BIEL
"Ugh. Ughhhhhh. AAAAAACCCKKKK!"
"Samh, matagal pa ba?" Tanong ni Ken.
"Hoy ang aarte niyo, magbantay lang kayo d'yan!" Asik ni Samh.
Kakatapos palang namin mula sa isang Rank A mission at papauwi na sana kami kaso nagpahabol pa ang tiyan ng magaling kong bestfriend.
Nakatalikod kaming dalawa ni Ken sa kaniya at nagbabantay kung baka sakaling may tao. Siya naman ay todo ire na para bang nanganganak.
"I'm done!"
Lakad takbo na ang ginawa ko, makalayo lang sa pinangyarhan ng krimen. Ilang segundo muna akong hindi huminga para hindi ko mainhale ang hindi dapat mainhale.
Taas noong naglakad si Samh papalapit sa amin at sinamaan niya kami ng tingin habang hinihimas himas pa ang tiyan niya.
"Akala ko mamamatay na ako kanina!" pagiinarte ni Ken sabay hawak pa sa dibdib niya na para bang nakahinga na ng maluwag.
"Eh sino kaya 'tong nagbigay sa akin ng expired na tinapay?!"
"Sorry talaga, 'di ko alam na expired na 'yun. Promise." Sincere na sabi ni Ken habang nakataas ang kanang kamay at nakapikit pa.
Akala ko tatahimik na si Samh pero nagsimula ulit siyang magingay at kung ano-ano nang nirereklamo katulad nalang ng malamok daw sa Northeast at 'di man lang daw pinagpapatay ni Ken 'yung mga lamok, nung naglalaba daw kami ay 'di man lang sinabay ni Ken ang damit niya at marami pang iba.
Napatawa na lang ako dahil beast mode na naman siya. Si Ken naman ay todo sorry with matching pacute pa.
Nang matapos na ang away nila, na si Samh lang naman 'yung nangaaway, ay kinuha na agad namin ang kaniya-kaniya naming backpacks at nagsimula ng maglakad.
"That one was tough to deal with though." Saad ni Ken na mukhang binabalikan ang mga nangyari sa mission namin.
Napatango ako sa sinabi niya. Ito ang unang pagkakataon na nasabak kami ni Samh sa Class A mission kaya aaminin kong nahirapan kami. Si Ken naman ay sanay na sa mga ganitong klaseng mission dahil pati Rank S mission ay naranasan na niya. Kung 'di siguro dahil sa kaniya, 'di namin agad matatapos ang mission na naassign sa'min.
Si Ken Sokudo ay kilala at tinitilian sa Academy ng Light. Since Freshmen pa lang ay nanguna na agad siya sa rankings at idagdag pang mabait, friendly at napaka gwapo niya.
I really think he's the most popular guy in the Academy. He also came from a well-known family which is the Sokudo Clan. It's famous for being one of the most powerful clan in the kingdom.
Bigla tuloy akong nahiya sa kaniya.
"Buti na nga lang at kasama ka namin, kung hindi, siguradong masesermonan na naman kami ni King Light." Natatawa kong sabi.
Madalas rin kasi kaming dalawa ni Samh na mapagalitan ni King Light, ang pinuno ng Light Kingdom dahil laging kaming late sa paguwi. Hindi ko alam kung bakit ang bagal naming matapos ang mga missions namin. Swerte kami ngayon at kasama namin si Ken.
Naimagine ko bigla ang problemadong mukha ni King Light at mahabang panenermon niya na tumatagal ng isang oras.
"Hey, marami ka rin kayang natulong. Thanks to you nahanap agad ang salarin sa mystery case ng Northeast Village." Saad ni Ken at nagthumbs up sa akin. Nakangiti rin siya na mas nagpasingkit sa mga mata niya.
"Hoy, paano naman ako? May natulong rin kaya ako!" Protesta ni Samh.
Napakibit balikat nalang si Ken at nagsimula na naman silang magbangayan.
Si Samh Aadya naman ang bestfriend ko and partner sa mga missions since freshmen pa lang kami. Dormmate ko rin siya kaya kilalang kilala ko na siya. Kilala rin siya sa Academy dahil sa ganda at charisma niya, 'yun nga lang laging nakataas ang isang kilay niya. Wala ring nagtatangkang lumapit sa kaniya dahil para siyang ticking time bomb. One wrong word at maaring magwala ito.
Kahit na may pagka masungit at brute siya ay mabait naman 'yan sa loob. Ayaw niya lang ipakita. Ang totoo ay napaka caring niya at ang pinakagusto ko kay Samh ay hindi niya kukunsintihin ang mga maling gawi mo kahit kaibigan mo pa siya. Samh will help you realize where you got wrong and she's willing to help you fix it.
