Elle Rosewood's POV
Sumusobra na ang lalaking 'yon! Pinahiya niya ako sa harap ng mga estudyante ko at umalis ng walang pakundangan! Sino ba siya sa akala niya? Sobra pa sa pamumuna ang ginawa niya sa 'kin! Below the belt kung makapanlait, wala namang maisagot sa quiz! Puro pangongopya ang inaatupag!
Hampasin ko kaya siya ng shoulder bag sa ulo? Malay niyo, naalog lang ang ulo ng walanghiya! Hmmmm! Hindi ko na mahihintay ang midterm at finals! Dapat siyang maturuan ng leksyon ora mismo!
Kaka-dismiss ko lang ng klase at ang plano ko'y didiretso ako sa OSA para ireklamo si Mr. Uehara. 'Di ko ginustong umabot kami sa ganito pero sagad-sagaran na ang pasensyang binigay ko sa kanya!
Now, look what he did? He seems to be proud of his rudeness! Pasensyahan na lang tayo and I hope maging lesson sa 'yo ito na for every wrong move, there's always a consequence. You're barking at the wrong tree, Mr. Douji Uehara.
"Miss Elle," one of my students called my attention. Siya 'yong katabi ni Mr. Uehara kanina na kinopyahan nito. If I have the right guess, his name is Mr. Sugawara.
"Yes, what can I do for you?" Pinili kong kausapin siya nang maayos though I know he's friends with that jerk. Besides, magkaiba naman sila ng ugali. Mr. Sugawara is ten times better than Mr. Uehara at mukhang nasa bolabularyo nito ang salitang 'respect.' Hindi kagaya ng isa diyan.
"Ako na po ang humihingi ng sorry sa inasal ng kaibigan ko. At... Pasensya na po kung hinayaan kong kopyahin niya ang sagot ko sa papel. Yes, I'm aware of that and yet I let him cheat on our first quiz. I'm so sorry, Miss Elle," nakayukong sabi ni Mr. Sugawara. Halatang nagsisisi siya sa nagawa kanina.
"I understand that you just want to help your friend but what he did to me is too much."
"Ire-report niyo na ba si Douji-san sa OSA?" he asked.
"Oo at buo na ang desisyon ko." Bigla akong napahawak sa sentido. Ouch! My head hurts suddenly. Sandali akong naupo at minasahe ang noo ko. Parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit!
"Ayos lang ba kayo, Miss Elle?" nag-aalalang tanong ni Mr. Sugawara. "Gusto niyo bang ihatid ko kayo sa clinic?"
"N-No need. Thanks for your concern."
"Are you sure?" aniya na tila 'di kumbinsido sa sagot ko.
"Yes. You can leave me here. I'm fine," pagsisinungaling ko. Nag-aalanganin pa itong iwan ko. Umalis din naman siya. For what I heard, niyaya siya ng isa niyang kaklase na kumain sa labas kaya napilitan na siyang sumama rito.
Medyo nawawala na ang pananakit ng ulo ko habang patuloy ko 'yong hinihilot. Kaya lang, hindi ko na yata kayang dumaan sa OSA at baka walang staff na available sa ngayon dahil lunch break nga pala. Lalong sumama ang pakiramdam ko pagbalik ko ng faculty room.
Napansin din ni Sabrina ang bigla kong panghihina. Inabisuhan niya akong pumunta sa clinic gaya ng suggestion sa 'kin ni Mr. Sugawara kanina pero sa halip na magpasama, nagpahatid na lang ako kay Sab sa apartment ko. Mas mabuti sigurong ipahinga ko muna 'to before it gets worst.
Binilinan ko si Sabrina na siya muna ang bahala sa afternoon classes ko at 'di naman ako nabigo. She told me not to think about it 'coz she can handle those things. That's my friend. I'm so lucky to be with her at all times. Trusted, mabait at considerable. Ganyan naman dapat ang isang kaibigan, e.
Anyway, sakay ang kotse ni Sabrina ay ligtas akong nakauwi sa tinutuluyan kong apartment na malapit lang din sa school. Hinatid pa ako ni Sab hanggang sa kwarto ko.
