Play Pretend
"Goodmorning guys!" binati ko agad sila pagkadating ko sa school medyo maaga din akong pumasok ngayon syempre ang layo din kasi ng bahay namin dito. "Bakit ang aga mo ata?" umakbay ako kay Erin naabutan ko silang magkasama ni Nathan sa grounds ng school nandito nadin pala si Matthew tumabi ako sakanila at nakipagkwentuhan. "Itong si Gale malelate na naman eh iyan lang naman sa tapat ang bahay" puna ko paano ba naman ang babaeng iyon eh siyang may malapit na bahay naunahan ko pa.
Nagsidatingan nadin ang iba naming kaklase marami ng studyante sa puntong ito pero hindi ko padin makita si Gale "Late na talaga si Gale" bulong ko kay Matthew sumilip siya sa gate at kumaway. "Ayun na pala eh, Gale tara na dito" sinalubong ako ng yakap nito pati narin si Erin ng tumunog ang school bell hudyat na magsisimula ang flag ceremony wednesday ngayon at PE namin, agad kaming pumila ng magkakatabi hindi naman nasusunod ang by height dito samin.
May kumalabit sakin kaya lumingon ako ng konti mahirap na baka mahuli kami ng sir namin, strikto pamandin sila pag flag ceremony. "Goodmorning" ahh si Riley lang pala nginitian ko nalang siya napansin ko kasing nakatingin na samin yung teacher namin pag lingon ko sa gilid ay nakataas ang kilay nila Erin sakin, si Gale naman ay kinurot pa ako at bumulong "Goodmorning daw" hindi ko nalang pinansin nakakahiya kasi.
Nang matapos na ang ceremony naghintay pa kami ng konting oras dahil may mga anouncement pa ang aming principal. Tumabi na sakin si Riley "Goodmorning nga pala hindi kita nabati kanina si Sir kasi napansin tayo" tinignan ko siya napansin kong nakatingin samin si Yra kaya hinawakan ko yung kamay niya. "Ahh iyon ba okay lang bakit nga pala hawak mo kamay ko?" lumapit ako sakanya saka ako bumulong. "Nakatingin sa atin si Yra" ngumisi siya sakin binitawan niya ang kamay ko at umakbay sakin sabay pa nun ang pagharap namin si pwesto ni Yra gulat itong tumingin samin napansin ko ding nagulat ang mga kaibigan namin, sobrang higpit kasi ng akbay sakin ni Riley para bang yakap niya na ako.
"Sorry na, late akong nakapasok" lumapit kami sa mga kaibigan namin na nasa tabi lang nila Yra, "Ahh hindi okay lang naman sakin" ngumiti siya habang naka akbay padin sakin "Talaga? sige wag na natin pag aawayan ulit yun ahh" nginitian ko din siya at hinarap saka ko kinurot mga pisngi niya "Basta ba hindi ma uulitin eh" parang tuta naman siyang tumango sakin, "Oo hindi na mauulit" malambing itong ngumiti sakin at hinaplos pa ang mukha ko. Nang makalapit kami sa mga kaibigan namin ay gulat na gulat padin sila.
"Kayo na pala nitong si Elle ahh" pinagbabatukan naman nila Nathan at Matthew si Riley habang ako ay hinihila ni Gale at Erin "Hoy ikaw babae ito ba yung aaminin mo samin ha?" tumingin ako kay Riley pero tinanguan niya lang ako "Ahh oo ito nga yun. "Kayo ahh kailan pa naging kayo?" hinila ako ni Riley palapit sakanya saka humawak sa kamay ko "Nitong nakaraan lang Matthew" napayuko nalang ako talaga bang magsisinungaling din kami sa mga kaibigan namin?
"Kaya pala ang aga mong pumasok kanina" nginitian ko nala sila wala din naman akong masasagot dahil hindi pa namin to napagusapan ni Riley. "May lakad kasi dapat kami kaninang umaga kaso nalate ako" tumango tango si Erin "Anong lakad naman yun?" hinila ako ni Riley paikot napunta tuloy siya sa likod at mukhang naka back hug siya sakin ngayon.
