BIEL
"There's nothing suspicious going on, lately. That's why it's creepier."
"Even with those which I'm assigned to. No one seems to be doing something." Ken added while leaning on the low table.
Nasa kwarto ko si Samh at Ken at nakaupo kami sa lapag habang pinaguusapan namin ang tungkol sa spy. Tatlong linggo na ata ang nakakaraan mula ng bantayan namin ang mga estudyanteng naging kaklase ko nang nakaraang taon. Posible na isa sa kanila ang espiya dahil sa pulang box na natanggap ko.
Ayon sa mga kasama ko, wala namang kahinahinala sa mga estudyante na binabantayan nila at ganun 'din sa part ko.
"Whoever the spy is, he or she must be really careful in doing things." Samh said while munching some chips.
"Let's just be thankful the spy hasn't done anything dangerous so far. Just don't let your guard down and keep an eye with the students." I told them.
"Got it."
"Yes, ma'am!"
"Ah, kumusta na nga pala ang leader?" Pangaasar ni Samh sa akin hahang sinisimot ang ubos na chips. Nakangisi ito at pataas-taas ang kilay.
Napahalumbaba na lang ako sa low table. Iniisip ko pa lang ang nangyari kahapon ay nawawalan na ako ng pagasa. Ako pa naman ang leader at nasa aking ang responsibility na ayusin ang team.
"Biel I can help you if you just say so." Wika ni Ken gamit ang nagaalalang tono.
He really acts like my brother.
Nginitian ko siya at umiling. "Thanks for the concern, but I don't want to take more of your time. You're already helping me catching the spy, that's enough for me. Plus, you also have a your own team to take care of."
Bumuntong hininga ito at ginulo gulo ang buhok ko.
"Okay, but you can always call me if you need some help."
Ken has been a very caring friend since the beginning. That's why sometimes, I feel like he's not my friend but a big brother.
"Guys, alam niyo ang daming langgam. Gabi na po, bukas na ipagpatuloy ang loving-loving, okay?" Wika ni Samh at kinaladkad na si Ken palabas ng kwarto ko.
"Ah, wait." Saad ni Ken at tumigil sa paglalakad. Humarap ito sa akin at seryoso akong tiningnan.
I gave him ano-'yun-look and it took him ten seconds to reply.
"Biel, alam mo ba kung bakit Ken ang pangalan ko?"
"Hm, because your dad wants to?"
Hindi ko alam kung bakit napa-face palm si Samh samantalang napabuntong hininga si Ken.
Oh, should I say "bakit?". Samh told me to say "bakit" whenever Ken's asking me something serious. Is this a serious matter? Ewan.
"Ah, bakit?" Tanong ko na lang.
"Kasi a-Ken ka lang."
Ilang minutong namayani ang katahimikan sa amin. Nakapako lang sa kinatatayuan si Ken at ganun din si Samh na para bang hinihintay ang sasabihin ko. Pareho silang nakatingin sa akin at mukhang ninenerbyos.
What am I supposed to say?
I don't even get it. Is that a joke? Should I laugh?
"Ah, okay?" Nagaalangan kong sabi.
Hinampas ni Samh si Ken sa likod at inirapan ito.
"Kulang sa emotions! Di'ba tinuruan na kita?! Ugh, now I have to think of another pick-up line!"
"Are you sure this is effective?"
"You trying to question my methods, huh?! Wanna fight?!"
I chuckled quietly when I saw them bickering with each other again.
Oh my, Samhen ship is sailing.
***
"Guys, let's sit and talk things out for today." I told my teammates as I persuade them to sit near me.
"Come, don't be shy!" I said again with a smile plastered on my face while patting the ground, motioning them to seat.
"Dude, we're not shy, we're scared." Bryle said in a low voice.
"Shh! Baka marinig ka! Gusto mo mamatay?!"
"Gusto ko na umuwi huhu~"
"I want to get angry but I can't, grrr."
