Chereads / The Light Kingdom / Chapter 6 - Chapter 3.3: Detective Month

Chapter 6 - Chapter 3.3: Detective Month

BIEL

"What's that?" tanong ni Kiel.

Agad kong ibinalik sa locker ang pulang box at isinara ito. Baka magkagulo lang kapag kumalat na may spy sa loob ng kingdom.

Humarap ako kay Kiel at tipid na ngumiti. "Wala 'yun. Just a gift from someone." palusot ko.

Mukhang naniwala naman siya at tumango tango. Inaya ko na siya papunta sa classroom bago pa siya makapagtanong ng kahit ano.

Nang makapasok kami sa loob ng classroom ay agad akong dumiretso sa upuan ko. Iilan pa lang ang nasa loob ng klase since halos isang oras pa bago ang susunod na subject. Kahit si Samh ay wala pa. Magkasama pa siguro sila ni Ken.

Kinuha ko ang isang maliit na notebook sa aking bag. Agad kong isinulat ang pangalan ng mga posibleng spy.

Kakaunti lang ang nakakaalam tungkol sa most hated color ko. Kung sino man siya, alam niyang ayoko ng kulay na pula. That red box was meant to provoke me.

Last year, we were trained to overcome our fears. Pinapasok kami isa-isa sa walang laman na silid at ang kalaban namin ay may kakayahang gumawa ng mga illusions. Gawa sa glass ang silid na 'yun kaya kitang kita kung anong nangyayari sa loob. Nakatulong ang training na 'yun sa halos lahat pero sa iba, naging torture ang pangyayaring iyon.

And I'm one of those who failed to overcome their fear.

Pagpasok ko sa loob ng silid ay nagbago agad ito. Wala akong makitang iba kundi puro pula, to be exact, napuno ng dugo ang paligid at nakita ko muli ang batang nasa panaginip ko gabi-gabi. Nakatayo lamang siya at hinihingi ang tulong ko. Nang araw na 'yun, iba ang tingin niya sa akin. Puno ito ng galit at pagkamuhi. Parang gusto niya akong patayin at pahirapan ng husto sa mga panahong 'yun. Wala akong marinig kundi ang paulit-ulit niyang palahaw hanggang sa malamon nito ang isipan ko.

Sabi ng mga kaklase ko na nakasaksi, muntik ko ng saksakin ang sarili ko kung hindi lang ako napigilan ni Ms. Buttercup, ang adviser namin last year. Come to think of it, mukhang nanunuod din si Sir Aizawa 'nung araw na 'yun. Maybe he wanted to know us in advance.

Kaya sigurado akong isa sa mga kaklase ko last year ang spy. That means matagal ng naglalagi sa kingdom ang spy.

Lumabas ako ng silid para magpahangin sandali. Hindi ako makapaniwalang isa sa kanila ang kalaban. Hindi ko alam kung bakit pero masama ang pakiramdam ko dito. Napadpad ako sa garden at umupo sa isang bench. Pumikit ako sandali upang ikalma ang sarili ko. I need some air.

"Hey"

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Ken na may hawak hawak na apple juice sa magkabila niyang kamay. Umupo siya at agad na itinusok ang straw sa isa.

Inabot niya ang apple juice sa akin at pinagmasdan niya ako. Mukhang nahalata niya na nababahala ako. He's always been a keen observer.

"Is something bothering you?"

Sumimsim ako sa apple juice at bumuntong hininga. Involve si Ken sa sitwasyong ito kaya dapat lang siguro na sabihin ko sa kaniya. "Tungkol sa spy,"

Naramdaman kong natigilan siya ng ilang sandali. Umayos siya ng upo at humarap sa akin. Tinanguhan niya ako bilang senyales na magpatuloy lang ako.

"sa tingin ko kilala ko siya personally. I don't know if I'm being too soft-hearted or what, pero hindi maganda ang pakiramdam ko dito." pag amin ko.

Ayokong magbintang lalo na sa malalapit sa akin. Paano kung magkamali ako? Paano kung may mapahamak sa maling assumption ko? I don't want to break trust between my comrades.

Ipinatong ni Ken ang kamay niya sa ulo ko at ginulo gulo ang buhok ko.

"Hindi ka nagiisa Biel. We're here to help you. Kung nahihirapan ka, you can rely on us, you can rely on me. Don't suffer alone okay?" saad niya.

