Elle Rosewood's POV
I left my place at 6:30 PM. Kung alam mo lang, muntik na akong himatayin sa mga kalokohang pinaggagawa ni Uehara. Wala pang one week, mistula nang pinamahayan ng pusa ang apartment ko! Ni pagwalis ng sahig, 'di magawa! Ano, iaasa niya pa sa 'kin 'yon? My goodness!
Nagmadali ako sa paghahanap ng masasakyan pauwi. Mahirap na't baka sermunan ako ulit ng papa ni Mr. Uehara na todo sa pagka-strikto. Nakakatakot kaya siya! Tingin pa lang, pamatay na!
Mabuti pa 'yong mama niya - caring, concern at maasikaso sa anak. Malayo sa mother kong unsupportive at walang pagpapahalaga sa sariling kadugo.
Our family tree wrecked by a single rotten fruit. Iniwan kami ng totoo kong ama noong nalaman nitong pinagbubuntis ako ni Mama. Pinagtapat niya rin na may asawa siya na malapit nang manganak kaya nagdesisyon siyang umalis ng bansa at bumalik sa Japan.
You're right. My real father is Japanese at hindi totoong half-American ako. I was carrying my stepfather's surname when he married my mother. Siya na ang tumayong ama ko since then. His name was Daniel Rosewood who's a successful businessman in town.
Ni minsan, hindi ako nagkaroon ng contact sa tunay kong ama. Maski litrato o pangalan niya'y pinagdadamot sa akin ni Mama. Huwag na raw akong umasa dahil hindi na raw ako babalikan nito.
Mas malapit ako kay Daddy Dan compare kay Mama. Sweet kasi si Dad, understanding at alam niya ang nakabubuti para sa akin. Although, I wasn't came from his flesh, he did his very best to provide my needs.
He became a father figure. Pinunan niya 'yong nawawalang puzzle ng pagkatao ko at 'yon ay ang magkaroon ng ama. Pinaramdam niyang hindi ako nag-iisa at siya ang tagapagtanggol ko kay Mama sa tuwing sinasaktan ako.
I miss him as well as my mother na kahit madalas niya akong pagmalupitan noon, I still love her. Naiintindihan ko kung saan hihuhugot ni Mama ang galit niya sa 'kin. Anak ako ng lalaking nang-iwan sa kanya. I'm nothing but an outcaster. Anak sa labas.
Mom and Daddy Dan were living in Tokyo as of this moment. In return, nagpapadala sila ng extra money for my rental payment and other expenses. Mahirap din ang buhay ngayon at malaking tulong na 'yon kung tutuusin.
Sa haba ng talakayan natin, nakauwi rin ako sa bahay ni Uehara. Strange. I can't see his brute father around. He should be here by now. Ang tanging naabutan ko lang ay si Mrs. Uehara na sinalubong ako nang matunugan niyang nasa loob na ako.
She gave me a peck on my cheek. "Mabuti't nakauwi ka na. Pasensiya na, hindi pa ako tapos magluto, e. Kagagaling ko lang ng supermarket. Would you mind to assist me?" naglalambing wika ni Mrs. Uehara. How sweet of her?
"Of course I don't," I said, smiling. Nilagay ko muna ang bag ko sa sofa at siya kong sinamahan sa kusina si Mrs. Uehara.
Nagboluntaryo akong maghiwa ng carrots at patatas. Mahilig akong magluto kaya sobrang dali lang nito. Habang busy ako sa paghiwa, si Mrs. Uehara naman ang nag-prepare ng spices and other necessary ingredients for making curry.
"Ayos ka lang ba diyan?" usisa niya.
"Okay lang po," I answered cheerfully.
"Ang tagal din mula noong huli kitang nayayang magluto sa kusina. Kadalasan, pagkagaling mo sa labas, didiretso ka sa kwarto mo at magkukulong."
"Ah, gano'n po ba? Hehe..."
Laugh out loud. What would I expect from a guy like him? Eh, ganyan 'yan kahit sa school. Mas malala pa kamo.
Ang kagandahan ng pagv-volunteer ko ngayon sa kitchen, isa-isa kong nalalaman ang sikreto ni Uehara without directly asking from his parents. Nakaka-excite!
"Napapansin rin namin ng Daddy mong magalang ka nang sumagot. Lagi ka nang nakangiti at kusa kang sumasama sa 'min sa hapang-kainan," aniya. "Finally, you're getting better, my son. I told you, matapang ka. Na-conquer mo ang disappointment at depression na pinagdaanan mo nang matalo ka sa singing competition last year."
