Chereads / Athena's Married Life / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Athena's POV

HEART'S HOUSE (5:45 PM)

"Masarap?" Bungad sa akin ni Ate Heart. Ate siya ni Henry. Nasa mid-26 ata siya. Ka-age ko lang kasi si Henry, e. Umupo siya sa kabilang side ng sofa nila. Kagagaling niya lang sa pagligo dahil sa tuwalya sa ulo niya.

"Anong masarap?" Maang-maangan ko at umiwas ng tingin.

"Sus nahiya pa!" Tumabi siya sa akin. "Ano nga, anong feeling?" Niyugyog niya ko. Grabe ha!

"Feeling inosente, a." Sarkastiko kong sabi.

May asawa na kaya 'tong bruha. Yung Kuya ni Oliver, si Kuya Olly. Tss. Magdadaberkads kasi kami kaya dito rin namin nakilala ang magiging forever namin. Charot.

Huwag kayong KJ, naniwala talaga ako sa forever. Since I found him. Oh yeah!

Si Kuya Olly at si Ate Heart, mag-asawa na sila noon pa man. 3 years ago na ang lumipas. Si Henry? Ewan ko dun. Wala 'yung jowa, e. Workaholic kasi. Pero guess ko na may gusto sa kaniya si Yeisha. Kaibigan rin namin. Si Oliver naman, ewan ko sa playboy na 'yun. Basta kung sino ang mabingwit niya jojowain agad.

Umirap siya. "Tss, magkaiba kasi tayo, e. Kaya tinanong kita kong masarap ba."

"Alin?" I asked. Hindi ko siya maintindihan.

"Magka-iba tayo ng holen!"

"Holen?"

"Tss, bahala ka nga diyan. Ang slow mo."

Napangiwi ako. "Whatever, Ate Heart." Walang gana kong sinabi. Hindi ko siya maintindihan.

Hindi ko maintindihan ang holen.

She rolled her eyes on me. "Bakit ka nga pala nandito?"

Ah! May reason pala ako kung bakit ako nandito.

"Ahm Ate Heart. I need advice."

Siya naman ngayon ang ngumiwi. "Advice?" Ulit niya. I nods. "Oookaay. Sa kwarto?" Yaya niya.

Heart's POV

"So? Anong problemo mo at may pa-advice-advice thingy ka diyan?" I asked her.

I'm Heart Reinhart Plateen, 26 young of age. One of Athena's friend. Wala pa kaming anak ni Olly because we've been focusing on work. Isa akong den ng school kung saan nagtuturo sila Dreck at ang kapatid ko.

She took a deep sigh. "I want baby."

"Edi gumawa kayo, mahirap ba 'yun?" I grinned. "Ginawa niyo na nga pala. So I guess, baka may mabuo."

Pero para sa akin lang, gusto ko munang mag-adventure together with her husband para naman ma-enjoy nila ang buhay mag-asawa. Nandiyan naman lagi 'yang sperm, e. Hihihi.

"Eh si Dreck kaya, is he ready for this?" She asked worriedly.

I rolled my eyes. "Aba'y oo!" Magpapakasal ba 'yun kung hindi siya prepared kapag usapang bata?

"Really?" Her eyes sparkling. "Pero siguro wag muna ngayon. Gusto ko munang maging asawa niya talaga. Yung siya lang ang p-problemahin ko. I mean, hindi naman problema ang baby. Though, I love baby but si Dreck muna."

"I understand. Ako nga, e nag-t-trabaho ng maayos para someday, I can give my child a better future. Yung hindi niya maranasan ang paghihirap namin ni Olly noon."

Marami rin kaming pagsubok ni Olly. One of it, is ang family budget. Kaya naman naming bumili ng mga gusto o pangangailangan namin pero may mga oras kasi na independent kami ni Olly. Na-i-intindihan ko naman siya dahil katulad ko rin ay may pangangailangan siya for his self.

So, kapag nagkaanak na kami ay kaya namin ni Olly mabigay ang lahat ng gusto ng bata. Kaya nga inuuna namin ang trabaho, e. Pero may bonding naman kaming dalawa.

"Thanks for the advice, wala akong natutunan." Sabi niya saka tumayo. Tumunog kasi 'yung cellphone niya at siguro asawa niya 'yun. "Dreck texted me at pinapauwi niya na ako. Anubayan! Ang aga pa kaya." She pouted.

