Chapter 4 - Chapter 3

Douji Uehara's POV

Madali kong nalusutan ang gulong kinasangkutan ko noong first day of school pero hindi ako nakatakas sa tsismis. Ang topic? Isang freshmen, pinatulan ang kanyang music teacher.

Pinagbubulungan ako ng mga tao simula sa gate hanggang sa classroom. Sino ba kasing mag-aakalang magagawa kong pagsalitaan ng gano'n ang isang guro? Huh, that's what they're seeing. For me, that woman isn't just my instructor in this campus. Siya ang pinaka-nakakairitang epal na bumago ng buhay ko for the past twelve months after she stick her nose into my business.

'Di ko naman intensyong patulan ang babaeng 'yon, e. Pero sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya, naaalala ko lang lalo 'yong nangyari one year ago. Alam mo 'yong desidido ka nang gawin ang isang bagay ngunit may pumigil sa 'yo at sa huli, mas pinili mo na lang na huwag ituloy dahil inusig ka ng konsiyensya mo?

Pinilit kong gawin ang tama - na mabuhay sa kabila ng kamalasang inabot ko. Although, I know my life won't get back to normal, I choose to turn the page to the next chapter of my life, considering the fact how my parents waste their time and money to sustain my needs for twenty-three years of my existence.

Miss Rosewood and her subject, Music. Those are my opponents. Sila ang sanhi ng depression na pinagdadaanan ko ngayon at sila rin ang ugat ng kagustuhan kong magpakamatay ulit.

I was about to become a famous singer back then but my voice gave up. Natanggal ako sa competition. Sinusubukan kong kumanta subalit 'di ko magawa! I'm so frustrated. Since then, I began to hate music. Sinabi ko sa sarili kong hindi ko na tatangkilikin ang musika dahil wala naman 'yang dinala sa akin kundi kalungkutan.

Maagang lumabas si Miss Sabrina, ang instructor namin sa first period due to some important matters daw na kailangang asikasuhin sa faculty. Habang hinihintay ang pagdating ng bida-bida naming teacher sa Music, nag-practice na ang ilan sa amin.

Kanya-kanyang rehearsal pa 'yong iba. Akala mong magtatanghal sa Showtime itong mga 'to. Good thing, soundproof ang mga rooms dito kaya hindi masyadong rinig ang mga boses namin sa kabilang classroom.

"Douji-san, mamaya na ang performance natin. Ayusin mo naman! Nag-almusal ka ba? Para kang lantang-gulay!" puna ni Dori. May dinukot ito sa bag niya na kung ano at saka ibinato sa akin. Sinalo ko ang bagay na 'yon. Biscuit?

"What's this?" I asked though I know what it is.

"Pagkain, malamang. Kulang ka sa energy, bro! Baka mamaya, mag-collapse ka na lang diyan sa sahig," sagot niya. "Tsk. 'Di ko pa rin matangggap. 'Yong plano kong J-Pop song, naging acoustic. Chance ko na sanang magpakitang-gilas kay Miss Sabrina," sambit ni Dori. Lakas ng tama ng isang 'to. Of all people, sa teacher pa nagkagusto.

"Correction. Si Elle ang prof natin sa Music, hindi si Miss Sabrina," pagtama ko sa sinabi niya.

"'Di mo ba alam? Mag-best friends sina Miss Sabrina at Miss Elle. 'Di malayong makuwento ni Miss Elle kay Miss Sabrina ang extreme talent ko sa pagkanta ng Japanese songs! Huh, sigurado akong mai-inlove 'yon sa 'kin! Ikaw kasi, e. Mas prefer mo pang tumugtog kaysa kumanta."

"Matakku! How many times do I have to tell you? I don't wanna sing. I'd rather play this old guitar than making fun of myself in front of people!" irita kong sabi. Napilitan akong dalhin 'yong gitara kong nakatago sa bodega para lang mapapayag si Dori. I have no choice.

"As expected from a former musician─" Dori suddenly covers his mouth when he felt my dark aura. "Sabi ko nga, kakanta na lang ako. Gagalingan ko for my future beloved sweetheart Miss Sabrina," aniya na daig pa ang babae kung kiligin. Bakla 'ata 'to, e.

"Kung gano'n, dapat mong makuha ang atensyon ni Elle. 'Yan ay kung 'di ka pag-iinitan ng babaeng 'yon matapos ko siyang tampalin ng middle-finger sa mukha last Monday."

"I don't think she'd do something immature. Just be thankful na nagbago ang isip ni Miss Elle at hindi na kayo umabot pa sa OSA. At paalala lang, Douji-san. Miss Elle is our professor so better know how to address her propertly."

To be honest, I managed to stop her from doing it before she finally went to the Office of Student Affairs (OSA). I knew her mind will change lalo na noong dinala ko siya sa admin building para buksan ang usapin tungkol sa suicide attempt ko last year.

Pumalatak ako. "Bahala ka nga."

