Chereads / Athena's Married Life / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Dreck's POV

Kakatapos lang ng meeting namin. Ako na lang ang natira dito sa office dahil may inaasikaso pa ako para sa program na gagawin.

Pasado alas kuwatro na ng hapon. Maagang umuwi si Henry dahil kaka-uwi lang ng magulang niya at magkakaroon raw sila ng family dinner.

Narinig kong bumukas ang pinto. Si Julia, nagmamadali siya, mabilis niyang ni-lock ang pinto kaya nagtaka ako. Magsasalita na sana ako ng senyasan niya akong huwag magsalita.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Sinilip ko kung may tao sa labas at doon ko nakita ang tatlong lalaking patingin-tingin sa paligid na parang may hinahanap. Hindi sila estudyante dito at hindi sila familiar sa akin. I looked Julia, kinakabahan ang mga mata niya.

Akmang bubuksan ko ang pintuan ng pigilan niya ako.

"Huwag, please. Natatakot ako." Humikbi siya at niyakap ang sariling binti.

Nag-alinlangan akong lumapit sa kaniya at pinatahan siya. Muli kong sinilip sa bintana ang tatlong lalaki pero wala na sila.

"Anong nangyari?" I asked.

Hindi siya tumigil sa pag-iyak. "P-pauwi na sana ako*sob* k-kaso h-hindi ko alam na may n-nakasunod p-pala sa a-akin. W-wala akong ibang n-nakitang pwedeng takbuhan kaya dito ko naisipan magtago."

"Sino sila?"

"I-I d-don't know. N-nakita ko sila lagi sa labas ng c-campus. L-laging u-umiinom."

"Are you okay?"

Umiling siya. "Natatakot ako. Nakakatakot."

"Wait, tatawagan ko si Henry para sunduin ka dito, okay?" Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako gamit ang dalawang kamay niya. "M-may problema ba?"

"Please, don't."

"Huh?"

"Don't call him. For sure magagalit 'yun sa akin, kaya please, huwag mo siyang tawagan."

"Huh? E, anong gagawin ko?"

"Can you drive me?"

"What?"

Wala na ang butil ng luha sa mga mata niya pero nandun parin ang takot. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"I said, can you drive me? Wala namang masaba dun, diba?"

"Y-yeah, pero susunduin ko pa kasi ang asawa ko."

"K-kasi..." May gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya. "K-kasi...."

"Kasi ano?"

"Inihatid na siya ni Kuya Henry."

I stopped. "Henry?" Pag-uulit ko. She nodded. "Paano mo naman nalaman na hinatid siya ni Henry?"

Hindi na dapat ako makaramdam ng kahit anong selos pero hindi ko talaga maiwasan! I tried to call Athena but out of reach! Naka-uwi na kaya siya ng bahay? Paanong nagkita sila ni Henry?

"K-kasi.... kanina sinundo ni Kuya Henry si Yeisha kaya hinatid narin niya ang asawa mo."

"Paano?"

"Magkasama kanina ang asawa mo at si Yeisha."

I sighed. Ang akala ko ay bumalik na naman ang pagkagusto ni Henry kay Thens. Dahil masasapak ko talaga ang lalaking 'yun kapag nagkataon. Thens is already mine. Just mine.

Tiningnan ko si Julia, ngayon ko na siya naka-usap ng hindi siya nahihiya. Maybe, she think we treated her as a friend. Iyon naman ang gusto ng asawa ko pero kagaya ng sinabi ko kagabi, hindi magaan ang loob ko sa kaniya.

Ginulo ko na lang ang ulo ko. Baka kasi akala ko lang 'yun, baka nasobrahan ata ako ng panghuhusga sa isang tao.

Am I?

"Ihahatid na kita." I says. Inayos ko ang mga gamit saka naglakad papa-alis.

Yeisha's POV

Kinakabahan ako at hindi mapakali. I looked myself at the mirror. Shit! Ang ganda ko!

Athena brought me a off shoulder split tube top dress, color white. Ito ang binili niya dahil bagay daw sa akin. Hindi naman ako tumanggi dahil maganda talaga ang taste ng babaeng 'yun kapag usapang fashion.

