Chapter 3 - Chapter 2

Elle Rosewood's POV

Nagmamadali akong nagkulong sa loob ng women's comfort room pagkadating ko sa campus. Nilabas ko mula sa bag ang make-up kit na naglalaman ng iba't ibang klase ng pampaganda. Tinanghali na ako ng gising sa sobrang pag-iisip kagabi kung anong magiging outcome ng first day of teaching ko sa isang pribadong paaralan.

I spent my college days here at alam ko ang nasa kaibuturan ng mga estudyante rito. Merong bossy, matataas ang tingin sa sarili, nambu-bully ng teacher, etc. Natatakot ako na matulad sa mga former teachers na napilitang mag-resign dahil hindi nila nakayanan ang pambabastos sa kanila. I hope not. Gagamitan ko na lang ng charms ko siguro.

Nagkukumahog man ay siniguro kong maayos ang pagkaka-apply ko ng make-up sa mukha ko. Aba, ayokong pagtawanan ako ng mga bata at tawagin akong clown, 'no! I preferred to be described as a socialite, gorgeous individual who is head over heels with fashion and music.

Time check: 10:20 pm. Isasalang na ako for my first lecture in five minutes. Dumaan muna ako sa faculty room upang kunin ang mga kailangan kong dalhin sa classroom tulad ng libro, whiteboard marker at attendance sheets. Tatlo lang kaming nando'n including Mr. Sambrano na nag-orient sa akin noong pagpasok ko rito at 'yong ka-batch ko na one year nang teacher sa school na ito.

Sabrina Sanchez, age 23. She was my best friend since college. She's pretty, nice and smart. Unlike her, Sabrina isn't interested in latest trends. Hindi siya katulad ko na ma-porma. In other words, she dresses simple. Sapat na sa kanyang makita siya ng tao na nakadamit nang maayos.

Pero huwag kayo, habulin 'yan ng mga boys! Marami nang nagtangkang manligaw diyan pero ni isa, wala siyang sinagot. Palibhasa, mataas ang standards sa lalaki. Gusto niya 'ata 'yong pang fictional character ang galawan. Luh, meganon?

"Good morning," bati ko sa dalawang teacher. Sinuklian naman ni Mr. Sambrano 'yon ng kaway. Si Sabrina, energetic na sumagot.

"Hello, cutie blonde," aniya sa akin.

Oo, hindi ka nagkakamali ng basa, baby doll. Blonde ang buhok ko. Though, I just dye it, mas prefer ko ang light colors when it comes to my hair. Nakasanayan ko na rin 'to noong college pa, so dinala ko na 'yon hanggang sa trabaho.

"Good morning, Mr. Sambrano. Hey, Sab. How's your class this morning?" sita ko kay babaita.

"So far so good. Mababait ang mga first year ngayon at alam mo ba? Habang nagk-klase ako kanina sa Block 1 ng Educ, may nagtanong sa 'king grupo ng kalalakihan kung kilala ko raw ba 'yong bagong teacher ng MAPEH department na angelic face raw."

"Oh, tapos?"

"Still can't see the sunlight? They were looking forward to meet you personally, like an idol!"

Napatakip ako ng bibig sa tuwa at gulat na nararamdaman ko. "'Di nga, seryoso? Omigod! Omigod, Sab! Am I that pretty? Oh goodness me!" Halos tumili na ako sa sobrang saya. Hopefully, hindi nagbibiro si Sabrina at baka masampal ko siya ng Louie Vuitton bag ko na pasalubong sa 'kin ni Auntie galing States.

"Mukha ba akong nagj-joke, Elle?" Tumaas ang isang kilay ni Sabrina, natawa naman ako. Lumapit siya sa 'kin saka ako tinulak nang mahina. "Go on, kanina ka pa nila hinihintay."

"Alright, I'm going, I'm going! You don't have to push me!" medyo inis kong sabi kay Sab. "Maiwan ko na kayo ni Sir," sabi ko habang nagmamadali kong sinukbit ang shoulder bag ko. Shocks! Malayo-layo pa naman ang Education Building mula rito at baka abutin ako ng 5-10 minutes sa paglalakad. For sure, late na akong darating sa classroom.

"Good luck, Miss Elle," pahabol ni Mr. Sambrano.

"Keep calm and do your best!" ani Sabrina.

"Thank you, guys," I shut the door quickly as I hurriedly left the faculty.

•••

Late ako ng samupung minuto pero hindi 'yon naging hadlang para makapag-klase ako ng Music subject sa isang block ng first year. Nagkaroon muna ng introduction ang bawat isa bago ko sinimulang i-discuss ang course outline, grading system at konting pahapyaw ng chapter one.

Things went smooth and I'm really glad that they were all listening to my lecture. However, we can't avoid some students who keep staring at me. Sino bang hindi? This may sound arrogant but c'mon, darling. I'm wearing pink from head to toe and may hair is blonde plus naka-make-up pa. I'm simply one hell of a living doll. Marami namang students and teachers na bongga manamit at mag-ayos, sadyang ako lang talaga ang naiiba at outstanding pagdating sa pormahan na ganito.

