Chapter 10 - Chapter 9

Douji Uehara's POV

Bagama't katatapos lang ng meeting, tulala pa rin ako paglabas ko ng audio room. Matapos ang nangyari sa loob, ewan ko lang kung kaya ko pang ipagpatuloy ang kalokohang ito.

I was assigned to be the advisor of Music club for this school year. Nananadya ba ang tadhana? I don't want to sound dirty pero nakaka-putangina na! Pumayag ako sa kasunduan namin ni Elle na magpanggap ako bilang music teacher at bilang kapalit ay titiyakin niyang maintained ang grades ko sa buong semester. Pero ang i-handle ang club? Sobra-sobra na!

Hindi ako papayag na si Elle na lang ang laging nasusunod. I will stand for myself, too. Kapag sinabi kong ayoko, ayoko.

Kumalam ang sikmura ko sa gitna ng aking paglalakad. It's passed 1pm. Kape lang din ang ininom ko kaninang umaga, no wonder why I'm starving. I left my things in faculty room before I made my way at the cafeteria.

Nag-order ako ng isang lunch set with drinks. Damn, na-miss ko tuloy magbaon ng bento box gaya ng nakagawian ko bago ako na-soul switch kay Elle. All my favorite foods in one meal. Tamang tiis sa mala-NFA rice at curry na kulang sa sauce. Honestly.

It's my fourth day of eating alone. I've missed those times na kasabay kong kumain si Dori tuwing lunchbreak. Si Elle na ang kasama niya ngayon along with the guy named Louie. Baka best friends na sila habang ako? Walang pinagkaiba sa anti-social na laging mag-isa.

"May I?" Someone dropped a tray of food in my table. Pagtingala ko, isang babae ang rumehistro sa utak ko. The same girl who went to my classroom earlier na siyang nag-remind sa akin tungkol sa urgent meeting kanina.

"Miss Sab─I mean, Sabrina," tawag ko sa pangalan nito. Nakabusangot siyang naupo sa tapat ko at sinimulan nang buhusan ng sabaw ang kanin sa kanyang plato.

"You're getting weird lately. Hindi mo na ako kinakausap. Noong Monday, nagkasakit ako and I'm expecting you to visit me but what I received are text messages. Your presence is needed and yet you never shown up," nagtatampong sabi nito.

Hindi ako kumibo at patuloy lang sa pagnguya. Wala akong alam sa sinasabi niyang text. Marahil kay Elle galing 'yong text message na tinutukoy niya.

"Sorry, stressed lang ako nitong mga nakaraang araw," malamig kong sagot. I don't talk to girls that much, maybe that's why I never had a girlfriend.

"Bakit 'di mo ako kinokonsulta? We're friends, you know?" aniya na may kasamang irap. Ganito ba sila ni Elle 'pag nagkakatampuhan? Ang aarte.

"Well, it's not like you can solve all my problems. Hindi ka naman mathematician." Kusa 'yong lumabas sa bibig ko nang hindi pinag-iisipan. I saw her reaction, she looks surprised and annoyed at the same time.

Padabog na hinampas ni Miss Sabrina ang mesa hawak ang kusara na nasa kamay nito. "What's the matter with you, Elle? Ano bang nagawa ko sa 'yo at nagkakaganyan ka? You're starting to act different after I recovered from fever last week!"

"Urusai," mahina kong sabi sa salitang Japanese na ang ibig-sabihin ay 'shut up.'

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante sa canteen pero wala lang 'yon kay Miss Sabrina. "Huwag mo akong ina-anime, Katrina Elle Rosewood! Andiyan ka lang sa harap ko pero parang ang layo-layo mo na. Ano bang problema mo, ha?"

"It has nothing to do with you, okay? Just stay out of this!" I failed to control my anger. Nasigawan ko siya ng 'di oras. Nagpasya akong hindi tapusin ang pagkain ko at tumayo na. I left her alone in that table along with my food.

Wala ako sa mood makipag-deal sa ganyang tao kahit kaibigan pa siya ni Elle. Ang dami ko na ngang problema sa buhay, dumaagdag pa 'tong kaibigan niya. Magsama silang mag-best friend!

