Chereads / The Light Kingdom / Chapter 14 - Chapter 10: A Total Mess

Chapter 14 - Chapter 10: A Total Mess

BIEL

"Ang hirap talaga kapag nagiisa ka sa buhay, haharapin mo ang lahat ng nagiisa, luhaan, sugatan, at nalulumbay." wika ni Ms. Buttercup sabay punas ng butil ng luhang lumalabas sa mata niya.

Hindi ko talaga alam kung bakit ang dami niyang hugot sa buhay.

"Anyways, I'm really sorry Biel. I'll be back in about a week so hang in there! Gotta go now, bye!" muling saad ni Ms. Buttercup bago tuluyang umalis.

Napabuntong hininga na lang ako. Si Ms. Buttercup, isa sa aming adviser ang in-charged sa team namin. Mukhang hindi namin siya makakasama sa mga training ng isang linggo. She said she was busy about something.

Kasalukuyan akong nasa field kasama ng mga teammates ko. Binigyan ang lahat ng teams ng two weeks para magtrain so no classes starting today. Habang nakakalat sa field ang mga kateam ko ay mas pinili kong magindian seat sa grassfield at magisip ng tactics and formation na applicable sa team namin. Makikita rin sa field ang ibang teams na nageensayo.

"Hey, wanna go on a date?"

Nasira ang pagiisip ko ng marinig ang boses ni Trent. Kagaya ko ay nagindian seat rin ito sa tabi ko. Umusog ako palayo ngunit umusog naman siya palapit kaya wala na akong nagawa kundi mapabuntong hininga na lang.

"No thanks." tugon ko sa kaniya.

Naalala ko tuloy ang "date" kuno namin ni Trent kahapon. He kept pestering me to hold hands and some kids who saw us cheered for it. I was so flustered that I decided to transformed into wind and went back home. I literally vanished into thin air.

"What are you doing here anyway?" saad niya saka ako inabutan ng apple juice.

"Thanks. I'm trying to think of some tactics and formations that would be helpful for our team."

Tumango-tango si Trent at para bang nagiisip. Humalumbaba ito at hindi ko maiwasang mapatitig.

Ang gwapo.

"Hm. Then I suggest you should observe our personalities and type of power first. That might help you big time." wika niya atsaka tumingin sa akin kaya agad ako umiwas ng tingin.

"O-oo nga noh." sabi ko na lang.

Nilipat ko ang tingin sa mga kateam namin na hanggang ngayon ay nakakalat sa field. Una kong natapunan ng tingin ay si Bryle. Mapayat siya pero ang lakas niya kumain. Dalawang bag ng chips ang hawak nito at tatlong bote ng orange juice. Nakaupo ito sa isang bench habang nakatanaw ang mga fangirls niya sa kabilang bench. He's got the looks afterall.

Sunod ay si Jacob na pinagkukumpulan ng fans niya at parang may ikinukwento ito. Mukhang confident na confident ito.

"He likes to brag about everything." saad ni Trent na sinusundan kung saan ako nakatingin.

Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Trent at inilipat na ang tingin ko sa sunod na teammate. Next is, what was his name again? I really suck at memorizing names.

"He's Yolo, quite short tempered ." sabi uli ni Trent.

"Ah oo, Yolo nga pala."

Si Yolo naman ay medyo magulo ang buhok at parating masama ang tingin sa tao. Hindi ko alam kung bad mood lang ba siya o ganiyan talaga siya tumingin sa tao. Nasa tabi siya ni Jacob na daldal ng daldal. Nagtama ang mata namin at kinawayan ko ito. Kumaway naman siya pabalik pero ang sama ng tingin niya. Baka masakit mata.

"Hey, don't look at him." reklamo ni Trent sa di ko malamang dahilan.

"Bakit?" tanong ko pabalik.

"Just look at me."

Again, napangiwi na lang ako sa mga sinasabi ni Trent.

"Next" wika ko at hinanap ang susunod na teammate.

"There" tumuro si Trent sa isang puno. Kailangan ko pang tumitig ng husto bago makita kung sino ang tinuturo niya. Hindi ko alam kung nagtatago ba si Lake o ano.

Mukha naman siyang mabait. Nakaupo ito sa ilalim ng puno at nagbabasa. Maamo ang mukha niya at malinis ang pagkakaayos ng buhok nito na para bang galing sa mayamang pamilya. Napansin kong lumapit sa kaniya si Bryle na dala dala pa rin ang pagkain niya.

Nagulat ako ng makita kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Lake. From maamo, biglang nagdilim ang mukha nito at para bang gustong saksakin si Bryle. Maging si Bryle ay nagulat at agad itong tumakbo sa likod ni Yolo para magtago. Hindi ata napansin ni Bryle na masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa damit ni Yolo kaya nagusot ang damit nito. Mukhang nagalit si Yolo at agad nitong sinabunutan si Bryle.

