Douji Uehara's POV
Unang araw ko as first year college student at Sierra Vista Academy, taking up Bachelor of Secondary Education major in MAPEH. Nothing seems new at wala pa ring nagbabago, aside from the fact na sinabihan ako ng parents kong mag-aral ulit after wasting another twelve months of my worthless life.
Graduate student ako at ito na ang pangalawang kursong kinuha ko sa kolehiyo. I was allowed to finish my music course due to my desire in becoming a famous musician someday but it didn't happen.
I lost my most cherished possession and I don't have enough strength to get away with it. Hindi ko matanggap ang naging kapalaran ko hanggang humantong ako sa puntong tinry kong magpakamatay. Nangyari 'yon noong isang taon.
Bagama't niligtas ako ng isang pakialamera na kung maka-asta'y akala mo alam ang buong pagkatao ko, hindi nangangahulugang thankful ako sa nangyari. That woman. If she wasn't there at that time, the pain inside my heart will stop.
Bawat araw, sa tuwing nakakarinig ako ng musika, parang sikasaksak ang puso ko. Nasasaktan ako dahil wala akong magawa para ibalik 'yong dating passion ko sa pagkanta. I had no will to love music like I used to and eventually, it turns into hatred and devastation.
I hate music as much as I hate myself simply because I'm dumb. Ilalaan ko na lang ang panahon ko sa pag-aaral nang kahit papaano, matuwa naman sa 'kin sina Mom and Dad. Paraan ko rin 'yon para unti-unti akong maka-move on sa sakit na dulot ng voice disorder ko - ang punut-dulo ng pagguho ng pangarap ko.
Binuksan ko ang wardrobe at kinuha ang bago kong school uniform. Required sa college ang mag-uniform. Ang pinagkaiba ng college sa high school at elementary, mas pormal at maganda ang yari ng blazers ng college uniform.
May dilaw sa lapel ng blazer tapos sa loob, kailangan mo ng puting polo at yellow necktie na may stripes na blue, white at black. Sa ibaba naman, maong pants or trouser at leather shoes o puwede ring rubber shoes. Depende sa student kung anong mas trip niya.
Sa babae, naka-blazer sila katulad ng sa 'min. White inner polo, yellow ribbon, checkered na palda at leather shoes. Nakita ko 'yan sa nakapaskil na dress code sa school entrance noong nag-enroll ako kaya alam ko.
Since it's Monday, I need to wear my uniform. Bawal kasi ang naka-civilian, baka hindi ako papasukin. Pagkabihis ko ay lumabas na 'ko ng kuwarto bitbit ang bag ko.
Naabutan ko sa salas si Mom. Maagang pumasok sa work si Dad. My father is an engineer and he's the person behind my family's success. We're not that rich, nasa gitna lang kami ng mayaman at maykaya.
"I have to go," I told her. She was in front of the TV, watching her favorite cooking show.
"Hindi ka ba kakain?" tanong niya.
"No, I'm fine. I wasn't hungry anyway," kalmado kong sagot. Maski anong reaksyon ko, ganito ako magsalita. Plain, low and boring. Kung susubukan ko namang lakasan ang boses ko, aakalain mong may soar throat ako.
As a matter of fact, treatable naman daw ang sakit ko but it would be impossible to restore my own beautiful voice. Dumating man ang panahong kaya ko nang magsalita nang malakas, hindi na siya katulad ng dati.
"Itterasshai, Dou-chan," Mom said which means 'have a good day.'
I answered her in Japanese, "Jaa ne." Meaning 'see you.'
We used to speak three languages in this house. Filipino, English and Japanese. My mother is half-Filipino, half-Japanese while Dad is a pure Jap. I was born and raised in Sendai, Miyagi but I trained to speak Tagalog at a very young age. So far, ten years na kami sa Pilipinas at dito na kami nagdesisyong tumira sa kagustuhan ni Mom.
I've been freeloading in my parent's house since they knew about my suicide attempt. Sa takot nila na maulit iyon, pilit nila akong pinatira sa bahay sa halip na ikuha ako ng apartment o mag-stay sa dormitory ng school.
Hindi ko sila masisisi. Magulang sila at nag-aalala lang sila lalo na't hindi biro ang pag-aaral sa kolehiyo. Nuknukan ng stress at sa dami ng intindihin, baka sumagi na naman sa isip ko 'yon - idagdag mo pa 'yong frustration ko gawa ng nangyari sa akin last year. This time around, there's a chance na baka hindi ko na kayanin.
