BIEL
Umalingawngaw ang halakhak ni Samh sa buong pasilyo. Wala akong magawa kundi takpan na lang ang mukha ko dala ng kahihiyan. Pinagtitinginan na kami pero wala ata siya ni katiting ng kahihiyan. Kanina pa siya ganiyan at nagtataka nga ako kung hindi ba sumasakit ang lalamunan niya kakatawa.
"Samh can you stop now?" mahina kong saad. Nilingon niya ako at pinanliitan ng mata. Sinadya ko talagang maglakad sa likuran niya dahil wala na naman siya sa wisyo. Nakapameywang itong humarap sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Huh? Ba't ako titigil? You just defeated the Ice Queen! It's something we should celebrate, right my friends?" baling niya sa mga estudyanteng nakasalubong namin.
Wala mang kaide-ideya ay tumango na lang sila.
"See? It's so nice to be happy!" maligayang wika ni Samh sabay halakhak. Walang nagawa ang mga kawawang estudyante at pilit na nakitawa.
Napabuntong hininga na lang ako sa kabaliwan niya. Kakatapos lang namin maglunch at pabalik na kami sa classroom. Wala talagang pinalagpas na estudyante si Samh at lahat ay kinakausap nito tungkol sa nangyaring laban kahapon. Hindi naman halatang galak na galak siya sa pagkatalo ni Irene.
Hindi pa d'yan nagtatapos ang kabaliwan ni Samh. Pagpasok sa classroom ay nagingay na naman ito at nagpaparinig pa sa mga kaibigan ni Irene.
"ANO KAYO NGAYON? PANALO MANOK KO! WEAK NAMAN PALA REYNA NIYO! BWAHAHAHA!" asik ni Samh at kung anu-ano pang pangiinis ang sinasabi niya. Ang iba ay natatawa na lang samantalang nagtatakip ng tainga ang mga naririndi. Halos mapigtal naman ang mga ugat sa leeg ng mga kaibigan ni Irene dala ng pagtitimpi.
Medyo nakahinga lang ako ng maluwag na mapansing wala pa si Irene. Kung hindi, baka magaway na naman ang dalawa.
Pagsalampak ko sa upuan ay agad akong sumubsob sa mesa. Napagod ako kakasaway sa magaling kong kaibigan.
"Pst"
"Hm?" tugon ko sa katabi kong kanina pa nangungulbit. Wala na akong energy para bumangon kaya nanatili akong nakasubsob sa mesa habang nakapikit. Inantok tuloy ako dala ng pagod. Screw you, Samh.
"Psh, sabi mo babawi ka. Edi 'wag."
Oo nga pala. May kasalanan pa ko kay Trent. Dahan dahan akong bumangon at humarap sa kaniya. Mukhang nagtatampo ang isang 'to. Nakaharap na siya sa bintana at tinigilan na niya ang pangungulbit sa akin.
"Ugh yeah, babawi ako. What can I do for you? Anything wil do." malumanay kong saad at nanatiling nakangiti. I'm at fault so I'll try to be nice with him.
Sinulyapan niya ako pero agad uli siyang tumingin sa may bintana. Nagtatampo pa rin.
"You said anything?"
"Uh y-yeah?" nagaalangan kong sagot. Teka parang nagsisi na ako.
Humarap siya sa akin at nakangiti na ito ng malapad. Minsan, iniisip ko kung may saltik ba siya. Ang bilis magbago ng mood niya.
"Then, it's a date."
Napaubo ako sa sinabi niya at agad na umiwas ng tingin. Seryoso ba siya?!
Tumingin ako sa kaniya pero agad rin akong tumalikod nang makitang nakatingin pa rin ito sa akin habang nakangiti. How can he be so calm?!
"Uh, seryoso ka?" tanong ko habang nakatalikod pa rin. Hindi ko kayang humarap pagkatapos ng sinabi niya. This is too awkward. Yeah, I kinda have a crush on him this past few days, but it's just a crush and I don't crush him anymore. Maybe it went downhill after I found out Irene has a thing for him and, what he's saying is just... too much for me, I guess?
