BIEL
"Biel, let's go~" saad ni Samh sa pakantang paraan. Inangkla niya ang kaniyang braso sa akin at mukhang good mood siya ngayon.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko at kakatapos pa lang namin magbihis ng school uniform. Nakitulog na naman si Samh sa pamamahay ko sa 'di ko malamang dahilan. Minsan ang hirap talagang basahin kung anong tumatakbo sa utak niya.
"Ba't ang aga ata natin ngayon?" tanong ko habang nakatingin sa aking wristwatch. May isang oras pa kami bago ang time. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hinihintay si Samh na matapos sa pagsusuklay.
Napapansin ko ngayong taon parating ang aga pumasok ng isang 'to. Siya lang ang kilala ko na ayaw mag-aral pero ang aga pumasok.
Bumingisngis siya at bigla itong namula. Tinakpan niya pa ang kaniyang bibig na para bang nahihiya. Napangiwi na lang ako dahil hindi bagay.
"Si Aku," panimula niya gamit ang malambing na tono. "maaga siya laging pumapasok kaya inaagahan ko rin. Isang oras rin 'yun na libreng titig, sasayangin ko pa ba?" saad niya at humalakhak ng todo.
Tumango tango na lang ako at 'di na nagtanong pa. Kinaladkad niya na ako palabas at nagsimula na kaming maglakad.
Kakaunti pa lang ang tao nang makarating kami sa academy. Pagpasok namin sa classroom ay isa pa lang ang tao roon. Nakatungo siya at natatakpan ang kaniyang mukha kaya hindi ko alam kung sino 'yun. Gusto ko sana siyang gisingin dahil natutulog siya 'dun sa armchair na walang nagmamay-ari, just beside my chair kaso baka makonsensya lang ako pag-ginising ko siya. Mabilis namang inihagis ni Samh ang bag niya sa kaniyang upuan.
"Bye, Biel! See you later." mabilis na wika niya at kumaripas ng takbo palabas.
Napailing na lang ako sa ikinilos nito at umupo na sa aking upuan. Napahikab ako at mukhang nahawa ako sa antok nitong katabi ko. Tumungo ako sa desk ko hanggang sa nilamon na ako ng antok.
***
"Hey, class is about to start."
Nagising ako sa kakakulbit nung katabi ko. Agad akong bumangon at kinusot ang nakapikit kong mata. Sakto na kakapasok pa lang ni Sir Aizawa sa classroom.
Ngayon ko lang napansin, parang may bagong tsismis na naman na nasagap ang mga kaklase ko dahil halos lahat ay nagbubulungan.
Tumikhim si Sir Aizawa kaya naman itinuon ko na ang atensyon sa kaniya.
"We have a new student starting today. Please introduce yourself."
Halos maging giraffe na ako sa haba ng aking leeg kakahanap sa bagong estudyante pero 'di ko makita. Nagulat ako ng maramdamang may tumayo sa tabi ko at nagpunta sa harapan.
Teka, 'yung natutulog ba kanina ang bagong kaklase namin?
Halos bumulwak ang mata ko palabas ng makita kung sino ang bagong estudyante. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.
Nakapamulsa siyang humarap sa amin at ang buhok niya ay bagsak na muli na halos matakpan ang kaniyang mata.
"I'm Trent, Queen Emerald's nephew from the Northeast Village. Nice meeting you." walang gana niyang saad.
Halos mapigtal ang mga vocal chords ng mga babae kakatili. Agad naman silang inawat ni Sir Aizawa pero ayaw magpaawat ni Samh na todo tili sa harap.
Nagtawanan ang lahat ng pukpukin ni Sir Aizawa si Samh sa ulo ng isang stick. Pagdaka'y hinampas ni Sir Aizawa ang stick sa board kaya muli kaming natahimik.
"Biel, your in-charged to tour and assist Trent starting today."
Pasensya na guys, ako ang nagwagi.
Walang emosyon akong tumango kahit sa loob-loob ko ay nagdidiwang ako sa saya.
Bumalik na si Trent sa kinauupuan niya at kinailangan ko pang kagatin ang labi ko para mapigil ang sarili ko na ngumiti.
Mukhang mahihirapan ako nitong magfocus sa lesson.
Nanigas ako ng biglang inilapit ni Trent ang kaniyang mukha sa tainga ko. Ramdam ko ang mainit niyang paghinga.
"I told you to prepare right? I'll always stick to you whether you like it or not." bulong niya at saka umayos ng upo.
Biglang naalala ko ang mga sinabi niya nung gabing naganap ang Silent War.
"I'm really amazed. Just so you know, I'm really interested in you right now so better be prepared. I won't let you disappear from my sight again."
Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya. Wala naman akong angal? Ewan.
Mabilis na natapos ang lesson ni Sir Aizawa ngayon. Hindi ko alam kung sadyang mabilis ba talaga o hindi lang talaga ako nakikinig.
Sino ba naman ang matinong makakapakinig kung katabi mo ang crush mo? Tapos kanina pa siya sundot ng sundot sa tagiliran ko.
