Chapter 6 - Chapter 5

Douji Uehara's POV

"WHAT ARE YOU WEARING?!" We spoke simultaneously as we point our finger in each other's faces. Look what we have here. A woman trapped in my body wearing sports shirt and jogging pants. Aware ba 'to sa dress code ng school?

"Alam mo ba kung anong araw ngayon?" pagalit kong tanong kay Miss Elle. Still, 'di pa rin ako sanay na boses niya ang naririnig ko sa tuwing nagsasalita ako. Tinitigasan ko na nga para hindi magtunong-maarte dahil masakit sa tenga.

"Today is Friday. So what?" masungit niyang sabi. Sa mga curious kung anong hitsura ko kung naging bakla ako, the answer is like a spoon, feeding you with exact amount of food.

"I don't know how you managed to enter the premises pero sa lahat ng estudyante ng Sierra Vista Academy, ikaw lang ang nakasuot ng PE uniform! You're only allowed to wear that during PE class! Hubarin mo 'yan!" Nilapitan ko siya at akmang aalisin ang pang-itaas na suot niya.

Umiwas si Miss Elle at dumistansya ng kaunti. "What the? Wala akong pamalit! And seriously, are you trying to undress me in a place like this? Kahit saang anggulo tignan, bastos ka talaga, Mr. Ue─"

Tinakpan ko ang bibig ni Miss Elle. "Shh! 'Wag ka ngang maingay, baka may makarinig sa 'yo! Saka, huwag mong masyadong pwersahin ang boses ko. Sira na nga, sisirain mo pa!"

Siya mismo ang nag-alis ng kamay ko sa bibig niya. "Your voice is dreadfully dull. Para akong mauupos na kandila kapag pinipilit kong sumigaw gaya ng nakasanayan ko."

"That's the reason why I hate music," pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka?"

Iniwasan ko siya ng tingin. "Wala."

"But more to the point, ano ba 'yang suot mo? Saang sulok ng impyerno mo ba kinalkal ang damit na 'yan? Para kang mag-d-defense! Yuck, ang baduy!" puna niya sa corporal outfit na suot ko.

"Ayaw mo n'on? Mas disente kang tignan. Hindi bagay sa 'yo 'yong mga dress na nakita ko sa wardrobe kaya naghanap ako sa mga luma mong damit."

Sinadya kong ito ang suotin ko. Bukod sa sanay akong magsuot ng formal, naalibadbaran ako sa mga pink na damit niya. Hindi ba siya nauumay doon? Ginagawa niyang katawa-tawa ang sarili niya.

"Excuse me, those are my favorite outfit and it's been years since the last time I wear that manang-attire of yours! I assumed na 'di mo 'yan nilabhan! You're trying to ruin my image, didn't you?" Nakapamaywang pa siya. Nagsalita ang 'di naninira ng image. Pinagmumukha niya akong bakla sa mga kilos at pananalita niyang 'yan!

"Well, in that case, this is my way of revenge for you to cause this trouble, Miss Elle Rosewood," I smiled widely, trying to tease her.

"How long are you going to push this story? Hindi nga ako ang may gawa ng sumpang 'to!" katwiran niya pa.

"Kung hindi ikaw, eh sino?"

"Sinabihan ko na kayong ihanda ang inyong mga sarili ngunit hindi kayo nakinig. Ngayon, nagkakagulo kayo?" sabi ng matanda na biglang sumulpot sa harap namin ni Miss Elle.

Siya 'yong janitor na nakita namin dito last time at siya rin ang matandang nakabangga ko sa hallway kahapon noong lumabas ako sa klase ni Miss Elle. Hindi kaya may kinalaman siya sa nangyayari sa aming dalawa?

"You mean... Kayo ang may gawa nito sa amin? Bakit?" naguguluhang tanong ni Miss Elle sa matanda.

The old-timer laughed before he speaks. "Kapwa kayong may pinagdadaanang problema na mareresolba lamang sa pamamagitan ng sumpang ito. Liban pa, hindi ko gusto ang ugali ninyo. Pareho kayong may pagkakamali at ito lang ang naiisip kong parusa sa inyo."

"Sino ka ba sa akala mo, ha? At sinong nagbigay sa 'yo ng karapatang paglaruan ako? Ano man ang kasalanan ni Miss Elle, huwag mo akong idamay! Sana, siya na lang ang pinarusahan mo! Nanahimik ako tapos bubulabugin mo ako dahil sa walang kakwenta-kwenta mong pakulo? Ibalik mo ako sa dati!" nanggagalaiti kong bulyaw sa matanda.

"Ang self-centered mo rin, 'no? No wonder why you have no friends except for Mr. Sugawara," nakairap na sabi ni Miss Elle sa akin.

"So? What does it have to do with that?" sigaw ko pabalik. May inabot ang matanda sa amin. Hourglass?