"Alam mo ba kung gaano ako nalungkot nung iniiwasan mo ko? I still have no friends here and you just avoided me without saying anything. It kinda hurts you know?"
Tinamaan ako ng konsensya sa sinabi niya. It's really bad of me to avoid him when he doesn't know anything.
Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kaniya. Nakatungo lang siya at kita ko sa mga mata niya ang lungkot.
He must've felt really lonely.
"I'm really sorry and fine, if that's what you want. It's just a friendly date afterall." wika ko at tumango tango. Yeah, just a friendly date anyways. Not much of a big deal...I guess?
"Okay, then see you after class." he said while grinning.
Wait? After class? That soon?
"And it's not a friendly date, it's a romantic date."
I blinked twice if I'm just hearing or seeing things but everything seems real. It was getting very awkward so I chose to divert the topic.
"Uh, tanong lang. You said you don't have any friends so why did you ignore all those girls who were around you yesterday? That's an opportunity to make friends." tanong ko ng maalala kung paano niya ini-snob 'yung mga babae kahapon nang nasa field kami.
"I ignored them." he said, smiling at me.
Okay? Is he sane?
"I didn't say I want friends." he continued.
"Then what are we? Acquaintances?"
"Lovers"
Halos matumba ako sa upuan sa sinabi niya. Tiningnan ko kung nagbibiro ba siya o ano pero nakangiti pa rin ito at nakahalumbaba pa habang pinagmamasdan kung paano ako mabuang. Laking pasasalamat ko ng dumating na si Sir Aizawa. Kaniya-kaniyang balik sa upuan ang mga kaklase ko at nagpalinga-linga ako kung may nakarinig ba sa usapan namin ni Trent. Fortunately, walang mukhang kahinahinala.
Nakita ko ring kakapasok lang ni Irene at mabilis ako nitong sinulyapan. Medyo nagulat ako dahil wala na ang galit na nakikita ko sa mga mata niya sa tuwing magkikita kami though halata na inis pa rin siya but, it's an improvement I think?
Thanks to yesterday's fight, I already understood some things. She doesn't want to be pitied and looked to as someone who's weak just like what she thought I was doing all the time. I really didn't think of her like that though. I'm just trying to avoid fights but I guess avoiding things doesn't solve the problems all the time. Sometimes, we have to fight back. My thoughts weve eventually cut off when I heard Sir Aizawa's voice.
"Class, the annual race is coming soon so I already decided the teams and the adviser who will manage each teams. Just take a look here and you'll see." wika ni Sir Aizawa at ipinaskil ang listahan sa board.
"Spend this time to talk with your teammates. I'm going to watch all of you from here so better behave." pagpapatuloy ni Sir Aizawa na nasa isang gilid na habang may dalang sleeping bag.
Nagsimula ng matulog si Sir habang nagsiksikan na ang mga kaklase ko sa unahan para tingnan kung saang team sila nakalagay. Nanatili na muna akong nakaupo kaysa makipagsiksikan gaya ni Samh na ang ingay na naman sa unahan.
"I'm sure you're one of my teammates so that's enough for me."
Hindi ko napansing nakaupo lang din pala si Trent.
"Paano mo naman nasabi?"
He looked at me seriously as I patiently waited for his answer.
"Because we're destined for each other." he said and winked at me.
Nasapo ko na lang ang aking noo dahil parang wala akong nakakausap na matino ngayon.
"Hi Biel!"
Pagangat ko ng tingin ay may pitong lalaking nakapalibot na sa amin, one of them is Kiel.
"Guess we're teammates." saad ni Kiel na tinanguhan ko na lamang. Am I really the only girl here? I smell trouble.
Not that I don't like them but I noticed almost all of them are the popular ones in the class. I'm really looking forward to this year's annual race and I want to stay focus these days to train properly. What if their fans decided to collaborate and follow us every practice? What if we can't practice at all because they need to do some fanservice? What if-
"I second the motion." they all said in unison.
"Huh? Anong second the motion?" tanong ko. I was too occupied by my thoughts that I didn't notice we're in the middle of nominations? Wait what for?
"From now on, you're the leader Biel." Kiel announced happily.
Wait? What leader?
I'm the leader?!