Chereads / Athena's Married Life / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Athena's POV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nasa isang kwarto ako. Kwarto namin ni Dreck. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko na naman ang sakit.

"Magpahinga ka lang diyan, Thens."

Inangat ko ang tingin. Si Henry. Nakatayo siya sa harap ko. May dala siyang gamot at tubig.

"Where's Dreck?" I asked.

Binigay niya sa akin ang dala niya. I take it. Naalala ko ang nangyari kanina. Bago ako nahimatay ay nakita ko pa si Dreck na may kasamang babae. At naalala ko, the girl from our wedding.

"Nasa baba sila." Tugon niya saka kinuha sa akin ang baso at nilapag iyon sa table. "Are you okay?"

I nodded. "Pwede na ba akong bumaba?"

"Of course."

Dreck's POV

"Ganun talaga siya kapag menses niya." Yeisha says to Julia. Hindi mawala sa paningin ko ang pag-ikot ng mata niya kay Julia at ang diin sa boses niya na may halong inis.

Julia asked kung ano raw ang nangyari kay Athena. Yeisha replied.

"Bro." I called Oliver. Nandun kay Julia ang tingin. Hindi niya ko narinig kaya tinapik ko siya sa braso. "Bro."

"Ahh, yes?"

Tinudyo ko siya. "Kanina pa kita napapansin, a. Anong ibig sabihin ng tingin'g 'yun?"

Namula siya at natawa. Tsk, now I know. Tinamaan ang loko.

Nandito kami ngayon sa sala. Si Henry ang naghatid ng gamot ni Athena. Ako sana kaso walang mag-aasikaso sa bisita.

Lumapit si Oliver kay Julia. He offered his hands to her. "I'm Oliver."

Julia looked at me. I smiled. Syempre para kay Oliver boto kami. He's a type of guy na hindi na marunong mahiya. Kung gusto niya ang babae ay lalapitan niya ito at magpakilala.

"Ahm--"

"Ano pang hinihintay mo? Tanggapin mo na 'yan bago mo pagsisihan." Yeisha says.

Julia gave her a doubtful smile. "I'm Julia."

"Nice meeting you, beautiful." Oliver winked at her.

"Ahm, nice meeting you too."

"Dreck.."

Lumingon ako sa likod ko. I saw Athena. Nahihirapan pa siyang maglakad kaya inalalayan siya ni Henry. And now, nagsisisi akong si Henry ang pumunta sa taas.

Mabilis akong lumapit sa kanila at inagaw si Athena sa kaniya. I'm jealous. Alam kong may nararamdaman si Henry sa asawa ko noon. Hindi na dapat ako magselos kasi asawa ko na siya ngayon pero everytime na makita ko silang magkasama ay naiinis ako.

"Pfft, relax dude." Mukhang napansin ni Henry ang inakto ko.

"Back off."

"Ang kitid ng utak mo." Umalis siya at umupo sa tabi ni Yeisha. Nakita ko ang saya sa mukha ni Yeisha pero parang wala 'yun kay Henry.

"Do you feel okay?" I asked my wife. Tumango lang siya at umupo sa tapat nila Yeisha.

Athena's POV

"Maayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Yeisha. Katabi niya ang babaeng kausap ni Dreck kanina.

Tumango ako. "Sanay na ako."

"Akala ko na, e."

"What?"

"May mabuo. Tsk, sayang!"

Face palmed. "Tone down your voice, Yeisha."

Masyadong malakas ang boses niya. Buti na lang at umalis muna si Dreck at ang dalawa. Nasa kusina sila at may pinag-uusapan. Man thing.

"Tayo lang naman tatlo dito, e." Tugon niya saka tumingin sa katabi. "Btw, Julia, this is Athena, Dreck's wife."

Tumingin siya sa akin at nag-alinlangan na ngumiti. "H-hi."

"Athena, this is Julia, Henry's cousin."

"Hi! I already saw you, sa kasal ko, right? Ikaw 'yung hinila ni Henry. Mind asking if what happened that day?" Nakangiting tanong ko.

I want to be her friend. Nakikita ko sa kaniya na lonely siya at mahiyain rin.

"K-kasi hindi ako invited nun."

"Hindi naman kami gumawa ng invitation card."

"G-ganun ba?"

Weird.

"Friends?" Aya ko.