"Competition?" wala sa sariling naitanong ko kay Mrs. Uehara. I should've keep this to myself but curiosity is killing me. Kung hindi masabi ni Uehara sa 'kin ang totoo, maybe his mother can tell some.
"Remember the last time you joined Raise Your Voice? Everyone is watching you. Mismong Daddy mo kahit tutol 'yan sa pangarap mong maging singer, inaabangan pa rin niya ang paglabas mo sa TV. But your voice just gave up all of a sudden and lose your power to fight against other contenders."
May namuong lungkot sa mukha ni Mrs. Uehara nang balikan niya ang alaalang 'yon. Simpleng paliwanag ngunit sapat na para magkaroon ako ng idea sa posibleng dahilan ng tangkang pagpapakamatay ni Uehara last year. I feel sorry not just for her, but also for his son.
Poor him. Unlike me, he was determined. He has guts to compete with his opponents but his voice didn't permit him to push through the finals. At first, I had an impression that this was an ordinary sickness. Hoarseness na pangmatagalan.
'Yong pamamalat ng boses niya sa tuwing sinusubukan niyang sumigaw? It's a voice disorder in which he lose his ability to sing high notes. Probably why he hates music. As much as he wants to reach his usual voice range, he couldn't make it.
"You're so happy back then. Lalo na noong first time mong makaapak sa stage? Mangiyak-ngiyak ka pa habang kumakanta. Ang sabi mo pa nga, I'm dedicating this song to my parents. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya no'n, Dou-chan. Pinagmalaki mo sa buong bansa ang pagmamahal mo sa 'min ng Daddy mo. I wish I could hear it from you once more. Your voice soothes my heart, darling. Pasensya na kung kinonsinte ko ang Daddy mo na pigilan ka sa kagustuhan mong maging singer," napahagulgol si Mrs. Uehara at hindi na nito naituloy pa ang pagluluto.
Sandali kong iniwan ang carrots sa chopping board at niyakap siya nang mahigpit mula sa kanyang likuran. Pati ako'y naiyak din gawa ng awa at proudness ko for my student. Ang taas ng pangarap niya, grabe. Nakakalungkot lang isipin na hindi niya naabot 'yon kalaunan.
Back when he performed in the classroom with Mr. Sugawara, those 3-4 minutes, nakita ko ang enjoyment sa mukha niya. There's still a chance, I knew it. I believe that one day, I'll be seeing him standing on stage, singing with all his heart.
"It's okay, mother. Don't worry. Malapit na ang tamang panahon. Pinapangako kong makikita mo ako ulit sa entablado at mas gagalingan ko pa," sabi ko hagod-hagod ang likod niya.
Yes, that's a promise. As long as I'm here, I'll help him regain his former life with joy and he would be invincible.
•••
Thursday morning. Katatapos lang ng klase namin kay Sabrina at gaya ng dati, nakabuntot pa rin sa likod ko ang dalawang 'to na walang malang gawin kundi pumunta sa canteen at bumili ng porkbuns. Seriously, hindi pa ba bumabaliktad ang sikmura nila? Puro 'yan at 'yan na lang ang kinakain nila tuwing breaktime!
"Naka-review na kayo, mga pre? May quiz mamaya kay Miss Elle," paalala ni Dori.
Oo nga pala. Sinabihan ko si Mr. Uehara na i-reschedule niya ang quiz ngayong araw. Bago ako umalis sa apartment kagabi, nag-iwan na ako ng questionnaires at sagot para sa second quiz. Wala akong tiwala sa isang 'yan. Baka mamaya, ultimo full name ni Regine Velasquez itanong niya sa quiz! Gosh!
"Hala, shit! Nakalimutan ko! Wait, magre-review muna ako!" tarantang sabi ni Louie sabay na binuklat niya ang notebook nito.
Naki-share naman si Dori. "Tara, review tayo. Ikaw, Douji-san? Hindi ka ba magre-review?" tanong niya sa akin.
"Tapos na ako," pagsisinungaling ko.
Nag-advance reading na ako bago nag-start ang regular classes two weeks ago at fresh pa sa utak ko ang mga detalye. Gawain ko 'yan kahit noong college days pa. Hindi sa pagmamayabang but I'm a Dean's lister way back. Iyan ang sikreto ko sa matataas na grades ko before.
Naiglip muna ako saglit habang abala ang dalawa sa pag-aaral. Nagising na lang ako nang tapik-tapikin ako ni Dori. Nandito na pala ang patakang teacher - este, si Mr. Uehara!