Pagkatapos naming mamili kanina ay nakita namin si Henry sa labas ng mall. Hindi naman namin alam kung bakit nandun siya pero pagkakataon narin 'yun upang ihatid niya si Athena. Medyo dumilim narin kasi at wala parin si Dreck.

*beep* *beep*

Nagmamadali akong lumabas ng bahay ng marinig ang tunog ng sasakyan ni Henry. Ayaw pa naman nun ang pinapahintay. Muli akong tumingin sa salamin at ngumiti. Nang makalabas ay saka ako nag-flip-hair para makita niya kong gaano ako kaganda today.

As what I've said, natameme nga siya. Oh my ghad! He's so handsome too. He wore a formal wear. Mas lalo pa akong nagpa-cute ng mas lalo niya akong tinitigan. He's mouth was form 'O'.

"Hindi ka dumalo sa meeting kanina."

Natauhan ako ng magsalita siya. Hindi sa akin ang tingin niya kundi sa harap ng sasakyan niya. Am I dreaming? Hindi ba totoo 'yung tumitig siya sa akin? Ang bibig niyang halos bumuka na? Tsk.

Pabagsak akong umupo sa likod. Akala ko naman, nagandahan na siya sa akin.

"Ba't diyan ka naka-upo?" He suddenly asked.

"Ay, bakit saan ba? Sa gulong ba dapat?" Sarkastiko 'yun, sana maramdaman niya.

He tsked. "Dito." Tinuro niya ang katabi niyang upuan. "Dito ka umupo. Baka sabihin nilang driver mo ko."

"Ah, hindi ba?" Pagbibiro ko. Kita ko ang pagkunot ng noo niya kaya madali akong lumabas at lumipat sa front seat. "Ayan, okay na?"

"Tsk." He started to engine.

Nagtaka ako ng hindi man lang siya umalis na. "Ano pang hinihintay mo?"

"Galit ka ba?"

Agad kong iniwas ang tingin ko. Hindi ako kumibo at hinintay na lang ang pag-alis niya. Ilang minuto na ang nagdaan pero hindi parin kami umalis!

I looked at him. Nakatingin pala siya sa akin, my brow arched. "Ano?!" Naiinis kong tanong.

"Are you mad?"

"Kung, oo! May magagawa ka?"

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit ka galit?"

Kasi wala akong narinig na compliment galing sa'yo! Kaya ako galit!

"Kasi trip ko, may magagawa ka ba?" Singhal ko.

"Tsk."

After 3 minutes..

4 minutes...

5 minutes....

10 minutes.....

"Alam mo, kung pinaglalaruan mo lang ako, mas mabuti pang aalis na ako." Inirapan ko siya.

Lalabas na sana ako ng sasakyan ng pigilan niya ako. Masama ang mukhang tiningnan ko siya.

"Ano----ahmm..." Hindi siya makapagsalita. "Ano---aishhhh!"

"Baliw ka ba?" Naiinis na turan ko. "Aalis na ako, ha?"

"Yeisha!"

"Ano?!"

"Galit ka ba?"

"Oo!"

"Why?"

"Kasi trip ko nga! Ano bang magagawa mo?"

"Okay, okay. Ang ganda mo! Bagay sa'yo ang suot mo! Ibang-iba ka!"

"Wow! Sarkastiko 'yun, ah! Napipilitan? Napipilitan? Kung bigyan mo na nga lang ako ng compliment sana 'yung mas sincere."

"Psh, fine!" Ginulo niya ang buhok niya. Patago akong ngumiti at bumalik sa pagkaka-upo. "Ang ganda mo ngayong gabi. You're beauty is enough for a man to beat their heart fast. Shit, ang corny! A-and..."

"Pfffttt. And?" Pinipigilan kong huwag tumawa. Ang kyut niya!

"And..."

"And?"

"And...shit, huwag na nga!" Iniwas niya ang mga tingin.

"Ano nga? Sabihin mo?"

"Wala nga!"

"Isa.."

"What the hell, Yeisha?"

"Dalawa..."

"Tsk, bahala ka diyan."

"Tatlo... Sige aalis na po ako." I was about to open the----

"And you make me crazy that no one else can!"