My worries were somehow faded thanks to him. Maybe he's right. I shouldn't act on my own because I have them.

"Okay ka na?" tanong niya muli at tiningnan ang mukha ko.

Nginitian ko siya at tumango. Pinagmasdan ko ang mga halaman sa paligid at masayang ininom ang apple juice ko. Thanks to him and to the green surrounding, I kinda felt relaxed.

"Mukhang okay ka na nga. Well, sino bang hindi magiging okay pag ako ang nagcomfort? I'm too good at that. Honestly, I'm too good at everything." pagyayabang niya sabay inom sa apple juice niyang kanina pa ubos.

Napatawa na lang ako sa kaniya. Siya 'yung tipo na pag nagyabang hindi ka magagalit kasi ang bait bait ng mukha niya.

"Here," saad ko saka inabot sa kaniya ang apple juice ko. "baka pati 'yang lalagyanan mahigop mo." pangaasar ko. Ubos na kasi ang apple juice niya pero patuloy pa rin siya sa paginom. Lukot lukot na tuloy 'yung container.

"Grabe ka Biel, pagkatapos ng pagmamalasakit ko, ito ang ibabayad mo? I hate you. Anyway, thanks." tinarayan niya ako sabay hablot ng apple juice ko. Tingnan mo 'to, nahawa na sa kasungitan ni Samh. By the way, asan na kaya 'yun?

"Hindi naman halatang uhaw na uhaw ka noh?" pangaasar ko muli dahil ang bilis niya uminom.

Wait, his power is speed. Siguro dahil 'dun kaya top one siya lagi. Mabilis siguro siya maka gets ng lesson. Bigla tuloy akong nainggit. Mabilis rin kaya siyang antukin? Mukhang hindi.

Natigil ako sa pagiisip ng ng magsalita siya. "Oo uhaw ako," seryoso niya akong tinuro gamit ang straw. "uhaw sa pagibig mo."

Walang emosyon ko siyang tinitigan. Ayan na naman ang walang kamatayang banat niya. Malamang si Samh na naman ang nagturo sa kaniya n'yan.

"Hey, ba't mo inubos?" sabi ko ng mapansing naubos niya agad ang apple juice. Tinaasan ko siya ng kilay gaya ng nakikita ko kay Samh. Kahit ako ay may natututunan rin sa isang 'yun.

Natigilan siya at dahan dahang tumingin sa akin. "Sabi mo akin na 'yun? Hala, sorry. Wait, I'll go buy another one."

Nahurt ako ng slight dahil nagjo joke lang naman ako pero mukhang 'di niya nagets.

"Joke lang, uy." walang gana kong sabi nang akmang aalis na siya.

"Ah, wait. May isa pa pala akong apple juice dito." ipinasok niya ang kamay niya sa bulsa niyang halata namang walang laman.

Dumukot siya sa bulsa niya at biglang iniharap sa akin ang kamay niya. His fingers were formed into something like a shape? I'm not sure. Tiningnan kong maiigi kung may hawak siya pero wala naman. Anong trip ng lalaking 'to?

"Is that a heart?" tanong ko ng marealize ko kung ano bang shape 'yun.

"Yup! Cool right?"

"Where did you learn that?" tanong ko at tinry na gawin 'yung heart sa daliri ko.

"Saan nga ba?" saad niya at mukhang nagiisip siya ng todo kung saan niya natutunan 'yun. Sigurado akong 'di galing 'yun kay Samh. Laging naka close fist ang isang 'yun.

Nasa kalagitnaan ng pagiisip si Ken ng biglang may tumamang sanga sa ulo niya, or more like may naghagis nito. Napatayo kaming dalawa at tiningnan ang pinanggalingan ng sanga pero wala namang tao 'dun.

Nilibot ko ang paningin ko pero walang tao dito sa garden kundi kami lang ni Ken.

"That's too childish." sabi ni Ken habang hinihimas ang ulo niya.

Ako ang nainis para kay Ken. That must've hurt.

"Patingin nga." sabi ko at tiningnan ang ulo niya kung may sugat ba. Buti naman at wala.

"Ayos lang Biel, sanga lang naman."

Aba, pinagtanggol pa niya 'yung kung sino man 'yun. As someone who fights strongly for justice, 'di ko palalagpasin 'to.

"Pagnahuli ko lang 'yun, babatukan ko siya para sayo." determinado kong sabi. Wait, is that too much?

