Chereads / A Heart's Grave / Chapter 16 - Kabanata 16

Chapter 16 - Kabanata 16

Small arguments are the root of bigger problems

"Hindi daw kayo naguusap?" ang aga aga chumismis nitong si Jane sakin, medyo okay na kami ngayon may gap padin pero kinakausap na niya ako, kahit na naiinis ako sa mga inuutos niya kay Riley ewan ko ba at pinabayaan ko nalang.

"Hindi nag away kami eh" nagtatakang nakatingin ito sakin "Bakit ano pinag awayan niyo?" kinuwento ko naman yung simpleng tampuhan nami ni Riley, sa totoo lang ako lang naman ang may issue at yung reaction lang ni Riley yung talagang nagpalala. Masyado siyang takot sakin. Uwian na namin at magkakasama kami dito sa grounds pero hindi kami naguusap ni Riley, "Ang bagal magreply kaya di mo na kinausap?" tanong ni Gale sakin tumango ako, ewan ko ba lahat naman siguro maiinis sa ganun nagkukwentuhan kami biglang ilang minuto na ang lumilipas pero di siya nagrereply mabilis pamandin ako mainis  sa ganun.

"Kaya pala sabi niya galit ka daw sakanya" tawa tawa pa itong si Gale palibhasa ay kaugali ko kaya sang ayon ito sa mga desisyon ko, "Alam niya naman na mabilis ako mainis sa ganung bagay" sabi ko pa alam naman talaga ni Riley iyon kaya may dahilan naman ako bakit di ko siya pinapansin ngayon, tinignan ko ito at tahimik lang itong kasama nila Nathan at Matthew sa gilid mukha tuloy nahahati tropa namin. "Wag niyo na palakihin ang problema, Elle kausapin mo na kanina pa mukhang pinagsakluban ng langit at lupa yun si Riley" ayaw ko din naman na nag aaway kami ewan ko ba nagugulo ang utak ko pag si Riley ang pinaguusapan.

"Umiyak kaya siya kanina" sabi sakin ni Erin doon na nanlaki ang mata ko at lumingon sa tulalang Riley lumapit agad ako dito.

"Umiyak ka daw?" malungkot itong lumingon sakin saka dahan dahang tumango napailing ako at tumabi sakanya "Bakit? kasi galit ako sayo?" tumango ito sakin at lalong bumusangot ang mukha, hindi ko mapigilan matawa ganoon ba siya katakot na nagagalit ako sakanya. "Dahil lang doon napaiyak kita?" tumango siya saka tumitig sakin "Galit ka pa ba sakin, Elle?" umiling na ako at pinaliwanag sakanya kung bakit nagalit ako.

"Wag mo na kasi akong paghihintayin ng ganun pag may ginagawa ka sabihin mo agad sakin nagmumukha akong tanga kakahintay sayo" nagmamadali itong umiling "Wala naman akong ibang ginagawa, ikaw lang ang pinag kaka abalahan ko" napangiti ako "Bati na kayo?" lumapit kami kila Gale na nag aaya mag mall, tumango kami at sumama sakanila.

"Paiyak iyak pa to si Riley, OA mo pre" sabi ni Nathan hindi siya pinansin ni Riley at tahimik lang na nakikinig ng music sa tabi ko nginitian ko to ng magtagpo ang mata namin. Buti nalang at naayos namin agad yun mamaya lumaki pa yung mga ganoong away.

Napapadalas ang gala namin march nadin kasi at sinusulit nalang talaga namin ang panahong available pa lahat at magkakasama pa kami. Typically pag ganito ay magkukwentuhan lang kami sa isang Cafe or manunuod ng movies and some also wants to shop, alam ko namang book store lang ang shopping na alam ni Riley, parehas kaming marunong magbasa kaya sumasama nadin ako pag namimili siya. We are inside starbucks syempre libre na naman ni Riley itong lalaking to kulang nalang ipainwan sakin yung wallet ko ayaw na ayaw niyang nagbabayad ako.