"Call me if you need me, okay?" I replied with a soft moan. Saka siya umalis nang matiyak niyang komportable na ang posisyon ko.
•••
Puting ilaw ang tumama sa mata ko paggising ko. I'm feeling better now than before I came home. Sadyang nagugutom lang ako dahil hindi ako nakakain ng lunch kanina. Time to check what's on the fridge. Hopefully, may laman pa ang ref kahit fruits and chocolates.
Pagkabangon na pagkabangon ko, ibang scenario ang bumungad sa akin. Judging by how it looks, I know to myself that I'm not in my apartment right now. Tandang-tanda kong nasa apartment ako kanina bago ako nakatulog! How did I end up here - in Sierra Vista Academy's clinic?
Alam ko ang lugar na 'to like... Hello? Dito ako nag-college, alangan namang makalimutan ko ang hitsura ng clinic!
My goodness! Paano ako nakarating dito nang hindi ko namamalayan? That's the million dollar question. Imposibleng ilusyon ko lang 'yong umuwi ako galing dito! I'm wide awake when it happened so It's clearly obvious na hindi ako nananaginip!
Isa pang pinagtataka ko, bakit ang init? Sinipat-sipat ko ang sarili ko─this isn't my clothes! Ito ang uniform ng mga college boys ng Sierra Vista! What's going on? I'm really confused.
I found a backpack on the side table near the bed where I was laying earlier. Hmmm... Pamilyar ang bag na 'yon, ah. Kamukha ng kay...
Nagulat ako nang lapitan ako ng isang nurse na babae. "Sir, kamusta na pong pakiramdam niyo? Grabe, ang tagal niyong nakatulog, mga 6-7 hours din."
"Excuse me but what did you just say?" Ano bang pinagsasabi ng nurse na 'to? Hindi niya ba nakikitang babae ang kaharap niya? Wait... My voice. It's quite strange though.
"Ang sabi ko, kamusta po kayo, Sir?" she repeated which gives me the creeps. Seryoso ba siya?
"How dare you calling me sir─uh!" I covered my mouth. Ultimo boses ko'y nag-iba rin!
"Maybe you should wash up first before you go. Gabi na rin, Sir. Magsasara na po ang clinic anytime so I'm afraid you need to go," anang nurse.
Umalis muna ako sa kama at naglakad papuntang comfort room. As the clock keeps ticking, parami nang parami ang natutuklasan kong kakaiba sa sarili ko, kabilang na ang biglang pagtangkad ko. Konti na lang, kasing-taas ko na ang pinto sa CR. Ano bang nangyayari? Nakaka-alarma na 'to!
Naghilamos akong mabuti at baka sakaling mahimasmasan ako at magising sa katotohanan! Ngunit, subalit, datapwat, hindi 'yon nangyari dahil pagtingin ko sa salamin, ibang mukha ang nakita ko!
"O-Omigod! What happened to my pretty face?! Omigod! I look horrible!" Kulang na lang magtitili ako sa comfort room. No no no! Hindi puwede 'to! Aaah! Why do I have to get switched and for all people in this entire world, why it has to be Mr. Uehara?!
"Sir, is everything okay?" sabi ng nurse na nasa labas ng pinto. Nagmamadali akong lumabas ng CR at dinampot ang bag ni Mr. Uehara. Nagpaalam ako sa nurse na uuwi na but the truth is, I'll search for a perfect spot to make these things clear to me.
Gulong-gulo man ang isip, kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ako makakabalik sa katawan ko. Hindi ako makakatagal ng isang araw sa katawan ng punyetang lalaking 'yon! There has to be something. Something that will turn ourselves back into normal.
Speaking of that butt-like creature, if I'm in his body right now, it's obvious that he was in my own body as well. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ni Mr. Uehara. Swerteng nabuksan ko ang lockscreen ng phone niya. His passcode is simple as 123. As for my phone, I forgot to put password so I'm sure he can pick up my call.
Tinawagan ko ang numero ko gamit ang cellphone ni Mr. Uehara. Nakaka-dalawang ring pa lang 'ata ay may sumagot na nito.