Miss Elle took that stupid thing from the old man's hand. "What are we gonna do with this?" she asked.

"Isa sa inyo ang magdadala ng orasang 'yan. Magisimula ang inyong oras kapag inilapag niyo iyan sa isang patag na patungan. Kapag hindi kayo nagkasundo at hindi niyo naayos ang problema niyo na siyang nag-uugat ng inyong pag-aaway bago maubos ang buhangin na nasa orasan, posibleng hindi na kayo makabalik sa inyong mga katawan."

"You've got to be kidding me!" Hindi makapaniwala kong bulalas.

"Seryoso ako, hijo. Kaya kung ako sa inyo, ayusin niyo na 'to bago pa mahuli ang lahat." Umalis na ang matanda at kami na lang ni Miss Elle ang naiwan doon. Napahilamos ako ng mukha. Akala ko, 'pag nakita na kami ni Miss Elle, babalik na kami sa normal pero mas malala pa ang nangyari.

"Kasalanan mo 'to! Epal ka talaga kahit kailan! Tss."

"At bakit mo sa akin sinisisi 'tong kababalaghang nangyayari sa atin?! Kung hindi ka ba naman naging bastos na estudyante, eh 'di sana, napakitunguan kita nang maayos, 'di ba? Ang hirap kasi sa 'yo, napaka-bossy mo! Ikaw may-ari ng school? Tindi ng attitude problem mo!"

"Hindi ako magiging ganito kung hindi ka umeksena last year!"

"Wow! Anong konek ng suicidal mode mo sa pagiging loko-loko mo? You don't have to be so harsh, you know!"

Naputol ang argument namin nang tumunog ang bell ng campus, indikasyon na simula na ang klase sa lahat ng levels. Muntik nang mawala sa isip kong may klase ako sa Philippine History ng 8:00-10:00 AM. But I can't go there carrying Miss Elle's body. People would be surprised if they see me like this. What should I do?

"So 'di pa tayo makakabalik sa mga katawan natin. Which means, we have to take over of each other's bodies for a while," she sighed deeply.

"Count me out! Ayoko nang magpanggap!" tanggi ko.

"Are you seriously out of your mind, Mr. Uehara?" She suddenly pulled me closer to my─I mean, to her body. "Hangga't hindi natin nas-settle ito, we have no choice but to pretend. Papasok ako sa lahat ng classes mo at ikaw..." Dinuro niya ako sa ulo. "Magtuturo ka ng Music sa lahat ng blocks na hawak ko."

"My ass!" Tatalikod na sana ako nang hagitin niya ang braso ko.

"Magtuturo ka o MAGTUTURO KA?!" Miss Elle thrown me a death glare. Oh, come on.

Pagak akong tumawa. "Do you really think I can keep up with your job as music instructor?"

"Ano bang hindi mo na-gets sa sinabi ko? You won't fail in any of your subjects as long as you agree na tuturuan mo ang sampung blocks sa educ! Maagang practice na rin 'yan for your on-the-job training pagdating mo ng fourth year."

"Ayoko ng subject mo!"

"Pwes, ngayon, gustuhin mo whether you like it or not!"

"Tss. Bahala ka nga." Tuluyan ko na siyang tinalikuran at naglakad na papalayo sa kanya.

"Hoy teka!" aniya.

Hinabol ako ni Miss Elle hanggang sa hallway ng educ building. 'Di ko na inisip pa kung saan ako papunta ngayon. Basta 'di ako papayag sa gusto ng babaeng 'yon!

Nakarating ako sa comfort room at nakaisip ako ng magandang idea. I hid from one of the toilet cubicles. Dito muna ako pansalamantala habang andyan sa paligid si Miss Elle. She wouldn't dare to enter in female's comfort room, would she? Wait, is this the...

"Pre, 'di yata kayo magkasama ni Uehara? May problema ba?" I heard my name and that voice sounds familiar. Parang narinig ko na sa classroom.

"Wala naman, bro. Mukhang 'di papasok si Douji-san. Wala pa siya hanggang ngayon, e. Usually, mas nauuna siyang pumasok kaysa sa akin," rinig kong sabi ng kausap niya at hindi ako puwedeng magkamali. It was Dori.

What the fuck? Nasa CR ako ng mga lalaki? Which means...

"Speaking of the devil, ayan pala si Uehara, oh. Hey, yo! Wazzup!"

"Nasa'n si Mr. Uehara─este, si Miss Elle?"

I'm doomed.

"Dude, bakit mo hinahanap si Miss Elle sa male's restroom?" tanong ng kaklase namin ni Dori.

"Okay ka lang, Douji-san?"

Sinimulan niyang kalampagin isa-isa ang pinto ng cubicles sa CR. "Lumabas ka diyan, Uehara kung ayaw mong ma-singko sa finals!" namamalat na sigaw ni Miss Elle. I told her not to use my voice with pressure!

"Why is he calling Miss Elle - Uehara?"

