Chereads / Athena's Married Life / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

Yeisha's POV

"What the hell are you doing here?" I asked Dreck, frustrated.

Sandali akong nag-excuse sa gitna ng hapunan para maka-usap itong asawa ni Athena. Nasa malapit kami ng banyo. Ang maamong mukha ni Dreck ay napalitan ng pagtataka.

"I'm just driving her home. Anong masama dun?"

"Wala!" Pinigilan ko ang huwag sumigaw. "Pero baka naghihintay na sa'yo ang asawa mo at ang pamilya niya."

Nabigla siya sa sinabi ko. "Pamilya?"

"You don't know?" Tanong ko na ikina-iling niya. "Nasa bahay niyo ang pamilya niya ngayon!"

"Pero hindi niya sinabi sa akin."

"Kasi ang akala niya ay maaga kang uuwi."

He hesitate. Siguro nga ay hindi niya alam. Tinaasan ko na lang siya ng kilay, his eyes is full of doubt. Hindi na siya nakatiis at tumakbong umalis ng mansiyon. Nakita pa siya ng pamilya ni Henry at si Julia. Nagtataka silang tumingin sa akin.

Ngumiti ako at umupo. "Tinawag na ng asawa." Sagot ko sa mga tingin nila.

"Asawa?" Tanong ng magulang ni Henry.

Hindi nga pala nila alam ang relasyon ni Thens at Dreck. Their always busy, wala silang oras na alamin ang mga nangyayari sa buhay ng kaibigan ng anak nila. Mukhang ako nga lang at si Oliver ang kilala nila na kaibigan ni Henry.

"Yes, Mom. May asawa na ang anak ni Tito Davis." Si Ate Heart ang sumagot.

Saglit silang tumingin kay Julia na ngayon ay nakayuko at busy sa pagkain. "I t-thought--" hindi na pinatapos ni Henry ang Mommy niya.

"You thought what?"

"He is Julia's boyfriend."

Plastic akong tumawa. Si Ate Heart, Kuya Olive at Henry ay kapwa nakataas ang isang kilay. Tipid namang ngumiti si Julia at umiling.

"He's just a friend of mine, Tita." Sabi nito saka muling yumuko. I see the hurt in her eyes. What's with that? Psh.

Nagpatuloy kami hanggang sa lumalim ang gabi. Nagkwentuhan saglit hanggang dinalaw ng antok. Inaya pa ako ni Ate Heart na dito na lang matulog pero tumanggi ako. Hinatid ako ni Henry at nagpaalam narin sa isa't-isa. Wala akong ganang kausapin siya dahil nandun parin ang sakit sa sinabi niya sa akin kanina lamang.

Dreck's POV

Mabilis akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa bahay. Hindi ko alam na nandito pala ang magulang ni Thens. Sana kanina pa ay sinabi na niya.

Bago ko hinatid si Julia ay dumaan muna kami sa security guard ng school. Tapos na naming ni-report ang tungkol sa tatlong lalaki. Ang sabi ay palagi daw 'yung nambabastos ng mga estudyante.

Ayaw ko sanang pumasok na sa bahay nila Henry pero nagpupumiglas talaga si Julia. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Hindi ko akalain na sa bahay na pala siya ni Henry tumitira. Yeisha is inside. Doon naganap ang family dinner nila. Hindi ko alam. Ang sa tingin ko ay nasira ko pa ang kainan nila.

It's almost 10:00 pm. Tulog na ng madatnan ko si Athena. Ang himbing ng tulog niya pero nakikita ko ang lungkot dun. I'm guilty. Ngayon lang ako umuwi ng late sa bahay. Minsan ay ako pa ang naunang umuwi dahil mas busy si Thens sa trabaho niya.

Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya.

Athena's POV

Nagising ako nang maramdaman ang hilik ni Dreck. Nakayakap siya sa baywang ko habang ramdam ko ang hininga niya sa buhok ko. Ngumiti ako at dahan-dahan umalis sa kama.

Nagmulat siya ng tingin, kinusot pa ang mga mata. Humikab bago umupo.

"Good morning," nag-alinlangan siyang tumingin sa akin. "Babe..."

