BIEL
Gagawa na sana ako ng Earth Shield nang biglang tumigil ang ice spear ni Irene at nabasag ito sa sahig. Napatingin kami sa isang lalaking nakasandal na ngayon sa pintuan. Hindi ko alam kung paano niya nagawang ipatigil ang ice spear gayong wala naman itong hawak na kahit ano.
"First day of classes pa lang ay may ganito na akong maaabutan." tinatamad nitong saad at napabuntong hininga.
Nagpunta na ito sa harapan at kaniya kaniya na kaming upo ng mga kaklase ko. Nakita kong lumingon muli si Irene at matalim akong tiningnan bago ito tuluyang umupo.
"Tss, sapakin ko siya eh! Kaya ayokong pumasok, ayoko talagang nakikita 'yang babaeng 'yan. Naku Biel, pigilan mo ko!" bulong ni Samh na mukhang tinotorture na si Irene sa isip niya.
"Middle Class B, I'm Sir Aizawa, your adviser. I want all of you to attack me. Those who can land a blow will be having plus points. Time starts now." walang gana niyang saad.
Napanganga kaming lahat. Seryoso ba siya? Gusto niya lang naman na atakihin namin siya. I get it na elite siya at mas mataas sa amin pero, can he really handle thirty students?
"I'm only giving you ten minutes. Time is running." tumingin siya sa kaniyang relo at mukhang nagbibilang na siya.
Nagulat kami ng biglang nagpalabas si Irene ng ng napakaraming ice spikes. Ngunit mas nagulat kami ng lahat ng ito ay nabasag bago pa tumama kay Sir Aizawa.
What the? He was just standing there.
Nagkagulo na ang lahat at sunod sunod na nagpakawala ng kanilang mga kapangyarihan. Ginagawa ng lahat ang kanilang makakaya pero ni isang galos ay walang natamo si Sir. Lahat ng bumubulusok sa direksiyon niya ay bigla biglang tumitigil.
"He's dangerous." saad ni Samh.
Kung hindi siya natatablan ng long range attacks...
Tuumingin ako kay Samh at tinanguhan ako nito. Sabay kaming sumugod patungo kay Sir Aizawa. For a second, nakita kong nabigla siya. Ngunit sandali lang iyon at mabilis siyang pumosisyon para sa laban.
Mas lalo akong namangha dahil kahit sa combat ay napakabihasa niya. Pagdating sa ganitong labanan ay nangunguna si Samh ngunit hindi niya magawang tamaan si Sir Aizawa.
Napansin kong sumulyap sa akin si Samh. Inatake ko si Sir Aizawa para bigyan siyang oras. Nagiipon siya ng lakas.
Napakabilis ng kilos ni Sir at wala siyang ginawa kundi ang umilag. Habang inaatake ko siya ay hindi nagsayang ng oras ang mga kaklase ko at nagpatama ng kani-kanilang kapangyarihan.
Wala talagang silbi ang long range attacks sa kagaya ni Sir. Kahit na magkalaban kami ay nagagawa niyang patigilin ang bawat kapangyarihang bumubulusok sa kaniya. Naramdaman ko ang malakas na enerhiya sa likod ko at mukhang handa nang umatake si Samh.
Bumwelo ako upang sumuntok ngunit bago pa man umilag si Sir ay nagform ako into wind at nagpunta sa likuran niya. Sa harapan ay naroon si Samh at sabay kaming umatake. Napakabilis ng pangyayari.
"Time's up."
Hawak hawak ni Sir Aizawa ang kamao ko habang nagawa niyang ilagan ang suntok ni Samh. Ilang pulgada lang ang layo ng kamao nito. The impact should've made a scratch to him.
Ibinaba ko na ang aking kamao at ganun din si Samh.
"Go back to your seats."
Bumalik na kami sa kaniya kaniya naming upuan. Napagod kami para sa wala.
"Anong nangyari?" hinihingal kong tanong kay Samh nang makaupo kami.
Todo simangot ito at tumingin sa akin ng walang kagana gana. "Ang bilis ng reflexes niya Biel. Kahit na wala pang isang segundo 'yun, para bang may ginawa siya para mawala 'yung kapangyarihan ko."
Hindi ako makapaniwala at napatingin kay Sir. He's really something. Ano kayang kapangyarihan niya?