"Good morning, Miss Elle!" sabay-sabay naming binati ang hinayupak.
He didn't speak, he just gave us a go signal to take our seats. Marami pa ring nasisindak sa pekeng Miss Elle. Kung noong first two meetings ko bilang teacher nila ay nagagawa pa nilang makipag-chikahan sa katabi, ni pagbuka ng bibig ay hindi na nila magawa ngayon.
Ako lang yata ang bukod-tanging walang pakialam sa kasungitan niya.
"Damn, man. For some reason, she reminds me of you, Douji-san," lakas-loob na bulong ni Dori.
"Huh?"
"You know, the first time you slap her ass with your middle finger? Ganyan na ganyan 'yong awrahan niya."
You must be joking. That's because the person you see in front of you is actually your best friend.
"Oh?" naputol na ang conversation namin matapos tumikhim ang guro sa aming harapan. Nanahimik na kami at kanya-kanya na kaming kumuha ng papel. We started answering right after he cited the first question.
•••
"Listen, Uehara. Ask the students to group themselves into 3, then assign a leader na siyang bubunot ng papel na may lamang topics na ire-report nila," bilin ko. Nilagay ko sa palad niya ang ilang piraso ng papel na nirolyo ko nang maliliit.
"Reporting, eh?"
"Yes. Iyan ang ipagagawa mo sa limang blocks na hawak ko. The rest, magpagawa ka na lang ng take-home activities. Online classes will do. Akong bahala sa modules na ise-send mo sa kanila. Just do your part, that's all."
Wala akong pagpipilian. May pagkakamali rin naman ako. It's not right to force someone to do something they don't want to. Hindi ko ugaling magpareport but in his case, that's the only way to escape this roller coaster situation.
"Until when?" he asked.
"Until we fix this. Siguro naman, hindi na aabot ng finals at makakabalik din tayo sa mga katawan natin. But for the mean time, asikasuhin mo muna iyan and I'll take full responsibility of your role as a student and a son to your parents."
Umaasa akong makakahanap din ako ng remedyo sa problema naming ito. Heto na nga, oh. Nagpapakumbaba na ako kay Uehara and I'm willing to change him for good. Pag nagkaayos na kami, posibleng bumalik na sa dati ang lahat.
After ng quiz, inutusan kaming mag-grupo na may tatlong miyembro. Kami nina Louie at Dori ang groupmates at ako ang inatasan nilang maging leader. Pumunta na ako sa harap upang kumuha ng topic. Base sa nabunot ko, kami ang unang magre-report next meeting. Ang topic ay tungkol sa iba't ibang uri ng mga nota.
Kasama rin sa ire-report namin 'yong sa staff part na tinuro niya last time which is walang nakaintindi. Bale ang mangyayari nito, ituturo lang namin nang maayos para mas maintindihan nila. Although, nag-quiz na kami about doon, still, magkakaroon ng short quiz right after mag-report ang bawat grupo. Kami rin ang gagawa ng mga tanong.
Sandaling na-interrupt ang klase nang kumatok sa pintuan si Sab. Teka, anong meron? Bigla-bigla 'ata ang pagsulpot niya?
"What's the matter, Sab?" tanong ko rito. Napatakip ako nang bibig as soon as I realized na hindi pala ako kilala ni Sabrina since nasa katawan ako ni Uehara. "I mean, good morning, Miss Sabrina," pambawi ko sa kahihiyang dinulot ko. Ano ba 'yan, Girl! Shunga-sunga ang peg?
"G-Good morning," Sab greeted back.
"Yes, Miss Sabrina? Did you forget something?" seryosong tanong ni Uehara kay Sab. I'm not gonna lie. Even Sab was surprised when he treat her so coldly.
Can't you just put sugar into your words, Uehara? Mapaghahalataan tayo niyan, e!
"W-Wala naman. I'm here to remind you about the urgent meeting sa audio room regarding sa club assignments. Sunod ka na lang, ha. We need you asap."
"Okay," basta nitong sabi sabay iwas niya ng tingin kay Sabrina na parang hindi siya kilala ni Sab bilang kaibigan. He turned his head to my direction. A grin appeared to his face. Nanggalaiti akong bigla. Why you lil'─I'm gonna kill you, jerk! I'm going to kill you!
Hanggang sa labas ng classroom ay hindi ako tinantanan nina Louie at Dori. Ba't ba trip nilang buntutan ako? Kahit saan ako magpunta'y nakasunod sila sa akin! Baka pati ba naman sa comfort room, sasamahan pa nila ako!
