BIEL
I could've been dead if I reacted a little late.
Agad kong binunot ang katana na nakasabit sa beywang ni Ken at saktong naiposisyon ko ito bago tuluyang bumaon sa akin ang dagger na hawak ng misteryosong lalaki.
Lumikha ng nakabibinging tunog ang sandata namin ng nagtagpo ito. Napakalakas ng impact ng kaniyang atake to the point na napaatras ako ng ilang metro.
Hinawakan ko ang lupa at agad na gumawa ng wind barrier sa palibot kung nasaan ako at ang kalaban. Sapat ito upang di na makatamo pa ng pinsala ang paligid.
Now, it's just me and him.
Muli siyang tumakbo palapit at nakita ko ang biglang pagbitak ng mga lupa sa likuran niya. Lumabas rito ang napakalaking amount ng lava.
Malayo pa man ito sa akin ay ramdam ko ang init nito. Kahit ang tinatapakan ko ay nagsimulang uminit. Ginamit ko ang wind upang makaangat ako mula sa lupa. Mukhang kahit anong oras ay may lalabas na lava sa palibot ko.
Inihagis ng kalaban ang dagger sa direksiyon ko. Iniwasan ko ito ngunit di ko inaasahan ang biglaang pagliyab nito.
Napasinghap ako sa hapdi nang nahagip ng init ang kanang braso ko.
Ikinumpas ng kalaban ang kaniyang kamay pataas at agad na bumulusok ang mga lava papunta sa akin. Bawat isa ay mabilis kong iniiwasan at di ko maiwasang mapadaing dahil sa init ng mga ito.
Minanipula ko ang hangin at pilit na iniiba ang direksiyon ng sunod sunod na lava. Ngunit napakabigat ng mga ito at mahirap kontrolin. Anomang oras ay di ko na makakaya pang pigilan ang mga ito.
He can manipulate lava. From deep down the earth.
May bigla akong naalala. Huminga ako ng malalim at pumikit. Bago ako tuluyang malusaw ng mga lava ay nagtransform ako into wind at kaagad na nagteleport pabalik sa ground. Bumalik ako sa orihinal kong anyo at ipinatong ko ang aking dalawang palad sa lupa. Tiniis ko ang init nito at pilit na nagfocus. Sana gumana ito.
Ginamit ko ang buo kong lakas at pilit na bumuo ng giant earth arms. Napasigaw ako at pilit ko itong kinontrol hanggang sa lumaki ito, a little bit bigger than his lava.
Ikinumpas muli ng kalaban ang kaniyang dalawang kamay at sa kaniyang magkabilang gilid ay lumabas ang mga lava.
Let's see what's stronger.
Dumagundong ang garalgal at malalim na halakhak ng kalaban. Halos napunit na ang lahat ng kaniyang mga balat at purong itim na mga enerhiya ang dumadaloy sa kaniya. Natatakpan ng kaniyang buhok ang kaniyang mga mata ngunit ramdam ko ang matatalim niyang titig. Kasabay nito ang pagbulusok ng mistulang naguunahan na lava.
Sinalubong ng aking earth arms ang lava at ikinumpas ko ang aking kamay pababa, upang maibalik ang lava sa ilalim.
Our powers were clashing, his hands were positioned upward, trying to lift the earth arms while mine were downward.
Nagngingitngit ang mga ngipin ng lalaki at halatang nahihirapan ito but somehow, he managed to lift the earth arms.
Pinagpapawisan na ako at kaunti na lang ay tuluyan na niyang mabubuhat ang earth arms ko.
I hate to do this, but I guess I don't have a choice.
Pasimple akong sumulyap sa lalaki at nakita kong nakasentro ang atensyon niya sa kapangyarihan namin na naglalaban. Ginamit ko ang pagkakataon at ipinosisyon ko ang kaliwa kong kamay sa direksyion niya. Agad kong ikinumpas ito at tumalsik ang kaniyang katawan.
Tuluyang bumagsak ang mga lava pabalik sa ilalim. Wala pang isang segundo ay nagtransform muli ako into wind at nagteleport sa nawasak na puno kung saan tumama ang katawan niya.
Hindi ko na hinintay na makatayo siya at pinaulanan siya ng suntok gamit ang mga kamao kong pinalibutan ko ng mga bato.
Tumigil lang ako ng napansing nawalan na siya ng malay. Duguan ito at mukhang nabali ang ilan sa mga buto niya ngunit humihinga pa naman ito.
Sa wakas, natapos na rin ang laban. I've never been in a battle like this for years. His skills and power are no joke.