Napanganga na naman kami dahil nagawa pang humikab ni Sir bago magsalita. Para bang wala lang sa kaniya ang mga nangyari kanina.
"Now, you see the difference between you and me. Kaya sa lahat ng mga magtatangkang gumawa ng kalokohan," tumingin siya kay Irene at sunod ay sa akin.
"hindi niyo magugustuhan ang parusa." seryoso niyang saad. Mukhang 'di nagbibiro si Sir.
Napalunok ako sa banta niya. Mukhang kahit 'tong katabi ko ay magb-behave ngayong taon.
"Stand up everyone. We have a sitting arrangement."
Samu't saring complain ang maririnig sa silid at walang ganang nagsialis sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase ko.
Napasabunot si Samh sa kaniyang sarili at mas lalong naginit ang dugo nito ng paupuin siya sa pinakaunahan. Plus, katabi niya si Irene. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang siyang magwala sa unahan.
Ako naman ay nakaupo sa pinakadulo. Well, hindi talaga dulo dahil bakante ang pinakadulong silya na katabi ko. So ako na ang pinakadulo, basta ganun.
Napanganga ang mga kaklase ko ng biglang magsimula si Sir Aizawa na maglesson.
Para sa akin mas ayos na 'to kaysa paulit ulit na introduce yourself.
Isinulat niya sa pisara ang mga salitang "Power" at "Memory".
"Theses two words are so connected to each other. We all know that our powers play a major role in our everyday lives. It might be for creation of things we neeeded or it might be for protecting things that are real important to us. But too much use of it can lead to danger."
Lumingon sa akin si Samh at nakabusangot na ito habang may dalawang tissue sa magkabilang ilong.
"Once you reached the point wherein your power is totally depleted, it results to memory loss. You won't be able to remember a thing even if you want to, even if you tried to. The worst part was every person who lost their memories went missing. We call them the 'powerless'."
Nagtaas ng kamay ang isa sa kaklase ko.
"Sir, rumors say that it's the Hidden Kingdom at fault. Totoo po ba na sila ang dahilan ng pagkawala ng mga powerless?"
Ngumiti si Sir. "I'm not sure about that."
Tingin ko ay may alam si Sir Aizawa at ayaw niya lang sabihin.
Sabagay, may mga sikretong hindi na dapat nalalaman pa.
***
Sa mga sumunod na klase ay wala kaming ginawa kundi ang paulit ulit na pagpapakilala sa aming sarili. Tuwang tuwa ang mga kaklase ko at isa na nga 'dun si Samh na lumipat sa tabi ko.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Para bang may nagmamanman sa akin kaya agad akong tumingin sa labas ng bintana. Tiningnan kong maiigi ang paligid ngunit wala namang tao. Nagugutom na ata ako.
"Biel, mukhang swerte tayo ngayong school year. Andaming gwapo oh." sabi ni Samh at ngumuso siya sa unahan.
Kasalukuyang nagpapakilala ang isa sa kaklase namin. Napatango na lang ako, gwapo naman kasi talaga. He's Markiel if I'm not mistaken.
"What the? Did you just agree?!" di makapaniwalang tanong ni Samh. May pahawak hawak pa ito sa bibig niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig akong mabuti sa mga nagpapakilala sa unahan. Who knows, baka isa pala sa kanila ang spy.
"The great Biel has a crush in this room?! I can't believe it. Kailangan 'tong malaman ni Ken." pabulong na sabi ni Samh.
Nasabi ko na bang ang bulong niya ay parang sigaw? Lahat ng kaklase ko ay napatingin sa kaniya at huli na bago niya ito marealize. Humarap na lang ako sa bintana dala ng labis na kahihiyan.
Mabuti na lang at biglang tumunog ang bell. Akala ko ay magaalisan na ang kaklase ko pero lahat sila ay nanatili sa kanilang upuan. Nakatingin sila sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Kahit si Ms. Bubbles na subject teacher namin ay gulat na nakatingin sa akin. Ms. Bubbles is the academy's queen of gossip by the way.
"W-what?" tanong ko sa kanila. Awkward akong tumayo sa upuan ko at dali daling hinila si Samh palabas ng classroom. Akala ko titigil na ang magaling kong kaibigan pero hindi pa pala.
"Biel sorry! Hindi ko dapat pinagsigawan na may crush ka sa classroom! I'm very sorry talaga!"
Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano. Napaface palm na lang ako dahil pinagsigawan na naman ni Samh na may crush ako.