Nabigla ako sa sinabi niya. Pero mas nabigla ako sa sumunod na nangyari. Henry kissed me! A passionate kiss. Pinikit ko ang mga mata ko at sumabay sa halik niya. Wala na akong pakialam kung masira na ang lipstick basta ang mahalaga ay ang labi niya ay nasa labi ko. Ahihihihi.

Athena's POV

Kasalukuyan akong naghahanda ng hapunan namin ni Dreck. Hindi natuloy ang pagbisita ng magulang ko dito kahapon dahil may kaunting emergency daw kaya ngayon sila bumawi. Hindi ko narin naitanong kung ano ang dahilan dahil likas kay Mama ang pagiging workaholic.

One message received

Dreck: Nakauwi ka na?

I replied.

Yeah. Hinatid na ako ni Henry. Pauwi ka na ba?

Mabilis siyang sumagot.

Dreck: Yes.

*door bell*

Iniwan ko muna ang phone at nagmamadaling binuksan ang pintuan. Sila Mama!

"Maaaaa!" Mabilis ko silang niyakap. "Pa!" Niyakap ko rin si Papa at si Uncle Jeff. Umupo ako para magkasingtakad kami ng limang taong gulang kong pamangkin. "Hi Julie."

"Ateeee!" She giggled. Natawa naman ako.

Julie Alonzo. Anak siya sa bagong asawa ni Uncle Julie. Matagal ng hiwalay si Uncle sa dating asawa. Hindi raw kasi naramdaman ni Uncle ang tunay na pagmamahal sa babaeng 'yun. Kasal sila pero hindi man lang niya natutunang mahalin si Uncle. Nagkaanak raw sila pero hindi ko naman kilala. Ni hindi ko nga nakita.

Inaya ko na silang pumasok. Wala parin si Dreck, hindi narin siya nag-text.

"Kamusta?" I asked Julie.

Hindi pa kami nagsimulang kumain dahil hinihintay pa namin si Dreck. Nasa sofa kami at nag-uusap. Katabi ko si Julie, sa kanan namin ay si Mama at Papa, si Uncle naman ay abala sa disenyo ng bahay.

Sinabi ko na kina Mama na medyo mahuli-huli ng kaunti si Dreck.

"I'm okay, ate! How about you?"

Ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya. "I'm okay, too."

"I'm having fun here! Can I see my little sister?"

Natigilan ako. Tiningnan ko sila Mama at tanging ngiti lang ang iginante nila.

"Wala pa si little sister, Julie." Mahinahon kong sabi.

Ngumuso siya, disappointed. "Why? Where is she?"

"Huh? I-I----" I'm speechless!

"Julie, come here." Huminga ako ng malalim. Thanks to you, Uncle.

Ngumiti na lang ako. Nakita kong naglaro sila ni Uncle. Tiningnan ko sila Mama, may pagtataka sa mukha nila.

"Athena." My mom called. "May problema ba?"

"W-wala, Ma."

"San na ba ang litsugas mong asawa, Athena?" Naiinis na tanong ni Papa.

"Pa!"

"Arrold, tumigil ka nga!" Saway namin ni Mama.

"Ano?!" Depensa ni Papa, naka-crossed-arm pa siya.

Simula nung makilala ni Papa si Dreck ay hindi na magaan ang loob niya. Hindi ko alam kung bakit pero wala naman akong nakitang masamang katangian ni Dreck. Ganun naman siguro ang mga ama, diba? Patagong nagmamasid. Pero nung sabihing mag-propose sa akin si Dreck, e, si Papa pa nga itong nagsabi sa akin na mag I do na.

Hay naku ni Papa. Hindi naman kasi si Papa mahilig maglabas ng mga gusto niyang iparating. Siya 'yung tipo ng isasarili na lang.

Yeisha's POV

I sighed, again and again and again and again.

"Pwede na ba tayong pumasok?" Naiinis na tanong sa akin ni Henry.

Kinakabahan akong tumingin sa kaniya. Naiinis na siya, kanina pa nga. Kanina pa kasi kami sa loob ng sasakyan niya. Hindi ko kayang lumabas!

"Pwede back out?" Nanginginig ang mga kamay ko at pinikit ang mga mata.

