Elle Rosewood's POV
Sunday morning. I'm laying in bed - half awake. As I checked my phone to see the time, I realized how long I've been snoring while drooling on my pillow. Nagda-dalawang-isip tuloy ako kung babangon na o matutulog pa. Feeling ko, kinulang ako sa pahinga dahil buong gabi kaming nag-chat ni Douji sa messenger hanggang madaling araw.
Marami kaming pinag-usapan sa phone. Nag-hamon pa nga siya ng videocall at nangangawit na raw ang daliri niya kaka-type. Kinuwento ko sa kanya 'yong short moments namin ng Papa niya at kung anong ginawa naming "mag-ama" sa bahay during those times.
Actually yesterday, tinulungan namin si Mrs. Uehara na mag-prepare ng hapunan. I'm not really used to see him around the kitchen lalo na nang sabihin ng mama ni Douji na hindi mahilig magluto si Mr. Uehara.
Then, masaya kaming nagsalo-salo sa hapag-kainan - puno ng tawanan at ngitian, bagay na never kong na-experience since I got here. Nawala agad 'yong takot ko kay Mr. Uehara at napalitan ng astonishment. Wow. A brute father who has a soft side on the inside.
Sayang talaga't wala si Douji. Hindi niyo alam kung gaano siya inggit na inggit. Pinipigilan niya lang lumuha pero alam kong gusto niyang umiyak. Sino bang hindi? Buong buhay niya, ni minsan, hindi siya pinakitaan nito ng pagmamahal mula sa isang ama.
As a matter of fact, parehas kami ng kalagayan. Ako, sa mother side may problema. Malamig pa sa Cold War ang pakikinungo sa 'kin ng sarili kong ina. Mismong stepfather ko na hindi ko kadugo ang siyang nagmamalasakit sa akin.
Samantalang si Mama, kulang na lang itakwil ako. Hindi man lang ako magawang kamustahin. I mean, kasalanan bang magbunga ang panloloko ng biological father ko kay Mama at ako ang naging resulta ng kataksilang iyon? Aside from that, I don't see any reason why my mother despises me.
By the way, naisip ko lang, 'no. Kung siguro nakabalik na kami sa mga katawan namin that day, baka siya na ngayon ang nasa katayuan ko. On the other hand, naranasan ko naman in a short period of time ang magkaroon ng buong pamilya. Walang tampuhan at alitan sa isa't isa. Dapat ba akong magpasalamat o manghinayang sa part ni Douji na halos mamatay sa inggit?
"Dou-chan," tawag ni Mrs. Uehara na nakadungaw pala sa pintuan. "Breakfast is ready. Hinihintay ka ng Daddy mo sa baba. Sumabay ka nang kumain at may lakad pa raw kayo."
"Saan daw po?" tanong ko habang busy ako sa kakakusot ng mata.
Matipid itong ngumiti. "Malalaman mo rin kapag andoon na kayo."
"What about you? Hindi po ba kayo sasama?" taka kong sabi.
"Gusto ko sana kaso ayokong makaabala sa inyo. Saka lagi naman tayong magkasama, e. Kayo ng Daddy mo, bihirang-bihirang lumabas. Minsan lang mangyari 'to kaya hayaan mo na."
"Okay." Mrs. Uehara shut the door as I said that. I didn't question her decision as respect to Douji's mother. May point din naman kasi siya.
Nag-inat-inat muna ako bago dumiretso sa banyo dala-dala ang twalya ko.
•••
Dinala ako ng Papa ni Douji sa isang mall na may kalayuan mula sa bahay. Fourty minutes ride kung isasama mo ang traffic sa kalsada pero sulit naman ang inip ko pagdating namin doon. Kabubukas lang ng mall kaya maluwang pa ang daloy ng mga tao sa loob ng pamilihan. Mas madali kaming makakagalaw gayong wala masyadong nakapila sa cashier.
Nanood kami ng sine for three hours, then kumain kami sa mamahaling restaurant. Sunod na sinamahan ko siyang bumili ng bagong sofa dahil sobrang luma na rin ng nasa living room at kailangan nang palitan.
Binilihan niya pa ako ng cellphone. At first, tumatanggi pa nga ako kaso mapilit talaga 'tong father ni Douji kaya hinayaan ko na lang. Okay na 'yon at least may brand new phone si Douji. Napansin kong medyo outdated na 'yong ginagamit niyang cellphone ngayon. Basag pa nga 'yong screen sa loob ng tempered glass, e.