Hindi ko siya sinagot. May katanungan sa mga mata ko na alam kong alam niya ito. Dreck can read my mind. Kapag hindi kami nagkaka-intindihan ay agad siyang makiki-usap at hihingi ng tawad. Just like this...

Tumayo siya at lumapit sa akin. "Hindi ko alam na bibisita pala sila Mama dito." Panimula niya. "Ang totoo kasi, hinatid ko si Julia sa bahay nila."

Nanlambot ang mukha ko. Curiosity drown me now. Hindi ako nagseselos o kahit anong bahid ng galit. Nag-alala ako.

"Why?"

"Binastos siya ng mga tambay sa labas ng University kahapon. Ako na lang ang natira at tanging nakakita sa kaniya. She asked me for help." Nagkibit-balikat siya. "So, I did."

Napatakip ako sa bibig. "Oh my God! Is she okay? Hindi ba siya sinaktan? O, nagalaw?"

Hindi ko alam pero nag-alala talaga ako kay Julia. Unang tingin ko pa lang sa kaniya ay parang may nagtulak sa akin na makipag-kaibigan sa kaniya. Her face is so familiar! Parang dati ko ng nakita ang mukha niya kaya gusto kong makilala pa siya ng mabuti. I want to know more about her.

"She's okay now." He said. "Anubayan! Para ka namang Nanay ng babaeng 'yun."

"Huwag mo nga siyang mababae-babae. She's Julia! Julia is her name, okay?"

"Yeah, yeah. Pero alam mo ba ang nangyari?" Umiling ako. He tsked. "Inimbitahan niya kong pumasok sa bahay. Ngayon ko lang nalaman na kina Henry pala siya tumira."

"Then?"

"I saw Yeisha. Nilapitan niya ko at sinabing nandito raw ang pamilya mo." Nakikita ko ang inis sa mukha ni Dreck. "Kung sana hindi ko na lang hinatid si Julia--"

"John Dreck!"

"What? May sasakyan siya." Kumunot ang noo ko. "I saw her car, in school."

"Huh?"

"She wants me to drive her, pero may sasakyan naman siya. Marunong naman siyang mag-drive, diba?"

"Na trauma siguro, ano ka ba."

"I don't know. Pero sa kaniya ko talaga sinisisi kong bakit ako na-late kagabi."

"Tsk, it's okay. Huwag mo ng sisihin si Julia. Bumawi ka na lang next week."

"Galit si Papa?"

Ngumiti ako. "As always."

"Tss, bawas pogi points 'yun."

"We're married. Wala ka ng dapat ipag-alala."

"But seriously, I'm sorry." Seryoso ang mukha niya.

I wrapped my arms around his neck. "Accepted! It's okay." Mabilis akong nagnakaw ng halik sa labi niya. "I love you."

"I love you too."

Olive's POV

Nagtinginan ang mga babae sa akin ng tanggalin ko ang helmet. Tumili, waving their hands, nagpa-cute, flipping their hair. Tanging ngiti lang ang ginanti ko pero alam kong malaki ng pasasalamat iyon sa kanila. I'm handsome! I know.

Pero hindi ako nandito para lumandi. Pagod na ako dun. Bukod sa sobrang gwapo ko ay puro babae na lang ang nakikita ko. Walang araw na walang lumalapit sa akin at nagbibigay ng regalo. Seriously? Dapat galawan namin 'yun pero sila ang gumagawa. I know, I'm too hot pero marunong parin akong rumespeto. *smirk*

Inayos ko ang magulong buhok ko ng makita ang pakay ko. Paalis na siya ngayon at hawak ang mga pinamili. Iba't-ibang klase ng mga brand.

Lumapit ako sa kaniya. Nang hindi niya maramdaman ang presensiya ko ay saka ako tumikhim. Inangat niya ang ulo at nagtama ang tingin namin. Kumunot ang noo niya.

"Hatid na kita." Aya ko. Akmang kukuhanin ko ang dala niya pero nilayo niya iyon sa akin.

Nakataas ang kilay niya. "May sasakyan ako."

I smirked. Nagsinungaling pa.

"Naiwan sa MU, right?"