"Ewan."

Nanatili akong estatwa hanggang sa kalabugin niya ang nag-iisang cubicle na sarado which is 'yong sa 'kin.

"Huli ka! Tago pa more!" Nagulat ako nang makatungtong si Miss Elle sa ibabaw at sinilip ako habang nakaupo ako sa toilet seat. Maski sila Dori ay nagulat din at nagtaka.

Napilitan na akong buksan ang cubicle at lumabas mula roon. Hindi ko man sabihin ay kusang isinara nila Dori ang pinto ng CR.

"What are you doing here? You're such a pest!" I said while scratching the back of my head.

"Miss Elle? Anong ginagawa niyo sa CR ng mga lalaki?" sabay na sabi ng dalawa.

"Ako pa ang peste? Hoy! Hindi mo ba naisip ang effort na sasayangin ko para lang maipagpatuloy ko ang pag-aaral mo? Suklian mo naman 'yon nang makabawi ka sa pambabastos mo sa akin last time!"

"Why should I do that?"

"'Cause that's the only way, Mr. Uehara. Malay mo, makatulong 'yan para malabanan natin ang sumpa at makabalik na tayo sa mga katawan natin!" sabi ni Miss Elle.

Sumingit naman sa argument namin si Dori. "Teka, ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Anong sumpa ang pinagsasabi niyo?"

We told them the whole story. From the time we woke up in different places until we chase ourselves and found our way here. "HAHAHAHAHAHA! JOKE BA 'TO? HAHAHAHA!" As expected, they don't believe us.

Sino ba namang gago ang maniniwala sa soul switching? Isang fancy tale na madalas nating nakikita sa libro at teleserye. Who would have thought na posible pala 'yong magkatotoo?

"Tara, daan muna tayo sa cafeteria. Wala pa akong almusal, e," aya ng kasama ni Dori. "Sama ka, Uehara? Nga pala, ako si Louie," pakilala nito.

"Hindi na, may pag-uusapan pa kami ng isang 'to. Nice to meet you," tugon ni Miss Elle na nasa katawan ko nga.

"Orayt! Kitakits na lang sa Room 4," anito saka sila lumabas.

Bigla akong kinaladkad ni Miss Elle palabas ng CR. "Saan mo ako dadalhin? Bitawan mo nga ako!"

"Sa faculty room. Ando'n 'yong lesson plan ko. Mag-review ka at pumasok ka mamayang hapon!"

Inawat ko siya, dahilan para tumigil kami sa paglalakad. "Wait a second! Agad-agad? Pakatandaan mo, first year pa lang ako. I have no knowledge in teaching yet at hindi gano'n kadaling pag-aralan ang mga nasa lesson plan mo in just few hours! I need more time, okay?"

"Ibig-sabihin..."

"Yes. Pumapayag na akong magpanggap bilang si Elle Rosewood pero sa isang kondisyon. Hindi ako magtuturo ngayon. Not today at least."

Malapat na ngiti ang isinukli ni Miss Elle. 'Yong hitsura niya, para siyang batang binigyan ng laruan for the very first time. I felt joy as her smile flashes on my face. It brings back memories. Those times na nagagawa ko pang ngumiti, 'yong bago ako mawala sa music industry. Mga panahong hindi na maibabalik pa.

"Good choice, glad you accept my offer." Miss Elle released a big sigh. "Fine. Sa Monday ka na pumasok, first period ko ang Music class at 10:30. Make sure you're ready."

"Wait, that's my class."

"I know kaya kahit magpabaho-baho ka pa sa harap ng mga estudyante ko, hindi mo ako matatakasan. Imo-monitor kita kaya ayusin mong magturo kung ayaw mong makatanggap ng pulang marka sa classcard mong buwisit ka! I have to go. Umuwi ka na muna at maglinis ka ng apartment ko. By the way, here." Kinuha niya ang kamay ko at doon niya inilagay ang hourglass na bigay kanina ng matanda. "Tutal pauwi ka na rin lang, ikaw nang humawak niyan."

She turned back on me. Hindi pa man siya nakakalayo, hinabol ko siya at kinalabit. "Miss Elle─er, Douji," tawag ko sa kanya upang maiwasan ang suspicion.

"Yes, Miss Elle?" aniya nang may diin sa pangalan nito.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "Ang lamya mong kumilos! Para kang baklang ulikba!" sabi ko.

If she keeps moving like a Barbie doll inside my body, one of these days, baka may kumalat nang rumor sa campus na si Douji Uehara ay pinaghihinalaang bakla.

"You're one to talk. Ayusin mo ang lakad mo. Para kang babaeng sinalpakan ng vibrator sa pwet!" ganti niya pabalik.

Regardless of what she said about the vibrator, nainis ako sa panlalait ng babaeng 'yon. May araw ka rin, Elle Rosewood. Hindi pa tayo tapos!