Dinig ko ang mga bulungan nila kahit ang layo ng distansya nila sa akin. Mukhang natakot talaga sila sa ginawa ko kahapon. Kailangan kong magpakabait ng konti. Pero nakaupo naman si Trent sa tabi ko. Ang tahimik nga lang.
"Hey, what I did was not that scary right?" I asked him.
Nilingon ako nito at saka umiwas ng tingin. "Katakot kaya." Saad niya habang nakapout.
Bakit ang cute?!
"But my love for you is stronger than my fear." Dugtong niya.
Hindi ko na lang pinansin si Trent at pinilit ang iba naming kasama na maupo na. Nakapabilog kami ngayon at parang circle of friends na kami. I'm so happy to make new friends.
"My friends, let's start ove-"
"Friends? It looks like you're our commander."
"May sinasabi ka Yolo?" mahinahon kong tanong.
"W-wala ah."
"Nakakatakot ba talagang malaglag sa ilalim ng lupa?" Tanong ko sa sarili ko.
"Yes, ma'am!"
Nagulat naman ako nang sumagot sila. Now I feel sorry making a hole in the ground and letting them fall in there. But I didn't let them fall into their death, just a few feet beneath the ground enough for them to survive, hehe.
"Since I didn't get to see your powers yesterday, let's just talk about that today. Who wants to go first?" Wika ko habang nakaindian seat gaya naman nila.
"Me!" Taas noong wika ni Jacob. Nakataas ang kanang kamay nito na para bang magre-recite.
"My power is super confident."
Samu't saring pangba-bash ang natamo niya ngunit nakangisi pa rin ito at nakataas ang noo. Wow, baka may ganun ngang power.
"Dude, are you serious?" Tanong ni Bryle na may yakap yakap na malaking chips.
"Yep, it's the truth."
"Why? But that's useless." Kunot noong saad ni Yolo.
"Hey, don't say that." Saway ko.
"Ouch my friend, but it's not useless. Having so much confidence that I'll win in a fight makes it even easier for me to win. It's like placebo effect."
"Yeah, it's not useless. It's just, just...rare!" Sabi ko sa kanila.
"Ooh, you're rare Jacob. Parang orangutan!" Saad ni Won sabay hagalpak.
Natawa na rin ang iba at 'di ko maiwasang matawa, slight lang naman.
"Psh. Actually, confident ako na hindi mo naman kami papatayin kahapon Biel, kaya hindi ako natakot haha!" Saad ni Jacob.
"Want me to do it again?" I asked while smiling at him.
"No ma'am." Mabilis niyang sagot.
"I have a question."
Nagulat kami ng magsalita si Lake. Akala ko wala siyang pakialam sa mundo, meron naman pala kahit papaano. Sinara nito ang binabasang libro at tumingin ng seryoso kay Jacob.
"If you were so confident about winning, why did we lost during Sir Aizawa's evaluation?" Lake asked with his monotonous voice.
Agad namang lumipat ang tingin namin kay Jacob.
"I'm not always confident about winning. That time, I'm confident we'll lose. Then we actually lost. Amazing right?"
"Wow, that's lame." Komento ni Yolo.
Oh. That's interesting.
Agad kong isinulat ang nakuhang impormasyon mula kay Jacob sa notebook na dala dala ko. Buti naman at may nasulat na'ko dito. Kahapon kasi ay blangko lang ito dahil wala sila sa wisyo.
"Okay, Bryle ikaw na." Saad ko kay Bryle na nasa kanan ni Jacob.
"X-ray vision" tipid niyang sagot habang pilit na inilalayo ang pagkain niya kay Jacob.
"Akala ko may kinalaman sa pagkain ang kapangyarihan mo. Ang dami mo kasing kumain." Nagtatakang wika ni Wren.
"Baka patay-gutom lang talaga siya." Saad ni Won.
"Medyo" sagot naman ni Bryle na nasa chips pa rin ang atensyon.
Lahat kami ay napa-huh sa sinabi niya.
"Medyo? Medyo may kinalaman sa pagkain ang kapangyarihan mo o medyo patay-gutom ka?" Tanong ni Trent.