Tiningnan ko ang paligid at lahat ng nakarinig ay napatigil. Teka, bakit ba ganyan ang reaksyon nila?
Dali dali kong hinila si Samh papuntang cafeteria. Nang makaupo na kami ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Kahit kailan, pahamak talaga ang bibig ng isang 'to.
"Biel, I'm sorry talaga. Nagulat lang ako dahil may cru-"
Bago niya pa ako ipahamak ulit ay tinakpan ko na ng sobra ang bibig niya. Mukhang di na siya makahinga, naghintay pa ako ng ilang minuto bago tanggalin ang kamay ko sa bibig niya para siguradong di na talaga siya makapagsalita agad.
Agad naghabol ng hininga ang bruha. May pahawak hawak pa ito sa dibdib niya na akala mo ay muntik na talaga siyang mamatay. Bago pa ulit niya ako unahan magsalita ay nagsalita na agad ako.
"Samh ayoko na, stop, tama na, time out." saad ko at umiling iling. Tinaas ko pa ang dalawa kong kamay para mas convincing.
"Huwag mo na ulit ipagsigawan na may crush ako sa room. Baliw ka ba? Tsaka nag agree lang naman ako na gwapo si Markiel ah, bakit crush agad? Na stress mo ako ng sobra kaya dapat lang na libre mo ako ng lunch, now go." mahinahon kong saad at pinagtabuyan na siya.
Palingon lingon ito sa akin habang naglalakad. Mukhang naghahabol pa rin siya ng hininga at ang sama ata ng tingin niya. Ilang minuto ko lang naman tinakpan ang bibig niya. Buti nga hindi isang oras.
Ilang minuto po ay nakabalik na si Samh dala ang isang tray. Inabot niya sa akin ang pagkain ko at isang apple juice. Good.
"Ang sama mo Biel! Papatayin mo ba ako? Grabe hindi na talaga ako makahinga kanina!" pagiinarte niya.
Nagkibit balikat na lang ako.
Tinarayan niya ako at muli na namang umikot ang mata niya. Last time I told her na magpatingin sa healer kung may mali ba sa mata niya, imbes na matouched siya sa concern ko ay muntik na niya akong sabunutan sa 'di ko malamang dahilan. Hindi ko na lang ulit pinansin ang mata niya at nagpatuloy sa paglamon. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang may tumabi sa gilid ko.
"Uy, Ken! Narinig mo na noh?" saad ni Samh kay Ken na ngayon ay mukhang walang ganang kumain. Paulit ulit niya lang namang tinutusok ang kawawang chicken.
Maya maya pa'y ibinaba niya ang tinidor at humarap sa akin.
"Biel, may crush ka raw sa room niyo?" tanong nito.
Nasamid ako sa sinabi niya at agad na hinablot ang isang basong tubig. Paano niya nalaman? Don't tell me kumalat na agad 'yun?
"Usap usapan ka ngayon Biel sa lahat ng sulok ng academy. Almost every guy admires you so they're really curious who the guy is." saad ni Ken.
Agad akong napatingin sa paligid. Karamihan ng mga mata ay nakatutok nga sa lamesa namin. Is that really a big deal? Sinulyapan ko ang magaling na salarin kung nakokonsensiya ba siya pero mukhang hindi siya guilty. Pasimple pa nitong kinagatan ang ulam ni Ken.
"Syempre hindi 'yun totoo. Eto kasing si Samh, kung anu-anong sinasabi." pagd deny ko.
"Talaga? Hindi nga?" tanong ni Ken. Kalahati ng mukha niya pinagdududahan ako tas 'yung kalahati mukhang masaya. Nahahawa na ata 'to sa kabaliwan ni Samh.
Tumango ako ng ilang beses at bumalik na sa kinakain ko. Mukhang sinapian na naman si Samh ng kabaliwan dahil bigla niyang tinutukan si Ken ng tinidor.
"Selos ka noh? Sus, Ken move on" saad ni Samh at humalakhak ng todo. Ang ilang kanin sa bibig niya ay naglalabasan na pero wala pa rin siyang pake.
Tiningnan ko ang reaksyon ni Ken kung mandidiri ba siya sa bruha pero natawa na lang ito. I really ship the two of them. Kapag kasama namin si Ken, nakikita kong tumawa si Samh. Sana nga lagi na silang magkasama para hindi parating highblood ang isang 'to.