Hindi na ako nagulat nang wala ang kotse sa garage. Malamang ay ginamit ni Dad ang service car namin so I come up with a decision to get a cab.
Fifteen minutes ride from my house and now I'm here inside the campus. Kasalukuyang nagaganap ang program sa gymnasium pero 'di na ako dumiretso doon dahil hindi naman mandatory ang participation ng mga college students.
Kahit saan ka tumingin, marami kang makikitang tao - sa registrar's office, bookstore, library, cafeteria at sa hallway ng bawat college buildings. Hindi mauubusan ng estudyante. As if I care about it. I'm only here to amaze my parents not to waste my time walking around.
Dumiretso ako sa Education building at hinanap ang room number ko according sa schedule na hawak ko. I only have two subjects for today at parehong sa umaga. Foundations in MAPEH at 8:30-10:30, followed by Music class until 12:30. Both classes are sharing the same room - ED-03.
Bukas na ang room pagdating ko ngunit kakaunti pa lang ang tao. Pinili kong maupo sa second row, third column on the left side. I saw some girls looking at me in the corner of my eye. Hindi ko sila pinansin at tahimik lang ako habang nagc-cellphone.
As the time goes by, I didn't notice na nadadagdagan ang mga pumapasok sa room hanggang sa may naupo na sa tabi ko. Isang lalaki, mukhang may lahing hapon katulad ko. Pansin kong karamihan sa mga nag-aaral dito ay mukhang Japanese. For what I know, hindi Pilipino ang may-ari ng eskwelahang ito. Marahil hapon kaya maraming Japanese ang ginustong mag-enroll sa Sierra Vista.
"Hey, you speak Tagalog?" tanong ng lalaki sa akin. Tinanguan ko lang siya. "Anong major mo?"
"Mapeh," I replied. Hindi ko sana siya kikibuin kaso ayoko namang masabihang bastos kaya napilitan akong sumagot.
"Ha? I can't hear you." Inilagay pa nito ang kamay niya malapit sa tainga nito. Bukod sa maingay na ang classroom, hindi pa kalaksan ang boses ko.
"Mapeh," ulit ko. Although, I couldn't raise my voice, I tried to make it clear for him to understand what I'm saying.
"Pareho pala tayo." He offered his hand to me. "Dori Sugawara nga pala. Ikaw?"
"Uehara Douji desu," I said. "Do you speak Japanese?"
"No, I was born here in Manila. Kahit anong kulit ng parents ko na mag-aral ng Japanese, hindi nila ako maturuan. Nakakatamad kasi."
"I see. Maiba lang ako, is it true that most of the students here are from Japan?" I asked. I just want to fulfill my curiosity.
"You know what you're talking about. However, kahit Japanese-inspired ang school na 'to, sumusunod pa rin sila sa patakaran dito sa Pilipinas. How classes are divided, 'yong calendar of activities at 'yong start of classes, pareho sa kung anong meron tayo. We're in the Philippines, after all."
"Now it's clear to me why everything here is entirely strange. Malayo 'to sa school na pinag-graduate-an ko before."
Nagulat si Dori nang sabihin ko 'yon. "Teka, graduate student ka? Ilang taon ka na ba?"
"Twenty-three," bastang sabi ko.
"Damn it, I'm too young! I'm just seventeen, though. Maybe I should call you an upperclassmen─"
"You don't have to. It doesn't matter to me."
"Okay. How about Douji-san? Does it sound good?"
"Yeah. Whatever," nasabi ko na lang nang matahimik na. I'm not really comfortable when someone is talking to me for a very long time. Naiilang ako.
Saktong-sakto at pumasok na ang instructor namin. At last, I'm in peace for now.
•••
The class ended earlier than we expected. We still have thirty minutes left before our next class. Ang subject na isinusumpa ko talagang hindi ko kukunin pero wala akong choice sa takot ko na maging irregular pagdating ng second semester. Music.
I wonder who will be our prof. Sana lang hindi boring at nakakaantok magturo. Wala na ngang kwenta 'yong subject, baka pati teacher wala ring kwenta. If so, then don't expect me coming to that class again.
Sinulit ko ang kalahating oras para bumili ng pagkain sa cafeteria. This guy... Ano bang nakita niya sa 'kin at trip niyang sundan ako kahit saan?
"I don't mean to being rude but why are you so interested in me? Ang dami-dami diyan na puwede mong yayain pero bakit ako ang napili mo?" I asked him in a very polite way after we pay our food at the cashier. We're on our way back to our room.
