Dreck's POV
Hinilot ko ang sintido ko habang naka-upo sa opisina ko. I'm a professor sa dati kong pinag-aralan. Sa Malaya Academy.
Hindi parin ako maka-get-over sa nangyari kagabi. Hindi kami nag-sex, tss.
FLASHBACK
"Babe?"
Napahinto ako sa paghalik sa leeg ng asawa ko ng tawagin niya ko. Malapad pa ang ngiti ko dahil sa tawag niya sa akin. Babe.
"Hmm?" I hummed. Bumalik ako sa paghalik sa leeg niya pababa.
Rinig kong suminghap siya. Kaya mahal ko 'to, e. Bukod sa inosente, mabait pa. Yung tipong kahit hindi maganda basta mabait. Pero si Athena, both siya. Maganda at mabait pa.
"Baby?"
I stopped. "Baby?"
Anong baby ang sinasabi niya? Babe ang endearment namin hindi baby!
"No, no! Mali ka ng iniisip." Sabi niya na parang nababasa ang nasa utak ko. "I mean, baby. Baby! Anak. Baby natin."
Sandali akong tumigil at umalis sa ibabaw niya. Tumabi ako sa kaniya at tumingin, kasabay ng matamis na ngiti sa mga labi.
"I love babies, babe ko." I kissed her cheeks. "I love you too."
"You do?"
"Of course! Sino bang ayaw sa mga bata. You too, right?"
She take Ob-Gyne because she loves baby. At ako? Oo naman! I also love baby! Kaya nga pinakasalan ko na siya. Dahil mahal ko siya at ang magiging bunga sa pagtatalik namin.
"Yeah, pero do you think, ready na tayo dun?"
"Anong dun?"
"Sa level kung saan magkakaroon tayo ng anak."
"Syempre! Yan nga ang pangarap ko babe."
"Talaga?" Mahina niyang sambit.
"Bakit?"
"Ahm, w-wala."
Napansin ko ang pagiging tahimik niya. Bakit? Ayaw na niya ba ngayon sa mga bata? Kasi ako, ready ng magkaroon ng anak. Handa na kong maging ama. Someone who called me dad or pa.
"How about you, babe?" I asked. Taka siyang tumingin sa akin. "Handa ka na bang magka-baby?"
"Y-yes. P-pero --"
"Pero?"
"Pero gusto kong ikaw muna." Patuloy niya. "Ikaw muna ang aalagaan ko, aasikasuhin ko. Yung tipong i-enjoy muna natin ang pagiging mag-asawa."
I disappointed nod. "I understand."
"Galit ka ba?" Lumapit siya sa akin at sumandal sa dibdib ko. "Gusto ko naman ng mga baby, e. Pero ikaw muna. Ikaw muna, babe."
"I'm not. Naiintindihan kita."
"Talaga? Promise?"
"Yeah." I kissed her forehead. "Goodnight, I love you."
"Babe?"
Tumagilid na ko ng higa.
END OF FLASHBACK
Hindi ako galit sa kaniya. Disappointed lang talaga ako. Hindi ko alam kung masyado lang bang maaga para magkaroon kami ng anak o hindi niya kaya.
Naiintindihan ko naman siya kasi nga gusto niya ako muna. Pero as her husband, maiintindihan ko naman siya kung mas bigyan niya ng pansin ang anak namin. Ayos lang sa akin na hindi na niya ako maalagaan kasi magkakatabi naman kaming matulog, spending each other time. We can hire a baby sitter kung gusto niya.
"Ang lalim ng iniisip natin, a." Nabigla ako sa biglang pagsulpot ni Henry.
Hinilot ko ang noo ko dahil sumasakit ang ulo ko. "Anong kailangan mo?"
"May ipapakilala lang ako. Bago kong sekretarya."
"Si Yeisha?"
"Tsk. Tumigil ka nga diyan."
