The End is just the start
Graduation is approaching, konti nalang Elle magtatapos ka na at magiging proud na sayo ang parents mo. I kept on telling that to myself but it's been hard, ang hirap pala maging graduating kahit na Senior High palang naman ako. Sabi nila same as college na yung education system namin kaya siguro ganito kahirap. I made myself ready pero araw araw lang lalo humihirap yung mga tasks na binibigay samin ng School and that's my main focus as of now.
"Elle, kausapin mo na kasi si Kurt pagbigyan mo na yung kaibigan ko" sabi ni Carl umiling lang ako at patuloy na inaayos ang thesis namin para maifinalise na. "Baka nakaklimutan mong may atraso ka pa sakin Carl, kakausapin ko si Sir mamaya na tanggalin ka na sa grupo" Umiiling lang itong lumayo sakin, kahit anong pilit nila ay studies ang pinaka focus ko ngayon wala sa isip ko yung relationship nayan.
Not now na konti nalang College na ako. "Paano nga pala yung groupings mamaya?" tanong ni Rain sakin tinapos ko ang nirerevise ko saka ako humarap sakanya. "Ako na bahalang kumausap sa principal siguro naman ay mapagbibigyan tayo, hindi naman natin sila kailangan" I told her, lalo ako nahirapan sa studies dahil sa mga kagrupo kong pabigat Elen and Carl chose to drink instead of helping kaya maguusap kami sa office ngayon.
"Tawag na kayo dun Elle" sabi ni Angel kaya sumunod na kami sa office ni Rain. After explaining our sides umamin narin ang dalawa na wala talaga silang tinulong and the principal asked for my suggestion being the leader "I just don't think we need them anymore in our group Sir, we would want to continue without them." The principal nodded, "Very well, papatawag ko nalang kayo pag nagdecide na ang depratment" umalis na kami doon ni Rain.
"You were pretty heartless back there" sabi ni Rain si gaga natutuwa at napahirapan pa namin yung dalawa sa totoo lang ang selfish man pero hindi ko sila isasalba sa pagiging iresponsable nila. " I said what I said, they get what they deserve".
Aftet a week binalita sakin ng Principal na nagdecide ang board na tanggalin sila sa grupo namin kaya naman natuwa ako Rain even asked to celebrate, "After defense nalang siguro para wala na tayong problemahin" I told them.
Even Bianca who is an old friend of Elen was happy. Sa friday na yung defense kaya inubos ang natitirang mga araw para sa thesis na ito. When Friday came I knew our group was ready, hindi ako kinabahan at nairaos ko ng maayos ang research namin.
"Congratulations to us!" sabi ko sa mga kagrupo ko we hugged and binigyan naman ako ng thank you gift ng mga kagrupo ko bilang leader nila I feel bad na wala akong hinanda para sakanila, "Ano tutal nakapasa tayo lahat tara celebrate!" sabi ni Angel pumunta kaming lahat sa mall at nagcelebrate. Nag aya din ang iba na umuwi agad sa sobrang pagod ilang buwan din kaming napuyat para sa Thesis na ito.
"Punta tayo ahh?" Asked Gale, inaaya niya kasi ako pumunta sa isang concert sa Manila there's this band na magpeperform matagal na daw sila sabi ni Gale kaya pumayag na ako little treat won't hurt right lalo na ngayon at kakatapos ko lang mapagod sa thesis, I need a good time. Stress na stress ako this year. "Oo nga nagpaalam nadin ako pumayag naman si Mama" tuwang tuwa naman ito it's our first time going in a concert together minsan kasi sila lang nila Erin hindi ako nakakasama.
"Tayo lang ba sila Erin hindi makakasama?" Umiling siya "Oo tayo lang may pasok pa sila Erin eh tayo lang maaga bakasyon" tumango nalang ako, After my birthday ay nagkaron lang ng mini party sa bahay namin I'm 18 kaya siguro pinayagan nadin ako ni Mama umalis ng kami lang ni Gale. Usually ako lang ang pumupunta sa mga ganitong concert kaya sumama agad ako ng mag aya si Gale ngayon lang to pinayagan eh. After a week we went to this Mall concert.