"Hello!" Confirmed. He's taking over my body.
"Mr. Uehara, listen to me─" Pinutol niya ako in the middle of my talking.
"Umamin ka nga, Miss Elle! Pinakulam mo ba ako? I was in the clinic after I left your class and now I'm here in your place! Bring my body back ASAP!" Bulyaw nito sa kabilang linya. 'Di lang pala makapal ang mukha nito, ang lakas pa ng loob mambintang!
"Hey, Mister. Are you insinuating that I did something to you? May I remind you na hindi lang ikaw ang nasa sitwasyong ito. Why would I risk myself if I just wanted to sue you badly? Eh 'di sana, dinala na lang kita sa OSA sa halip na ipakulam!"
"Malay ko bang parte 'yan ng plano mo para hindi ka pagsuspetsahan? Nice try but it's not gonna work!" mayabang na banat nito. Argh! He's getting into my nerves!
"Oh please! I wouldn't avenge you for such a trivial! Hindi ako kasing cheap mo!" Pasigaw kong sagot. Pansin ko ang pamamalat ng boses ko unlike before. Naninibago tuloy ako. Hindi yata sanay makipagsigawan si Uehara. I thought I will ose my voice.
"Mr. Uehara. I don't know what happened but we need to talk. I'm heading now to my apartment. Wait me there and we'll fix this."
"Let's save it for tomorrow," aniya. Did he just change his mind?
"Can you repeat that for me? I thought you wanted to see me because you want your body back?"
"I just checked the time. Baka nag-aalala na ang parents ko. Dis oras ng gabi, nasa kalsada pa ang katawan ko at pagala-gala."
"Hoy, inuutusan mo ba akong umuwi sa inyo at magpanggap bilang ikaw?" I hope mali ang rinig ko at baka masampal ko 'to 'pag nagkita kami!
"You don't have any option, do you? Besides, if you don't go home, pagt-tripan ka ng mga tambay diyan sa labas. No one will save your ass, I'm telling you. Do this not just for yourself, but also for my parents. They're waiting," he said.
That makes sense. Hmph! You win for now, Mr. Uehara. "Fine. Text me your exact address. Basta siguraduhin mo lang na papasok ka nang maaga bukas, ha. Wear something nice."
Pinatayan ko na siya ng telepono. Humugot ako nang malalim na paghinga matapos ang argument namin over the phone. Hinintay kong dumating ang text message ni Mr. Uehara na naglalaman ng address ng bahay nila. Noon lang ako nagdesisyong lisanin ang madilim na campus at sumakay ng taxi.
•••
"Number 63, Greenfield Village," basa ko sa SMS na nasa phone ko para masigurong tama ang bahay na papasukin ko. Oh my, kinakabahan ako! What if mahalata ng parents niyang hindi ako ang anak nila? Tiyak sa kalsada ako matutulog ngayong gabi! Shocks, baka pagpyestahan ako ng mga lasinggerong amoy alak! Ew!
No, Elle. Huwag ka ngang nega! You act natural! Isipin mong ikaw talaga ang walanghiyang 'yon kahit labag sa kalooban mo! Kung kinakailangan mong magtigas-tigasan para 'di sila makahalata, gawin mo! Isang gabi lang naman 'to. Magtiis ka na!
Lumunok muna ako ng laway bago ako pumasok sa gate. My hands are shaking! My knees are trembling! Omigod! Daig ko pa ang kriminal na first time gagawa ng krimen!
Hinubad ko ang sapatos ni Mr. Uehara sa intrada ng bahay nila. Maingat akong naglakad paakyat sa taas kung saan posibleng doon matatagpuan ang kwarto niya.
Wala pa man, natigilan ako nang magsalita ang isang middle aged na babaeng nakaupo sa salas at nanonood ng TV. May kasama siyang lalaki na ka-edad din niya. I bet it was the father of the house. Mukhang masungit pa 'yong tatay. Nakabusangot kasi!
"Dou-chan, Okaeri. Hindi ka nagsabing gagabihin ka," said his mother, very worried.