As far as I know, Yeisha secretly in love with him. Si Henry lang talaga ang tanga at hindi niya napansin ito. Ewan pero parang pinagsawalang bahala niya lang.
Okay lang din naman sa akin na magkagusto si Henry sa kaniya. I already have Athena. Hindi na big deal sa akin na ex ko si Yeisha. Tutal kaibigan na lang kami at hanggang doon na lang ang turingan namin.
"Bigyan mo naman ng atensiyon si Yeisha, Henry. Halos ayaw niya ng magturo para lang mapansin ka pero binasted mo parin."
"I'm busy, Dreck. Tsaka I don't have time for that f*cking love."
"Watch your words. Nasa school tayo."
Ang ayoko sa lahat ay ang makarinig ako ng mura. Ang langyang pakinggan. Hindi makatao.
"Yeah, yeah." He waved his hand. Tumalikod siya na parang may hinahanap. "Julia, Julia! Come in!"
Mula sa labas ay may pumasok na isang babae. Maputi ito at hindi mo matatangging maganda. She has a sexy and slim body, a fierce eyes who fit her, and long legs. Her hair is blown.
Napaubo ako sa iniisip ko.
May asawa ka na, Dreck! And Athena is more prettier than her. Walang mas lalamang sa kagandahan ng asawa ko. That's it!
Tumigil ito sa tabi ni Henry. Mas malapit lalo siyang gumaganda. But when I stared at her, she leer. Tsk. Pero familiar siya sa akin. Parang nakita----oh! Siya 'yung babaeng kinaladkad papaalis ni Henry nung kasal namin ni Athena.
I looked Henry, wondering.
"She's Julia Reinhart. My cousin and my new secretary." Pakilala niya.
Wala itong reaksiyon ng tingnan ko ito. Nagtama ang tingin namin, she kinda nervous. Para din siyang naiilang.
"Nice to meet you, Julia." Nilahad ko ang kamay ko. "I'm Dreck, Henry's friend."
Magdadalawang-isip siya bago niya tinanggap ito. Nagtaka ako ng madali man lang niyang binawa ang kamay niya. Hindi pa kami nakapag-shake-hands. Oh whatever.
Henry excuses. Bumalik ako sa pagkaka-upo saka pinagmasdan sila. Henry offer her a office. Magkatapat kami. Umupo siya dun saka ako binalingan ng tingin. Ngingiti na sana ako ng umiwas agad siya.
May pumasok sa facility namin.
"Sir Parker, Grade 12 Mercury is waiting for you." It's Ms. Murray.
"Shut it, Yeisha. Ang formal mo."
"It's my job." Tumawa siya. Tumingin siya sa gawi ni Henry. As always, nagpapanggap na naman itong may ginagawa sa laptop niya. Napansin niya ata ang babae. "Is that Julia?"
"You know her?"
"Yeah, all about Henry."
I chuckled. "Tsk, stalker ka na pala."
"Sa kaniya lang."
Hindi ko maiwasan ang magtaka ng makitang hindi man lang siya ngumingiti kay Julia ng tingnan siya nito. Instead, Yeisha rolled her eyes.
"Henry!" Yeisha shout. Tumingin sa kaniya si Henry, naiinis. "See yah, later."
"May gagawin ako, Yeisha." Tugon niya.
"Maghihintay ako."
"No need. Kakain kami sa labas ng pinsan ko."
"Sasama ako." Lumingon siya kay Julia. "Papayag ka naman siguro, right Julia?"
Julia nodded. Nabigla sa kaniya si Henry.
"It's okay." Malumanay nitong tugon. Julia has a soft tone.
"Good." Si Yeisha. "Bye Henry." Nang-aakit nitong paalam.
Nang makalabas kami ay saka siya tumawa.
"Hahaha! He deeply sighed, Dreck. Nakakatawa talaga ang reaksiyon ng Henry na 'yun."
Athena's POV
"Haaayyy." Pabagsak akong umupo sa silya.
