Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

A Heart's Grave

🇵🇭TalaEstrella
--
chs / week
--
NOT RATINGS
49k
Views
Synopsis
Elle Marie Gomez loves playing games, not the one's you think. While Riley Troy Montemayor is her partner in crime, the two made an agreement to pretend as a couple to make a girl Jealous and hopefully shoo her away, with all this time spent together and With Riley's confusing actions. Will the game be real? Or will it stay just a game until someone wins and someone loses.
VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata 1

Who Likes Who?

"Crush ni Yra si Riley!" Naglalakad palang ako papasok ng Classroom nila Riley ayun agad narinig ko. Ineteresting ah, si Yra na honor student may gusto sa gagong si Riley? Pagpasok ko lapit agad ako kay Erin na inaasar si Riley ngayon.

"Totoo ba? Crush ka ni Yra?" Nilingon naman ako ng damuho at umiling kahit kailan ito walang kwenta kausap pasalamat siya at close naman kami.

"Weh? Eh halata naman na Riley idedeny mo pa feelings ni Yra sayo." Tuloy ang pang aasar namin sakanya ito si Erin ang todo asar samantalang halos manghingi na ng tulong si Riley sakin makaalis lang sa sitwasyon niya.

"Si Gale asan? lunch na ah tara na" Halos hilahin na ako ni Riley papuntang canteen nakasunod naman samin si Erin sa canteen na namin naabutan si Gale kasama si Matthew at Nathan na boyfriend ni Erin.

"Oh ikaw na pumila para samin ni Elle" Inabot ni Gale yung bayad kay Riley saka tinulak sa pila hinila agad ako nitong babaeng to paupo.

"Hoy Elle totoo ba crush daw ni Yra si Riley?" Agad akong napa shh kay Gale paano ba naman ang lakas ng boses nasa kabilang table lang si Yra.

"Oo daw sabi ni Erin diba?" Apura tawa ni Erin sa naalala niyang may gusto si Yra kay Riley. Paano ba naman hanggang seatmates eh pinaglaban ni Yra na sila ni Riley ang magkatabi, palaging kinakausap nito si Riley pero walang pake si Riley dito. Dumating si Riley habang bitbit yung lunch namin ni Gale.

"Riley akala ko ba loyal ka kay Elle? eh may gusto pala sayo si Yra" Nagsimula na ngang mang asar si Nathan palagi niya kaming inaasar ni Riley sobrang close daw kasi namin pero hindi naman daw kami bestfriend so ano daw ba meron kami? Friends, ganun naman pag friends diba?

"Kay Elle lang ako" Normal na samin ni Riley yung ganyang salitaan sabi ko naman diba Close kami? Umupo siya sa tabi ko saka tahimik na kumain, ugali niya yan tahimik sa tabi ko.

"Akin lang si Riley sabihin mo yan kay Yra" Dagdag ko pa sa pang aasar, kinilig umano si Nathan na pinag babatukan ni Erin apura kasi ang pang aasar ayaw kumain.

"Kayo ah, baka maging totoo nayan" Si Gale na todo asar kahit kumakain. Inakbayan ko si Riley "Pwede naman" saka ako tumawa sabi ko naman close kami. Sobra. Pero katulad ng dati ayaw padin talagang nagpapahawak ni Riley agad niyang tinanggal akbay ko sakanya ako naman itong si maharot inasar pa siya.

"Bakit mo ba tinanggal? Akbay lang naman eh" inakbayan ko ulit pero tinatanggal niya lang patuloy ang asaran namin ng mapansin ni Erin na nakatingin na samin si Yra.

"Pst, Elle nagseselos na ata sa harutan niyo si Yra" Lumingon ako sa likod at nginitian nalang si Yra habang nakaakbay parin kay Riley. Hmp pwede ba Yra akin si Riley! sa isip isip ko. pinagpatuloy ko nalang ang kain at ng matapos ay bumalik na sa classroom. Marami kaming nakakasalubonh na kaklase namin sa hallway merong mga nakatambay sa stairs pero mostly kasi since strict school namin sa mga classroom kami tumatambay nauuna akong maglakad at nakasunod lang si Riley sakin, hindi nayan nakakapagtaka ganyan naman siya palagi.

"Maglolocker lang ako" paalam ko at huminto sa locker ko sa tapat ng room namin habang inaayos ko ang mga libro ko napansin kong nasa likod ko lang si Riley tahimik nakatingin lang sakin, pagkatapos ay tumayo na ako at inaya siyang bumalik sa mga kaibigan namin. "Tara na" tumango lang siya at hinayaan akong mauna.

