Ollie
"Ma malalate na ako tara na" kanina pa ako nakabihis at nagaaya umalis it's almost 7 am babyahe palang kami kahapon pa kami nakauwi galing Manila, nag away parents ko pagkatapos mismo ng Valentine's Day, This is nothing new alam ko namang magbabati din sila eh magtatagal ba sila ng 10 years kung hindi diba. "Tara na bilisan mo" I got up and went to the car nagmamadali magdrive si mama ng makarating sa school umalis din siya agad stress siguro sa away nila ni Daddy. Buti di pa ako late ng makarating ako sa school sakto at may Flag ceremony ngayon tmakbo agad ako sa pila namin.
"Uy! umuwi din dami mong namiss sa practice" magtataka na sana ako isang araw lang naman ako nawala kaso whole day na nga pala ang practice kasi sa isang araw na yung prom. "Talaga? turuan mo ko mamaya ahh" tinanguan ako ni Erin habang nakapila ay naka kapit sakin si Gale na katabi ni Xiara sa likod namin sina Matthew at Riley. Habang tahimik na nagkukuwentuhan ay natapos din agad ang Flag ceremony niremind lang lahat ng seniors na magstay sa grounds kasi start na agad ng practice medyo close naman kami sa choreographer kaya yung mga kaklase kong balak makipag partner sa mga jowa nila ay nagawan ng paraan.
"Tara na dito turuan na kita hanggat di pa start" tumabi ako kay Erin habang sila Gale eh nagkukwentuhan lang sa gilid namin madali lang naman pala yung sayaw pwesto nalang ang wala ako, buti sa modern kami sumali magkakaibigan ayoko ng mga slow dances. Nagsimula na kami magpractice buti nalang hindi ako nahirapan makisabay sakanila after ng modern dance yung classic slow dance naman kaya nasa bench muna kami nagpapahinga katabi ko si Riley tahimik lang kaming nanunuod katabi ko din si Gale si Erin bumili muna ng inumin sa canteen.
"Tignan mo to oh parang mga ewan sumayaw" turo ni Riley sa ibang classmate naming boys na pilit na pilit isayaw yung slow dance, tawa kami ng tawa kakapuna sa mga kaklase namin may mga juior din kaming kasama sa prom ng dumating si Erin ay naki inom lang ako naguusap sila ni Nathan dito, "Oh nakauwi na ako ahh,yung promise mo sakin ahh" bulong ko kay Riley "Oo mamaya ibibili kita baka ngalang bukas ko na mabigay" tumango nalang ako atleast tutuparin niya promise niya sakin diba.
"Palit muna tayo" kinuha ko yung I.D niya wala lang gusto ko lang hindi naman pansinin sa school eh isosoli ko din naman. Saka di naman nagreklamo si Riley, Buong araw lang kami nagpractice tapos nung uwian na mauna na daw sa mall si Riley di naman na ako sumama baka magalit pa si mama saka susunduin ata ako ngayon.
Kinabukasan nagchat sakin ng maaga si Riley na dala na niya yung stuff toy na promise niya sakin. Excited tuloy ako pumasok, naisip ko na hindi nalang sila Erin ang meron ako din, pagdating ko sa school hindi kami nakapagusap ng umaga ni Riley sinugod ko nalang siya kasama si Gale sa classroom nila katabi na naman niya si Yra itong babaeng to kami na ni Riley ayaw pang tumigil, teka nga bakit ba naiinis ako eh di naman totoo.
Pagkakita palang sakin ni Riley nakangiti na niyang inabot sakin galing sa bag niya yung stuff toy "Tinakas ko payan sa inspection kanina buti hindi kinuha" tinawanan ko siya "Eh officer ka nila eh, thank you ahh" tumango lang siya sakin pero nakangiti naman siya. Di rin kami nagtagal sa room nila kasi strictly stay muna sa room hanggat wala pa yung choreo namin pag dating namin sa room eh napansin nila Erin na dala ko nga yung stuff toy.
"Yan ba yung bigay ni Riley? ang cute kamukha mo" isang owl tong binili ni Riley tapos kamukha ko daw? inaasar ata ako nitong bestfriend ko eh naki asar din si Matthew malaki daw kasi mata namin kaya malaki din mata ng anak namin, araw araw din dala ni Erin mga bigay sakanya ni Nathan, lumapit sakin si James "Nauna ko pa hawakan yan sayo, nakita ko kasi si Riley sa mall kahapon namimili tinanong ko kung para kanino nung hinawakan ko para sayo daw, kayo ahh" nang aasar din to "Ano na naman? nagbigay lang ng stuff toy eh" hindi nalang ako pinansin saka umalis. "Ano bagay na name ng baby ko Erin?" tinitigan niya naman yung hawak kong stuff toy
"Eh kung Ollie" tinanong ko naman kung bakit "Wala lang ang cute naisip ko lang" umagree naman ako cute naman talaga tinago ko muna si Ollie sa bag ko saka kami bumaba para magpractice para sa prom. General practice kami ngayon kasi bukas na yung prom saka balak din namin umalis ni Erin mamaya para mag spa. Habang nagpapractice ay nageenjoy kami lahat excited na excited na lahat para sa prom last prom nadin kasi naming mga senior to eh kaya susulitin na namin. Nang matapos ang practice nagpaalam na kami ni Erin sa iba nagawa pa nila magbulungan ni Nathan sa harap namin ni Riley, "Ichat mo ko pag nakauwi ka na ahh wag kayo magpapagabi" bulong ni Riley sakin tinignan naman kami nila Matthew "Oy isa pa kayong maharot ahh sige na bye na guys" sabi ni Matthew smain nauna na kami ni Erin sa spa nagpaalam naman ako kay mama nasa manila to eh kinausap si Daddy babalik din siya bukas ng umaga para samahan ako magayos.
"Maghihiwalay na ata parents ko" sabi ko kay Erin habang nag papa mani pedi kami nagtataka siya kasi natatawa ako, kinuwento ko yung away ng parents ko natawa nalang din siya. "Magbabati din naman sila isang regalo lang ni Daddy tignan mo okay nayan" nagkukwento kasi sakin si mama ng kung anong ginagawa nila ngayon sa manila bukas nadin kasi ang uwi ni Daddy sa US. "Sabi sayo okay na sila eh" pinakita kong niregaluhan ni Daddy ng handbag si mama tawa kami ng tawa tumahimik naman si Erin at tinanong ako. "Eh kayo ni Riley? anong meron?" natahimik ako saglit natatawa tuloy ako iniisip ba nila na serious yung amin ni Riley?
"Kayo talaga wala naman super close lang namin talaga alam niyo naman yun eh" umiling naman ito sakin. "Ikaw naku manhid ka ba? walang ibang tinatrato ng ganun si Riley isipin mo lahat ng gusto at sabihin mo sinusunod niya binigyan ka pa ng stuff toy nagawa niya bayun sa iba? May isang tao lang akong kilala na ginawan ni Riley nun.
"Kay Milan, si Milan lang naman ang ginanto niya eh" Si Milan ang kabatch mate namin sa section nila Xiara na first love ni Riley nag agawan pa sila ni James dito naipit pa ako sa away nayun pero si James din naman ang pinili ni Milan di naman si Riley. "Oh si Milan, First love niya yun pag isipan mong mabuti yung ginagawa niyo ahh, kayo nalang ata ang di nakakapansin"