"Whatever. Starting now, maging masanay ka ng strikto ang asawa mo." I chuckled. "Hindi ka na dalaga, uy."

"Tss, sana pala kay Yeisha na lang ako pumunta. Wala kang kwenta, e."

"Wala ka rin namang sense kausap."

We laughed. Ganito talaga kaming magkakaibigan. Yung hindi kami sweet sa isa't-isa. More on lait kami but hindi namin 'yun siniseryuso. Tinatawanan lang, ganun!

Humiga ako sa kama ng maka-alis na si Athena. She's so innocent talaga. Kaya nga mahal na mahal 'yun ni Dreck, e.

FLASHBACK

Bored akong naka-upo sa hidden room namin nila Dreck dito sa Academy. May lumang classroom dito kaya aming nilinis para may silbi naman. Kapag walang prof namin, dito kami tumatambay.

"ATE HEART!"

Napatayo ako ng may tumawag sa pangalan ko. It's Dreck. Ano kayang kailangan ng batang 'yun? Henry told me na may klase sila ngayon.

"Anong kailangan mo, baby boy?" I asked when he entered. Napakunot ang noo ko ng makitang may kasama siyang babae. "And, who is that girl?" Turo ko sa babae.

Ngumiti siya ng malapad na halos kitang-kita ko na ang buong ngipin niya. May something din sa mata niya na hindi ko nakita noon sa kaniya. Sparkling? Parang in-love?

Inakbayan niya ang dalaga. Nag-alinlangan man ito dahil mukhang hindi sanay. At parang nahihiya rin sa akin. What an innocent!

"Si Athena nga pala. Girlfriend ko." Pakilala niya. Tumingin siya sa dalaga. "Babe ko, siya si Ate Heart, kapatid ni Henry."

Ngumiti siya sa akin. I smiled back. Hmm, I like her.

"Hi, I'm Athena Alonzo. Nice meeting you." She shyly introduced. Inilahad niya ang kaniyang palad.

I accept it. "I'm Heart Reinhart. My name and my last name sounds weird but don't mind it. You can call me Ate Heart, anyway."

Inalok ko siyang manood ng movie. Yeah, may TV dito. Boring daw kasi sabi ni Olly. Nakakainis nga, e. May sayad ata sa utak ang lalaking 'yun. Puro porn ba naman ang naka-save. Manyak niya!

I off the television dahil mukhang hindi siya interesado. "May klase ba kayo ngayon?" I asked. Kasi ako wala.

Umiling siya. "Absent si Sir."

"Ookayy. So, how did you meet?"

"Ahm, sa classroom?" Patanong niyang sagot. Huh? I heard she take an Ob-Gyne. Ang layo ng Education sa quarter nila. Tamad si Dreck maglakad.

Tumango na lang ako. "Ilang month na kayo?"

"One?"

"When?"

"Kanina lang."

Oww. Nadako ang tingin ko sa kamay niya. She's wearing a ring. An engagement ring!

Naalala ko kahapon si Dreck. Nagpupumilit siyang isama ako sa mall. May mahalaga daw siyang bilhin. Pagrating namin sa mall, he bought a ring. And it cost, half million!

Bakit pa nga ba ako mabibigla. Dreck came from a wealthy family. Lahat kaya niyang bilhin. Except sa ticket na pinapangarap niya. Naubusan siya, e. Hahaha.

"Engagement ring?" Tanong ko na nasa kamay parin ang tingin.

Umiwas siya ng tingin at napakamot ng ulo. "S-si D-dreck, regalo niya raw."

"Is he proposing you?"

Mabilis siyang umiling. "Hala, hindi po! Bata pa kami at wala pa sa utak ko ang ganiyang bagay." Sagot niya. Namula ang kaniyang pisngi. "A-ano, isasauli ko na lang kaya?"

"What? Binili 'yan ni Dreck para sa'yo dahil mahal ka niya." I hold her hand where the ring was. "He loves you." Nakikita ko 'yun sa mga mata ni Dreck.

Katulad noon kay Yeisha..

"Is he?"

I nods. "Obviously."

"I hope so."

I stared her. Nagtaka naman siya. "Are you too--" pinasingkit ko ang mata ko.

"We what?"

"Sex?"

Napa-ubo siya kahit wala namang ininom.

"H-hindi! H-hindi pa?"