After gumala medyo pagabi na pala, I was laughing while talking to Gale nauna ng umuwi sila Nathan at Erin habang umiinom ay napansin kong madilim na it's almost 5 pm nag aya na umyuwi si Riley but being me na matigas ang ulo ay umiling ako, "Elle come on baka mapagalitan ka pa ng Mommy mo" bulong nito sakin "Elle aga nating uuwi ahh" ngisi naman sakin si Gale itong babaeng to porket malapit ang bahay nila okay lang na abutin ng dilim pero pag tinawagan ng nanay niya nag mamadali.

"It's lat Gale tara na" aya ko dito pero mukhang may balak pa itong asarin si Riley, may usapan kami ni Riley na 4:30 lang ay uuwi na kami but it's almost 5:30 at nasa mall pa kami inaya na ako nito tumayo "Tara na Matthew uwi na tayo" iiling iling ang pang aasar sakin ni Gale mukhang naiinis na si Riley kaya para kumalma ay naglakad na ako saka sila sumunod sakin. Nauna ng umuwi si Gale sabay naman sila palagi ni Matthew habang ito at tahimik sa tabi ko si Riley kakabati lang namin pero mukhang mag aaway na naman kami, hindi nalang ako nagsalita buong byahe. Hinatid niya ako ulit samin at tahimik na umalis chinat ko agad siya kahit na alam kong nasa daan pa ito.

"Uy galit ka ba? hindi na ako uulit promise" he replied, "Elle, I know you told me not to control you dahil ayaw mong nasasakal ka, but may usapan din naman tayo Elle napagalitan ka na ni Tita ayoko lang namang maghigpit siya sayo" I understand him naman oo tama naman siya ewan ko ba at matigas talaga ang ulo ko gustong gutso kong inaasar si Riley pero pag pinag aawayan na namin nagagalit ako. "Sorry na hindi na ako uulit promise maaga na tayo uuwi bukas" I told him, sa loob loob ko I'm gonna try, sinusulit ko lang naman na magkakasama kami.

Hindi kasi pumayag si Tita na magkasama kami ng school ni Riley apparently my school was having issue sa reputation non kaya pinasok siya sa school na katabi lang din ng akin, Catholic school iyon at ayoko dun. "Fine, just makinig ka naman sakin minsan please baby" buti di na lumala yung away napapadalas ang away namin at madalas ako lang ang nagsisimula noon, hindi kailanman nagawang magtampo at magalit sakin ni Riley palaging ako ang nasusunod umooo lang ito sa mga gusto ko.

Hindi lang iyon ang huling away namin, naulit ng naulit dahil hindi ko napapansin ang oras at napapadala ako sa sulsol ng ibang kaibigan namin buti at malakai ang pasensya sakin ni Riley alam kong hindi tama pero nakakatuwa kasi na maramadamang may pake siya sakin sa lahat ng tao sakin lang hindi mapakali si Riley.  Iba ang away namin ngayon sa totoo lang hindi naman siya away, napapadalas ang paguusap ni Riley at ni Eliyah at hindi ko yun nagugustuhan, oo na ako na ang selosa at si Riley na ang manhid saming dalawa. Nagseselos ako at wala atang napapansin itong si Riley, "Close ata kayo" turo ko kay Eliyah namin umiling naman siya "May tinanong lang siya sakin" may tinanong daw pero tawa tawa pa sila habang naguusap.

"Talaga eh bakit nagtatawanan pa kayo" tumitig ito sakin "Ngaseselos ako Riley ahh" umiwas ako ng tingin dito hindi ako yung tipong nagdedeny dapat lang na alam niyang nagseselos ako. Narinig ko ang mahinang pag tawa niya "Wag ka magselos don baby, ikaw lang ang gusto ko" bulong nito sakin. "Just don't talk to her again okay?" tumango siya at nakangising nakatingin sakin. "whatever you want baby".