Chapter 17 - Chapter 15

Douji Uehara's POV

Nilamon na ng dilim ang kwarto ko paggising ko. Rinig ko rin ang malakas na buhos ng ulan sa labas. I don't know what time it is since I can't tell if the weather caused the darkness or it's getting late already.

Maayos na ang pakiramdam ko kumpara kaninang umaga. Now, I'm starving to death. What should I eat, then? I was about to get up on my bed when I felt something on top of my stomach. It's a hand but whose?

It totally slipped to my mind that Elle paid me a visit and she's still here in my house. I told her to leave but she never listen. Mas pinili niyang samahan ako rito kaysa i-supervise ang club gayong may campus festival.

Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan si Elle na natutulog. Nakasubsob ang kanyang ulo sa bakanteng space ng kama ko. She sleeps peacefully ngunit bakas sa mukha niya ang pagod gawa ng maghapon niyang pag-aalaga sa akin.

Maingat kong inalis ang kamay niya na nakapatong sa tiyan ko ngunit agad siyang nagising. "You're awake," humihikab niyang sabi.

"Yeah and sorry for waking you up, Elle."

Naginat-inat pa ito bago tumayo mula sa wooden chair na kanyang kinauupuan. "It's okay. You must be hungry. I'm gonna get your food─"

"Elle." Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko at nagawa kong hatakin siya palapit sa 'kin. Bahagyang napalakas ang paghatak ko kaya napahawak si Elle sa braso ko at naitulak ako dahilan para bumagsak kaming pareho sa kama.

I could've sworn this has happened before. Yes, I was right. In the abandoned building one year ago where she suddenly popped up and stopped me from committing suicide.

Nagalit pa nga ako sa kanya noon at tinawag siyang epal without thinking na mali ang ginawa kong 'yon at dapat akong magpasalamat dahil kung hindi siya dumating, hindi kami hahantong sa ganito kung saan... How do I put this? In which...

Elle is less than one inch away from my lips and I can't do anything to push her. All I know for sure is that my heart was pounding so hard and my body couldn't move on its own.

Napako ang tingin namin sa isa't isa. Mismo siya'y hindi rin makagalaw. She felt star struck and so did I.

Ano ba 'tong abnormal na pakiramdam ko? I've never felt like this before. May halong kaba, gulat, pagkalito at pagkagigil na for some reason, her lips are just like water that my mouth wants to claim just to quench my thirst.

Habang tumatagal na magkadikit kami, lalo akong nakakaramdam ng uhaw at unti-unti akong nauubusan ng hangin. Sinubukan kong gumalaw upang tuluyan kong mapawi ang uhaw ko. Handa na ang mga labi kong idikit 'yon sa mapupula niyang labi pero...

Biglang bumukas ang ilaw at pinto. Iniluwa nito ang dalawang mokong na bigla-biglang sumulpot nang hindi man lang kumakatok sa front door. Ang nangyari, naitulak ko si Elle at sa lakas ng impact, aksidente siyang napaupo sa sahig.

"Douji-san? Miss Elle?" ani Dori na akala mo nakakita ng multo nang maabutan nila kami ni Elle sa loob ng kwarto ko.

"Bakit mo tinulak si Miss Elle, Uehara?" Louie asked with his head─tilted.

"May bangaw daw, sabi ni Elle! Papatayin niya raw saka ako hinampas kaya ko naitulak," pagdadahilan ko. Hindi naman siguro nila nakita na muntik na kaming maghalikan ni Elle dahil nakapatay ang ilaw kanina bago sila pumasok.

"Bangaw? Wala naman, ah?" takang sabi ni Dori.

"Baka langaw, pre. Langaw sa labi," dugtog ni Louie sabay tawa ng gago.

"Would you guys cut it out? You're not funny," I said coldly to them.

Elle finally stood up as she hits her skirt to get rid of any dirt from it. "Kamusta 'yong performance niyo kanina? Successful ba?" she asked. Medyo startled pa siya at hindi siya siya masisisi. Muntik ko na siyang halikan! Oo, at sa dami ng babae, teacher ko pa!

Nakabusangot sina Dori at Louie, hindi makakibo. Didn't I tell them to continue what we started? Huwag nilang sabihing umatras sila?

"Oi, sorete masaka─"

Nagkibit-balikat ako sa sunod nilang inasta. Why on earth are they laughing? Do they find it funny? This isn't time for jokes!

Inilabas ni Dori ang isang puting sobre. Inabot niya iyon sa akin. Kinuha ko na lang 'yon at binuksan. Inside that white envelope, I found three thousand pesos. Wait, it can only mean one thing...