I left my seat along with my guitar. Lalabas sana ako para magpahangin nang muntik ko na makabangga sa pinto ang papasok na si "Miss" Elle. Kung kahapon, nakasuot siya ng casual attire, ngayon, naka-dress naman. Ba't ba ang hilig nito sa pink? Karami-rami ng kulay sa color chart, hindi ba siya nagsasawa diyan? Women - one mystery I'll never be able to solve.

She raised an eyebrow and based on her expression, she was asking me to give her a way. Tumalikod ako at bumalik na sa upuan ko.

Darn it. The humdrum class has begun.

•••

Pang-pito kaming magp-perform at nagre-ready na kami dahil kami na ang susunod. Kung 'di lang kami nagp-practice ni Dori, maglalagay ako ng earplugs sa tenga. Naririndi ako sa boses ng mga kaklase namin at higit sa lahat, naiinis ako sa mga kinakanta nila.

Those are the songs na hilig kong kantahin noon, bagay na 'di ko na magawa ngayon. Pop, R&B and adult contemporary. Shit. Pakiramdam ko, napaka-walang kwenta kong tao.

The room filled with applauses afterwards. Sunod kaming tinawag ni Miss Elle. "Mr. Sugawara and Mr. Uehara." Is it just me or she mentioned my name with emphasis?

Tumayo na kami sa harap. Panay ang tili ng mga babae, kung todo-cheer sa amin na animo'y nasa singing contest kami. Ang OA. Puwede namang manahimik na lang at makinig.

Ako ang nanguna sa pamamagitan ng pagtugtog ko ng gitara. 'Di na ako nagdala ng guitar chords tutal, kabisado ko naman ang kantang napili ni Dori. Ang importante, hindi ko ibubuka ang bibig ko. Okay na 'yon kaysa pilitin ako ni Miss Elle na kumanta kahit ayaw ko.

"Alam mo ang ganda mo pala

'Pag tumawa ang iyong mata

Hinahabol ko ang bawat mong tingin

Pero ito'y 'di mo napapansin."

My eyes shifted to Miss Elle for no apparent reason. I don't know why but since Dori sings the first part, her face is overwriting the chords. Tila may sariling isip ang mga daliri ko at kusa 'yong gumagalaw. I was able to play guitar just by looking at her.

"Wala akong maipagmamayabang

Porma ko'y pasimple-simple lang

Sino ba ako walang dating sa 'yo

'Di tayo bagay sobra mong ganda... Talaga."

This time around, my fingers aren't just moving on its own, even my lips starts to create melody. Mahina man ngunit ramdam ko ang vibration sa voice box ko, tuloy-tuloy at walang palya.

"'Di ko alam hanggang kailan tayo

'Di ko mabago ang ikot ng mundo

Pero sama ka sa aking biyahe

Atin lamang ang araw na ito

Ang buhay ay sinasakyan lang 'yan

'Di ko alam ang tungo kung saan

'Pag sumama ka sa aking biyahe

Iaalay ko ang puso ko..."

Naging maayos ang performance namin ni Dori hanggang sa matapos namin ang kanta. Nagpalakpakan ang mga kaklase namin, kabilang na si Miss Elle na sandaling nabura ang inis sa kanyang mukha.

"Sino na nga 'yong nagsabing hindi siya kakanta?" natatawang asar sa 'kin ni Dori pagkaupo namin sa upuan.

"Urusai, Sugawara," I said, telling him to shut his mouth.

"Okay, tatahimik na!" sabi niya pa.

Lahat ay nakapag-perform ng first activity. Binigyan kami ni Miss Elle ng ten minutes para mag-review. May quiz daw. 'Di ko naman alam ang iq-quiz dahil hindi naman ako nakikinig. Mangongopya na lang ako kay Dori.

"Get one-half sheet of paper," ani Miss Elle. Hiningan ko si Dori ng papel at hinati niya naman ang one whole sa dalawa. Ilang sandali pa, nag-start na ang quiz.

Twenty-items na puro enumeration. Anong isasagot ko rito? Tumingin muna ako kay Miss Elle bago ko sinilip ang papel ni Dori. Mabilis kong inilipat ang sagot niya sa papel ko.

Medyo nahirapan akong kopyahin 'yong iba niyang sagot. Napakagulo ng writing! Ang hirap intindihin! Nagkamali 'ata ito ng kursong pinasukan, e. Dapat nag-med school ito. May ambisyon 'ata itong maging doktor!

Douji Uehara

BSED - 1B1

Test I. Enumerate the different kinds of musical genres.

1. Jazz

2. Rock

3. Musical theatre

4. Classical music

5. Hip-hop

6. A̶m̶b̶i̶a̶n̶t̶ Ambient music

7. B̶a̶r̶b̶e̶q̶u̶e̶ Baroque music

8. Alt─

"Mr. Uehara, ano 'yan?" Mataman na tumingin sa 'kin si Miss Elle. Agad akong umiwas kay Dori at nagpanggap na sumasagot sa papel. Nilapitan ako ni Miss Elle at kinuha ang papel ko. Binasa niya ang mga nakasulat doon.