"Nandito na tayo." Sabi niya. "Teka---" tumigil siya sandali kaya napatingin ako sa kaniya. "Kinakabahan ka ba?"

"Duh, hindi ba obvious?"

"Pfft, bakit?"

"K-kasi diba, ipapakilala mo ko sa magulang mo? Hindi mo naman kasi sinabing meet the family first bago mo ako ligawan."

"Pffft. Hindi kita liligawan! At hindi rin kita ipapakilala sa magulang ko!"

Boom! Jetlag!

Natigilan ako dun! Sarkastiko akong bumuga ng hangin para hindi niya maramdaman ang pagkirot ng puso ko.

"E, a-ano 'to?" Turo ko sa sa sarili ko. "B-bakit mo ko s-sinama dito?"

"Dahil ayokong mapahiya ka kanina."

"Ano?"

"Wait, Yeisha, look. Sinama kita dito dahil hindi ako 'yung tipo ng taong hindi marunong tumupad sa usapan."

"So, ibig mong sabihin, kaya mo ko dinala dito para lang matuloy ang dinner na gusto ko?"

"Exactly."

Wow! Ganun? Peke akong humalakhak at iniwas ang mga tingin.

"So, ano 'yun?" I asked.

"Ang alin?"

"The kissed?" Pinipigilan ko ang huwag sumigaw at singhalan siya. Pero ang totoo ay kanina pa ako nagtitimpi. I want to punch him!

"Nadala lang ako."

"Yun lang?"

"Yeah."

What about beating the f*cking heart fast? Gusto ko 'yung itanong sa kaniya pero nadala ako sa kahihiyan. Baka ako na naman itong nag-aakala. What the hell!

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at lumabas na ako. Okay! Kung ito ang gusto niya, edi okay!

I want to cry. Nakakahiya at nakakainis! Oo nga pala, sino nga ba ako para magustuhan ni Henry? Ayaw niya sa kagaya ko, isang madaldal, malandi, at maingay. Ang gusto niyang mga babae ay gaya kay Athena. But sorry to tell him, Athena is now married. You will be mine, Henry. Remember that.

ATHENA'S POV

"Ma, I'm sorry." Paghihingi ko ng tawad. I looked Papa. "I'm sorry, Pa. Uncle, Julie. I'm sorry."

Mom tapped my shoulder. "You don't have to say sorry, Athena. Wala kang kasalanan."

"No, it's my fault. Sana sinabi ko kay Dreck na nandito kayo, edi sana maaga siyang naka-uwi."

"Ngayon lang ata siya hindi nakasipot sa family dinner. Bago 'yun." Singit ni Papa. Sumimangot ako. "Ngayon pa talaga na kasal na kayo."

"Arrold, ano ba 'yang iniisip mo?" Tanong sa kaniya ni Mama.

"Tch! O siya, sige na anak, aalis na kami. Maaga pang papasok si Julie bukas." Paalam ni Papa.

Hinalikan ko na lang sa pisngi si Julie dahil nakatulog na siya sa tagal ng paghihintay namin kay Dreck. Nagpaalam narin si Uncle Jeff. Tiningnan ko ang kotse nilang papaalis.

*sigh*

Pumasok na ako sa bahay. I tried to call Dreck but he's out of reach. For the first time, ngayon lang siya hindi nakasagot ng tawag ko. Dati, kahit may party o event na magaganap sa kanila ay hindi niya parin makalimutang tawagan ako.

What happened?

Niligpit ko na lang ang mga pinggan na kinainan namin. Hindi na namin hinintay si Dreck dahil baka abutan pa siya ng madaling araw sa lakad niya. Tsk.

YEISHA'S POV

"Oh my God! Is that you, Yeisha?" Bungad sa akin ng Mommy ni Henry.

Kakababa lang ni Tita Hazel kasama ang asawa niya. Matagal-tagal din sila sa ibang bansa kaya siguro ganun na lang sila maka-react kung gaano na ako kaganda ngayon. Oh well, makakabigla naman talaga. Ang ganda ko na noon, mas maganda pa ngayon. Oh diba?

I hugged Tita. "Ako lang po ito, Tita."