"I find you entertaining," sagot niya, bagay na nagdagdag-kalituhan lang sa isip ko.
"Sa paanong paraan?"
"Isa ako sa mga fans mo noon. I don't remember your name but I won't forget your face. Ikaw 'yong aspiring singer sa isang amateur singing competition last year na na-eliminate sa semifinals. Sayang, kung nakaabot ka sana sa grand finals, baka nabigyan ka ng break─"
Biglang kumulo ang dugo ko at hindi ko napigilan ang sarili kong magbitaw ng salita against Dori. "Don't remind me about something I really regret. Ang ayoko sa lahat, 'yong pinapaalala sa akin 'yong mga kabiguan ko sa buhay. Kung gusto mo akong maging kaibigan, okay lang. Basta mangako kang wala kang babanggiting kahit ano na may kinalaman sa nakaraan ko."
Nanahimik sandali si Dori ngunit nagsalita rin kalaunan. "Deal. I'll keep my mouth shut. Sorry, Douji-san."
It's over. Kumbaga sa patay, matagal na 'yong nakabaon sa hukay at makukuha ko lang iyon kung uungakitin mo ang lahat ng detalye. Music is part of my dark past and I'm afraid to be hunted once and for all. Baka tuluyan na 'kong magpatiwakal kapag nangyari 'yon and this time, there will be no intruders. I'm all alone.
Silence covers us until we reached our room. We seat to our perspective chairs. Pag-check ko sa wristwatch ko, saktong 10:30 na. Hindi pa rin dumadating 'yong teacher. Male-late pa 'ata.
"Tol, sino kaya ang prof natin sa music?" narinig kong sabi ng lalaki sa likuran ko.
"Sabi ni Patricia kanina, may bago raw na teacher sa Mapeh department. Chicks daw 'yon, pare! Sayang, jojowain ko sana kung hindi lang ako estudyante rito," excited na tugon ng lalaking nasa tabi niya. Kids these days. Wasting their time for useless things. Nakinig lang kami ni Dori sa pinag-uusapan nila tutal wala kaming masyadong ginagawa.
"Kilala mo?" banat naman ng isa pa.
"Oo, bali-balita sa campus, dati raw nag-aral dito sa Sierra. May lahing hapon 'yong nanay tapos foreigner 'yong ama. Ang ganda, sobra! If I'm not mistaken, her last name was Ros... Roswudo..."
"Rosewood," pagtama ng babaeng katabi ng dalawang nag-uusap.
"Woah, sugoi!"
Mayamaya, biglang sumigaw ang isa sa kanila, 'yong nasa bintana banda at kanina pa pasilip-silip. "Hoy, umayos na kayo! Andyan na si Ma'am!"
Binuksan ko ang maliit na bulsa ng bag ko at may kinapa mula doon. Napamura ako ng manipis. Shit. I forgot to bring my earplugs. Plano ko sanang isuot 'yon for the whole time. I hate everything about music, especially when I hear just a rhythm from songs. Naalala ko lang 'yong mga nangyari last year. Mga kabiguang hindi na maitatama pa.
The door opened. Napayuko ako at binaling ang atensyon ko sa pagdrawing ng Hiragana letters sa armchair gamit ang daliri ko. Mahinang binagsak ng prof ang mga gamit nito sa teacher's table. Doon ko naisipang i-angat ang aking ulo.
She's writing her name on the whiteboard. She's facing backwards so I'm not sure if I'm going to buy my classmate's story. Even without her pink stilettos, she still got some height. Her skin is white as snow and her long blonde hair added to her unique attraction. Nakasuot siya ng pink casual attire at meron siyang bracelet sa magkabilang kamay.
That leaves us with her looks. I wonder if she turns on us, my eyes will beg for her just like these morons at the back─
"Good morning, class. I'm Katrina Elle Rosewood and I will be your instructor in Fundamentals of Music for the first semester of this school year," paunang bati nito. Nakapaskil ang matamis na ngiti sa kanyang mukha.
Natulala akong bigla. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko. "N-No way," I mumbled, loud enough for Dori to hear me.
Tinapik ako ni Dori, marahil nahalata niyang kakaiba ang kilos ko. "Douji-san, are you alright?"
"Yeah," pagsisinungaling ko. I tried to pretend that I'm fine though I'm really not. This woman... Hindi ako puwedeng magkamali. Siya 'yong epal na pumigil sa 'kin na tumalon sa building noong nakaraang taon!