Couple Like
"Elle!" narinig ko ang tawag nila Erin sakin dito sa Mall agad naman akong lumapit sakanila, plano kasi naming manuod ng movie ngayon. Another one of those days na gagala kaming mag kakaibigan sa mall, tambayan na ata namin to malapit lang kasi to sa school namin. Pagkalapit ko ay dumiretso kami sa pagbili ng ticket habang nakapila ay inaayos na nila Matthew yung bayad inabot ko yung bayad ko inabot din nila yung sakanila para si Matthew nalang magbabayad tumabi naman sakin si Rylie.
"Anong kakainin natin sa loob?" wow natin talaga? lumakad kami sa kabilang pila para bumili ng snacks sumali nadin yung iba sa pagbili. Tinuro ko nalang yung naka bundle na 100 pesos lang, pero choosy si Riley bumili pa ng burger tapos chocolate iba talaga pag addict sa mga movies, galawang professional lang. "Ang dami mong binili Riley tama na yan." Nginitian niya lang ako saka kami pumasok sa cinema.
"Doon nalang tayo umupo sa gilid" turo ni Xiara sa gilid medyo sa dulo ng cinema nag agree naman ang ibasa pwestong napili nag kaka gulo pa nga sa kung sino ang magkakatabi nagsettle kami na sa dulo si Riley, ako, Gale, Matthew, Xiara, at Jane. Magsisimula na ang movie pinili nila yung bago sa Marvel ngayon medyo excited pa kami ipapalabas din kasi yung mga trailers ng bagong movies this year mukhang marami kaming panunuorin. Habang nakaupo ay sinimulan ko ng kainin yung popcorn na binili ni Riley ng tignan ko eh kumakain nadin naman siya, ilang saglit pa nagsimula na ang movie.
"Bakit ba ang panget nung Character niya diyan?" bulong niya sakin, natawa ako at sumagot "Eh sa iyan ang plano ni Direk" natawa din siya sa sinagot ko may napansin kaming iba pang nanunuod ng sine katulad namin may isang couple sa harap namin nanaguusap din at nagbubulungan tinuro niya iyon sakin at hinila ang kamay ko palapit sa kanya na tila ba ginagaya ang pwesto ng couple na nasa harap saka siya tumawa.
Medyo natulala ako sa ginawa niya iniisip niya bang ganun din kami sa tingin ng iba? bakit ako natutuwa? ipinag walang bahala ko na lamang ang naiisip ko at tinuloy ang panunuod ng sine. Hindi mawala sa sisp ko yung ginawa ni Riley kanina kailangan ba talaga na ganun kami ka close manuod? halos iharap na namin ang mukha ng isat isa. matapos manuod ay nag aya ang iba kumain napili naming kumin sa KFC saglit lang kasi ang pila doon.
"Ano sayo?" napa Huh? nalang ako kay Riley nakapila na kasi at kami na ang next, "Ikaw na nga bumili ng ticket ikaw padin dito? "Tumango lang siya at pinapili ako ng makapili ay pinaupo ako nito sa table na nahanap ng mga kasama namin. Nang dumating si Riley ay tinuloy na namin ang pagkain. "Anything else you want? Ice cream?" tumango ako dito napa iling naman sa amin si Jane nagulat nga ako at sumama ito sa aya namin kahit na kasama sila Gale.
Nag-aya siya lumabas ng matapos kami at bumili ng ice cream ng mapansin kong 5pm na ay nag aya na akong umuwi kahit naman nasa US si mama at nagbabakasyon ay ayokong malate ng uwi.
"Ito na yung jeep sakay na" nagsakayan na kami tinext ko na ang mama ko na pauwi na ako para hindi siya mag alala medyo madilim nadin kasi. Ang pwestong natira ay sa tabi ni Riley na sa dulo ng jeep kaya tumabi nalang ako sakanya nasa harap namin si Jane at Xiara sa tabi ko si Gale at Matthew. "Okay na ba to kumpleto na bayad?" tumango ako at nagbayad na si Matthew.
Sumandal ako sa balikat ni Riley wala lang napasandal lang ako sakanya hindi ko rin napansin na naging ganun nga ang pwesto namin napansin kong nakatingin samin si Jane, bilang kaibigan ay inamin ko nadin sakanya yung totoo, na hindi naman talaga kami ni Riley. "Kayo ahh baka magkatotoo nayan" pang aasar niya kaya sinakyan ko nalang.
"Totoo talaga, akin si Riley" kinawit ko pa ang braso ko at sinilip ang mukha nito namumula ang tenga nito at tahimik lang na nakasilip sa labas. Tinawanan ko nalang ang reaksyon niya umiling iling naman si Jane samin ng makababa kami ng jeep ay kailangan ko pa sumakay ng isa pang jeep bago makauwi ng bahay ang layo kasi ng bahay namin. Hinatid ni Matthew si Gale sumabay na sakanila si Jane hinila naman ako patawid ni Riley. "Ihahatid na kita" binawi ko ang kamay ko sakanya "Wag na umuwi ka na" umiling siya at tinuro ang sakayan sa harap namin.
"Okay lang naman kaya ko na Riley" umiling siya at tinuro ang suot kong short "Naka short ka mababastos ka mag isa" umiling siya ulit at hinila ako sa pilahan ng Tricycle "Dito nalang tayo sumakay nakashort ka makikitaan ka lang don" sumakay na siya at tinuro ko ang daan pauwi samin napaisip ako ang mahal ng pamasahe wala na akong pera.
Nang makarating kami sa bahay ay pinababa na niya ako at nagpaalam na sanang aalis inabutan ko siya ng bayad pero sinlo niya din sakin "Ako na magbabayad sige na pumasok ka na" nagpaalam siya sakin at umalis na ng bahay namin sinilip ko kung may mga nakalabas na kapitbahay.
Mamaya ay machismis pa ako buti naman at wala pumasok ako sa bahay at umakyat sa aking kwarto. Napansin kong may nag message sakin kaya binasa ko ito "Ahh si Erin" kinakamusta nito kung maganda ang movie hindi nakasama dahil may kailangan pang gawin kasama ang lola niya.
Tumatawag na ito kaya sinagot ko nalang "Oh sige na magkuwento ka na, anong mga nangyari kanina?" excited na excited ang boses nito agad ko namang kinuwento sakanya mula papunta hanggang sa nanonood ng sine pati sa pagkain at pauwi ko. "Bakit naman kaya ginawa yun sayo ni Riley sa loob ng sinehan? ano yung parang sinasabi niyang ganun din kayo?" naisip ko nadin iyon na para bang ganun din kami yung couple na nasa harap namin.
"Baka nga iyon ang pinupunto niya" tumawa naman siya at umoo "Eh iyong nasa jeep, ikaw ang landi mo sumandal ka pa talaga" napatawa din ako medyo natutuwa "Normal naman samin ni Riley yon alam mo naman kami super sweet talaga" pag sang ayon ko.
"Wala naman si Yra bat kailangan niyo pa gumanon?" Napaisip din ako sobrang sweet namin buong maghapon at hinatid niya pa ako kahit na halos ako lang naman talaga ang sweet pero kasi hinahayaan niya na ako ngayon wala ng pagtulak at ilag sa mga hawak ko.
"Ewan ko nakasanayan lang ang pinagtataka ko lang nakatitig samin palagi si Jane pag sweet kami at umiiling na para bang dismayado siya" kanina ko pa iyon iniisip ano kaya ang meron. "Baka ayaw ni Jane sa kung anong ginagawa nyo?"
"Bakit naman? anong problema ni Jane?"