Mukhang hindi mapakali na ewan si Ken. Mas lalong sumingkit ang mata nito at nahalata kong namula ang tainga niya. He's always like that whenever he gets embarrassed, it's a cute thing though.
"H-huh? Ano bang pinagsasasabi mo?" mukhang kinakabahang tanong nito.
"Wala, Ken, umamin ka na kasi. Ayan na oh, nasa tabi mo na" taas babang kilay na sabi ni Samh. Ayokong mahawa sa kabaliwan ni Samh kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Alam mo naman sigurong barkada ko si Aku noh? Sige, pagtripan mo pa ako, sasabihin ko sa kaniya na ikaw 'yung secret admirer niya."
Nagsimula na namang magaway ang dalawa at pasimple akong umalis dahil baka masira ko pa ang moment nila. Para sa lovelife ng bestfriend ko, aalis na ako.
Dahil mahaba pa ang oras bago ang sunod na subject ay napagdesisyunan ko munang magpunta sa locker ko. Nandoon ang ilang libro na hiniram ko sa library. It's time para mag-advance reading.
Masaya kong tinahak ang kahabaan ng hallway habang hawak hawak ang apple juice ko.
"Hi Biel" biglang sumulpot ang isang lalaki sa gilid ko.
Tiningnan ko siya at sandali akong nagpanic dahil siya ang isa sa dahilan kung bakit napahamak ako ngayon.
"Hi..." nagdalawang isip ako kung tatawagin ko ba siya sa pangalan niya. I'm known as someone who's bad at memorizing names but, since may spy ako na kailangang hanapin ay pinilit kong tandaan ang pangalan ng bawat taong nakakasalamuha ko.
Pag nalaman niya na natandaan ko ang pangalan niya ay baka misunderstood niya at worse, malaman niyang siya 'yung crush ko kuno kahit di naman talaga.
He chuckled. "You can call me Kiel, one of your classmates"
"Ah, syempre alam ko na magkaklase tayo. Hindi lang talaga ako magaling sa pagmemorize ng names." palusot ko sabay higop sa straw ng apple juice ko. Kinabahan ako dun ah.
Tumango siya at mukhang naniniwala naman siya."Papunta na ako sa classroom, ikaw ba?" tanong niya.
"Papunta ako sa locker area. May kailangan kasi akong kunin."
"Ah, ako rin."
"Hmm?"
"I mean, may kailangan rin pala akong kunin sa locker ko." sabi ni Kiel at nginitian ako.
Teka, siya ba ang spy?
He said he's on his way to our room but he suddenly went with me. Is he tailing me? Sabay kaming pumunta sa locker at pinakiramdaman ko ang bawat kilos niya. He kept throwing glances at me so I couldn't help but to be more suspicious at him.
Bigla kong narinig ang mahinang pagtawa niya. Ito na ba ang oras na aamin na siya? Pero bakit aamin siya sa ganitong oras? May kakampi ba siya na nagmamanman sa amin? Tiningnan ko ang paligid at naghanda sakaling macorner ako ng kalaban.
"Why do you look like you're nervous? Gosh, you're too cute." saad niya at mukhang pinipigilan niya ang sarili niya na ngumiti.
I looked at him and blinked twice.
Mukhang nailang na siya sa pagtitig ko at umatras siya ng kaunti. "W-what are you looking at?" inosente niyang tanong. Hindi ko alam kung bakit namula ang tainga niya.
Napabuntong hininga na lang ako. I told myself to act normal but it seems like I'm overreacting.
"Sorry, something's bothering me lately so I might act weird at some times." napakamot na lang ako sa ulo ko.
Ngumiti siya at tinanguhan na lamang ako. Buti na lang hindi na siya nagtanong pa. Narating na namin ang locker area at agad akong nagpunta sa locker ko. Pagbukas ko nito'y tumambad sa akin ang isang maliit na pulang box. Nakapatong ito sa mga libro ko.
Nagpalinga linga ako dahil baka nasa malapit lang ang nagbigay nito sa akin. Agad kumunot ang noo ko dahil ang locker namin ay hindi basta basta mabubuksan ninoman. Some kind of magic was added to it to make sure that only the owner could open it. Unless it's someone who's too powerful.
Binuksan ko ang pulang box at iisa lang ang laman nito.
It was a paper covered in blood, with the words "Catch me if you can".