"Ano bang kailangan mo?" malamig kong saad ng hindi ko na makayanan ang pangungulit niya. Hindi naman ako galit, syempre pagiinarte ko lang 'yun.
"Sabay tayo maglunch."
Halos mapangiti ako pero buti na lang napigilan ko.
Lunch with him?
No way.
Hindi ako makakain ng matino kung kasama siya.
Malamig ko siyang tinitigan. "Hindi pwede."
Oo, gusto kong titigan siya bawat segundo pero gusto ko rin namang kumain. I'm sure hindi ako makakakain ng maayos pag kasama siya kaya igigive up ko muna siya pansamantala. Love yourself muna sabi nga nila.
Ibinalik na niya ang kaniyang tingin sa harap at prenteng sumandal sa kaniyang upuan.
"It's not a suggestion, it's a demand." narinig kong sabi niya.
***
It's lunch time already at nandito ako sa cafeteria kasama si Samh at si Trent.
Yes, you read it right. Kasama si Trent at wala akong magawa dahil payag na payag si Samh dito.
Dahan dahan ako kung kumain habang todo lamon ang magaling kong kaibigan. Buti pa siya nakakain ng payapa.
Samantalang halos 'di ko pa nagagalaw ang pagkain ko. Sino ba namang makakakain ng matino kung kasabay mo ang crush mo kumain di'ba? Plus halos lahat ng babae dito ay nakatitg sa kaniya. Saksakan kasi ng gwapo. He's literally the academy's crush as of the moment.
Well, sorry girls, ako po ang niyaya makasabay sa lunch.
"Biel wala ka atang gana ngayon?" saad ni Samh habang may pagkain pa sa bibig niya.
Napansin kong nakatingin na rin si Trent. "You want to switch foods? Mine tastes good, try it."
Inilapit niya ang kutsara sa mukha ko at hindi ko alam kung isusubo ko ba o ano. Nagulat ako ng hawakan niya bigla ang baba ko at kusang isinubo ito sa akin.
Masarap nga. Actually masarap rin naman 'yung pagkain ko pero mas masarap 'yung sa kaniya kaya ipinagpalit ko agad ang plato namin at nagsimulang kumain. Gutom na talaga ako kaya kumain na ako ng walang pagaalinlangan at hindi dahan dahan. Bahala na kung nasa harap ko si Trent,gutom na talaga ako. I heard him chuckled and started eating as well.
Hindi ko alam kung ano na namang sumapi kay Samh. Nailaglag niya ang hawak hawak niyang kutsara't tinidor at tinakpan ang kaniyang bibig, mistulang gulat na gulat.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya at ganun rin si Trent. Binigyan pa ako ni Trent ng anong-nangyayari-sa-kaniya look at nagkibit balikat na lang ako dahil wala akong ideya.
Pinanliitan ni Samh ng mata si Trent at tinaasan ito ng kilay.
"Are you interested in her?" tanong niya, pointing on me.
Nabilaukan ako at agad na ininom ang apple juice ko.
Hindi ko magawang tingnan si Trent pero hinihintay ko ang sasabihin niya.
"Something like that." wika niya.
Gusto kong tumili pero wag na lang pala. Ayokong mabuking.
Umiling iling si Samh at humawak sa kaniyang sentido na parang may mabigat na pinoproblema.
"Hindi pwede 'to." Wika niya.
Tumingin siya kay Trent at akmang may sasabihin ito ngunit hindi niya magawa at napabuntong hininga na lang.
Hindi ko alam kung ano na namang tumatakbo sa isip ng babaeng 'to. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain habang hinihintay kung anong sasabihin niya.
"Trent," panimula niya gamit ang malungkot na tono ng pananalita. "Boto ako sa'yo para kay Biel, though I also like Ken for her, but, may iba na siyang mahal."
Muli akong nasamid at agad na iniabot ni Trent ang apple juice ko.
What? Sinong mahal ko?
"Samh ano na namang kabaliwan 'yan? Ayoko na, stop, tama na, time out." Saad ko pero mukhang 'di siya nakikinig at nagpatuloy pa sa pagsasalita.
"Nahuli ka kasi ng dating. Ba't ba late ka nang pumasok? Ugh, love niya na tuloy si Kiel." Bigkas ni Samh on her usual mataray na tono.
Wow, mahal ko pala si Kiel. Hindi ako nainform.
"That's okay."
Ouch.
"I can just change her mind." He said and winked at me.
Ah, yun naman pala.
Pumalakpak si Samh at nagstanding ovation pa. "Bravo! Don't worry I have your back." Saad niya at nakipag apir pa kay Trent.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o maggagalit galitan kaya napangiwi na lang ako.
***
Pabalik na kami sa room ng maalala kong may kailangan pala akong kunin sa locker.
"I need to get something on my locker. Mauna na kayong dalawa."
"Samahan na kita?"
Gusto ko man magpasama kay Trent, it's better if I don't. Ayoko magpahalata kay Samh, dangerous woman 'yan.
Umiling na lamang ako at sinabihan silang mauna na.