Nabigla silang dalawa. What? Anong nakakabigla dun? I want her to be my friend kasi gusto kong malaman buong pagkatao niya. Parang may nag-udyok sa akin na mas kilalanin pa siya. Something's weird about her.

"Friends?" Yeisha asked. "Do you want her to be our friends?"

Kinurot ko siya sa tagiliran. "And so? I warned you Yeisha, dahan-dahanin mo 'yang bunganga mo."

"Tsk, I don't want to."

"Bakit?"

"Basta! Ayoko sa kaniya! Inagaw niya na nga sa akin ang atensiyon ni Henry pati ba naman sa'yo." She pouted.

"Maliit na bagay pinapalaki mo. You're still my besfriend."

"Bestfriend." She make face at ginaya pa niya ang huli kong sinabi.

I looked Julia. "I want to know you more."

"Huh?"

"Gusto kitang maging kaibigan." Paglilinaw ko. "Kung okay lang sa'yo."

Matagal bago siya sumagot. "O-okay."

"Good."

Pagkatapos naming mag-usap ay tinawag kami ng boys para kumain. Nagluto pala sila. Nagkwentuhan muna kami bago naisipang umuwi ni Henry.

"Henry wait!" Sigaw ni Yeisha kay Henry ng makita itong papasok na ng sasakyan kasabay si Julia.

Sumakay siya kahit hindi naman sinabi ni Henry. Tsk, ang kapal. Bago sila umalis ay nakita ko si Julia na tumingin kay Dreck. Hindi iyon napansin ni Dreck dahil nag-uusap pa sila ni Oliver. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay saka siya ngumiti at mabilis na nag-iwas.

See? She's really weird. Parang ayaw niya sa akin.

"Hey babe." Henry kissed my chic. Kakatapos niya lang maligo at tanging boxer lang ang suot niya. "Maayos na ba pakiramdam mo?"

"Kanina ka pa nagtatanong niyan." I laughed.

Nasa loob na kami ng kwarto matapos kanina. I combed my hair using my hand. Tumayo si Dreck at lumipat sa likod ko. He gave me a back hugged.

"I love you." He whispered. "I always do."

"I love you too."

Kumawala siya sa pagyakap sa akin at siya naman ngayon ang nagsuklay gamit ang kamay niya sa buhok ko. He loves doing it to me.

"Babe." I called.

"Hmmm..."

"May napansin ka ba kay Julia?"

Patuloy parin siya sa ginagawa niya. "Hmm, she's kinda weird. She's silent."

Pareho kami ng naramdaman. Napansin din niya pala iyon kay Julia.

"Do you think she need our attention?"

"Huh?"

"Napapansin ko kasi na malungkot ang mga mata niya, parang may pinagdadaanan."

"Yeah, Henry told me lately na kakamatay lang ng ina niya."

"Nakakalungkot naman."

"She suffered from depression."

I sighed. Ayoko ng mga taong malungkot.

Humarap ako sa kaniya. "Babe, can you do me a favor?"

"Yes, babe. What is it?"

"Can you watch her for me?"

"What?" Nabigla siya sa tanong ko.

"Julia needs an attention. Be her friends."

"Oo nga, pero ayoko."

"Why?"

"I don't like her?"

"Hala, babe. Bakit? May ginawa ba siya sa'yo?"

Umiling siya. "No, nothing. She's so silent, alam mo 'yun?"

"Yes, and so?"

"Masekreto ang mga taong tahimik."

"Ang judgemental mo naman, Dreck. Pfft."

Hindi ko akalaing sabihin 'yun ni Dreck. Napansin niya pa 'yun?

"Also, maybe Oliver can give an attention to her." Aniya.

"What do you mean?"

"Oliver likes her."

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "OMG! Siya ba 'yung sinabi niya sa akin na gusto niya?"

"Maybe."

"Pero bakit suplada daw?"

"I told you, masekreto ang ganiyang mga tao."

"Jhon Dreck naman, e."

"Hahahaha!" We laughed.

Marami pa kaming pinag-uusapan hanggang dinalaw na kami ng antok.

Yeisha's POV

Nakanguso ako ngayon habang nakatitig kay Henry. Naka-upo siya sa table niya at ako naman ay nasa table ni Dreck. Masyado pang maaga ngayon kaya kami pang tatlo nila Julia ang narito.

