Chapter 15 - Chapter 13

Douji Uehara's POV

Ito na yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Pinakamasaya sa lahat ng masaya at wala nang mas sasaya pa. Nagtatalon ako sa tuwa pagkabangon ko sa kama dahilan para makalikha ako ng ingay sa baba. Napagkamalan pa akong baliw na nakatakas sa mental.

The first time I felt happiness after twelve months of suffering from stress and depression. Wow ganito pala 'yon. I can't explain how happy I am. Tinupad na ng matanda ang hiling ko na makabalik kami ni Elle sa normal!

Ilang linggo akong nagtiis sa masisikip na damit at four-inch heels na sapatos. Natuldukan na rin ang stress ko sa pag-ayos ng buhok ni Elle tuwing umaga at hindi na ako mahihiyang maligo dahil sariling katawan ko na ang kakaskasin ko ng loofah bath sponge.

Makaka-bonding ko na si Dori at mas makikilala ko pa nang husto si Louie. Ang tagal kong hindi nakasabay si Dori sa canteen─mapa-recess time o lunchbreak.

Aminado ako na marami akong natutunan sa maikling panahong na-trap ako sa katawan ni Elle. Minulat niya ako sa katotohanan na kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, dumadaloy pa rin sa dugo ko ang musika. Hindi ko lang na-realize kasi natabunan lahat ng 'yon ng galit at frustration ko gawa ng nangyari sa 'kin sa Raise Your Voice last year.

I love music and I will continue loving it even my voice goes out.

•••

Dumaan muna ako saglit sa faculty room para silipin kung ando'n si Elle. Napangiti ako nang makita ko siya sa loob na yakap-yakap si Sabrina. Panay ang bulungan nila para siguro hindi marinig ng ibang teacher ang pinag-uusapan nila. Marahil nasabi na ni Elle sa kaibigan niya ang nangyari.

I checked the time: it's exactly 10 in the morning. I wait patiently outside the faculty room until Elle comes out after a couple of minutes. Hinatak niya akong bigla hanggang sa Educ. Building kung saan naabutan namin sila Dori sa labas ng classroom.

"Douji-san! Miss Elle!" tawag ni Dori.

"Yo, Uehara! Good morning, Miss Elle," segunda naman ni Louie.

"Good morning, Dori and Louie. Kamusta ang weekend─oops!" Napatakip ng bibig si Elle. Impit akong natawa at pinipigilan kong humalakhak. Nasanay na 'ata ito na laging kasama 'yong dalawa.

"Hisashiburi, omaera," I greeted just to dominate their attention to me. Translation: 'Long time no see'

Dori tilted his head, confused. "Ilang araw lang tayong hindi nagkita, Douji-san. Anong meron?"

Good for you, Dori. You told me that you don't speak Japanese but understands a bit.

Sa simpleng tanong ni Dori, ginamit namin ni Elle ang pagkakataong iyon na ipagtapat ang totoo. From the moment we woke up in different places until this morning. Everything that happened for the past few weeks. Walang labis, walang kulang.

This time, they aren't laughing at us unlike the last time we tried to explain our situation. Nakatainga sila sa mga sinasabi namin.

"If I understand it correctly, we've been hanging with Miss Elle all this time while you, Douji-san, posing as our music instructor for weeks?" gulantang na sabi ni Dori, bagay na sinang-ayunan namin ni Elle.

"That's right," sabi ko. "I have no choice back then. Sinabihan kami ng matanda na nagsumpa sa amin na hangga't hindi kami nagkakaayos, mananatili kami sa katawan ng isa't isa. Sa takot na maapektuhan ang takbo ng buhay namin, napag-kasunduan namin ni Elle na magpanggap."

"And I've never thought that Douji will change his attitude and perspective in a short period of time. Maybe that's the clue we've been waiting for in able for us to return in our bodies," paliwanag naman ni Elle.

"Hindi ako makapaniwala pero may punto kayo, e."

"What do you mean, Dori?" tanong ko.

"You know, the next day after you argued with Miss Elle inside our classroom, you began acting so strange. 'Yon bang behavior na pinapakita mo that day, malayo sa Douji na nakilala ko."

"Saka, pansin ko lang, pre. 'Yong galaw mo medyo malambot. Akala ko nga noong una, bakla ka, e." Si Louie naman ang nagsalita.

"Pfft!" Elle was trying not to laugh hard. I, who feel insulted, frozen like a statue. It's her fault. Paulit-ulit ko siyang pina-aalahanang ayusin ang kilos at tigasan ang lakad. Ayan, ultimo si Louie, pinagkakamalan akong bakla kahit hindi naman.

"Blame Elle. I wasn't in my body at that time," depensa ko. "Besides, may atraso pa sa 'kin ang babaeng 'to. Sigaw nang sigaw, alam mo namang may diperensya ako sa vocal chords, 'di ba? 'Pag ako tuluyang nawalan ng boses, hindi kita tatantanan."

"Hahaha! Ano ka, si Mike Enriquez?" Tinignan ko lang nang mataman si Elle. Mukha ba akong nagj-joke?

"Laugh out loud," I said, poker-faced while looking at her.

"Tara na nga! Pasok na tayo sa room. Maga-10:30 na," Elle said as she invited us to attend her music class─my favorite subject, at least.

•••

Nagpatawag ng meeting si Elle sa club room ng alas-singko ng hapon. Sa case naming tatlo na walang afternoon class, tumambay muna kami sa apartment ni Dori at wantusawa sa panonood ng anime at foreign movies. Tipikal na gawain ng magkakaiban habang hindi pa busy sa thesis at intern─o sa madaling sabi, hindi pa kami fourth year.

