Chapter 8 - Chapter 7

Douji Uehara's POV

Likas palang maarte ang babaeng 'yon. Bukod pa do'n, demanding pa. Ano bang gusto niya, pagsalang ko sa kaldero, kailangan kulo agad? Ilagay niya kaya ang sarili niya sa sitwasyon ko?

Ayaw ko ng subject niya. Ayoko rin ng mukha at pagkatao niya. Okay lang sana kung ibang subject ang ituturo ko, e. Music? Sa dami ng puwede niyang hawakan, bakit 'yon pa? Nakakainis! Pinaglalaruan 'ata ako ng tadhana. Pilit akong dumidistansya sa kanya pero lagi siyang nakadikit sa akin, bantay-sarado at parang ginagawa akong robot na utos-utusan.

Ni hindi ko na-enjoy ang weekend ko last week dahil ang dami niyang pinadalang learning materials na "makakatulong" daw para maideliver ko nang maayos ang lesson sa harap ng mga kaklase ko na ngayon ay mga estudyante ko na. Unbelievable!

Nagkita kami ni Elle sa meeting place gaya ng napagkasunduan. Sumakay kami ng jeep pauwi ng apartment niya. Dahil ako ang may-hawak ng susi, ako na ang nagbukas ng pinto pagdating namin doon.

"What happened to this place? Why's it a disaster?" histerikal ni Elle pag-apak niya sa intrada.

Nothing seems new. Ano bang kinagugulat niya?

"Hoy, huwag ka ngang OA. Wala akong ginagalaw sa mga gamit mo," depensa ko at baka iniisip niyang ninanakawan ko siya.

"No, that's not it," paglilinaw niya.

"Then what are you trying to say?"

"Look at this place! Tinuruan ka ba ng magulang mong maglinis-linis?! Ano ba 'to? Ang daming papel na nagkalat sa sahig!" Isa-isa niyang pinulot ang crumpled papers at iba pang basura doon. I let her do it, it's her place after all.

Inabutan ko siya ng walis tambo at dustpan. "Take responsibility of cleaning your own house. Tutal, andiyan ka na rin lang," sabi ko.

Pagalit niyang kinuha ang walis at akmang ihahampas sa akin. "Coming from your mouth na walang ibang ginawa dito kundi magrelax! Isupalpal ko kaya 'to sa 'yo?"

"Tsk."

"Quit clicking your tongue, you big dumbass!" Hinila ni Elle ang braso ko saka niya ako pinaharap. Naniningkit kong nilapitan siya.

"Nani?"

"Maglinis ka! Wala kang pakinabang! Mabuti pa 'yong bata 'pag inutusan mo, susunod agad eh ikaw? Ginagawa mo?" pamimilit nito ngunit binalewala ko lang siya at piniling talikuran.

"I'll change my clothes," sabi ko bilang excuse nang matigil na ang bunganga niya na walang preno sa pagsasalita. 'Di na lang sana ako pumayag na dalhin siya rito. Daig pa ang manok na putak ng putak! Nakakarindi.

"Argh! Tamad ka kamo! Rich k..id!"

She's too stubborn at ang hirap pakiusapan. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa kanyang tigil-tigilan niya kasisigaw? Napu-pwersa ang vocal chords ko at sa halip na gumaling, lalo lang lumalala ang kondisyon ko.

Isa malaking pagkakamali ang nagkapalitan kami ng katawan! It's that old man's fault for playing us like toys. Hindi ko siya mapapatawad oras na permanente kaming na-stuck sa katawan naming ito!

Pagkatapos kong magpalit ng damit, inanyayahan ako ni Elle sa mesa. Nakapatong doon ang katakot-takot na libro, papel at kung ano-ano pang reviewer na may kinalaman sa Music.

Makakita lang ako ng kahit anong nagsi-symbolize ng musika, sumasakit na ang ulo ko. 'Yan ang isang rason kung bakit hindi ko sineryoso ang pagr-review noong weekend.

Maliban sa libro and other materials na nasa mesa, nakapatong din doon 'yong hourglass na bigay ng matandang janitor. Agad naman iyong napansin ni Elle.

"Malapit nang mangalahati ang buhangin sa hourglass, ah? Well, in that case," Bigla-biglang itinapon sa 'kin ni Elle ang libro. "We need to act fast and stop sulking!"