"Henry!" Tawag ko, as usual, hindi niya inangat ang tingin sa akin. Paano ko ba siya malalandi? "Henry."

"What?" Irita niyang tanong pero ang mata ay sa laptop parin. "Julia, pakisabi mamaya kay Dreck na may meeting kami sa dean."

Tumango si Julia. Tumingin siya sa akin na nag-alinlangan. Tsk, I rolled my eyes. Bitch!

"Matutuloy pa ba date natin?" I asked.

This time, tumingin na siya sa akin! Ang gwapo hehe!

"Tsk, fine."

"Ibig sabihin, oo?"

"Yeah." Matipid niyang tugon saka nagkibit.

Lumawak ang ngiti ko at patagong sumayaw. Aba, sa mahigit isang dekada naming pagsasama ng lalaking 'to ngayon ko lang napapayag. Kung pwede nga lang ako ang manligaw ginawa ko na, e. Pero pwede naman diba? Walang masama dun!

"Ahm, Kuya Henry." Julia called. I raised my one brow. Tumingin sa kaniya si Henry. "M-may family dinner daw mamaya."

"Julia!" Naiinis kong sigaw sa kaniya.

Bwiset! Yun na 'yun, e. Oras ka na 'yun! Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to. Simula pa lang ayaw ko na sa kaniya. Pakialamera at mang-aagaw!

I looked Henry. Nagdadalawang-isip ang mga mata niya. Aba dapat lang!

"Do you want to come with us?" He asked me.

I bite my lips para pigilan ang kilig. Inaya niya kong sumama sa family dinner nila? What the! Hindi naman ako nagmamadali. Pwedeng dahan-dahan? Ahihihihi. Oras ko na ba 'to para makilala ako ng pamilya niya?

"O-of course! S-sige."

Hindi ako makasalita. Sobrang overwhelmed ang nararamdaman ko. Anong isusuot ko? Hihingi kaya ako ng tulong kay Athena? Yes. Tama, tama!

"Susunduin na lang kita mamaya."

I nodded, still biting my lips. "Sige."

Bumukas ang pinto at niluwa roon ang nakangiting si Dreck. Wow, ang ganda ata ng araw niya. Katulad ng sa akin, hehe. Tumayo na ako at nagpaalam. May klase pa ako. Huminto ako sa harap ni Dreck.

"Ang ganda ng ngiti, ah!" Pinalakas ko masyado ang boses ko. "Ang asawa mo ba dahilan niyan?"

"Syempre! Lagi naman siya ang nagpapangiti sa akin, e." Tugon niya na ikinatuwa ko. "She's my everything, she's my life."

Simula nung maghiwalay kami ni Dreck ay wala na akong ibang hiniling kay Athena, kundi ang pasayahin, mahalin, at alagaan ng mabuti si Dreck. Naging masaya ako ng makita ko iyon, lalo na ngayon na mag-asawa na talaga sila.

"Sana lahat!" Tumingin ako kay Henry na ngayon ay masamang nakatingin sa akin.

What?

"Ikaw?" Inalis ko ang tingin kay Henry.

"What?"

"Bakit ang lawak din ng ngiti mo?"

Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Ipapakilala na ako ni Henry na magulang niya."

His eyes widened. "Really? Congrats!"

"Ahihihihi, thanks."

*cough* *cough*

Lahat kami napatingin kay Henry. Napa-ubo siya kahit wala siyang ininom o kinain. What's that? Lumapit sa kaniya si Julia.

"Are you okay, Kuya?" She sincerely asked.

Henry nodded. "I'm fine."

"Sure ka?"

"Yeah."

"Okay."

Masamang titig ang pinukol sa akin ni Henry. Ngumiti na lang ako sa kaniya saka tinapik sa braso si Dreck.

"Aalis na ako."

"Sige, ingat."

Athena's POV

*cafeteria*

After namin sa trabaho ay inaya ako ni Oliver dito sa cafe malapit sa hospital. Pag-uusapan raw namin kung paano niya mapapasagot si Julia.

Nakakagulat nga kasi ngayon lang siya humingi ng tulong sa barkada para sa isang babae. Palagi kasing mga playboy ang galawan niya. Syempre ngayon kailangan gentleman.