Nang malapit na ako sa locker ay may narinig akong boses. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at agad akong nagtago sa isang gilid.
"I like him." Saad ng isa na may malamig na tono.
Now I knew kung bakit sinabihan ako ng instinct ko na magtago.
It's Irene.
"But he seems to be close with Biel. Is that fine with you?" Tanong ng kausap niya.
Natigilan ako. Sino ang tinutukoy nila? Is it Ken? He's the only guy friend I have.
"Of course I'm not fine with it. I don't like being involved with her. She's making my blood boil." Saad ni Irene at ramdam ko ang pagkamuhi niya sa akin.
Sanay na ako sa pakikitungo niya sa'kin pero hindi ko pa'rin maiwasang makaramdam ng sakit sa loob ko.
"By the way, I saw him eating lunch together with Biel a while ago."
Oh, it's Trent.
She likes Trent.
Bago pa nila ako makita ay agad na akong umalis. Mabagal akong naglakad papunta sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa.
Gusto niya si Trent. At mas titindi ang galit niya sa akin kung palagi kaming magkasama.
Ayokong mas lumala pa ang sitwasyon kaya ako na ang lalayo. I don't want any complications with her. I don't want any complications with anyone in the kingdom..
After everything that I've been through, I now dedicated myself to care and protect everyone in this kingdom. They are my family and that includes Irene, though she still doesn't like me.
So if she wants me gone in her way to get Trent, then so be it.
***
"Sabi mo may nakalimutan ka? Ba't parang wala ka atang dala?" Bungad sa akin ni Trent pagkaupo ko.
Nagkibit balikat na lang ako at 'di na umimik.
Saktong dumating na si Sir Aizawa at muli itong naglesson. Tahimik lang akong nakinig dito magdamag on my usual poker face.
Ramdam ko ang maya't mayang pagsulyap ni Trent ngunit hindi ko na lang ito pinansin.
Sorry Trent. This is for the best.
Nang matapos ang lesson ni Sir Aizawa ay nagannounce muna ito sandali ng aming gagawin bukas.
"Tomorrow, you'll be working by pair, your seatmate is your pair obviously."
Narinig ko ang pagdiwang ng iba at ang iba naman ay parang nanlulumo dito.
Labag man sa kalooban ko, ay wala akong magawa. Napabuntong hininga na lang ako dahil magkasama na naman kaming dalawa ni Trent. Nasa dulo kasi siya at ako lang ang nagiisa niyang katabi.
"Ayaw mo kong ka-pair?"
Napatingin ako sa kaniya ngunit 'di ako sumagot.
"Don't worry, you can count on me." Saad niya at nginitian ako.
Malamig ko lang siyang tiningan at muling ibinaling ang aking tingin sa harap.
I know I was tasked to assist and looked over him but his not my priority everytime.
"No response?" Mahina niyang bulong ngunit narinig ko pa rin ito.
Hindi ko na lang ulit siya pinansin at nakinig na kay Sir Aizawa.
"I need to evaluate your skills to know which group each one of you fits for the Annual Race next month."
Nagtaas ng kamay ang isa sa kaklase ko. "Why by pair, sir? Why not individual?" Tanong niya.
Karamihan ay nagalit sa tanong niya. Typical students. Mas gusto ang by pair or by group kaysa individual works though I prefer the latter actually.
"By pair so we can finish earlier than the usual time. I still have a lot of things to do, you know." Sir said, smiling with his usual lazy eyes.
He's lying. I think he wants to see how well we cooperate with someone.
Patagal ng patagal ay mas nakikilala ko ang totoong paguugali ni Sir Aizawa. He might seems like he doesn't care all the time but he's actually doing everything on purpose. He just doesn't show it and prefers to do everything silently on his own. I think we're the same on that part.
"That's all. Class dismissed." He said and casually went out of the room.
"Biel mauna ka na,may pupuntahan pa'ko ngayon. See you!" Mabilis na saad ni Samh at agad na kumaripas ng takbo.
Malamang susundan na naman 'nun si Aku.
Agad ko namang iniligpit ang mga gamit ko at naglakad na palabas.
"Sabay na tayo?" Saad ni Trent na nasa tabi ko na pala.
Tinitigan ko lamang siya at hindi sumagot.
"My place is just in front of your house if you'll ask."
Ah. Doon ata siya pansamantalang pinatira ng hari't reyna. Matagal ng bakante ang lugar na 'yun dahil walang gustong tumira 'dun. Sa tuwing sasapit daw kasi ang gabi ay may nagpapakitang white lady.
I think I'm that white lady though. I can't sleep at nights so I always walk out to get some fresh air.
"Trent"
Sabay kaming napalingon ng may tumawag sa kaniyang pangalan.
Matalim akong tinitigan ni Irene ng magtama ang mga mata namin.
She glanced back at Trent and I think her cold eyes soften a bit. "I need to talk to you."
Hindi na ako nagpaalam pa. Agad akong tumalikod at naglakad palayo sa kanila. This is for the better, I guess.
But why do I feel sad?