"Okay, ipaglaban mo ko ah." natatawa niyang sabi. Wala na akong nagawa kundi tumango.

Biglang tumunog ang bell at nagpaalam na kami ni Ken sa isa't isa. Nang paalis na ako ay naalala kong may kailangan pa nga pala akong sabihin sa kaniya.

"Ken!" tawag ko at buti na lang ay di pa siya nakakalayo. Humarap siya at hinintay kung anong sasabihin ko. Lumapit ako ng kaunti bago magsalita.

"Go to my place later when the sun comes down."

Ken blinked twice. Mukhang nashock siya na ewan and his ears started to become red. Did I say something wrong?

"M-mamamayang gabi?"

Tumango ako. "Yup, may kailangan akong sabihin sa inyo ni Samh. Napagisip-isip ko na tama ka, 'di dapat ako magdesisyon ng mag-isa dahil magkakasama tayo sa misyon na 'to. We're in this together right?"

His stiff shoulders gradually relaxed and he chuckled softly. "Yeah, we're in this together." he said and smiled at me.

I'm really thankful that he's always there to help me, but I hope his kindness won't turn into something deeper.

***

Pagkatapos na pagkatapos ng last subject ay lumabas agad ako at nagtungo papuntang Royal Palace. Alas singko na ng hapon kaya marami rami na rin ang tao sa paligid. Actually, ito ang oras na pinakagusto ko. Hindi kasi matindi ang sikat ng araw at mahangin.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may naramdaman akong kakaiba. Para bang may nagmamasid sa akin. Nagpalinga linga ako ngunit nahirapan ako sa paghahanap dahil maingay ang paligid at masyadong maraming tao. Isinantabi ko muna ito at nagpatuloy na lang muli sa paglalakad.

Agad akong dumiretso sa Royal Chamber at yumuko bilang respeto kay King Light at Queen Emerald.

Huminga ako ng malalim. Ayoko mang paghinalaan ang isa sa kanila ngunit mas dapat kong unahin ang kaligtasan ng nakararami. Kailangan ko 'tong gawin.

"Gusto ko po sanang hingin ang list ng mga pangalan ng mga kaklase ko last year. It's just my assumption and there's no solid proof yet, but I think one of them is the spy."

"Ms. Buttercup is your adviser last year right? I'll only tell her to give you a copy. I won't say the details to avoid any problems regarding this matter. Go to the teachers' lounge, she said she's there as of the moment." sabi ni Queen Emerald na nakahawak sa kaniyang sentido. Mukhang kinausap niya si Ms. Buttercup through her mind.

Si King Light naman ay tahimik lang at parang may iniisip.

Yumuko ako muli bilang paalam. Paalis na sana ako ng nagsalita si King Light.

"Be careful." There was something different with his tone but I just shrugged it off. I nodded and went on my way to the teachers' lounge.

I really need to be careful. I'm sure the spy knows some of my secrets already.

***

Kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo patungo sa teacher's lounge. Madilim dilim na rin ang paligid dahil papalubog na ang araw.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng maramdamang may sumusunod sa akin. Nanlamig ako dahil pabilis ito ng pabilis. Agad akong gumawa ng earth dagger at inihagis ito sa direksiyon ng nakasunod sa akin.

Narinig ko ang pagkabitak ng earth shield. I faced him and saw his usual lazy eyes.

"What are you doing, Biel?" kalmadong tanong ni Sir Aizawa.

Tinitigan ko siya. Naalala ko bigla na isa rin siya sa mga nakakaalam ng nangyari last year.

Lumunok ako bago magsalita.

"Are you tailing me?"

Hindi nagsalita si Sir at tinitigan lang ako. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Hinanda ko ang sarili ko sakaling may mangyaring labanan.

"Of course not. I left something in the teachers' lounge." seryoso niyang saad.

Tinitigan ko siya ng maiigi.

"Sorry Sir. Paranoid lang hehe." sabi ko at napakamot sa ulo ko.

Hindi na umimik pa si Sir Aizawa at nauna ng maglakad sa akin. Wala akong magawa kundi titigan ang likod niya. Naglaan ako ng sapat na distansiya sa pagitan namin.

Nakita kong pumasok siya sa teachers' lounge at sumunod ako. Nagtungo ako sa kinauupuan ni Ms. Buttercup.

"Oh Biel, here's the masterlist. Goodluck!" sabi niya at nginitian ako.