Paglabas namin ng electronics shop, dumako naman kami sa department store. Huminto muna kami sa entrance at may inabot siya sa 'kin - credit card?
"Bumili ka ng kahit anong gusto mo. I'm gonna buy something on the second floor," nakangiti niyang bilin. He was insisting me to get the card from his hand.
"Naku, Dad. Huwag na po, nakakahiya. Ang dami niyo nang binili para sa 'kin. Tama na 'to."
"Kulang pa 'yan sa maraming taon na pagtalikod ko sa 'yo. Regalo ko na rin 'yan sa 'yo sa ilang taon kong hindi pagbibigay ng regalo tuwing birthday mo."
Nahihiya kong kinuha ang card mula sa kamay ni Mr. Uehara. Para kay Douji, kakapalan ko na ang mukha ko tutal, sa kanya rin naman mapupunta lahat ng binili ng Papa niya sa akin.
I'm not into men's fashion but I tried my best to cope up with latest trends and what fits him the most. Sa limang damit na sinukat ko, tatlo ang napili ko. Kumuha rin ako ng isang pair ng rubber and leather shoes na puwede niyang gamitin sa school at isang relo.
Maliban sa mga nabanggit ko ay meron akong ibinukod na isa at exclusive kong pinabalot 'yon as my personal gift to Douji. Hindi rin 'yon kasama sa bill, bale galing sa bulsa ko ang pinambayad ko doon. Saka ko na ibibigay kay Douji kapag normal na ang daloy ng mga buhay namin.
•••
Bago kami lumarga pauwi, may binigay ulit si Mr. Uehara sa akin na nakasilid sa maliit na kahon at nakabalot sa fancy gift wrap na may ribbon sa gitna. Ano kaya ito?
"Mr. Ueha─I mean, Dad, hindi ko na po matatanggap 'yan. Kulang na nga lang po, maputol ang kamay ko sa dami ng binitbit kong shopping bags. Sobra-sobra na po 'yong mga binili niyong gamit. Okay na po ako do'n," nahihiya kong tinanggihan ang tiny gift ni Mr. Uehara.
Kahit naman sinong tao na walang lahing gold digger, dadapuan ng hiya sa katawan kapag pinagkalooban ka ng katakot-takot na regalo. Though, sa lahat ng 'yon ay walang mapupunta sa 'kin ni isa, masaya na 'ko kasi kahit papaano, mamawala 'yong inggit ni Douji gawa ng hindi niya makasama ngayon ang kanyang ama.
"Kunin mo na. Para sa iyo talaga 'yan," sabi niya.
Tinuro ko ang isa niyang kamay na may hawak na kahon ng kapareho ng sa akin. "Kay Mom ba 'yong isa?" usisa ko. Tumango lang siya bilang sagot. "Thank you so much, father. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito."
Until I return to my body, this day is marked as one of my memorable days of my life. Kahit na hindi ko kapiling ngayon ang stepfather ko - even my biological father that is - pinaramdam ni Mr. Uehara na may ama ako sa tabi ko and I'm very thankful to have him.
"Me either and you're always welcome." Smiles appeared in our faces before we decided to go home.
Pag-uwi namin ng bahay, naabutan ko si Mrs. Uehara sa salas at may kausap sa telepono. She wasn't aware of my presence so she kept of talking with someone on the phone.
"Wala rito si Douji. Pakiusap, mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa kanya. Marami pa akong gagawin." Mrs. Uehara dropped the call. Napasinghap siya nang makita niya ako paglingon niya. "Dou-chan, kanina ka pa ba diyan?"
"No, not really," I said which is true.
Ewan ko kung anong pinagdi-diskusyonan nila sa linya ng telepono but I don't think sakop pa 'yon ng pagpapanggap ko bilang si Douji kahit pa siya ang subject ng usapin nila. It's not like I need to know everything about him. The reason why I'm here is to fulfill his absence in this house. That's all.
"I have a surprise for you, darling," ani Mr. Uehara na kapapasok lang.