Napakamot si Bryle sa kaniyang ulo at dali-daling inubos ang malaking bag ng chips.
"Gantwo kashi 'yun, pag mayami akwong kinakwain mash gumwagana ang eksh-wey visiwon kwo. Phag gutowm akoh, ni tawaga siya nagana." Paliwanag ni Bryle na punong puno ang bibig ng chips.
Binalot kami ng katahimikan. Lahat kami ay sinusubukang iprocess ang sinabi ni Bryle. Pagkatapos ng ilang segundo ay sabay sabay kaming napa-oooh.
"Anong connection ng pagkain sa x-ray vision? Parang ang layo." Wika ni Wren habang nakahawak ang isang kamay sa kaniyang baba.
Napakibit balikat na lang si Bryle at nagsimulang lagukin ang cola niya.
So the connection can't be explained. Hm, quite mysterious. Masulat nga. Teka, asan ang notebook ko?
Pagpihit ko sa kaliwa ay nakita ko si Trent na nagsusulat ng kung ano sa notebook ko. Nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay agad naman niya itong binalik habang malapad na nakangiti.
Napangiwi na lang ako ng makita ang malalaking letra na nakasulat sa itaas na bahagi ng unang pahina. Nakasulat doon ang salitang 'I love you Trent'. Hindi ko naman magawang punitin dahil masyado ng marami ang nasulat ko tungkol kay Jacob. Hinayaan ko na lang at isinulat ang impormayon tungkol kay Bryle.
"WHAAAT?!"
"DUDE, YOU'RE KIDDING, RIGHT?!"
Ilang segundo lang akong hindi nakatingin sa teammates ko at nagkakagulo na agad sila. Nakatayo si Won at nanlalaki ang mga mata nito na parang nakakita ng multo. Naibuga naman ni Bryle ang cola na iniinom niya.
"Akala ko ikaw ang healer, Wren?" Nagtatakang tanong ni Kiel kay Wren.
"Huh? Hindi ah."
"Bakit? Sino ang healer?" Tanong ko sa kanila.
Lahat sila ay tumuro sa iisang direksyon. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala.
"Yolo?"
"Oo nga! Ang kulit niyo!" Asik nito at nanlilisik na naman ang mga mata.
"Ba't parang hindi ata kita nakita kasama ng mga healer 'nung time ng evaluations?" Tanong ni Won na nakaupo na uli ngayon.
Come to think of it, pumasok pa ako 'dun sa malaking tent nila pero hindi ko rin nakita si Yolo.
"I can't perform healing when I'm angry."
This is a major problem.
"WHAAAT?!" Napatayo na naman si Won.
"DUDE, YOU'RE KIDDING, RIGHT?!"
"Edi parang wala rin tayong healer! Oh no!" Bulalas ni Jacob habang nakatakip ang kamay sa kaniyang bibig.
"We're so dead." Wika ni Wren na mukhang wala ng pagasa.
"I know a way to deal with Yolo's anger."
Muli kaming natahimik nang magsalita na naman si Lake. Isinara niya ang librong hawak at tumingin kay Yolo ng seryoso. Umismid lamng si Yolo at umiwas ng tingin.
Based on Yolo's response, mukhang legit naman ang information ni Lake. Inihanda ko na ang notebook at ballpen ko para magtake down notes. Tahimik namang nakikinig ang lahat kay Lake.
"He's not angry when he's in love." Maikli nitong saad.
"Wow, ang hirap." Reklamo ni Won.
"Naiinlove ba si Yolo? Parang imposible." Wika na Jacob na napapailing na lang.
"Tsk, enough of me. Next!" Saad ni Yolo.
Hm. So he needs to be in love. Kung hindi ko lang shiniship si Samh kay Ken, perfect match sana siya para kay Yolo. I need to find out more about Yolo's ideal girl later.
"It's your turn, Lake." Saad ni Kiel.
"My power is super mentality but I can just use it for a short period of time."
"Woah dude, sounds cool pero ano 'yun?" Tanong ni Bryle.