The officers distributed a copy of calendar of activities for each member. Basahin raw namin nang maigi at kung may tanong daw ay magtaas lang ng kamay.

The meeting has started with a number of twenty people. Upang marinig ng lahat ang sasabihin ni Elle, napilitan siyang lakasan ang boses niya nang hindi na gumamit pa ng microphone tutal kakaunti lang naman kami rito.

"Nag-release ang administrator natin ng revised calendar of activities for this semester kaninang umaga. As you can see on the paper you have, Sierra Vista Academy Campus Festival will be held in two weeks. We all know nakagawian na ng school natin na tuwing may event na ganito, mandatory ang participation ng lahat ng clubs.

"Which means, our club requires to join and participate. May isang program na magko-compete ang dancing club at music club. We need two groups with three members. Sinong gustong sumali? Hindi namin kayo pipilitin kung ayaw niyo. It is only open for those who are willing to join. Anyone?"

Mabilis na tumayo 'yong dalawang idiots. Ang tinutukoy ko'y sino pa ba? Edi sina Dori at Louie. "Kami, Miss Elle!" sigaw nila.

"Who's the other one?" Elle asked.

"Tinatanong pa ba 'yan?" Hinila ni Dori ang kamay ko at sapilitan akong pinatayo kasama nila. "Heto! Si Douji-san 'yong pangatlo naming member!"

"Oi! N-Nani tendayo, kono yarou?!"

"Ano ka ba, Douji-san? Pagkakataon na natin 'to! Hindi lang para kay Miss Sabrina, pati na rin sa future natin!" pamimilit pa ni Dori.

"Future?"

"Ang sumunod sa yapak ng BXXYZ group," ani Louie. Teka, wala akong alam diyan!

"Hoy, kayong dalawa. Tigilan niyo ako diyan sa mga trip niyong malalakas. Wala akong balak maging pop star icon katulad niyo," sabi ko. Hindi porket sinabi ni Elle na hanapin ko ang genre na akma sa boses ko ngayon, nangangahulugang Pop genre ang babagksakan ko. No friggin' way!

"Huwag ka nang KJ, bro! Bagay sa boses mo ang pop songs, pre. Hindi mo kailangang bumirit para masabing magaling kang singer."

Eh, halos 'yan din ang sinabi sa akin ni Elle last time.

"Tch."

Ngiti lang ang sinagot ni Elle. Sa lakas ng boses namin, tiyak naririnig niya kaming nagtatalo nang dahil sa club participation na ito. Nang maka-recruit ng isa pa, isa-isa kaming kinausap tungkol sa practice na dapat gawin pagkatapos ng klase.

Natapos ang meeting at kaming apat nila Elle ang naiwan sa club room. Sinadya niya na magpaiwan kami para mapag-usapan ang mangyayaring practice.

"So Douji, if you remember last week, inalok kita na ng voice lessons. Since hagol na tayo sa oras at sa kaso mo na nangangailangan ng improvement, posibleng ma-doble ang oras mo sa pagp-practice.

"First, the voice lesson. Second, 'yong sa inyong tatlo nila Mr. Sugawara. The problem is, 'yong schedule ng practice niyo as a group. Paano kaya ito eh, may voice class tayo sa hapon? Hmmm... Kaya niyo bang isingit 'yan sa free time ninyo?"

"I don't think so," kontra ko. "There are times na may biglang pinapagawa sa amin ang prof namin and they're strict in deadlines. Malabong isingit 'yang practice na sinasabi mo."

"Miss Elle, suggestion lang. Bakit hindi na lang pag-isahin 'yong voice lesson at group practice? Willing kaming sumali," alok ni Dori. Seryoso ba sila diyan?

"Are you sure? Posibleng ma-late kayo ng uwi, at kung mamalas-malasin baka mag-overnight pa kayo," paglilinaw ni Miss Elle.

"Okay lang. Magpaalam lang kami sa parents and guardian namin," sagot ni Louie.

"Oh, sige. Bibigyan ko kayo ng letter of consent. Papirmahan niyo sa magulang niyo o kung sino man ang kasama niyo sa bahay. Then 'yong location, siguro sa apartment ko na lang para walang istorbo. Magdala lang kayo ng ekstrang damit at kumot sakaling makatulog kayo."

"Thank you, Miss Elle!" sabay na sambit ng dalawa na nag-appear pa sa isa't isa. "Ayos!"

"Matakku! Is it necessary for you to bother her too much? She might feel unsafe if we're wandering around her place."

"Wala 'yon, Douji. May tiwala naman ako sa inyong tatlo... lalo na sa 'yo." Elle placed her hand on my shoulder, like what she did during the club rally. Napansin agad 'yon ng dalawa at nagsimula na naman sila sa pang-aasar sa akin.

"Ayyeee! Kinikilig si Uehara, oh! Namumula ang pisngi!" ani Louie habang pinauulanan ako ng hampas sa likod.

Si Dori, panay ang gulo ng buhok ko. "Aamin na 'yan! Aamin na 'yan!"

"Ulol! Anong aaminin ko? Magsitigil nga kayong dalawa, mga sira ulo kayo!" How come I became friends with these two? Masahol pa sila kina Farhan at Raju ng 3 Idiots!

Dori whispered. "Tell her that you like her."

Plano ko na sanang sapakin sa mukha si Dori pero bigo ko 'yong nagawa. Sa halip na turuan ng leksyon ang gagong 'to, nabaling ang buong atensyon ko sa nag-iisang babae na kasama namin ngayon.

The woman with a blonde hair and a pure heart named Elle.