Jealous Type
"Ano? Nagpapanggap lang kayo?!" mabingi bingi ako sa sigaw sakin ni Gale habang gulat na gulat namans si Erin at si Xiara ay halos sabunutan na ako sa nalaman lunch ngayon at nasa classroom lang kami dahil nga kailangan ko pa silang kausapin. "Sino naman ang nakaisip ng palabas niyong iyan?" tinuro ko ang sarili ko tutal ako naman talaga ang nagumpisa ng palabas sa harap ni Yra kagat labi akong tumingin sakanila "Alam mo buti inamin mo agad samin kung hindi naku may sapak ka sakin" tumawa naman si Erin at ginulo pa yung buhok ko.
"Oo nga, kung di ka pa aamin di ko mahahalata aba sobrang sweet niyo kaya ni Riley kanina" "Talaga ba?" tumango si Xiara "Oo may yakapan pa kayo at hinalikan ka pa niya sa noo" napaisip din ako masyadong madikit sakin si Riley kaya siguro nakumbinsi namin sila "Oh siya tara na mamaya nandyan na boyfriend mo sa labas" tama nga si Erin pagkalabas namin ng pinto ay naka abang na si Riley agad naman itong lumapit sakin "Oy Riley alam na namin, kayo talaga!" tinawanan lang sila ni Riley
"Tara na, ako nalang bibili ng lunch natin" tumango ako sakanya pag dating sa canteen ay sobrang dami na namang naka pila pinauna na kami nila Nathan sila nalang boys ang pipila nakita kong nasa kabilang table si Peter, ngingitian ko sana siya ng lumapit sakin si Riley dala ang lunch ko "Kumain ka na"
"oo sige salamat" napatingin ulit ako kay Peter kumakain ito pero nakatitig ito samin ni Riley.
Pag tingin ko ay nakatigin din si Riley dito ng masama ng mapansin ni Riley na nakatingin ako ay umakbay pa to sakin saka tumingin ulit kay Peter, "Riley kumakain lang tayo may akbayan pa kayo diyan" puna ni Matthew "Nandito si Yra" bulong ni Riley pero nakikipag titigan parin ng masama kay Peter.
"Ay oo nga no? sige tuloy niyo lang yan" napansin ko namang padating sa pwesto namin si Yra kaya sumandal ako sa balikat ni Riley buti talaga walang bantay na teacher ngayon kung hindi makakasuhan pa kami ng PDA. "Elle mamaya nga pala mya meeting tayo para sa Chapter 3 ng Research paper natin" nakatingin siya sa kamay ni Riley na naka akbay sakin.
"Hi nga pala Riley" binati niya si Riley ngingitian na sana siya ng iakbay ko pa lalo ang braso ni Riley sakin "Hi daw sabi ni Yra" tumango nalang si Riley dito at pinatong ang mukha sa balikat ko "Hi" napairap naman si Yra "Sige see you nalang mamaya" umalis itong dismayado ang mukha.
"Kita niyo yon? Hahahahaha" tinuro ko mga kaibigan namin at napansin kong nakatitig sila samin ni Riley pagtingin ko ay napansin kong ganun padin pala ang pwesto namin aalisin ko na sana ang akbay ni Riley pero hinigpitan niya lang ang hawak sakin "Wala na si Yra pwede na" umiling siya at nakita kong masama ang tingin niya kay Peter "Hindi pwede may iba pang dapat alisin" napatingin si Matthew at Nathan sa tinitignan ni Riley "Selos ka?" umiling si Riley "Hindi ang epal lang kasi" tumango tango naman yung dalawa at nagtawanan hindi ko sila magets pinagpatuloy ko nalang ang kain.
"Riley wala na si Yra yung braso mo paano ka kakain?" napatingin ulit ako kay Riley hindi niya padin kasi tinatanggal kamay niya napansin tuloy ng iba binaba niya yung kamay niya at tinuloy yung pagkain ako din, natapos ang lunch ng matiwasay umakyat na ulit kami sa Classroom habang kumukuha ng gamit sa locker ay naabutan kong kukuha din ng gamit si Peter halos magkatabi lang ang locker namin tahimik kong kinukuha ang gamit ko ng matapos ako ay lumapit sa likod ko si Riley "Tara na?" tumango ako lalakad na sana kami ng magsalita si Peter
"Talaga bang iyan ang pipiliin mo Elle?" nilingon ko siya kumukha padin ito ng libro malakas niyang sinara ang pinto ng locker niya at humarap samin ni Riley "Peter ano bang problema mo?" si Riley na ang sumagot at humarap kay Peter lumapit pa si Peter dito at masama na ang tingin nila sa Isat isa. "Riley tara na mauna na tayo" imbis na sumunod ay nagpatuloy lang itong makipag inisan kay Peter.