Kakatapos ko lang sa trabaho. May kahinaan ang ina kaya we take her a cesarean section. Medyo napagod ako dun dahil triple kids. Grabe! Ano kayang feeling ng tatlo ang anak sa loob?
Biglang bumukas ang pinto. Si Oliver. Nakasuot parin siya ng surgical gown. Noon ay ako ang nahihiya para kay Oliver ang maging Ob-Gyne. Minsan nga ay may nakasuntukan pa siya dahil sa trabaho niya. Pero sabi naman ng mga pasyente na hindi na nila iniisip kung lalaki man ang magpapa-anak basta ang mahalaga ay ang mailuwa ang bata. Pfft.
"Mukhang napagod ka." Panimula niya saka umupo sa tabi ko.
May malaking sofa sa office ko. May isa ring kama kung sakaling dalawin ako ng antok, may frame namin ni Dreck. At 'yung wedding picture namin ay balak kong ilagay dito pero hindi pa dumating.
"Hindi mukha, pagod talaga ako."
"Lagi naman, e."
"Tsk."
Muli kong naalala ang nangyari kagabi. Nagalit kaya siya? Masama kaya ang loob niya dahil sa sinabi ko? Hay. Ang dahilan kasi sa ayoko pang magkaanak ay ang nangyari noon sa Uncle ko. Kahit kasal na sila ng babae ay iniwan parin ito. Dahil sa sakit na naranasan ni Uncle ay iniwan niya ang bata sa charity. Kahit labag sa kalooban niya.
"Anyare sa mukha mo?" Tanong niya.
Nagtaka ako. "Bakit? Ano bang meron sa mukha ko?" Kinuha ko ang salamin. Nang makitang walang dumi ay saka siya tinitigan ng masama. "Wala namang dumi, a."
"May sinabi ba kong madumi?"
"E bakit nga?"
"Ba't ang lungkot mo?"
I sighed. Pinaglalaruan ko ang kuko ko at napasimangot. "Para kasing galit sa akin si Dreck."
"Bakit? Nag-away kayo? Kakakasal niyo lang."
"Nag-usap kasi kami kagabi tungkol sa pagbubuntis." Hindi siya nagsalita. Hinihintay ang susunod kong sasabihin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Hindi pa ko ready."
"Oww, akala ko ba gusto mo ang mga bata?"
"Yeah, pero hindi ba masyadong maaga?"
"24 kana, Athena. Hindi ka na bata."
"Oo nga, p-pero wala pa kaming alam."
"Edi gumawa kayo para matuto."
Oliver is like a brother to me. Kahit anong problema ko kaya niyang bigyan ng solusyon. Kahit ganitong usapan hindi na ako nahihiyang sabihin sa kaniya. Wala narin kasi akong ibang kausap pa. Si Ate Heart, busy sa asawa, si Yeisha busy kay Henry.
"Oliver.."
"Maliit lang ang problema niyo pero pinapalaki mo."
"Am I?"
"Oo."
Tumayo ako. "Is he ready for kids?" Nanlaki ang mata niya at umiwas ng tingin. Nagtaka ako. "Okay ka lang?"
"Ah o-oo. Ahm, t-tinanong mo naman s-siguro siya t-tungkol diyan d-diba?" Patuloy parin siya sa pag-iwas.
Anyare?
"Oo. Handa na siya."
Napahawak ako sa tiyan ko. Masakit.
"Athena.." tawag niya na hindi sa akin ang tingin.
"Oh?"
"M-may a-ano m-may t-tagos ka."
"Huh?"
"May tagos ka." Mabilis niyang sinabi. Mabilis akong tumakbo sa CR saka tiningnan. Shit! Meron nga.
Nakalimutan ko ang buwanang regla ko! Buti na lang at kumpleto ang sanitizer ko. Kumuha ako ng isang napkin. Kaya pala sumakit tiyan ko. Aish!