"Issa prank!" Humalakhak ang mga ito. "We won the first place against dancing club! Nagawa namin! Whooo!" said Dori.

"Tas 'yong papremyo surpresa pala! Ang saya! Grabe!" Louie added. The smile on their faces cannot be explained. Nakipag-group hug sila sa 'min ni Elle.

"Omedetou, minna," I said, 'congratulations to you both.'

Pareho kaming hindi makapaniwala ni Elle. Ang akala ko talaga, wala nang pag-asa na mahilot ang dalawang 'to. Nadaan pa rin ni Elle sa pakiusap at ang resulta, may uwi-uwi silang tatlong libo.

Hindi ko man naipakita sa buong Sierra Vista Academy ang panibagong ako, masaya na ako para sa dalawang 'to na nakayanang lagpasan ang pagsubok nang wala ako. It's okay. Marami pa namang pagkakataon. I'll save it next time at sisiguraduhin kong hindi lang school ang makakapanood sa akin, kundi pati na ang buong mundo.

•••

Binigyan pa rin ako ng parte nila Dori sa napanalunan nila kahit wala ako noong nag-perforrm sila. Sinabihan ko silang ibili nila ang pera ko ng pagkain namin ngayong gabi. Kasama si Elle ay pumunta si Dori sa katabing convenience store and obviously, kami lang ni Louie ang naiwan sa loob ng kwarto.

Tahimik pa kami noong una ngunit kalauna'y kinausap din ako ni Louie.

"Uehara, umamin ka nga. May namamagitan ba sa inyo ni Miss Elle?" Louie isn't really serious when he asked me that question. Sa katunayan, pabiro pa nga niya akong tinanong.

"Baro! Ba't ako papatol kay Miss Elle eh, prof natin 'yon?" Agad kong dinepensahan ang sarili ko.

"Talaga?" aniya na parang sinusubok ako.

"There's absolutely nothing going on between us!" Singhal ko dahilan para mamalat na naman ang boses ko. My voice got pressured again. Uh, this guy.

He laughed. "Who on earth is going to believe in your story? Wala namang bangaw dito sa kwarto mo! Ano, nag-kiss ba kayo?"

"Urusai!"

"Hahaha! Sige lang, pre. Patagalin mo pa 'yang feelings mo. Baka magsisi ka kapag 'yan napunta sa iba."

"Tsk." Hindi ko na lang siya pinansin. I don't love Elle and she isn't my type. Ayoko sa maarte na puro pagpapaganda lang ang alam. Nabigla lang ako kanina kaya naging weirdo ang bawat kilos  ko pero ako? Magkakagusto kay Elle? Kalokohan.

Nang makabalik sina Dori at Elle, agad na isinalang ni Elle ang tatlong pakete ng spicy ramen na para sa kanilang tatlo. Iinitin na lang daw niya 'yong sopas para may hapunan ako. Gusto nila huwag na akong kumain, e. Jeez! Muntik na nga akong malipasan ng gutom sa tagal nilang bumili ng pagkain sa labas tapos ang ipapakain nila sa akin, re-heated na sopas mula kaninang tanghali? Damn!

We ate dinner inside my room while watching another bunch of movies from Dori's laptop. 3 Idiots ang una sa listahan. Tawa nang tawa 'yong tatlo na kung makatawa akala mo bukas, end of the world na.

To be honest, I'm not laughing because I find the movie very funny. It's because the main characters in the movie resembles these two guys who ate ramen like a pig. Idiots talaga.

Horror naman ang sunod naming pinanood at para mas tumindig ang balahibo ng mga kasama ko, pinatay namin ang ilaw. Panay ang sigawan ng dalawang sira ulo. Si Elle, bigla akong hinila palapit sa kanya. Meanwhile, the two didn't notice what Elle did. Hinayaan ko na lang din siya na dumikit sa akin.

"AAAAAAAAH! TANGINA 'YONG CHAINSAW PRE!" nanginginig na sigaw ni Dori sabay takip ng mata.

"Marlo!" tawag ng bidang babae na naglalakad sa kagubatan matapos tumakas sa isang hunted house na may secret passage. She's searching for her boyfriend who's been missing since her friends got assaulted one by one.

"AY TANGA! SI KALAPANGET 'YONG KILLER! NASA LIKOD MO NA, BOBO!" nanggagalaiting bulalas ni Louie habang dinuduro ang screen ng laptop ni Dori.

Lalong napakapit sa akin si Elle nang umalingawngaw ang nakakadiring sound effect sa movie kung saan makikitang inatake ng chainsaw ni Marlo 'yong babae.

