagustuhan?

"Babe," tawag niya still looking at my gift. "Ticket?"

Tumango ako. "Ayaw mo ba? N-narinig ko k-kasi nung nakaraang araw sa mga kaibigan mo na sold out na raw ang ticket sa PBA championship. Oliver brought me one, so I decided na ibigay na lang sa'yo." I pouted. Paborito niya pa naman ang basketball. Kaya binigay ko na lang sa kaniya.

"No, babe. That's not what I mean." Ngumiti pa siya ng malapad. "I like it, no, I love it! Pinangarap ko na ito noon pa man. Thank you! Thank you, babe. Pero, paano ka?" Referring the ticket.

"Bumili rin si Papsy." No. 1 fan kaya ng Brgy. Ginebra ang papa ko. Muli siyang nagpasalamat. Tinaas ko ang bigay niyang regalo. "How about this?"

"Do you like it?"

Tumango ako. "Yeah, pero ang mahal nito."

"Mahal din 'to." Turo niya sa ticket. "Pero mas mahal kita." Okay, corny.

"Tss. So, bakit mo nga ako binigyan nito?" Tanong ko.

"Buwan-buwan kitang bibigyan niyan, babe. Gusto na kasi kitang pakasalan, e." Sabi niya. Hala! One month pa kami. "Pakasal na tayo, babe." Sabay akbay niya sa akin.

"Tumigil ka nga diyan, John Dreck!"

"Kidding! Hahaha, pero hindi talaga kita titigilan about sa kasal natin."

"Really? Isang buwan pa tayo, o."

"Ano naman? Yung iba nga isang linggo pa pero may nabuo na agad."

"Magkaiba 'yun, okay?"

"Parehas lang 'yun, babe."

"Tss."

"Pero salamat dito." Tinaas niya ang regalo ko sa kaniya. "Malaking bagay na 'to para sa akin."

"Same here." Tinaas ko rin ang kamay ko. Sinuot ko na, e.

Nabigla ako ng tinanggal niya iyon sa kamay ko. "Dapat ako ang magsuot nito sa'yo."

Daming arte. Hehe.

END OF FLASHBACK

Kaya simula nun, hindi na niya ko tinigilan about sa kasal thingy.

Pero ngayon, nandito na. Andito na kami para harapin na naman ang panibagong kabanata ng buhay ko, together with my husband.

I'm Athena Alonzo Parker, 24 years old. And this is my married life.

******

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or death, or actual events is purely coincidental.

Hoping you like it. Don't forget to vote, comments and share!