***
Nandito parin si Oliver ng makalabas ako. Nakapagpalit na rin ako ng damit. Nahihiya pa 'ko ng kaunti dahil siya pa ang nakakita ng tagos ko. Nakakahiya!
"W-wala ka na bang gagawin?" Tanong ko.
Umiling siya. "Maaga akong aalis."
"Bakit?"
"May susunduin lang."
"Sino?"
"Nakita ko siya nung araw ng kasal niyo." May ngiti sa mga mata niya. Parang inlove ang loko. "Ang ganda niya, grabe."
"Sino nga?" Pangungulit ko.
Unang beses na makita ko ang saya sa mukha ni Oliver. Isa siya sa mga mahilig magpa-iyak ng babae at wala siyang balak magseryuso pero ng makita ko siya ngayon ay nagtaka ako. Gusto kong makilala ang tinutukoy niya.
"Sa susunod ko na sasabihin." Aniya. Ang daya. "Suplada siya at 'yun ang gusto ko sa kaniya. Saka ko na lang ipapakilala kong magiging akin na talaga siya."
"Good luck."
Dreck's POV
Maagang natapos ang klase ko. Malapit na rin kasi ang exam kaya mas focus sila sa pag-re-review. Ang saya nga dahil kaninang papasok ako ay binabati nila ako tungkol sa kasal.
Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko si Julia. Marami siyang dala kaya nahihirapan siya. Mga papeles at nagpatong-patong na folder. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang iilan. Nagulat pa siya nung una dahil sa pagsulpot ko.
"Kaya mo ba?" Tanong ko.
Si Henry talaga. Ang liit ng katawan ng tao pero ganito kabigat binibigay.
"O-oo." Naiilang niyang tugon. Babawiin niya sana ang kinuha ko pero pinigilan ko.
"Tulungan na kita."
"H-huwag na, kaya ko." Muli niyang binawi.
"Talaga?"
Tumango siya. Binigay ko sa kaniya ang mga papel. Tiningnan ko siya habang papa-alis. Hindi pa siya nakakalayo ng may nabangga siyang estudyante. Napa-iling ako saka lumapit sa kaniya.
"I told you." Tinulungan ko siya. Sinenyasan ko ang estudyanteng umalis na. "Saan ba 'to dadalhin?"
"S-sa f-fourth floor."
"Sige."
Athena's POV
Papasok kami ngayon ni Oliver sa Malaya University. Nagkasabay na kaming pumunta dito dahil dito rin ang punta niya. Sabi niya ay dito raw nag-t-trabaho ang gusto niyang tao ayun sa nakita niya ito kanina ng ihatid niya si Yeisha.
Ngumingiti sa amin ang iilang estudyanteng makikita namin. Ang iba naman ay kinikilig pa ng makita si Oliver.
"Ang ganda talaga ng asawa ni Sir Dreck."
"OMG! Ang hawt ng kasama ni Mrs. Parker."
"Kyaaahh."
Nagkatinginan kami ni Oliver at sabay na nagkibit-balikat. Naunang pumasok si Oliver ng makarating kami. Biglang kasing tumunog ang cell phone ko.
Nakita ko ang mensahe ni mama.
Mama:
Punta kayo rito ng asawa mo mamaya. Naghanda ako.
Napangiti ako at the same time napangiwi. Ang sakit ng puson ko. Ganito lagi ang nararamdaman ko sa tuwing may menses ako. Minsan nga ay hindi ako pinapayagan ni Dreck na pumasok.
"Ahh." Daing ko. Namimilipit sa sakit.
"Babe?"
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Dreck, nag-aalala. May kasama siyang isang magandang babae. Mukhang nagkakasiyahan pa sila dahil narinig kong tumawa si Dreck.
"Dreck..." Nahihirapan kong tawag.
"Ayos ka lang?"
Hindi na ako nakasagot. Huli kong nakita ay ang nag-aalalang mukha ni Dreck at ang paglabas nila Henry.