"P-Pasensya na po," nasabi ko tuloy. Part of my role as this bastard is to treat his parents kindly. Wish me luck na hindi niya binabastos ang magulang niya katulad ng ginagawa niya sa akin. Uulanin siya ng sampal sa 'kin bukas.
"Bakit ka ginabi?" Deretsahang tanong ng tatay niya. Nakakatakot naman si Mr. Uehara the first! Though, I'm impressed na marunong silang magtagalog pareho.
No choice, I have to lie for it. "S-School project, Dad," nauutal kong sagot sa kanya. Ang tanong, 'yon ba ang tawag ni Uehara sa papa niya?
"Sigurado ka, ha. Malaman-laman kong nagbubulakbol ka, may kalalagyan ka sa 'kin. Tandaan mo, matanda ka na, Douji. Umayos ka."
Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. His dad is 101% terror with plus package of strictness and deadly efficient attitude when you look into his eyes, you won't last a second. Wala siyang pinagkaiba sa holdaper na pinagbantaan akong papatayin kapag hindi ko binigay ang pera't mga gamit ko!
"Opo," sabi ko sa tatay niya. "Akyat na po ako sa taas." Sabay turo ko sa wooden stairs.
"Hindi ka na ba kakain?" His mother asked.
"M-Mamaya na lang po. Hehe." Basta akong umakyat na sa taas at nagkulong muna. Mamaya na lang ako bababa kapag tulog na sila.
A short self-orientation happened inside his room. Maayos ang arrangement - sa unang tingin, iisipin mong lalaki talaga ang may-ari ng silid. Ang pinagtataka ko lang, may computer pero walang speaker. Wala ring source of entertainment like VCR, stereo or TV. Tanging mga makakapal na libro, encyclopedia at dictionary ang laman ng kanyang bookshelf.
I checked his phone. His playlist was empty as well. 'Yong totoo, paano ba nabubuhay ang taong 'to? Hindi ba siya nabuburyo sa pagbabasa ng mga iyan?
Ang malas ko. Mainis na kayo't paulit-ulit kong tinatanong ito pero 'di ko maiwasang isipin kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, si Mr. Uehara pa ang nakapalitan ko? Mas okay pa si Mr. Sugawara. Eh ito? Music hater na nga, nukukan pa ng kayamutan! Ang kapal ng mukhang sabihang boring ako eh kamusta naman siya? Psh! B-O-R-I-N-G.
Kusa kong ibinagsak ang katawang lupa ko sa malambot na kama. Uh, hopefully, bumalik na sa normal ang lahat. Bukas na bukas, haharapin ko si Mr. Uehara using his body. We need to get back to our bodies before the first bell rings.
•••
The next morning, maaga akong umalis ng bahay ni Mr. Uehara. Nag-commute ako papuntang Sierra Vista Academy. Tinanggihan ko ang alok ng Papa ni Mr. Uehara na hiramin ang service car nila 'cause... hello? Mukha ba akong marunong mag-drive ng kotse?
I sense some odd feeling as I walk through the entrance. I can't put my finger on it but something's not right. Ah, baka naninibago lang ako.
Ang nakakainis, 'no. Kanina pa ako text nang text kay Mr. Uehara pero wala akong natatanggap na reply mula sa kanya. Ni hindi niya sinasagot ang mga tawag ko! 'Di kaya, nagtago na 'yon? Subukan niya lang, isi-singko ko siya sa finals!
Ang usapan namin according sa text message ko, dito kami sa admin building magkikitang dalawa. Fifteen minutes na ang nakalipas, hindi ko pa nakikita ang anino ng hunghang. Come on, where are you?
May tumapik bigla sa balikat ko. "Hoy," tawag ng boses mula sa likod ko.
Napasigaw ako sa gulat. "Ay! Baklang nasa katawan ko!" Paglingon ko, bumulaga sa akin ang sarili kong pagmumukha. "Ikaw lang pala. Ba't ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay! At saka..."
Pareho kaming nagpasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "WHAT ARE YOU WEARING?!" halos sabay naming sabi habang duro-duro namin ang isa't isa.