"I can absorb a huge amount of knowledge when I use my ability and pass it to another people through physical contact. The knowledge will be too much for their brain it'll make them passed out, or worse, they can lose their sanity, and worst is, they might die if their IQ is too low." Wika niya at tumingin kay Bryle. Napalunok naman ang kawawang bata.
So that's the reason why he always read books.
"Does that mean you have to read a lot of information before heading out in a fight?" I asked curiously.
"No. I have to read in the spot then make contact with the opponent as soon as possible since my power only lasts for a minute. After a minute, I forget all the information I have obtained using my power."
"That's very unique." Kiel commented.
"Dude, wala akong naintindihan." Saad naman ni Bryle.
"Next." Sabi ni Lake at bumalik na ito sa pagbabasa ng libro.
"Ehem" nagclear throat muna si Won the Womanizer bago magsalita.
"I can create illusions. Cool right?" Pagmamayabang niya.
"Kaya pala maraming babae ang nahuhumaling sa'yo, ilusyon lang ang lahat!" Saad ni Jacob at nangisay sa sahig kakatawa.
Gumaya naman si Bryle at sumalampak sa sahig samantalang nakitawa na lang ang iba.
Hindi naman talaga nakakatawa. Mukhang gusto lang nilang mangasar kaya todo arte sila sa pagtawa.
Again, nakitawa ako pero slight lang.
"Hindi kaya! Nagkakandarapa sila sa'kin kasi gwapo talaga ako, right Biel?" Tumingin ito sa akin ng malagkit at agad namang tinakpan ni Trent ang mga mata ko.
Dinig ko ang samu't saring pangbabash na natamo ni Won kaya mukhang tumigil na ito sa karumaldumal niyang gawain. Nang humupa na ang reaksyon ng madla ay nagtanong ako.
"How long can you make an illusion?"
"Ah, it depends. Ten seconds kapag walang girls sa paligid, tas one hour kapag maraming girls." Sagot nito.
"Wow, so useless." Pangbabash ni Yolo na sinundan naman ng iba.
I quickly wrote the information. Mukhang kailangan kong ipunin ang mga fans nilang lahat at pilitin silang manood kapag kami na ang lalaban.
"Want me to write for you? My handwriting is better."
"No thanks, I love myself." Tugon ko kay Trent na nilalaro ang dulo ng buhok ko.
"Wren ikaw na!" Wika ni Jacob.
"Uh, m-medyo walang kwenta ang kapangyarihan ko." Nahihiyang saad nito.
"Dude, I'm sure your better than Yolo." Pagco-comfort ni Bryle. Agad naman siyang dinambahan ni Yolo.
"What's your power?" Curious na wika ni Kiel.
"It's empathy and apathy." Wika niya na ikinamangha ko.
"Wow, ano 'yun?" Tanong ni Won.
"Haha, bobo!"
"Manahimik kang orangutan ka!" Asik nito kay Jacob.
"Empathy is the ability to feel someone's feeling and apathy is the ability to not feel anything in any kind of situations."
"That's awesome!" Saad ni Kiel.
"Mga dude, required ba talaga mag-english?" Reklamo ni Bryle at marami pa silang pinagsasasabi na 'di ko na pinakinggan.
"B-but I still can't use it well so I'm still useless." Malungkot na wika ni Wren.
"Wren, teammates tayo kaya simula ngayon ay tutulungan ka naming lahat. And you're not useless, so please don't say that, okay?"
"O-okay, thanks Biel." Saad nito at natuwa ako ng sumilay na ang ngiti sa labi nito.
"You look better when your not sulky, so keep smiling." I added.
Totoo naman kasi na magandang lalaki si Wren. Kailangan niya lang ng kaunting confidence at tiwala sa sarili.
Namula ang kaniyang mga pisngi sa 'di ko malamang dahilan kaya agad siyang kinantyawan ng magagaling kong kasama.