I burst in laughed. "Hindi pa? So may balak kayo?"

"Wala! Saka na pag-ikakasal kami." Mabilis niyang sagot. "Bata pa kami."

Yeah, bata. Wala pa sa edad nila. At wala rin sa edad namin ni Olly ang gawin ang bagay na 'yun. Pero it's too late. Tapos na. Nakuha na niya ang pinaka-importanteng bagay sa akin. Sana lang hindi malaman ni Henry. Sana lang kaya niya kong panindigan.

"Masarap."

"Ang?" Nabuhayan ako sa tanong ni Athena. Shit! May sinabi ba ko? Hell!

"Oh nothing. Nevermind."

"Okay." Sandali siyang tumigil. "Pero sabi ng Uncle Jeff ko, hindi raw masarap ang sex."

"Pffft! Why?" Pinigilan kong hindi matawa. May problema ba ang Uncle Jeff niya kapag usapang sex?

"Ewan. Lalo na't hindi niyo raw mahal ang isa't-isa."

Suddenly, I stopped. Natamaan yata ako.

"Siguro."

END OF FLASHBACK

Though, Olly loves me. Sabi niya sa akin noon na bakit daw niya kukunin ang bataan ko kung hindi niya ko mahal. So on, naging kami. Hindi rin ako nabuntis noon according to my calendar method.

Usapang Drec, hindi ko akalaing sa isang inosenteng babae lang pala mahuhulog ang isang maharot na lalaking 'yun.

Sana nga lang walang hahadlang sa dalawa. Mananatali ang pagmamahalan nila 'till forever.

May forever daw kasi sabi ni Athena. Hay naku!

Phone ringing...

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang tunog ng cellphone ko. Sino kayang tumawag sa akin? Either two lang naman 'yun, e. Una, ang gwapo kong asawang pinaglihi sa isang kabute. Pangalawa, ang gwapo kong kapatid na sobra namang seryuso.

And guess?

Si Henry nga.

"[Ate? Ate? Hello?]" Bungad niya.

Teka...

Bakit ang ingay sa kabilang linya?

"Hey dude, what's up? Saan ka? Ba't ang ingay diyan?" Syempre bilang ate, kailangan medyo strict ako sa kapatid ko kahit ang tanda na nun.

Natagalan bago siya sumagot. "[Ate, si Julia..]"

Napatayo ako at napahawak sa sariling noo. Ano na namang kagaguhan ang ginawa ng babaeng 'yun? Jusko!

"Anong nangyari? Saan kayo?"

"[Nandito kami sa Violet's Bar. Fuck! Julia, calm down!]"

Shit! What's happening?

Henry's POV

"Nandito kami sa Violet's Bar. Fuck! Julia, calm down!" I shout.

I hold her wrist and drag her out of the bar. Kababaeng tao nakikipag-suntukan sa lalaki! Buti na lang hindi pumatol 'yun. Tsk.

"Ate? Ate?" Tawag ko sa kabilang linya.

Bwiset na buhay naman 'to, oh! Ang ayoko sa lahat ay ang maiingay na mga lugar. Kung hindi lang sana malikot 'tong pinsan ko, edi sana nasa opisina ako ngayon. Aish!

"[Henry? Henry, dumiretso ka sa condo niya. Pupunta ako dun. Ano bang nangyayari sa babaeng 'yan, tss.]"

Pinasok ko sa kotse ko. And like what Ate Heart said, diniretso ko siya sa condo niya.

I looked at her. Nakapikit na ang mga mata pero panay hum pa din.

Si Julia ay pinsan namin. 'Yung mother niya ay kapatid ng ina namin. Kaso namatay si Tita Judy kaya sa amin siya binilin.

Si Ate Heart naman may sariling pamilya na, sila mom and dad ay nasa business kaya wala akong magawa kundi bantayan siya. Araw-araw dito ko siya sinusundo, lagi siyang umiinom, at nakikipag-basag-ulo. Buti na lang talaga para naring kapatid ang tingin ko diyan. Tss.

"Kuya, please, pabayaan niyo na ko." Wika niya. Nakadilat na ang mga mata pero namumungay na. Lasinggera 'to, e.

"Shut up, Julia. Matulog ka na."

"Kuya--"

"Just sleep!"

Sinigawan ko na siya. Ang likot.