Would you believe that my outfits aren't brand new? Suki ako ng mga ukay-ukay. My secret? I have a passion in fashion. In short, magaling akong magbagay-bagay. Salamat sa tutorials na napapanood ko sa YouTube. Diyan ako na-inspire na paglaruan ang mga damit sa tulong ng fashion designers and vloggers doon.

Okay, where are we? Ah, alright. We still have time. Bigyan ko muna ng gagawin ang mga bata.

"As for your first activity, I want you to find a partner to be your accompanist. One would be playing any musical instrument and the other one will sing any genre."

Someone raised his hand. "Ma'am!"

"Yes?" tanong ko sa lalaking nakaupo sa left side.

"Paano po kung walang available na music instrument? Puwede na po bang audio na lang?"

"Good question," sabi ko. "It doesn't have to be a real instrument. You can use speaker, or anything that produces music. Sa mga nagbabalak ng speaker or instrumental audio, you are both required to duet. Any questions?"

"Ilang minutes po per pair?" sabi ng isa pa.

"Minimum or three minutes and maximum of five minutes para lahat, maka-perform on time. So next week, I'm expecting you to perform dito rin sa classroom. Your score will be based on how you play the song.

"Don't pressure yourselves. Enjoy it, feel it. Kung 'di man kayo magaling, maaayos natin 'yan. That's why meron kayong subject na ganito sa curriculum niyo, at may Music club din kayo na puwedeng salitan. Balitaan ko lang kayo regarding that matter, probably next week. Alright, class dismissed."

Nagsi-tayuan na sila at 'yong iba ay lumabas na. Gamit ang eraser ay binura ko na 'yong mga nakasulat sa whiteboard saka ko isinilid sa bag ang mga gamit ko.

Papaalis na sana ako nang biglang lumapit ang isang estudyante. If my guess is right, he was the man sitting beside the guy who asked me about musical instruments. The one with the poker face.

Wait a second. I know this person. I met him last year. That's it! This was the same guy who tried to take his own life! I didn't expect him to see here. Mabuti na lang at naayos na ang turnilyong lumuwang sa kanyang utak. He seems fine now.

"Yes? What can I do for you?" maayos kong tanong sa lalaki ngunit ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inasahan.

"Gusto kong mag-transfer sa ibang block." His voice is too low but my ears won't lie to me.

"May I know why?"

Lumalim ang tingin nito. "I don't like your teaching methods, that's all," walang pakeng sagot nito, bagay na hindi ko nagustuhan. Who wouldn't?

"Could you please elaborate?" He didn't answer, he just stare at my face for not so long. Pinili kong kumalma kahit naglalaban na 'yong inis at takot ko. May nagawa ba akong mali?

"Look. I was trying to do my best as your instructor, okay? But if that's what you want and you hate the way I teach, go ahead and do it. However, lemme tell you this. I hope you won't regret your decision, Mister. The cost of changing form is worth a hundred or two and if you're gonna push this even further, you're just wasting your allowance for nothing."

"I don't follow," aniya na naguguluhan.

Nginitian ko siya ng may halong pang-asar. "Ako ang may hawak ng lahat ng music subject sa educ. Kung may balak ka mang mag-cross enroll, I'm not sure kung papayagan ka since hindi ka naman graduating student. So if I were you, sit down, be humble and listen. Ilang buwan lang naman tayong magkakasama at kapag hindi ka naki-cooperate sa klase, hindi mo na kailangang bumili pa ng changing form dahil ako mismo ang magd-drop sa 'yo. If you excuse me."

I didn't let him do the walkout. Nilayasan ko na siya at iniwan doon. Wow ha, ano siya, sinuswerte? Matapos niyang punahin ang paraan ng pagtuturo ko? Siya pa ang may ganang layasan ako? Ingudngod ko kaya siya sa pader?

Huwag na, kawawa naman 'yong pader.

"Ow!" angil ko nang bungguin ako ng kung sino mula sa likod. Sa lakas n'on, Halatang sinadya niya talaga. Wala pa 'ata siyang balak lingunin ako kung hindi pa ako nag-react sa ginawa niya!

"Warui," he said with his hand on his left cheek. Ano raw?

"Hindi ka man lang ba mags-sorry? May I remind you, teacher ang binagga mo, hindi kung sino lang na basta mong binunggo dahil trip mo!" sigaw ko sa sobrang inis ko.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "'Di mo ba ako narinig? I said 'sorry' in Japanese. Ngayon, kung hindi mo ako naintindihan dahil hindi ka marunong mag-Japanese, problema mo na 'yon."

"Sorry ha, hindi kasi ako lumaki sa Japan, e!" gigil kong sabi. Argh! Pigilan niyo ako, mamarkahan ko na 'to ng singko sa class card! He was about to turn away when I happened to hold his arm tightly. "We're not yet done, Mister!"

Naisigaw ko 'yon at halos lahat ng nasa hallway ay napatingin sa amin. Sandaling nabingi ako sa katahimikan nang mga oras na iyon.