"Don't worry Wren! If you feel useless, just look at Yolo!" Sigaw ni Bryle na agad namang sinugod ni Yolo. Nadaganan ni Bryle si Wren kaya nadamay ito sa gulo. Nadali naman ni Yolo ang baba ni Jacob kaya nainis ito at sinabunutan siya. Tuwang tuwa naman si Won at makikisali sana sa gulo kaso nadali niya ang libro ni Lake at tumilapon ito. Sinamaan siya ng tingin ni Lake at pinagsasakal ang kawawang binata. Si Kiel ay pilit na nakikiawat sa gulo.
Natawa na lang ako sa kanila. They're a bit of trouble but I feel happy hanging out with them.
"Biel, gusto mo ba sumali sa gulo? Isasali kita sabihin mo lang." saad ni Trent sa tabi ko na nagsusulat na naman ng kung ano sa aking notebook. Mukha siyang toddler na nagaaral pa lang magsulat. Bago pa ko mawindang sa kacute-an ni Trent ay tumayo na ako sa pagkakaupo at nagunat unat.
"No, thanks. I'm stopping the fight." Wika ko at muling pinalindol ang paligid.
***
"Let's continue guys! Who's next?" Nakangiti kong saad habang tulala ang mga kasamahan ko except kay Trent na nagsusulat pa rin hanggang ngayon.
"Me" Nakangiting saad ni Kiel. Dahil sa kakaawat ay nawindang ng bongga ang buhok niya at para itong binagyo. Dahil katabi ko lang naman siya ay lumapit ako ng kaunti at inayos ang buhok niya.
"There, it's fixed." Wika ko nang matapos ayusin ang buhok niya.
"Wow, hope all." Sabi ni Jacob.
"Pre, sa'yo na lahat ng babae ko palit lang tayo pwesto." Si Won 'yan syempre.
At kung anu-ano pang komento ang narinig ko na 'di ko naman maintindihan.
"Hoy, 'wag ng tumulala. Anong kapangyarihan mo?" Iritadong saad ni Trent.
"A-ah yes. I have the ability to reverse a very short period of time."
"Wow dude, ilang time ang short period of time?" Tanong ni Bryle.
"Three seconds."
"Useless."
Pansin ko lang, parang favorite word ni Yolo ang 'useless'. Napakaraming beses na niya ito binanggit. Sa sobrang dami, pag sinabihan ka niya nito, 'di ka na mahu-hurt.
"Malaki ang magagawa ng kapangyarihan mo, sa tingin ko." Kumento ko.
Nagkantyawan na naman sila and this time, si Trent na ang sumuway sa kanila.
"Bitter" saad nilang lahat kay Trent.
"Okay, I'm next!" Sabi ko dahil ako ang nasa tabi ni Kiel.
"Biel, ikaw ang pinakasikat sa kingdom, alam na namin." Sabi ni Jacob kaya hindi na nila ako pinagsalita. Si Trent na agad.
"Lava" tipid na saad ni Trent na hanggang ngayon ay busy pa rin sa pagsusulat.
Dahil alam kong wala ng balak pa si Trent na magpaliwanag ay tumayo na ako at nagunat unat. Natawa na lang ako nang nakigaya sila sa akin.
Tumalon ako at tumalon rin sila. Humarap ako sa kaliwa at humarap 'din sila sa kaliwa. Lumutang ako sa ere pero wal silang magawa.
"Ma'am foul!"
"Dude ang daya!"
At samu-saring pangbabash ang natamo ko. Natawa na lang ako sa kanila at agad na bumalik pababa.
"I guess that's all for today. I didn't know getting to know each other is a lot of fun. Thank you guys, I really appreciate your cooperation. We'll be training really hard starting tomorrow, so you can rest and enjoy for now. See you tomorrow!" Mahaba kong litanya.
"Ma'am pinagtatabuyan mo ba kami?"
"Dude we don't have anything to do so we'll be staying here."
At samu't saring reklamo pa ang natamo ko sa kanila. In the end, lahat kami ay nagdesisyong manatili. Magdamag lang kaming nagkwentuhan habang busy ang ibang teams sa pageensayo. I guess slacking sometimes doesn't hurt right?
At first, I thought we have no hope to enter the Annual Race but now,
I'm starting to love my team.