"Ang daming tao na aattend ahh" napansin kong sobrang daming tao ang nagkalat sa mall pagbaba namin sikat siguro yung artist na magpeperform, dahil maaga pa naman nagdecide muna kami maglunch saka maglibot ng konti, sobrang dami talagang tao sa mall nahihirapan kami maghanap ng kakainan. "Nangangawit na ako maglakad Gale dito nalang tayo sa gilid kumain" turo ko sa isang Ramen house sa gilid na medyo secluded at walang nakakapansin.
"Sige diyan nalang atleast tayo lang kumakain" pagpasok namin amoy na agad yung Ramen na niluluto sa open kitchen nila "Ay akala ko tayo lang tao" may mga nakita kaming l mga alaki na napatingin samin pagpasok madami sila nagtatawanan habang kumakain hinila ko nalang si Gale paupo mga ilang table ang layo sa mga kumakain, napansin kong mya mga camera silang dala baka mga vlogger lang.
"Ito na pala order natin eh, tara kain na" agad kaming kumain ewan ko ba at nakakagutom yung ginawa naming lakad at gala sa mall may dalawang oras pa bago mag concert kaya naman inaya ko si Gale na magpahinga muna dito. "Hoy nakatingin sila satin" nguso niya sa mga lalaking kumakain sa gilid namin, "Mukha siguro tayo gutom kahit totoo naman" sinilip ko sila ngumiti yung iba habang yung isa ay nakatitig lang samin ni Gale. "Ubusin mo nalang yan" turo ko sa ramen niya.
"Elle, nakatitig parin sayo yung isa" bulong niya paglingon ko ay nginisihan pa ako nito, tinitigan ko ang ayos niya, nakaporma ito Patterned button down shirt, black jeans at Vans paglingon ko sa iba ay halos ganoon lang din ang style nila. "Bakit pormang porma naman sila?" tanong ko kay Gale sinilip niya sila, "Oo nga no, baka aattend din ng concert" tumango nalang ako. "Ano tara na?" tanong ko kay Gale halos kasabay lang din namin matapos at lumabas ng ramen house yung mga lalaki.
"Elle mag cr lang muna ako sama ka?" Umiling lang ako "Hintayin nalang kita dito, tutal andito na tayo malapit sa tapat ng entrance ng arena" I told her kaya tumango siya at dumiretso na siya sa loob ng mall. Tahimik lang ako naghihintay kay Gale at may narinig akong mahina na kanta, I don't know why, maybe because the song and the voice sounded so good sinundan ko kung saan galing yung kanta.
Then I stopped at the back of this building near a garden, And see this man. The same man that was staring at me inside the Ramen house, He was lying in the bench with his hand on his eyes so he can block the light, and he was singing his voice is drawing me near him hindi ko napansin na naglalakad na pala ako papalapit sakanya.
"Do you like the song?" I heard his voice, it's so angelic pero nanlaki ang mata ko at napa atras ng konti. "Hala sorry, lumapit nalang ako bigla" bulong ko he sitted and I can't look at him sobrang lalim ng titig niya sakin, it's making me feel weak.
"It's fine, so did you like the song?" unti unti akong tumango. He sighed and grabbed my hand to be near him. Nagulat ako sa biglang paghila niya, hindi nya binitawan ang kamay ko.
He caressed my face and wipe it, "Your crying" he mumbled. I didn't even notice that I'm tearing up just because I heard him singing. Tulala lang ako sa mukha niya he slowly smiled, Oh God he looked so boyish and manly, my heart is racing.
"What's your name?" he asked.
"Elle Marie, and you?" I feel like I'm in cloud nine staring at his eyes.
"Johan Yarwell" he answered. May tumawag sakanya sa loob ng arena kaya nilingon niya na ito at sinenyasan na susunod siya.
"So see you later, Elle" he smiled then run inside the arena. Nagmamadali akong bumalik kung saan ako dapat balikan ni Gale naiinis itong tumingin sakin. "Saan ka ba galing?" tinuro ko yung daan "Diyan lang" tulala padin ako, Johan? at pumasok siya sa Arena so that means?
"Gale do you know a guy named Johan?" tumango ito sakin.
"Oo narinig ko na ata, alam ko magpeperform sila ngayon din bakit?" I smiled. Maybe God really has plans for me.
"I think, I like him."