Tumawa siya. I looked Henry, nakakunot ang noo niya. Nayayabangan? Tch. Inikot ko ang mata ko sa kaniya saka kami inaya ni Tita sa garden.

Magkatabi kami ni Henry, sa harap naman namin ay si Ate Heart at si Kuya Olive. Si Tita at Tito ay katabi ni Ate Heart.

"Kamusta naman kayo rito?" Tito Sean asked.

"We're fine, Dad. Me and my husband decided to travel on London after this." Si Ate Heart ang sumagot. Tumingin siya sa asawa. "Right, hon?"

Tumango si Kuya Olive at pinahid ang labi gamit ang tissue. "Yes, hon. At doon narin tayo gagawa ng baby, hehe."

Sinampal lang siya ni Ate Heart kaya natawa kami. My brow arched, sa amin na kasi ni Henry nakatuon ang atensiyon ni Tita at Tito.

"How about the two of you? Kailan ang kasal?" Tanong ni Tita dahilan para maibuga ni Henry ang tubig.

Tiningnan ko si Henry at ngumiti. Bumalik ang tingin ko kay Tita. "Actually, Tita, hindi po kami ng anak niyo."

They frowned. "What?" Sabay silang dalawa.

"Wala parin kayong label? How's that?" Natatawang tanong sa amin ni Kuya Olive, si Ate Heart naman ay nakataas ang kilay sa amin.

Sinipa ko sa Henry gamit ang paa. Nabigla siya pero hindi niya pinahalata. Syempre, siya dapat ang sasagot. Ang sakit kaya ng ginawa niya kanina. Nakakasakit ng ego.

"I'm just inviting her, that's it."

Tinusok ang puso ko sa sagot ni Henry. Pilit akong ngumiti sa magulang niya.

"That's it?" Tumango kami sa tanong ni Tito. "I-I thought--"

"We're just friends, Dad. I don't dates and besides, mas uunahin ko na lang ang trabaho ko."

"Tatanda kang mag-isa niyan, dude." Inasar pa siya ni Ate Heart.

"I don't care." Walang kwenta niyang sagot.

Hindi narin nagsalita ang magulang niya. Mukhang napansin nila ang awkwardness sa amin. Sino ba kasing mag-aakala na ako na isang kaibigan lang ni Henry ay nakikisabay sa family dinner nila?

Hindi ka na nahiya, Yeisha! Sana kanina pa sa kotse umalis ka na lang!

"Oh by the way, where's Julia?" Tita asked.

Hindi kami nakasagot dahil wala kaming alam. Tiningnan ko si Henry. Nakatingin pala siya sa akin, nag-alinlangan ang mga mata. Iniwas ko na lang ang tingin ko.

"Henry." Tawag sa kaniya ni Ate Heart dahilan para maalis ang tingin niya sa akin. "Where's Julia?"

"A-akala ko nakauwi na?" Sagot niya. "Hindi siya sumabay sa akin kanina dahil sabi niya ay maaga siyang aalis."

"And where the hell she is?!"

"Heart!" Saway sa kaniya ng asawa. "Calm down."

"Nakakainis na kasi ang babaeng 'yun, e. Ang tigas na nga ng ulo ang likot pa!"

"Ate!" Saway rin ni Henry.

"What?!"

"Shut up!"

Tumahimik siya. Sinaway narin sila ng magulang. Ako rin ay nagtataka. Saan na ba ang babaeng 'yun?

Tumingin kaming lahat sa pinto ng marinig ang kaunting ingay. Nanlaki ang mata ko ng makita si Julia.

"Pasensiya na kung natagalan." Yumuko siya.

Tumayo si Tita at niyakap siya. "Saan ka ba galing?"

"M-may inasikaso lang, Tita."

"Umupo kana."

Pero bago siya umupo ay tumingin muna siya sa likod niya na parang may hinahanap.

"Hey, come in!" Sigaw niya.

Nagkatinginan kaming apat nila Henry, Ate Heart at Kuya Olive. Wondering kung sino ang tinawag niya.

Pero laking gulat ko ng makita ang lumabas. Nanlaki rin ang mata niya ng makita ako.

"D-dreck?"