"Saan ka kakain, bro? Sabay na kami sa 'yo," ani Dori saka niya ako inakbayan.
"C-Canteen na lang." Ano pa ba.
"O, tara na! Nagugutom na ako!" sabi pa ni Louie hawak ang kanyang tiyan. Sa pagkakataong ito, I didn't let Louie to pay for our meals. Nagkanya-kanya kaming bayad sa cashier. Pagpahingahin naman natin ang bulsa niya. Nanggaling na mismo sa bibig niyang hindi siya mayaman, sadyang friendly lang.
Mr. Uehara never hanged out with Louie ever since they've met each other. Sana lang kapag siya na ang nasa katawang ito, pakitunguhan niya nang maayos si Louie gaya ng ginagawa ko.
To tell you frankly, he's lucky to have these two idiots to begin with. Hindi ganito ang mga friends ko before aside from Sabrina. It's not easy to find replacements for the two of them. 'Yong katulad din nila? I don't think makakahanap pa siya ng kasing kulit at kasing bait ng dalawang 'to.
Siksikan sa canteen at nahirapan akong mag-order sa dami ng bumibiling estudyante at teacher. Mag-t-twelve na rin kasi kaya dagsaan na ang customers sa cafeteria. Buti na lang, may enough tables pa para sa aming tatlo.
Si Louie, nag-order ng Afritada, two bowls of rice at isang 12oz na softdrinks. Si Dori, kumuha ng isang serving ng kanin, adobo at leche flan. Parehas lang kami ng order ni Dori para hindi na ako makisiksik sa mga tao roon.
Nagk-kuwentuhan kami hanggang sa pagkain. We talked a lot of things na may kinalaman sa usap-usapang college club rally na gaganapin bukas. Naabutan ko pa 'to when I was in third year.
Nakalaan ang araw na 'yon para pumili ang mga students kung saang club sila papasok. Bale one day na walang klase at magkakaroon din ng orientation at iba't ibang activities per club.
Mandatory ang pagsali ng mga estudyante sa club kahit nasa college level na. Ang kaibahan lang sa college, hanggang third year lang sila puwedeng sumali.
Ang katwiran ng President ng school, hindi na kakayanin ng mga estudyanteng mag-participate sa club 'pag nag-u-undergo na sila ng thesis at OJT pagdating nila ng 4th year so kailangan na silang alisin sa club.
For me, okay sa 'kin ang clubs. Paraan na rin ito para ma-enhance ng mga bata ang kanilang talento at hindi ito tuluyang matabunan ng stress gawa ng pag-aaral. Usually, may 6-7 subjects lang naman ang isang regular student per semester kaya may time pa rin for club activities.
"Saan niyo planong mag-join, mga bro?" sabi ni Dori.
"Tara sa music club, tayong tatlo," aya ni Louie. "Maraming opportunity doon. Alam niyo 'yong BXXYZ Boy Group? Mga taga-Sierra Vista sila at member sila ng music club four years ago."
Oh, that group? Ka-batch ko ang mga 'yon. Nasa Korea na sila ngayon at doon na nagp-perform.
"I heard about them. They were great! Sikat na sila hindi lang sa Pilipinas, pati na rin sa Korea," ani Dori. "Anyway bro, about your invitation, sasama lang ako kung... Papayag si Douji-san."
Napatingin sa akin ang dalawa, naghihintay ng isasagot ko. Si Louie, mukha nang aso't nagp-puppy eyes na. Si Dori, alanganin. Siguro nabanggit ni Uehara kay Dori na ayaw nito ng music or baka may nalalaman siya sa nangyari noon.
For sure, mapapatay ako ni Uehara kapag sumama ako sa dalawang 'to. I would love to join this club once more. The club room... It's filled with fond memories of my youth at ngayong may chance na akong makabalik, hindi ko na sasayangin ang oportunidad na i-enjoy ko ang maikling panahon na muli akong makakapasok sa club na iyon.
And I thought of something that'll surely help him change his perspective in music. I'm certain of it.
"Yes, basta kasama ko kayo," sagot ko.
Tuwang-tuwa 'yong dalawa. Abot-langit ang ngiti ni Dori. Hindi ko alam kung bakit pero ando'n 'yong proud sa mukha niya. He was so happy for his friend na finally, unti-unti na niyang nae-engage na balikan ang passion nito sa pagkanta.
Meanwhile, I wonder what's going on in that meeting. Club assignments daw e, sabi ni Sab kanina sa classroom─and the whole faculty needs him.
W-Wait a second, could this be...