Chereads / A Heart's Grave / Chapter 8 - Kabanata 8

Chapter 8 - Kabanata 8

Bus rides

"Oh umupo na kayo sa mga pwesto niyo, icheck niyo kung may late ahh baka may maiwan na naman" nagchecheck ng attendance teacher namin habang patuloy ang kwentuhan ng iba pagkakita ko sa pwesto ko ay ang layo sa mga kaibigan ko nasa dulo sila Gale habang nasa harap ako sabi ko naman kay Nathan ayusin ting pwesto eh nagchat si Riley sakin.

"Naiinis ako ang layo mo naman" nakabusangot ang mukha ko habang nirereplyan siya kalinya ko sa bus di Yra at Eliyah. Napansin ni Eliyah na kachat ko si Riley inasar namana ko nito "Kachat mo na naman boyfriend mo?" Napansin kong nakatingin si Yra. "Oo nagagalit nga ako ang layo niya kako sakin dapat magkatabi kami eh" tumawa si Eliyah "Mamaya magtatabi din kayo kalma lang" apura ang tingin ko sa pwesto ni Riley.

Dahil sa inis ko natulog nalang ako sa byahe hanggang sa makarating kami sa unang destination.

Nakarating kami sa isang museum of arts, different paintings and artworks ang makikita sa loob sobrang daminng students ang kasabay namin mag Fieldtrip kaya pinapila muna kami hindi rin nasunod ang by height pagkalingon ko sa tabi ko ay nandito na sila Riley, Erin at Nathan sa iba naman sumama sina Gale at Matthew.

"By height daw yung pila" puna ni president samin tinawanan ko nalang to nagbad finger si Nathan dito na pinuna ni Erin ng makapasok kami sa museum ay naexcite ako. Mahilig ako sa mga ganitong lugar, And interesting kasi ng arts in any form. "Tara muna sa Cr" hinila ako magbanyo ni Erin pinaghintay namin yung dalawa sa labas. "Picture tayo" we posed sa mirror saka kami lumabas kung saan saan ko din sila hinila magpicture.

All these picture taking at nakasunod lang samin ni Erin si Nathan at Riley "Won't you guys take pictures too?" umiling lang si Riley ayaw niya kasi ng mga gaung bagay habang game na game naman pumose si Nathan sa ibang artworks na malapit samin, napapaisip nalang ako sayang ang memories pag walang reminder kaya habang nakatalikod si Riley sakin I took my phone and take a picture of him habang nakaharap siya sa isang painting which the picture looks good.

He suddenly looked back at me muntik na ako mahuli buti nalang tinutok ko sa ibang artworks yung phone ko. "Tara na sabi nila may art show daw sa baba baka magstart na yun maubusan tayo ng pwesto" gaya nga ng inaasahan ay naubusan kami ng pwesto sa dami ng students na nag fiedltrip ngayon. Dito nalang tayo kita naman eh, since I love these things I took my phone out para manlang mavideohan ko yung show sa gilid kami nakapwesto ni Riley he's just watching the show ng biglang dumating si James nanggugulo bigla.

Sumingit to samin ni Riley they kept on cursing rinig na rinig sa video ko. I'm just staring at the show tinignan ko si Riley nakatawa lang to at napansin ako ngumiti lang to sakin. The show ended I decided to delete the video including James puro pagmumura nila ni Riley maririnig don.

"Mag lilibot pa ba kayo or tara na ulit sa bus?" tutal tapos na yung art show nilibot nalang namin saglit yung second floor saka ko sila inaya pabalik na ng bus. I saw this opportunity to chat everyone na unahan ang advicers namin sa bus para pag balik nila nasa gustong pwesto na namin at wala na silang magagawa.

"Lagay mo diyan itong gamit ni Erin" inaayos namin ang mga pwesto ng magsidatingan iba naming classmates pagdating nila Sir ay napailing nalang to sa pwesto namin. Magrereklamo pa sana ito pero inunanahan na siya magdahilan ng mga kaklase namin last year na nga naman namin ito bilang classmates kaya sulitin na.

We started travelling again sa second destination namin, everyone is more livelier kasi nasa magandang pwesto na sila, "Here" inabot sakin ni Riley yung lollipop na binili namin kanina sa 7/11. Sa likod namin nakapuwesto si Gale kasama si Gabe tumayo ito saka napansin ang inabot sakin ni Riley "Yan ba yung libre ni Riley?" tumango ako habang binubuksan ko yung lollipop "Taray katabi nitong si Gago libre lahat kaya pala ahh" tinawanan ko to "Kaya tumabi ako dito eh " tahimik lang si Riley na nakikinig sa phone niya.

"Parinig din ako" I didn't even hesitated nung bigla kong kinuha yung isang earphone at nilagay sa tenga ko inayos niya din ang pwesto niya para mas close kami, para sa earphones kasi. "Ikaw na mamili ng kanta" tinuro niya sakin ang phone niya umiling nalang ako tutal mas maganda taste niya sakin sa music okay lang naman dahil parehas kami ng artist na gusto.

We're just silently playing music minsan natatawa sa mga nadadaanan sa labas habang nasa byahe kasi apura ang side comments ng mga classmates ko sa sinasabi ng tour guide.

"Ang liwanag" sabi ni Riley saka sinara yung kurtina sa bintana hindi pa nakuntento nagtalukbong pa ng jacket, since we are not talking I decided to put on my jacket too at matutulog nalang ako. After a few minutes the album we are listening to ended sabay kaming napabangon I can hear Gale and Erin laughing pag tingin ko sakanila they are taking pictures of us nahiya ako ng konti pero si Riley lang naman to bakit ako kinakabahan sa reaction niya.

"Ang cute niyo dito sa picture" Erin showed me the picture prehas lang naman kaming nakatalukbong nothing special, sabi ni Gale isesend niya nalang daw sakin. "Sino naman papakinggan natin?" tinuro ko yung bagong album ni Taylor ngayon maganda din kasi he played it ng walang reklamo fan din kasi siya.

I started thinking how fun would it be  na palagi kaming magkasama ni Riley, yes he's the silent type but madaldal to sakin sobrang daldal palaging niya sinasabi skain ang thoughts niya sobrang close na nga talaga namin ano.  After a few minutes inaya niya naman ako manuod ng movie sa phone niya.

We are so alike, that thought is running on my mind while watching the movie. I couldn't focus enough on the story plot I'm thinking about us ewan ko ba pero bumibilis tibok ng puso ko I looked at him enjoying the movie, I hope this day ends well.