Napahikab ako bigla dala ng pagod. Malayo layo rin kasi ang Northeast Village sa kingdom.
"Pagod ka na Biel? If you want, you can ride on my back." Pagaalok ni Ken at tinap ang likod niya.
Napangiti ako dahil mukhang seryoso talaga siya. Ang bait talaga nito.
"Hindi, ayos lang ako. Salamat." Tugon ko at nagthumbs up sa kaniya para sabihing okay lang talaga ako.
Humalakhak si Samh at ang ibang laway nito'y tumatalsik pa. Minsan talaga parang nababaliw na siya.
"Rejected! Boo!" Pangaasar niya kay Ken at dumila pa.
Sumimangot naman si Ken at tahimik lang na naglalakad. Napatawa ako dahil para siyang bata na naagawan ng candy.
Nakaramdam uli ako ng antok.
Buti nalang talaga at natapos na kami. Weekends lang ang binigay sa aming araw para sa mission at bawal daw kaming umabsent sa klase. Kaya sa dalawang araw na ibinigay sa amin ay wala kaming halos pahinga.
Papalubog narin ang araw kaya laking pasasalamat ko ng matanaw na ang nagtataasang pader ng kingdom.
Napangiti ako ng masilayan muli ito. Dalawang araw lang ako nawala pero namiss ko talaga ito.
Malaki ang pagpapasalamat ko na sa Light Kingdom ako lumaki. Hindi matatawaran ang kabutihan ng mga tao dito at kung paano nila alagaan ang bawa't isa.
Bagay na bagay ang salitang "light" sa lugar na ito. Kung wala siguro ako sa Light Kingdom, matagal na akong sumuko sa bigat ng mga pinagdadaanan ko.
"Thank goodness we're almost there." Saad ni Samh na kasalukuyang naguunat unat.
Patuloy lang kami sa paglalakad nang bigla akong napahinto.
May nararamdaman akong kakaiba. Nakita kong napahinto rin si Ken at Samh, katulad ko'y seryoso na rin sila.
Ilang segundo kaming nagkatinginan at namalayan ko na lang na tumatakbo na kami papunta sa kingdom.
Something's wrong.
Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko ng narinig ang sunod sunod na pagsabog na nanggagaling sa loob. Pare pareho kaming naalarma at mas binilisan namin ang takbo.
Laking gulat ko ng tumambad sa'min ang sira sirang giant door.
Napansin kong walang mga guards na nagbabantay sa entrance. Bigla ring nawala ang mga pagsabog.
Dali dali kaming pumasok at pagtapak namin sa loob ay sinalubong kami ng makapal na usok. Maya't maya kaming napapaubo dahil sa kapal nito.
Pinakiramdaman namin ang paligid at napakatahimik. Ang dating maingay na paligid ay naglaho. Wala akong marinig na mga tao. Para bang mistulang nadisyerto ang lugar na 'to.
Puro wasak ang mga bagay sa paligid at mistulang nalusaw ang mga ito. Kahit ang ilang mga tahanan ay lusaw.
Huminga ako ng malalim at 'di maiwasang kumuyom ng aking kamao sa galit. Sinong halang ang kayang gumawa nito sa kingdom?
"What is happening?" Mahina at kinakabahang tanong ni Samh.
Walang nakasagot sa aming dalawa ni Ken.
Nanatili kaming tatlong malapit sa isa't isa, dahan dahang naglalakad, inoobserbahan ang paligid. Wala kaming masyadong makita sa kapal ng usok.
Napako ako sa kinatatayuan ko nang maramdamang may paparating.
"Sino ka?!" Sigaw ko na nakakuha ng atensyon ni Ken at Samh.
Sa 'di kalayuan ay nasilayan namin ang isang lalaki. Nakatayo lang siya roon at nakatungo.
Maya maya'y nag angat ito ng ulo at tumingin... sa akin.
Nagsitayuan ang balahibo ko ng ngumisi ito. Nakagigimbal. Parang hindi ito tao sa anyo nito. Ang kaniyang mata ay purong itim. Pinaliligiran siya ng itim na enerhiya at unti unti nitong pinupunit ang mga balat niya. Nangatog ang tuhod ko at makailang beses akong napalunok ng laway dahil sa aking nasaksihan.
Kung normal na tao siya ay kanina pa siya sumisigaw sa sakit.
Tuluyan na'kong nanlamig ng bigla itong kumilos ng napakabilis. Hindi ko masundan ang kilos niya at halos mawala na siya sa paningin ko.
Bigla itong humalakhak at dinig na dinig ko ang malalim at garalgal na boses nito habang ito'y tumatakbo.
Papalapit sa direksyon ko.