•••

Nakatanggap ako ng sunod-sunod na phone calls kay Elle ngunit ni isa sa mga 'yon ay hindi ko sinagot. Andito lang ako sa faculty room at nagpapalipas ng oras. Hindi ko muna pinasukan 'yong dalawang klase ko sa second year ngayong hapon gawa ng kawalan ko ng gana sa pagtuturo. Chinat ko lang 'yong mga representatives nila at binigyan sila ng take-home activities gaya ng nabanggit ni Elle last time.

"Miss Elle," sabi ng babaeng naka-blazer uniform na nakaduwang sa pinto ng faculty room. If I remember, isa siya sa mga kaklase ko sa music class. I didn't catch her name though. It doesn't matter to me anyway.

"Hai?"

Pumasok na ang babae at inabutan ako ng ga-pirasong papel. "Pinabibigay po ni Uehara." Pagkakuha ko niyon ay umalis na siya.

Tinignan ko ang nakasulat sa papel. It is written in full caps na tadtad ng exclamation points sa dulo. This woman never give me peace. She's such a headache!

'HOY, BAKIT 'DI KA SUMASAGOT SA TAWAG KO?! MAGKITA TAYO SA EDUC ROOM 3 MAMAYANG 5:30 PM. HIHINTAYIN KITA!!! MAGTUTUOS TAYO!!!'

Pinunit ko ang papel at itinapon sa pinakamalapit na trashcan. Pumunta man ako o hindi, paniguradong hindi ako tatantanan ng babaeng 'to. Wala sa bokabularyo niya ang salitang katahimikan. Giyera kung giyera. Bira kung bira. Sabagay, tamang timing na rin ito para sabihin sa kanyang hindi ako approve na maging advisor ng music club.

•••

Saktong 5:30 nang dumiretso ako sa room 3 ng educ building. Wala nang gaanong tao sa pasilyo at sarado na rin ang karamihan sa mga classrooms. Pagpasok ko, bumungad ang galit na galit na si Elle na nakaupo sa armchair ko.

"Lock the door," mariing utos niya, walang bahid ng pagbibiro.

Nasindak ako ng kaunti at aminado naman ako do'n. Ito na yata ang pinaka-nakakatakot na expression ni Elle. She's far more scarier than my father.

All windows are closed. Nakapatay rin ang aircon kaya medyo mainit sa loob. Nag-iisang ilaw lang ang nakabukas. Narinig kong umatras ang upuan. She's walking towards me and it's faster than usual. May halong pagdadabog.

"Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo. Pareho kayo ng kaibigan mong─" Nagulantang ang buong sistema ko matapos niyang hatawin ako ng malakas na sampal sa pisngi. Natagpuan ko na lang ang sariling hawak-hawak ang kaliwang pisngi ko. What the─

"Pasalamat ka't sampal lang ang inabot mo. Kung tutuusin, dapat hinampas na kita ng armchair sa ulo nang magising ka sa mga pinaggagawa mong kabaliwan!" nag-uumapaw ang galit ni Elle at kulang na lang, bugahan niya ako ng apoy sa sobrang anghang ng mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Saan na naman ba hahantong ang pag-aaway naming ito?

"I don't understand," kunot-noo kong wika.

"Talagang hindi mo maiintindihan dahil never kang naging matinong kaibigan! Ikaw ha, ba't ang unfair mo? Tinatrato ko nang maayos ang parents mo pati sina Dori at Louie na halos ituring ko nang mga totoong kaibigan alang-alang sa agreement natin! Tapos ano, ito ang igaganti mong hinayupak ka?!

"Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa canteen at nag-text din sa 'kin si Sabrina! Galit na siya sa 'kin ngayon at ayaw na akong reply-an kahit anong paliwanag ko! See? Ako ang umako sa kasalanan na ikaw ang may gawa! Ang kapal ng mukha mo! Wala kang utang na loob!"

Sinalo ko lahat ng masasakit na salitang binitawan ni Elle. Ultimo sampal sa kabilang pisngi ay tinanggap ko. She was hurt and disappointed to what I've done. Suddenly, the guilt was hunting me, pulling my guard down especially when I look into her eyes. May namumuo nang luha sa mga mata niya.