Umupo ako sa sahig upang sandaling magpahinga. Hanggang ngayon ay hinihingal pa rin ako dahil sa pagtransform into wind.
I only made that technique last week and using it twice today consumed my energy.
Idagdag pa na pinagsabay ko ang earth at wind element kanina. That was the first time that I used it simultaneously.
Nabaling ang paningin ko sa kaliwa ng may narinig na ingay. Nakita ko si Samh sa di kalayuan na kinakalampag ang wind barrier. Inalis ko agad ito at tumayo mula sa pagkakaupo.
Tumakbo papalapit si Samh at sa likod niya ay kasunod si Ken at ang Sokudo Clan. Tulad ni Ken ay may nakasabit na mga katana sa kanilang beywang. They're wearing their yukatas which are for battles. Mukhang sila ang nagevacuate sa mga taong nakatira sa area na ito.
"Biel, ayos ka lang?!" Bungad ni Samh ng tuluyan silang nakalapit.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko at inexamine ang bawat parts ko upang tingnan kung may natamo ba akong sugat.
"I'm fine, just a few scratches," I told her and immediately shifted my gaze towards Master Kirishima, the head of Sokudo Clan and also Ken's father. "Ano po pala ang nangyari dito? Paano nakapasok ang mapanganib na lalaking 'yun?" Tanong ko sa kaniya.
Napabuntong hininga si Master Kirishima. Sa kabila ng pagtanda nito'y matikas pa rin ang kaniyang tindig at bakas ang otoridad sa kaniyang presensya.
Sumulyap siya sa misteryosong lalaking na ngayo'y binubuhat ng ilan sa kaniyang tauhan. Narinig kong dadalhin siya sa Medic Section.
"Hindi namin inaasahan ang kaniyang pagdating," panimula ni Master Kirishima. Sinenyasan niya ang iba niyang mga kasama at agad silang nagsikilos. Mukhang sila na ang bahala sa mga casualties. Gusto sanang manatili ni Ken ngunit tinitigan siya ng masama ng kaniyang ama. Wala siyang nagawa kundi umalis at asikasuhin ang aftermath.
Minsan, nalilimutan kong anak ni Master Kirishima si Ken. Kung ano ang pakikitungo niya sa iba niyang nasasakupan ay ganun din kasi ang turing niya kay Ken. At minsan naman, napakahigpit niya kay Ken.
Naiwan ako, si Samh at Master Kirishima.
"Walang kahirap hirap na napatumba ng binata ang mga guards gamit lamang ang kaniyang dagger. Luckily, their wounds are not fatal. Nakarating lamang ang balita sa akin na may intruder nang narinig ko ang sunod sunod na pagsabog."
Hinawakan ni Samh ang kanang braso ko at napadaing ako sa sakit ng mahawakan niya ang kaunting part na napaso. "Geez, you have a burn here! Wait here, I'll call a healer." She said and hurriedly ran away.
Ngayon ko lang naalala ang paso na natamo ko. Hinayaan ko na lang ito at nagnod kay Master Kirishima as a sign na ayos lang ako. I should first need to know what happened. Besides, protecting the kingdom is my duty.
"Nadatnan namin siya na nagpapakawala ng mga lava sa kung saan saan. Nagkakagulo at nakakalat ang mga tao ng oras na 'yun ngunit wala ni isa sa kanila ang tinamaan niya ng lava. Para bang pinipigilan niya ang kaniyang sarili upang wala siyang masaktan."
Napaisip ako sa sinabi Master Kirishima. Pero bakit nung nakita niya ako para bang gustong gusto niya na akong patayin? Mukha ba akong masama? O nainsulto ko siya nung nashock ako nang napunit yung balat niya? O may sakit siya? O baka mukhang wala akong pangarap sa buhay?
Naudlot ang pagbbrain storm ko nang tumikhim si Master Kirishima at nagpatuloy. "Hindi na kami nagsayang pa ng oras at pina-evacuate agad namin ang mga tao. Sa pagbalik namin upang harapin siya ay ang oras ng inyong pagdating. Pasensya na, pinili naming pagmasdan kayo sa malayo at hintayin na muna ang sunod niyong aksiyon bago kumilos. Isa pa, sa tingin ko ikaw talaga ang pakay ng estranghero."
Napatigil ako at kunot noong napatingin kay Master Kirishima. Anong ibig niyang sabihin?
"Mukhang nasa ilalim ng curse ang binata. And that curse was set to get you," he said as his stern eyes looked at me directly.
"Or worse, it might be set to kill you."