"You stuck at number 8. Care to fill in the blanks?" tanong niya.

"Alternative music," I mouthed. Alangan namang magsalita ako, edi narinig din ng iba.

"How about numbers 9 to 10?"

"I have no answer."

"That's because you don't know the answer. Kasi busy kang tumingin sa papel ng katabi mo! Huwag ka nang mag-deny, huling-huli ka sa akto. Patingin-tingin ka pa sa 'kin, alam ko na 'yang ganyang tactic, Mister!" maarteng sabi niya. Nagpalitan ng tawa ang mga kaklase ko ngunit wala akong pakialam.

"Is that so?" I smirked. "Gawain mo siguro 'yan noong nag-aaral ka pa, 'no? Huwag mong sabihing buong buhay mo bilang estudyante, ni minsan hindi ka nangopya?"

She put her hands on her waist. "Excuse me?"

"Ang boring mong magturo. Nakaka-umay kang pakinggan, alam mo ba 'yon? Dinadaan mo sa ngiti ang lahat na para bang biro ang pag-aaral. Naiirita ako sa mukha mo. You shouldn't be here in the first place."

"What?" Namumula na ito sa galit. Serves you right, Miss Epal!

"Oh, I forgot to inform you, May bagong bukas na comedy club na malapit dito. Baka gusto mong mag-sideline? Nag-h-hire sila ng mga komedyanteng may tatak na 'funny' sa noo and that includes you, Miss Elle Rosewood."

"I'm getting back on you, Mr. Uehara! Remember that!"

Hindi ko na lang pinansin ang babala nito. Walang anu-ano'y isinukbit ko ang backpack sa likuran ko at saka ako lumabas ng classroom. I'm so sick of her face, her voice, her presence. Ang 'di ko maintindihan ay kung bakit nag-iba ang reaksyon ko no'ng tumutugtog ako ng gitara kanina kasama si Dori?

For goodness' sake, Douji. That's enough of thinking about nonsense. The song just affected your performance. It's not like everything has changed between you and that woman. No one's gonna blow my cover. Whoever it is.

"I'm sorry," paghingi ng paumanhin sa matandang aksidente kong nabunggo sa hallway. Teka, namumukhaan ko siya. He's the janitor we saw last time in admin building.

"Magbabago ang lahat sa isang iglap, hijo. Pinapayuhan kitang ihanda ang iyong sarili, gayon din sa babaeng nakasagutan mo."

The old man left all of a sudden. Ano na naman bang ibig niyang sabihin? Every time we crossed our paths, he always say something odd.

Mayamaya, biglang sumakit ang ulo ko. Hinilot ko ang sentido ko at naghanap ng mauupuan pansamantala. Habang tumatagal, lalong tumitindi ang kirot na nararamdaman ko. Nagsisimula na ring uminit ang katawan ko. Mukhang lalagnatin ako at malabo na akong makauwi.

Sa kamalas-malasan, nakalimutan kong magbaon ng paracetamol. 'Di bale, malapit lang ang clinic mula rito. I'll stay there until my fever gets down.

Sa clinic, in-assist agad ako ng naka-duty na nurse. Chineck niya ang temperature ko at doon nakumpirmang may lagnat ako. Pinahiga ako ng nurse sa kama at binigyan ng paracetamol. Ininom ko ang gamot bago ko pinikit ang aking mga mata. Uh, whatever caused me to feel like this, I hope I get better soon. I wanna go home.

•••

Sometime later...

Naaalimpungatan akong bumangon sa kama. Ang tagal ko ring nakatulog to the point na inabot na 'ko ng gabi rito. Teka sandali, bakit ang dilim? 'Di kaya sinarahan na ako ng nurse at iniwan ako rito sa clinic ng mag-isa? In that case, I need to get out of here!

Hinanap ko ang bag ko subalit bigo akong makita 'yon. Tuloy, napagdesisyonan kong maglakad upang kapain ang switch. Bumukas ang ilaw.

Iginala ko ang paningin sa paligid─hindi ganito ang hitsura ng clinic! Nasaan ba ako? Ba't puro gamit pambabae ang nandito? Who owns this room and why do I feel so uncomfortable, as if something's on my chest? Something heavy tied on it.

I looked down as I made a horrible discovery. I found a pair of boobies on my chest! What the hell? Kailan pa ako nagkaroon ng dibdib ng babae?!

Tumingin ako sa round mirror na agad nahagip ng mata ko. Nanginginig kong kinapa ang babaeng nag-reflect sa salamin at labis akong hindi makapaniwala.

"Y-You... What are you doing here?" Hinawakan ko ang leeg ko. Bakit boses niya ang lumalabas sa bibig ko? Oi, masaka!

"AAAAAHHHHH!" Na-engkanto ba ako o ano? What's happening to me? Bakit ako nasa katawan ni Elle Rosewood?!