"Tss," palatak ko. Inutusan niya akong buksan ang pahina sa page 23. Basta kong sinunod ang utos niya. 'Di ako titigilan nito hangga't hindi ako nagpapaalila rito.

"Hindi ko alam kung confused ka o sadyang tanga ka lang talaga. Hindi ko pa tapos i-tackle ang chapter one which is introduction, history and different kinds of music notes. Intro pa lang ang tinuro ko last Monday and I told you to find a partner para sa first practicum by Thursday. You're supposed to discuss the history and yet you jumped to the next chapter? Hilo ka 'ata, e!" sermon nito. Wala siyang pinagkaiba kay Daddy na puro panenermon ang lumalabas sa bibig.

"If you're here just to lecture me, better go home before it gets dark. Magkaka-migrane ako sa mga pinapagawa mo sa 'kin!" pakamot-kamot kong sabi kay Elle.

"C'mon. I wouldn't be here if you're doing your job well. Ang kaso, pataka kang magturo! You have no dedication na para bang laro lang sa 'yo ang lahat! Nagpapakahirap akong pakisamahan sina Louie at Dori para sa 'yo tapos gaganituhin mo ako? Anong klase ka?"

"Shut up," I said, but her mouth keeps on babbling nonsense.

"No! Sobra na 'to, Uehara! Tell me, why can't you love music? Ano bang kinakagalit mo?"

Napatayo ako sa upuan at galit siyang tinapunan ng nakamamatay na tingin. Isa sa ayoko ay 'yong tinatanong ako tungkol diyan. Pinapaalala niya 'yong panahon kung saan gumuho ang mundo ko. The day I lost my passion in music.

"What part of shut up do you not understand? I hate that fucking music! Mahirap bang intindihin 'yon?!" I screamed at the top of my lungs.

Hindi ko intensyong sigawan siya nang gano'n, nabigla lang ako at hindi ko napigilan ang nag-uumapaw kong galit. I wish to forget everything from the past but she keeps on reminding me how worthless I am. How pathetic I was. Every time it plays on my mind, I feel worst at dito na papasok 'yong suicidal thoughts ko. Damn, why is this happening to me?

"U-Uehara..." She stares at me, fear clutching to her heart. Doon ako tuluyang nahimasmasan.

"I'm sorry," mahina ngunit sinsero kong sabi. An apologetic look suddenly flash in my eyes. I can't stand it for some reason.

Hindi na siya kumibo pa matapos no'n. Tahimik kami sa nakalipas na lima hanggang sampung minuto at tanging electric fan lang ang nagbibigay ng ingay sa buong kapaligiran.

Paulit-ulit kong kinikiskis ang mga palad ko. You can call it mannerism, though. Ganoon ako kapag kinakabahan o may gustong gawin ngunit kailangang pag-isipan nang mabuti.

"No, I should be the one to apologize. I'm overstepping my bounds. Siguro isa na 'to sa dahilan kaya hindi tayo magkasundo. Pinipilit kitang gawin ang isang bagay na against sa will mo and that's what makes you so irritated."

Did Elle just say sorry?

"Ang akin lang, huwag mo akong madaliin. 'Yong sinabi kong galit ako sa music? Hindi 'yon joke. Diyan nagsimula ang kamalasan ko sa buhay to the point na tinangka kong magpakamatay.

"Sa ngayon, wala pa akong lakas ng loob para ikuwento sa 'yo kung anong nangyari pero once na malaman mo ang lahat, maiintindihan mo rin kung bakit binastos kita. Kung bakit tinarantado kita. Most of all, bakit ko kinamumuhian ang musika. Hindi naman kita tatakbuhan, e. I'm willing to repay your generosity. Though, that doesn't makes me happy." Nakaiwas ang tingin ko kay Elle nang banggitin ko 'yon sa kanya.

Elle giggles. "Ikaw talaga. Fine, I'll respect your decision. I won't force you kung ayaw mo. In fact, may isang option pa naman. Never ko pang nagawa 'to but I have no choice."

"Ano?" Sumilay ang malapad na ngiti sa labi ni Elle. Mayamaya, pumilas siya ng ilang piraso ng papel. Isa-isa niyang sinulatan iyon saka inirolyo nang maliliit. Kinuha niya ang palad ko at doon niya inilagay ang mga papel.

Seems like I know what she's getting at.