"Pinatira kita sa apartment ko ng almost one week! You were permitted to use my body to continue breathing for 7 days without fail! Given na likas kang tamad so pumayag din akong mag-volunteer na linisin ang apartment to make sure na komportable ka!

"Higit sa lahat, inintindi kita dahil matindi ang pinagdaraanan mo! Grabe ang sakripisyo ko sa 'yo kahit 'di kita kaano-ano! Si Sabrina na nga lang ang meron ako! Iyong tao na halos ituring akong kapatid! Never kaming nag-away niyan, ngayon lang and it's because of you! Tandaan mo, Uehara. 'Di por que may access ka sa buhay ko, hindi nangangahulugang may karapatan kang sirain ang friendship namin ni Sabrina!"

Elle took something out of her pocket and throw it on my feet. Basta ko 'yong kinuha. Cellphone ko pala 'yon na pinagamit ko sa kanya. Bukas ang screen at nakadisplay ang conversation nila ni Miss Sabrina. Binasa ko ang text messages. Patagal nang patagal, unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko sa mga nababasa ko.

Kung ayaw mo na akong kausapin ng matino at wala kang balak ayusin 'tong gusot sa friendship natin, sabihin mo lang, ha? Ang ayos-ayos ng pakikitungo ko sa 'yo, mahinahon kitang tinatanong kanina kung anong problema tapos ano? Namimilosopo ka pa. Hindi na kita kilala, Elle! Nagkasakit lang ako, nagbago ka na!

Ang dami nating pinagdaanang trials since college. Ilang beses na rin tayong nagkatampuhan pero hindi ganitong katindi! Ngayon pa ba tayo magkakasamaan ng loob? Hindi na ikaw 'yong Elle na kaibigan ko! Ibang-iba ka na talaga!

Shit, Douji. Anong ginawa mo?

"Kasalanan mo lahat ng 'to! From the moment you try to commit suicide up to this point! It's all your fault!"

Nagulat ako sa sumunod na nangyari. Binato niya ako ng armchair at muntik nang tumama sa 'kin. Mabuti na lang, nakailag ako. Napaluhod si Elle at doon nag-iiyak. Kumirot ang puso ko sa paraan ng paghikbi niya. It wasn't ordinary sob. Mararamdaman mo 'yong pain and for sure, doble pa 'yong sakit na pumapatay sa damdamin ni Elle.

"A-ang sakit-sakit na, Uehara," she sobbed. "P-Please, m-magbago ka na... H-Hirap na hirap na 'kong pakisamahan ka... H-Hindi ko ginustong mangyari s-satin 'to!"

Nabuhay muli sa alaala ko ang mga kaganapan sa nakalipas na dalawang linggo simula no'ng maging teacher ko siya. Those memories kept playing on my mind, how I treated her so bad. How I blamed her for my existence in this world.

Now, I had realized that she's right to begin with. Ang kapal ng mukha kong bastusin siya, sisihin at tratuhin bilang kaaway. Sa dami ng trials ko ngayon, sino ang laging nariyan? Hindi si Dori, hindi sina Mommy at Daddy. Walang iba kundi si Elle. Ang babaeng sinaktan ko nang todo. 'Tangina, Douji! Bakit mo nagawa 'yon?

Sinikap kong lapitan si Elle at kaagad ko siyang kinulong sa mga bisig ko. Matiyaga kong hinahagod ang likod niya upang sa gano'n ay maibsan ang bigat na pasan-pasan nito.

"I'm sorry, Elle. Sorry for everything. Okay lang kung hindi mo pa 'ko mapatawad. Naiintindihan kong nasaktan kita at dapat kong pagbayaran 'yon sa pamamagitan ng pagsisisi. Pasensya na sa perwisyong idinulot ko. Napakasama kong tao, Elle! Napakasama ko!"

Bigo kong pigilan pa ang pagpatak ng luha ko at hinayaan kong bumuhos 'yon mula sa aking mga mata. The room filled with sobs and tears as we exchange our emotions. It was deep, heavy and painful.