He gave the box of gift to his wife. Sabik na binuksan ng asawa ang kahon at mangiyak-ngiyak siya nang tumambad sa kanya ang kwintas na halatang mamahalin talaga. Isinuot 'yon ni Mr. Uehara sa leeg nito.
"Arigatou, anata," naluluhang tugon ni Mrs. Uehara. Sinuklian naman 'yon ng mister niya ng mahigpit na yakap na may kasamang halik.
Ang sweet nila, 'yong tipong sa sobrang tamis ng pagmamahalan nila, lalanggamin sila ng 'di oras. Those scenes can only be seen in movies. Sinong mag-e-expect na posible 'yong mangyari sa totoong buhay? My parents aren't like them. Malambing ang stepfather ko kay Mama pero hindi ganito ka-sweet. My gosh!
I want a guy exactly like Douji's father - hindi ko sinabing si Douji mismo. Duh? Wala naman 'yong karomance-romance sa katawan! 'Kita mo nga, ako pa ang nag-regalo sa halip na siya!
Ay, taray! Sa tuod ka pa nag-assume, ha! Shut up, conscience. Baliw-baliwan ang peg mo, girl?
Nakisingit na tuloy ako sa moment nila. Yumakap ako sa pagitan nilang dalawa at malugod nilang tinanggap 'yon nang buo. The scene has ended with a family picture consists of me and Douji's parents.
Thank you, Douji for lending your life to me. Salamat at pina-experience mo sa 'kin na magkaroon ng pamilyang masasandalan sa panahong inakala kong mag-isa ako.
•••
Inayos ko muna ang pinamili namin at tiniklop isa-isa ang mga damit bago ako nagdesisyong buksan ang huling regalo ni Mr. Uehara. Curious ako sa laman nito though alam kong kay Douji ko rin ipapamana ito. The gift wrap revealed the color of the box. It's Blue and it has a cloth-like texture. Mamahalin talaga, hundred-one percent.
"Huh?" Nangamot ako at nagtaka nang mabuksan ko ang kahon. 'Di kaya nagkamali si Mr. Uehara ng recipient? Pero hindi, e. Kitang-kita ko mismong binuksan ng asawa niya ang regalo nito sa harap naming dalawa. Kwintas iyon na pambabae kaya imposible na ang regalong hawak ko ngayon ay para kay Mrs. Uehara.
Almost same lang ang yari ng kwintas ngunit magkaiba ang pendant. Kay Mrs. Uehara - puso, sa akin pa-infinity sign. Cute siya at maganda tignan. Kaya lang...
Hindi ba parang pambabae ito? Wait, why would he give me a present that is meant for a woman? It doesn't make sense. Hindi niya naman alam na isa akong babae na na-trap sa katawan ng anak niya.
Naguguluhan ako. Anong ibig-sabihin nito?
•••
Kinabukasan...
Napabalikwas ako ng bangon nang tumama ang mataas na sikat ng araw mula sa bintana. Teka, nag-alarm ako, ah? Bakit hindi tumunog? As Douji Uehara, may klase ako ng alas-otso pero base sa hitsura ng kalangitan sa labas, for sure lampas 8'o clock na!
Wait a minute... Something's not right... or is it? Dahil nang tignan ko ang paligid, halos himatayin ako sa aking nakikita. Simampal ko pa ang sarili ko to make sure na hindi ako nananaginip. Seryoso ba 'to? Andito ako ngayon sa apartment ko!
So if I'm here in my own place, that means Douji was...
Mabilis pa sa alas-singko akong bumangon saka humarap sa malaking rounded mirror. "Omigod, I can't believe it! Oh, Elle, it's you! It's really you! You're back, bitch! Omigod! Aaaaah!"
Napatili ako, napatalon at nagwawala na parang baliw sa sobrang tuwa. Sa wakas matapos ang ilang linggong pagtitiis ko sa katawan ng lalaki, nakabalik na ako sa sarili kong pangagatawan! Masusuot ko na rin 'yong mga fashionable outfits ko and now, I can apply make-up once and for all!
I'm going to surprise Sabrina and I'm sure she would be happy about the good news that her friend returns to her normal life. Isusuot ko mamaya 'yong dress na binigay niya noong Christmas!
Excited na akong bumalik sa school as music instructor. Sabik na rin akong maging advisor ng music club! Na-miss kong magturo, grabe!
Here I come, Sierra Vista Academy!