Kita ko ang inis sa mukha niya at ang pag-iwas ng tingin. Gotcha! She's lying. Alam kong naiwan sa MU ang sasakyan niya ayon kay Dreck na tinawagan ako kanina. Para raw dagdag sa panliligaw ko ay ako ang kukuha sa sasakyan niyang naiwan dun.

Hindi siya nagsalita kaya gumawa ako ng mabilis na galaw para maagaw ang mga dala niya. Nabigla siya.

"Hey, I can handle myself!"

"Na-ah!" Tumalikod ako at pumunta sa motor ko kung saan ko pinark. "Ihahatid na kita."

"What the! Really? Diyan sa motor mo? Are you kidding me?" Hindi siya makapaniwalang tumingin sa motor ko.

"I'm not. Tsaka, anong masama sa pagsakay ng motor?"

"I-I--"

"First time?" I smirked when he nod, ashamed. "Don't worry, I'll be gentle."

"Hell no! Ayokong sumakay diyan."

"Whoa! Ang sungit mo ata ngayon."

Nawala ang inis sa mukha niya at nag-iwas na naman ng tingin. "Marunong ka ba talaga?"

"Of course, baby. I have licensed!"

"O-okay."

I smiled. Thanks to Athena, magagawa ko na rin ang Plan A.

****

I raised my one brow as we stopped. Tumingin ako sa kaniya na nakatayo na at hawak ang mga pinamili.

"Henry's house?" I asked her. "Dito ka nakatira?"

"Halata ba?" Naiinis niyang sagot.

Hindi na ako nagsalita dahil biglang bumukas ang malaking gate. It's Henry. Ngumiti ako sa kaniya habang masama ang titig niya sa akin. Lumapit siya kay Julia.

"Where have you been?"

"W-window shopping."

Henry staring at me. "With that guy?"

"N-no---"

"Nakita ko lang siya, dude. Ba't ba ganiyan ka?" Singit ko.

Tumaas ang kilay niya at lumapit sa akin. "Siguraduhin mo lang, Gates. Kung hindi, ako makakalaban mo."

"Easy! Hahaha, huwag kang mag-alala, Reinhart. Seryoso ako." I grinned.

"F*ck you."

"Hindi tayo talo, uy."

I smirked as he staring at me like I'm an enemy of him. Lumingon siya kay Julia at sinenyasan itong pumasok. Tumingin ito sa akin so I winked. Mabilis akong umalis ng makitang para na akong papatayin sa tingin sa akin ni Henry.

ATHENA'S POV

"Hi!" I greeted Julia as she enter the house.

We were on the house of Henry. Matapos kong malaman kay Henry kanina ang nangyari ay gusto ko agad na bumisita kay Julia. I want to know if she's okay now, kamusta ang pakiramdam niya.

Lumapit ako sa kaniya at mahigpit na niyakap siya. Hindi ito yumakap pabalik, siguro ay nagtataka. Kumalas ako at nginitian siya.

"Nabalitaan ko ang nangyari. Are you okay?"

Wala sila Ate Heart at ang magulang nila ngayon. Sabi ni Henry ay hinatid daw si Ate Heart at Kuya Olive sa airport. Hindi na sumama pa si Henry dahil binantayan niya si Julia. Late na raw silang natulog kagabi kaya ang buong akala ni Henry ay tulog pa si Julia.

Kanina nga ay halos mabaliw si Henry sa paghahanap sa pinsan. Kaya sinabi ni Dreck na baka magkasama si Oliver at Julia ngayon. Doon siya nahimasmasan pero nandun ang galit sa mata ng malaman na si Oliver ang kasama.

"I-I'm fine. What took you here?"

"Nagdala ako ng pagkain." Inaya ko siyang pumunta sa kusina. "Gusto kong matikman mo ang mga luto ko."

"W-why?"

"Kasi kaibigan kita?"

"O-okay."

Umupo siya at nagsimulang kumain. I cooked adobo, kare-kare, at ang paborito ni Dreck, pork sausage. Nagdikit ang dalawang kamay ko ng tikman niya lahat. Her eyes widened.