"What's wrong with you?" pabalang niyang sabi. Pakiramdam ko'y paakyat na ang dugo ko sa ulo at para na 'yong tubig na kumukulo sa loob ng sistema ko.

Higit pa 'to sa inaakala ko, eh. Mas masahol pa siya sa spoiled brat na mayabang na makapal ang mukha na akala mo kung sinong hari na kung maka-asta'y may-ari ng school na 'to sa sobrang garapal magsalita!

"Ako dapat ang magtanong sa 'yo niyan. Inaano ba kita, ha? Ikaw 'tong lumapit sa 'kin kanina tapos babastusin mo ako ng ganyan? Wala kang modo! Anong pangalan mo? Sabihin mo!" asik ko. 'Di ko na pinansin ang mga taong nakatingin sa amin, maturuan ko lang ng leksyon ang isang 'to!

"Douji Uehara, first year, BS Education Major in MAPEH," proud niyang sagot. Pinagmamalaki pa niya ang kagaspangan ng ugali niya, ha. Tignan na lang natin!

"Magkita na lang tayo sa OSA, Mr. Uehara!" I rolled my eyes. Lalampasan ko na sana ang walanghiya nang siya naman ang humawak sa kamay ko. "Ano ba?!"

Hinatak ako ni Uehara palabas ng Educ building. Kung saan man kami papunta, ewan ko. Ano bang nasa kukote ng hunghang na 'to? Busy ako! Marami akong gagawin at kabilang na riyan ang pag-asikaso ko sa suspension niya!

Dinala ako ng mga paa nito sa likod ng administration building. Naabutan pa namin ang isang matandang janitor na matiyagang nagwawalis sa lugar.

"What exactly are we doing here?" Tinuro ng mokong ang mataas na gusali. Ako lang ba o sadyang nap-picture out ko ang building na 'yon na katulad ng establisyimento na muntik niyang talunan last year? Magkasing-taas kasi at may rooftop din na kagaya ng sa abandoned building na tinutukoy ko.

"See right over there? Someday, I'm gonna jump off from that building and you're gonna watch me. I loathe music as much as I hate you. Everytime I hear sounds, melody or songs that I really want to sing, my mind wants to give up. Depression is killing me, you know.

"Lalo na noong nalaman kong ikaw pa 'yong teacher sa music? 'Yong babaeng pinigilan akong magpakamatay? Sinabi ko sa sarili ko, ah, kailangan kong umalis. 'Di bale nang maging irregular student ako sa susunod na semester. That's why I'm asking your permission earlier. My parents are the reason why I'm still living, kaya ako nag-aral dito kasi gusto kong maging proud sila sa 'kin. Pero kung lalamunin lang din ako ng frustration at pagkabigo, posibleng hindi ko na matupad ang pinangako ko sa kanila."

He hates music? 'Di ko pa rin ma-gets, eh. Anong koneksyon n'on sa nangyari one year ago at bakit siya nagkakaganito?

"You're avoiding me just because I saved your life?"

"Oh, please. Don't call yourself a hero. You didn't actually save me! Don't you get it? Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, nilalamon pa rin ako ng lungkot! Sana hinayaan mo na lang akong mamatay noon! Pa-bida ka rin, eh. Sinira mo ang plano ko!"

"What the hell, Uehara? So it's now my fault why you're acting so foolish? Malaking kasalanan ang binabalak mo, alam mo ba 'yon? Buhay na pinahiram sa 'yo, kukunin mo? Anong klase ka? At saka, pagsubok lang 'yang pinagdadaanan mo! Time will come at babalik din sa normal ang lahat!"

"Nasasabi mo lang 'yan kasi wala ka sa katayuan ko! You don't know what it feels like! Y... Try... to screa... But you c....dn't! N..r...i...g m... ba... ko? Na....tindi...an... Mo ba ang sina....bi ko?" Ano raw?

He was trying to scream pero halos walang lumalabas na boses sa bibig niya. I sorta understand some of his words but the rest are way too complicated.

"Oh, sana nga nasa sitwasyon mo ako nang maintindihan ko ang tinutumbok ng butchi mo!"

"Mag-ingat kayo sa binibitawang niyong salita, hijo at hija," sabat ng matandang janitor na pansalamantalang tumigil sa pagwawalis. "Bawat salitang nilalabas niyo sa inyong bibig ay siyang may balik at hindi niyo magugustuhan ang posibleng mangyari," tumawa pa ito saka bumalik sa paglilinis.

Nagkatinginan kami ni Uehara. "What's that supposed to mean?"

"Tch!" Muli niya akong binangga, mas malakas pa kaysa no'ng una! Naglakad na ito palayo. Why you lil'! Don't click your tongue with me!

"Hoy, Mr. Uehara! Bumalik ka rito! Ang kapal ng mukha mong talikuran ako! Malatin ka sana habangbuhay!" I shouted as I clenched my teeth.

What a jerk! Ang yabang ng sira-ulong 'yon! Ipalaklak ko kaya sa kanya 'yong isang pakete ng Strepsills?!