Kinuha ko ito at nagpaalam na kay Ms. Buttercup. Before leaving, I caught a glimpse of Sir Aizawa looking at my direction.

Paglabas ko ay napatigil ako. I think there's something off.

***

"Okay, let's start this." saad ko habang nakaindian seat.

Nandito ako sa kwarto kasama si Samh at Ken na naka indian seat na rin sa lapag. Kapuwa naka pajama ang dalawa. Para daw diretso tulog paguwi. Nakapalibot kami sa isang mababang mesa at puno ito ng chips na dinala ni Samh. Syempre 'di mawawala ang apple juice.

Nilabas ko ang pulang box mula sa bag ko. "Natanggap ko ito kaninang umaga. Last year, you know what happened right?" saad ko.

Sila ang pinakapinagkakatiwalaan ko kaya naman ikinuwento ko sa kanila ang nangyari noon.

Tumango ang dalawa at binuksan nila ang box.

"Catch me if you can." basa ni Samh sa note na balot ng tuyong dugo.

Inilapag ko sa mesa ang masterlist ng mga kaklase ko last year. "Kailangan nating bantayan ang kilos nila. There are thirty students inside our class including me. Samh and Ken, tigsampu kayo at siyam naman sa akin."

Tumango si Ken habang ang sama ng tingin ni Samh sa akin.

"Aside from them, may kailangan pa akong bantayan." seryoso kong saad.

Hindi na nagtanong pa ang dalawa. Kaniya-kaniya ng sulat ang dalawa sa mga pangalan ng babantayan nila. Nagaaway pa sila dahil namimili si Samh ng babantayan niya.

Hinayaan ko na lang muna sila. Ang matira ay 'yun na lang ang babantayan ko. Ipinikit ko ang mata ko at sandaling nagisip.

Kung gusto kong mahanap agad ang spy, I need to think of a faster way. Bigla akong may naalala kaya tumayo ako.

"May kailangan pala akong puntahan. Maiwan ko muna kayo."

Natigil ang dalawa sa pagaaway at tumingin sa akin.

"Samahan na kita." alok ni Ken.

Patayo na sana ito ngunit pinigilan ko siya.

"Gusto ko sanang pumunta 'dun ng magisa. I'll be going then." kumaway ako at dali daling umalis bago pa ako sundan ni Ken.

Gusto ko talagang magpunta sa pupuntahan ko ng magisa tsaka para magkaroon ng alone time 'yung dalawa.

Kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang paligid dala ng street lamps. Agad akong dumiretso sa Medical Section. Pagpasok ko ay hinanap ko kaagad si Heidi, ang personal healer ng mystery man na umatake sa aking nung nakaraan. May personal healer siya para maiwasan ang pagkalat ng balita tungkol sa kaniya at sa mga pinaggagagawa niya sa kingdom. Mabuti na rin siguro 'yun para hindi mabahala ang mga mamamayan.

Naglakad lakad ako pero ilang minuto na at 'di ko pa rin mahagilap si Heidi. Dahil alam ko naman ang room number ng lalaki ay dumiretso na ako doon.

Tinahak ko ang hallway at dumiretso sa kwarto niya. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang misteryosong lalaki na mahimbing na natutulog.

Umupo ako sa silya malapit sa kaniya at pinagmasdan siya. Hilom na halos ang lahat ng sugat niya at kaunting galos na lang ang meron siya. Halos natatakpan na ng kaniyang itim na itim na buhok ang mata niya kaya hindi ko masyadong maaninag ang hitsura niya.

Bakit kaya hindi pa siya nagigising?

Tinamaan na naman tuloy ako ng konsensya dahil may posibilidad na inosente siya at nagamit lamang ng kalaban. Isa pa, maaaring siya ang susi namin upang malaman kung sino ang spy.

Tumayo ako at inayos ang kumot niya. Napansin kong pinagpapawisan at parang hinihingal siya. Naiinitan siguro siya. Lava ang kapangyarihan niya kaya madali siguro siya mainitan. Binuksan ko ang bintana at muli siyang sinulyapan bago umalis.

Dumiretso ako sa hill na parati kong pinupuntahan. Umupo ako sa ilalim ng puno at sumandal dito. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kingdom.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung bakit, pero nararamdaman kong may mangyayaring malaki anomang oras.

And when that time comes, I might not be strong enough to protect the kingdom.