"Problema ko? Ikaw inaagaw mo sakin si Elle" lalong napangisi si Riley sa sinagot nito "Inaagaw? Wala akong inagaw wala namang sayo" hindi ko na malaman kung bakit ba nag aaway sila dahil lang dito ano sila mga bata? "Riley sabing tama na eh" hinila ko na ito palayo kay Peter pero nagpumilit pa talagang humarap si Riley dito "No need to make Elle choose, hindi ka naman mapipili at kung iyon ang naiisip mo edi sana dati palang kayo na" hinila niya ako papasok ng room namin ng makaupo ako sa upuan ko ay tatanungin ko na sana siya kung ano ang problema niya ng unahan niya ako magsalita "I don't like his guts, the boy still likes you Elle"
"I know, hindi ko nalang papansinin ako ng bahala" hinarap niya ko sakanya "Sure whatever you want." Buti naman at sumunod nalang siya sakin.
"Kaibigan ko yung tao ako ng bahala sa issue namin" umiling lang ito at bumulong sakin "Just make sure, you're done with him" bakit ba ganito siya ngayong araw galit na galit siya kay Peter kaninang umaga pa, "Nagseselos ka ba sakanya?" binitawan niya ako at lumabas ng classroom hinabol ko siya palabas ayoko namang buong maghapon ay magka away kami.
"Riley! saglit nga sagutin mo ako" huminto siya at hinila akong muli sa classroom at pinaupo nasa tabi ko na sila Erin at Matthew nito dahil paparating nadin si Ms. Santos
"Hindi, kita nalang tayo mamayang uwian susunduin kita dito sa room niyo, bye Elle " hinalikan ulit ako nito sa noo at umalis sa ganoong punto dumating si Ms. naabutan niyang nagpaalam sakin si Riley "Ikaw pala itong dinadalaw ni Riley Ms. Gomez" mapang asar na tinignan ako ng mga kaklase ko lalo na nila Gale pero pag tingin ko sa pwesto ni Peter ay iiling itong nagiwas ng tingin.
Nakapagtataka man ay sobrang close namin ni Riley ay kilala ko na talaga ang ugali nito tahimik pero pag nagsalita ay walang lumalabas na maganda sa bibig nito nagtataka nga ako kay Yra bakit siya nagkagusto dito si Riley ay hindi typical na Bad boy ugali niyang maging tahimik lamang hindi rin naglalaro ng sports ito mas hilig niya magbasa hindi rin palakaibigan si Riley dahil sayang oras lamang daw makipagusap sa mga taong walang kwenta kaya kami lang ang nagtitiis dito.
Masama palagi ang mga sinasabi nito at walang paniniwala sa relihiyon ako lang talaga ang ka close niya na natitiis niya makasama palagi, iyong galit niya kanina ay minsan lang naman pero nakapag tataka na ganun siya magalit kay Peter pero hindi naman ang sinagot ng tanungin ko kung nagseselos siya dito.
"Elle parang galit si Riley kanina nag away ba kayo?" tumango ako sa kanila hindi kasama sa palabas namin ni Riley ito pero parang naging totoo ang away namin na iyon. masyadong nainis si Riley kay Peter madalas naman ay wala siyang pake sa tao bakit siya ganito ngayon.
"Ahh oo nagkainisan kasi sila ni Peter sa Locker kanina kaya medyo nagaway din kami" tumango tango si Gale "Baka nagseselos yang boyfriend mo" tinawanan ko nalang kahit na umoo si Riley ay hindi ako maniniwala dito imposible dahil wala naman itong gusto sakin. "Hindi nako si Riley yon imposible" nagkibit balikat ito sakin
"Sa nakita ko kanina hindi ganyan ang imposible" Imposible nga ba?