"Palagi nalang nakabuntot sayo yang si Riley" Sigaw ni Gale ng makitang papalapit na kami sa upuan nila umupo ako sa tabi ni Erin at tumabi naman sakin si Riley. Nang mapansin ni Nathan yon siya namang nangasar ulit.

"Ikaw Riley ah, palagi kang nakabuntot kay Elle tapos nakatabi ano talagang meron?" Tinawanan ko nalang si Nathan ganyan naman silang lahat inaasar kami ni Riley nagiwas ito ng tingin ng tignan ko na hindi ko nalang din pinansin.

"Huy nagreview na ba kayo? Si Maam Santos ang next na teacher nakakatakot magturo yun. Nambababsak daw." Pananakot ni Matthew. Medyo kinabahan ako dahil bali balita nga na masungit at strict magturo si Maam Santos kaya minabuti kong magbasa nalang habang may oras pa. Habang nagbabasa ay nakatitig lang sakin si Riley hindi ko nalang pinansin dahil sobrang normal naman na samin yung ganito. Palaging magkasama, hindi mapaghiwalay, sweet. Kaya hindi narin ako nagtataka kung inaasar nila kami.

"May quiz mamaya kay Maam Santos" Sa wakas nagsalita din siya. Tinignan ko siya at napansin niya atang kinakabahan ako. Nginisihan niya ako at tinuro sa notes ko yung mga iququiz.

"Madali lang yan" Nagpout ako at pinaningkitan siya ng mata nawala tuloy focus ko lalo na nung tumawa siya, kakainis naman tong damuho na to porket siya ay pumasa.

"Talaga lang ha Mister?" Nginitian niya ako at tumango. Naisip ko kung siya nga na tatamad tamad pumasa paano pa ako na medyo nagaaral naman kesa sakanya. Pinagpatuloy ko nalang ang pagbasa hanggang sa dumating si Maam. Nagmamadaling umalis si Nathan sa room dahil sa kabilang section ito. Sobrang busy ko sa pagbabasa ay hindi ko napansin na nandito na si Maam Santos.

"Riley hindi naman dito ang section mo bakit nandito ka pa?" Nagulat ako at napatayo nakita ko kasing kami nalang ni Riley ang nakaupo hawak ko parin ang notebook ko.

"Bye na" Nginitian ko nalang si Riley at lumabas na ito ng classroom nagsimula na ang klase ni Maam Santos hindi naman nawala sa paningin ko ang mga makahulugang ngisi at tingin ng mga kaibigan namin ni Riley aasarin na naman nila kami mamaya hindi ko nalang sila pinansin at nakinig may quiz daw sabi ni Riley kaya makikinig ako.

Natapos ang nakaka kabang klase ni Maam Santos at nagkanya kanya na ulit ang mga studyante. Sumugod agad sakin si Erin at Gale. Tulala padin ako dahil hindi ko nasagot ng maayos yung sa Quiz kanina dapat pala nagtanong ako kay Riley.

"Ikaw ah Elle, bakit ganun nalang tumitig si Riley sayo?" Nangaasar na naman sila. Tinawanan ko nalang sila at sinagot.

"Ganun naman talaga siya, bakit sa akin lang ba siya ganun?" Agad na tumango yung dalawa. Napapansin ko din nitong mga nakaraan na napapadalas nga ang pagtitig sakin ni Riley madalas niya nadin sundin ang mga gusto ko na hindi nagagawa ng iba sakanya.

"May gusto sayo yun promise" Ito na naman sila mamaya may makarinig eh asarin pa kami lalo umagree naman si Matthew at Gale sa sinabi ni Erin.

Si Riley magkakagusto sakin? eh? close lang naman talaga kami ah?

"Imposible close lang kami nun" Napatayo si Matthew sa upuan niya Bestfriend ko yan since junior high tinuro niya ang sarili niya saka sumigaw sa harap ko.

"Bakit tayo din naman ah pero hindi ako ganun tumingin sayo, hindi ako nakabuntot, hindi kita iniispoil katulad ng ginagawa sayo ni Riley!" medyo napapaisip nadin talaga ako sa sinasabi nila. Totoo naman iniispoil ako ni Riley halos lahat ng atensyon non ay nasakin lamang.

"Hmm, so okay lang na may gusto sakanya si Yra?" Tanong ni Gale, Okay ngalang ba? Elle? Bakit parang ayoko. Ayokong mapunta si Riley kay Yra.

"Hindi okay"