"Lake doesn't want to be bothered. In short, he wants to be alone." saad ni Trent.

Napangiwi na lang ako sa nasaksihan at inilipat ang tingin kay Womanizer. Won na lang daw ang itawag sa kaniya dahil nakakahiya daw ang  real name niya. Mas napangiwi ako ng makita kung gaano karaming babae ang kasama niya. Nakaakbay pa siya sa dalawa. Womanizer talaga.

Pero ngayon ko lang napansin, kasama ni Won si, sino nga ulit 'yun?

"Who's th-"

"That's Wren and I'm Trent in case you forgot." sabi ni Trent.

Ah, oo nga pala his name's Wren. Kasama siya ni Jack pero parang napilitan lang siyang sumama. Halata sa mukha niya na naiilang siya sa dami ng babaeng nakapalibot sa kanila. Naawa ako kasi parang naiiyak na siya.

"Mind if I join you?"

Napaangat ako ng tingin at nakita si Kiel. He's tha last teammate that I'll observe today.

"Sure" tugon ko sa kaniya.

Uupo na sana siya sa kabilang gilid ko nang bigla siyang hilahin ni Trent at pinaupo sa tabi niya. So basically, Trent is in the middle.

"Oh, hi Trent." bati ni Kiel.

Sinamaan siya ng tingin ni Trent sa di ko malamang dahilan. Nagsimulang magusap ang dalawa at 'di ko na pinakinggan pa ang pinaguusapan nila.

Observation mode, on. Target, Kiel.

Pinagmasdan ko ng maiigi si Kiel at ang kilos nito. Nakangiti ito at parang 'di makabasag pinggan. Sa lahat ata ng kateam ko ay siya ang pinakanormal. Mukhang madali rin siyang pakisamahan idagdag pa ang good looks.

Okay. I'm done observing.

Tumayo na ako at nagsimulang magunat. It's time to see their powers.

***

"Are you all ready?" I asked while tying my hair up. Beside me is my pen and notebook for taking notes about my teammates' powers and capabilities.

"Yes, boss!" Jacob and Won said in unison.

"C-can we just go home?" Wren asked.

"I just want to eat man!" Bryle blurted out.

"I'm all ready." Kiel said happily.

"CAN YOU ALL SHUT UP?!" Of course that's Yolo.

"Hey, are you shouting at Biel?" Trent asked looking annoyed.

I called my teammates a while ago and divided them into two. Team one consists of Bryle, Jacob, Yolo, and Lake while Won, Wren, Kiel, and Trent are on team two.

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi pa man nagsisimula ang duel ay parang may magbabangayan na.

"Hey guys, please focus." wika ko at pumalakpak pa pero parang walang nakikinig sa akin. Naghahamunan si Yolo at Trent samantalang inaawat sila ng iba. Si Lake naman ay tahimik lang na nagbabasa sa isang gilid na mukhang walang pakialam sa mundo.

Mukhang hindi sila nakikinig kaya ginamit ko ang earth element at pinalindol ang paligid. Agad naman silang natigil sa pagbabangayan.

"Next time, I'll create a hole in the ground so all of you can die. Now who doesn't want to cooperate?" kalmado kong saad habang nakangiti.

Sabi ni Samh kapag nahihirapan daw ako sa isang sitwasyon, sabihin ko lang 'to at maaayos ang lahat. Guess it worked.

Lahat sila ay humarap sa akin at nanatiling tikom ang bibig. Ang mga kamay nila ay nasa likuran na para bang napagalitan. Wala ni isa ang nagsalita sa kanila at mukhang na sa akin na ang atensyon nila. Buti naman at makakapagsimula na kami.

Was I too harsh? Ewan.

"Okay, start!" hudyat ko.

Agad na dinambahan ni Yolo ang kawawang si Wren at sinakal sakal ito. Lumapit naman si Kiel para umawat. Bigla namang sinuntok ni Won si Jacob.

"What was that for?!" asik ni Jacob na nakasalampak sa sahig.

"Masyado kang pasikat. Inaagaw mo ang mga girls ko." malamig na saad ni Won the Womanizer.

"Well, sorry. I'm just too handso-"

Hindi na natuloy ni Jacob ang sasabihin niya ng sugurin muli siya ni Won at nagsimula na silang magbugbugan.

Si Lake naman ay 'di umaalis sa gilid at patuloy lang sa pagbabasa samantalang busy lumamon si Bryle.

Nasapo ko na lang ang aking noo sa kaguluhang napasok ko.

Can we win the annual race in this situation?

No, can we even join the annual race?!

"Hey, wanna go on a date?"

Sa inis ay muli kong pinalindol ang paligid.