"First move." Pangunguna ko. Nasa harapan ko siya ngayon. "Kailangan nandiyan ka lagi sa kaniya, all the time."

Ngumiwi siya. "Huh? E paano sa oras ng trabaho?"

"Tsk, syempre hindi counted 'yun."

"Anong Plan A natin?"

"Ang excited mo noh?" Sabi ko. Tumango siya. "Halata nga." Nagpatuloy ako. "Ang Plan A natin ay..... kaibiganin mo. Kailangan mong punan mga pagkukulang niya."

"Di kaya tatay na maging tingin niya sa akin?"

Binatukan ko nga. "Palibhasa momol lang alam mo!"

"Di, a!" Tanggi niya. "Tsk, sige na nga. Nga pala, paano kung ayaw niyang makipag-kaibigan sa akin?"

"Syempre may Plan B tayo."

"Ano naman?"

"Next time! May tiwala ako sa'yo kaya alam kong magagawa mo ang unang plano natin."

"Talaga?"

"Oo naman." Para dagdag confident sa kaniya ay dapat kong palakasin ang loob niya. Tinamaan na nga. "Tungkol kagabi, anong pinag-uusapan niyo ni Dreck?"

Bahagya pa siyang nag-isip na parang inalala ang nangyari. "Ah, yun ba. Humingi lang ako ng tulong."

"Tulong saan?"

"Tutulungan niya akong bantayan si Julia. Wala ako lagi sa tabi niya kaya siya ang tumatayong agent ko sa mga lalaking pumapaligid sa babae ko."

"Wow naman, haba ng sinabi. Hindi naman kaya mahal mo na?"

"Hindi pa sa ngayon, hehe."

Namula ang pisngi niya. Kinikilig! Sandali akong tumigil at takhang tumingin sa kaniya. Naalala ko 'yung sinabi niyang suplada daw si Julia. Paano nangyari 'yun, e, ang hinhin nga niya? At imposible rin kasi wala sa mukha niya ang maging suplada. Iyong mukha ni Julia ay parang anghel.

"Bakit mo nga pala nasabing suplada si Julia?" I asked.

"Nakita niya kasi akong nakatitig sa kaniya nung kasal niyo, kaya ayun, inirapan ako." Paliwanag niya. "Tsaka nung sa labas na ng simbahan, magpapakilala na sana ako sa kaniya kaso masama ang mood niya."

"Baka PMS lang."

"Ewan." Nagkibit-balikat siya. "Laking gulat ko nga nung hindi niya man lang ako tinapunan ng masamang titig kagabi. Baka na-inlove na."

"Ang yabang." Tumawa siya. "Mabait 'yun."

"Sige nga, paano mo nasabi?"

"Yun nakita ko, e."

Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang phone ko. Sinenyasan ko si Oliver na sasagutin ko muna ang tawag. Tumango naman siya kaya mabilis akong pumunta malapit sa restroom. Nang tingnan ko kung sino ang tumawag ay si Yeisha lang pala.

"Preeeend!" Bungad niya sa kabilang linya. Medyo nilayo ko ang phone ko dahil nabingi ako ng kaunti.

"Iyong boses mo, Murray."

"Ahihihihi, sorry." Sabi niya. "Beeeesssss!"

"Ano?"

"Tulungan mo naman ako, oh."

"Saan?"

Ramdam ko ang pananabik sa boses niya. Ang kaunting tili niya at ang boses niyang malandi.

"Isasama raw ako ni Henry mamaya sa family dinner nila! Kyaaaaah!"

"Oh my gosh! Totoo?" Hindi ko narin napigilan ang ma-excite. Syempre, para kay Yeisha. "Congrats!"

"Mag-asawa nga." Bulong niya. "So, ayun nga, tulungan mo kong mamili kong anong susuotin ko."

"Sige sige. Kitakits mamaya."

"Anong mamaya? Ngayon na!"

"Huh?" I looked Oliver. Wala na siya sa inuupuan namin kanina. Ang walang hiya! Iniwan ako dito. Psh. "Diba may klase ka pa?" May narinig akong boses ng mga estudyante.

"Sandali lang naman tayo, pleaaaseeee? Insert puppy eyes."

"Tsk, sige na nga. Sunduin mo ko dito sa cafe."

"Sige, bye! Mwaaaah! Lablab!"

"Tskk."

I ended the call.