Matakku! Ang lalakas ng loob manood ng horror movie tas 'di rin naman kayang sikmurain.

The movie ends soon after and their energy got drained. Sa takot na umuwi sa kanila dahil baka raw atakihin sila ng chainsaw ni Marlo, nagdesisyon sina Dori, Louie at Elle na dito magpalipas ng gabi sa bahay.

Natulog sa sofa ng living room sila Dori habang kami ni Elle, nagsalo sa iisang higaan. Siyempre, naglagay ako ng harang sa pagitan naming dalawa bilang respeto ko sa kanya.

Oyasumi!

•••

Maayos na ang lagay ko nang sumunod na araw kaya nakasama na ako kina Dori sa campus festival. Buong araw kaming nagmukmok at nanood ng palaro, intermission numbers at mini concert sa gymnasium.

Ubos din ang 500 pesos na natira sa perang na-parte ko kahapon at napunta iyon sa pagkain, souvenir at iba pa na mabibili mismo sa loob ng eskwelahan.

Tumambay muna kami saglit sa readers' nook ng Educ building. Pagkaupo namin, napansin ng dalawa ang maliit na bagay na nilabas ko mula sa bulsa ko.

"Kasama ba 'yan sa binili mong souvenir? Wala naman 'atang tindang ganyan 'yong ale kanina," ani Dori.

"Talagang wala silang ganito kasi hindi ko naman 'to binili," sabi ko.

"Ah, so para kanino 'yan?"

Sumingit si Louie. "Alam ko na, pre! Kay Miss E─" Tinakpan ko ang bibig niya. Madaldal din ang isang 'to, e.

"Shh! 'Wag kang maingay! Baka isipin ng ibang makakarinig na pumapatol ako sa teacher."

"Ay hindi ba? Hahaha!"

"Blockhead. This doesn't mean anything. Gusto ko lang ibigay sa kanya 'to dahil alam kong importante 'to sa kanya."

"Ano ba kasing laman niyan?" usisa ni Dori.

"Basta. Huwag na kayong maraming tanong. Kami lang ni Elle ang nakakaalam." Tumayo na ako at iniwan sila.

"Pre! Saan ka pupunta?" habol na tanong ni Dori sa akin.

Nilingon ko sila. "I'm giving this to her," I answered while waving that thing to them. Tumalikod ako at umalis na.

•••

Thirty minutes kong hinanap sa buong campus si Elle at nagkrus ang aming landas sa lugar na pinangyarihan ng mala-aso't pusang awayan namin noon. Ang lugar kung saan sinabi ko sa kanya na balang araw, itutuloy ko ang naudlot kong pagpapakamatay.

Ang tagpuan namin─sa likod ng admin building.

She was standing there alone with her eyes closed. Patuloy niyang nilalanghap ang sariwang hangin na umiihip sa kapaligiran. Nilapitan ko siya at sa huling hakbang ko ay huminto ako mismo sa tabi niya.

"I found this on my cabinet this morning. I give it to you." Inumang ko kay Elle ang hawak kong maliit na kahon. She took it without second thought and quickly opened to see if the item is really there.

"It's beautiful," komento niya, hawak ang kwintas na katakatakang iniregalo ni Dad kay Elle noong nasa katawan ko pa siya.

Hindi pa rin malinaw sa akin kung paano nangyaring nagkamali si Dad pero ang mahalaga, naibalik ko sa kanya ang kwintas. It seems that the necklace means a lot to her.

"Yeah, indeed it does." Hiningi ko ulit kay Elle ang kwintas na ibinigay niya naman. Tumayo ako sa likuran niya, saka ko sinuot sa kanya ang kwintas na may infinity pendant.

"Thank you, Elle," I said to her, offering my sweetest smile. I was expecting her to reply me with a question like, 'why are you thanking me?' Pero iba ang sinagot niya.

"You're welcome." I looked at her with confusion. "You can't die yet, remember that."

"Why is that?"

"Hindi pa kita nakikitang kumanta sa harap ng libo-libong tao. Nakalimutan mo na ba? Hinamon kita no'ng club rally. Patunayan mong mahal mo pa rin ang musika!"

"Oh, hahaha. Is that so? Well, see right over there? Someday, I'm gonna be higher than that building and you're gonna watch me. I love music as much as I love─"

Elle enveloped me in a warm hug then, she burst into tears. I knew it and I know the reason behind those tears...

While we were buried in each other's body, I managed to finished my sentence with a whisper, "─you."

•♫•♬• 𝓣𝓸 𝓫𝓮 𝓬𝓸𝓷𝓽𝓲𝓷𝓾𝓮𝓭... •♫•♬•