"Masarap?" Halos hindi ako makahinga ng tumango siya, paulit-ulit. Napatalon ako sa saya. "Really? OMG! Kaibigan na talaga kita." Niyakap ko siya.

"Hehehe, especially this pork sausage. I love it!"

"Pareho pala kayo ni Dreck! Paborito niya rin niyan."

Nabilaukan siya. Tumakbo ako sa ref at kumuha roon ng malamig na tubig at binigay sa kaniya. Umubo siya ng umubo habang tinanggap 'yun.

"Okay ka lang? Hindi ba masarap? Akala ko ba gusto mo?" Sunod-sunod kong tanong.

Nang mahimasmasan siya ay saka siya ngumiti sa akin. "I-I love it. Nabigla lang ako."

"Saan?"

"Nothing." 

Nagpatuloy siya sa pagkain. Umupo ako sa harap niya at nakangiting hinarap siya. Nag-iwas siya ng tingin na parang nahihiya sa akin.

Napawi ang ngiti ko ng maalala ang nangyari sa kaniya kahapon.

"Hindi ka ba nila ginalaw kahapon? Dreck reported them, right? Who are they?"

Hindi siya nakasagot agad. Uminom siya ng tubig saka mabilis na nilagok iyon. "Hindi ko sila kilala. And thank you for your concern, I'm totally fine. Nothing to worry."

"Oo-kaay. Hehehe, I want to treat you as my sister. Henry told me na only child ka lang."

"Yeah," tanging nasabi niya at bahagyang lumungkot ang mukha.

"Tell me more about you."

"GUYYYYSSSSS!"

Isang matalis na boses ang umalingawngaw sa paligid. Sa tinig pa lang na 'yun ay alam kong si Yeisha 'yun. Wala akong duty ngayon as well as si Oliver. It's Saturday. Si Dreck at Henry naman ay nasa balcony ngayon. Pinag-uusapan ang tungkol sa pinupulong nila kahapon.

Tumayo ako at sinalubong ng yakap si Yeisha.

"What are you doing here?" I asked. I didn't texted her na pumunta dito. Oh, may kailangan pa pala siyang sabihin sa akin. Kung anong nangyari kagabi.

"Pumunta ako sa bahay niyo pero wala kayo kaya sinubukan kong pumunta dito." Bumaling ang tingin niya kay Julia. "Anong ibig sabihin nito?"

"Nabalitaan ko kasi ang nangyari kahapon sa kaniya kaya binisita ko lang."

"How sweet, pwede ka ng maging Ate niya." Sarcastic tone.

"Yun nga gusto ko, e."

Ngumiwi siya. "Whatever, Athena."

Iniwan niya ako at tumabi kay Julia. Bumati siya rito at inagaw ang pagkaing dala ko. Lumapit rin ako sa kanila at tiningnan silang dalawa.

Kukuhanin sana ni Julia ang kare-kare kaso hinawi ni Yeisha ang kamay nito.

"Akin 'to." Sabi niya. Walang nagawa si Julia kundi ibigay 'yun.

I sighed. Ayaw ni Yeisha ang agawan siya.

"Yeisha, dinala ko 'yan para sa kaniya." Saway ko dahil mukhang balak niyang ubusin lahat 'yun.

"Shut up, Thens. Masama ang pakiramdam ko ngayon kaya huwag mo kong pagsabihan."

"At bakit naman?" Nakapamaywang kong tanong. Nakita ko si Julia na uminom ng tubig at tumayo.

"Bwesit talaga na lalaki 'yun. Makakaganti rin ako." She whispered.

Hindi ko iyon pinansin dahil tinuon ko ang tingin kay Julia na papalabas na ng kusina. Maybe, mamaya ko na lang si Yeisha kakausapin tungkol sa problema niya. Doon kami mag-uusap kung saan relaxing.

"Julia, wait!" I shout. Lumingon siya sa akin na nakataas ang dalawang kilay. "Sama ka sa amin mamaya."

"Saan?"

"Sa salon!"

"Athena!" Singit sa amin ni Yeisha, masama ang titig niya sa akin.

Bakit ba ang sama ng loob nito kay Julia? Ayaw niyang pakisamahan ito.