Simula nung mawala si Tita, nagsimula na siyang rumebelde. Naging bitter at lahat kaaway. Kung hindi sa bar ay sa kwarto ko siya madadatnan. She almost committed suicide. Buti na lang naka-abot pa ko nun. Naka-inom narin siya ng poison, buti naagapan. Talagang matigas ulo nito. Nagmana sa ina.

Napasabunot ako ng buhok ko ng marinig na humikbi siya. I stopped my car.

"Shit! Julia, Julia, please stop crying." I hugged her. Ito lang ang nalalaman ko para patahanin siya.

"Kuya, hindi ko na kaya." Hikbi niya. "I'm useless!"

"Shh, don't say that. I'm here, babantayan kita, okay?"

Tumahan siya. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakatulog narin siya. I sighed.

Salamat naman.

Athena's POV

It's almost 8:45 pm nang maka-uwi ako ng bahay. After ko kasing bumisita kay Ate Heart ay dumiretso ako sa mall para bumili ng mga grocery. Syempre nagpaalam ako sa asawa ko.

Nagtaka naman ako ng makitang walang ilaw ang bahay. Where's Dreck?

I open the door. Nang buksan ko na ang pinto ay bumungad agad sa akin ang isang dim light. I bite my lips. Patibong na naman!

Nilagay ko sa lamesa ang binili ko at dumiretso sa taas.

May mga rosas ang hagdan. Sinundan ko 'yun hanggang sa narating ko ang kuwarto namin. Dahan-dahan ko itong binuksan, at nakita kong nagkalat ang mga rosas sa loob ng kwarto.

Then, I saw my husband. Nakasuot lang siya ng boxer at nakangiting tumingin sa akin. Nakahiga siya sa kama.

Jhon Dreck....

"You're a jerk." I murmured. Ngumisi siya at lumapit sa akin.

"Hey babe," he kissed me. Agad naman akong nag-respond. Eh sa masarap, e. Hihihi. "Ang tagal mo." He said while kissing my neck.

"Maraming namili. Ohh." I moaned.

"Ang bango mo, babe ko."

"Tch---waahh! John Dreck!" Hiyaw ko. Aba ang gago tinulak ako.

"You call me jerk, babe." He smirked at lumapit sa akin. Ngayon, nasa ibabaw ko na siya. God! Hindi pa ko naligo! "Ito ang parusa mo." Hindi pa ako nakakontra, mabilisan niyang inangkin ang labi ko.

Araw ng trabaho.

"Yow." Bungad ng kung sino sa likod ko. Nang tingnan ko ito ay mukha agad ni Oliver ang nakita ko. Ngumiti ako. "Isang linggo off mo, a."

Sabay kaming naglalakad. Magkatapat lang din naman ang office namin. Katulad ko, Ob-Gyne din siya. At paano siya naging Ob-Gyne? Dahil daw sa akin. Wala raw akong kasama kaya heto siya. Bestfriend means.

"Bored sa bahay." Sagot ko.

Napangiwi siya. "Bored? Dalawang araw niyo pa nga lang bilang mag-asawa, a."

"Live-in na kami noon, Oliver."

"Yeah, yeah. Tss." Huminto ako sa paglalakad ng may nilahad sa akin ang isang nurse para pirmahan ko. "Narinig mo 'yung issue?"

"Good morning, Mrs. Parker." Bati nung nurse. Nakalimutan ko pangalan niya.

Wew, sarap naman sa pandinig ang tawagin ako sa bago kong apelyido.

Ngumiti ako at saka nagpatuloy kami sa paglalakad. I looked Oliver.

"Issue? Kanino?"

"Kay Henry."

Nasa tapat na ako ng office namin. "Oh? Anong meron kay Henry?" Wew! Ngayon lang ako nakarinig ng issue tungkol sa lalaking 'yun.

"Spotted siya sa bar kagabi."

"Talaga? First time!"

Tumawa kami. Sino bang hindi mabibigla. Isang Henry Lath Reinhart ay pumunta sa bar. E sa tahimik 'yung tao at mas gusto sa tahimik na lugar. Mag-p-party kami!

"May babae pang kasama." Wika niya.

Babae? Si Henry? Weh?

"Unbelievable. Si Henry? Paano?"

"Dunno."

Inirapan ko siya. "Che!" Walang kuwenta. Akala ko may mahahalap akong balita.

Pumasok na lang ako sa loob.