"Breakfast date sana kaso late ako nagalit tuloy si Elle sakin" sabi niya habang nakapatong ang mukha sa balikat ko at nakayakap ang mga braso sa bewang ko. Hinawakan ko ang mag brasong nakayakap sakin "Hindi naman na ako galit basta wag ka ng malelate bukas" tumango tango siya ng marinig namin yung bell umakyat na kami sa kanya kanyang room sa third floor ang room namin nila Erin habang sa second floor at kabilang building pa sila Riley. aakyat na sana siya sa hagdan paakyat ng room namin ng pigilan siya ni Yra.
"Sa kabila ang classroom natin Riley" huminto si Riley sa pagakyat at hinawakan ang kamay ko "Mauna na kayo ihahatid ko muna ang girlfriend ko" napayuko nalang si Yra lumapit naman sa amin si Jane "Elle kayo na ba talaga ni Riley?" nakatitig siya sakin "Oo kami nga" sagot ko sakanya napatakbo nalang sa kabilang building si Yra habang pailing iling na nakatingin samin si Jane. Ano bang problema niya?
"Elle wag mo silang pansinin tayo na sa room niyo" hinila na niya ako huminto kami sa tapat ng locker ko "Sige na Riley bumalik ka na sa classroom niyo" kinuha ko mga libro ko pero tapos na ako ay nakatitig padin siya sakin. "May problema ba?" tumango ako totoo naman, nababagabag kasi ako na kailangan pa naming magsinungaling sa mga kaibigan namin, kung ang punterya lang naman namin si Yra.
"Sabihin natin yung totoo kila Erin ayokong magsinungaling sakanila" napaisip siya, hindi naman kasi talagang maganda na itago namin sa mga kaibigan namin yung totoo. Dapat malaman nila dahil ayokong magalit lang sila samin. "Sige sabihin natin sakanila mamayang uwian or this lunch ako ng bahala kumausap kila Nathan ikaw na kila Erin" tumango ako ng nasa tapat na kami ng room ay napansin kong nakatingin siya sa loob pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko "Mauna na ako, see you" tumango ako kahit gulat padin sa ginawa niya.
Paglingon ko sa Classroom ay napansin kong nakatingin sakin si Peter, si Peter ay matagal nang nanliligaw sakin pero palaging rejection ang binibigay ko dito. Pinipilit niya ang sarili niya sakin kaya hindi ko siya magawa gawang magustuhan. Nung unang beses na nanligaw siya sakin ay pinayagan ko masyadong mahigpit ang lalaking iyan, mahigpit magmahal si Peter at nakakasakal, humingi siya ng pasensya pero nagiba na ang tingin ko sakanya pagdating sa relasyon dahil doon. Okay naman kami bilang magkaibigan ngayon pero ramdam ko padin kasing mahal niya pa ako. Masama ang tingin nito sakin nakita niya siguro ang ginawa ni Riley tinuloy ko nalang ang pagpasok ng calssroom at hindi siya pinansin.
"Kinausap ako ni Peter" humarap ako kay Gale ano naman kayang pinagusapan nila, halos lahat kasi kaming mag kaka batch ay magkakasundo kaya lahat ay magkakaibigan dito. "Anong pinagusapan niyo?" huminga siyang malalim bago ako sagutin "Sinabi kong kayo na nga ni Riley" kung ganun ay kaya siguro masama ang tingin niya samin kanina lalo na at hinalikan pa ako ni Riley sa harap niya "Kung makikita mo lang napatango nalang siya ng malungkot habang kausap ako, ang sabi niya pa ay alam niya naman daw sana daw ay masaya ka" malungkot akong tumingin sa pwesto ni Peter hindi ko naman gustong masaktan siya ng ganito dahil lang sakin.
"Pabayaan mo na at magiging okay din si Peter, nga pala ikwento mo yung sainyo ni Riley kelan pa yun?" napakagat ako ng labi paano ko ba maaamin sakanila ni Erin yung totoo? Sana naman ay hindi sila magalit sa amin. "Ahh Gale kasi ano mamayang lunch ko nalang ikukwento isama narin natin si Erin at Xiara kailangan din syempre alam nila" tumago tango siya at halatang kinikilig pa "Sige mamaya ahh ikuwento mo agad yan samin talaga nga namang magiging kayo nakakatuwa" nginitian ko nalang kung alam mo lang Gale na laro lang ang lahat ng ito.