BIEL
Halos magdadalawang linggo na ang nakakalipas mula nang bantayan namin nila Samh ang kilos ng mga kaklase ko last year. Hanggang ngayon ay wala pa kaming nakikitang kakaiba at kahina hinala.
"Ano ng gagawin natin? Feeling ko alam ng spy na nagmamanman tayo kaya super careful siya ngayon." giit ni Samh na nakahalumbaba sa round table. Ibinaling niya ang tingin sa malawak na field at mukhang naghahanap na naman ng gwapo.
Bumuntong hininga si Ken at dumukot sa chips na nakalatag sa lamesa. "As of the moment, hintayin na muna natin ang sunod na kilos ng kalaban. We also need to focus first on the upcoming ball." saad niya at sinubo ang hawak na chip.
Muntik ko ng malimutan 'yung ball. It's like the time for enjoyment of the students in the academy. Ginaganap ito tuwing katapusan ng first month of classes.
Kung ang iba ay excited sa tuwing nalalapit na ang ball, ako hindi.
Napatayo si Samh at nanlalaki ang kaniyang mga mata. Mukhang kahit siya ay nalimutan ang magaganap na okasyon.
"Kailangan na natin magpaganda. Oh shoot, Biel we also need to buy gowns!" nagpapanic niyang saad.
Nasapo ko na lang ang ulo ko dahil mukhang kakaladkarin na naman niya ako mamaya sa napakaraming shops. Tuwing sasapit ang ball ay todo ang effort ng isang 'to.
"Hoy, kailangan mong mapilit si Aku na ummatend ngayong taon. Or else!" pinandilatan ng todo ni Samh si Ken.
"Yes boss!" tugon ni Ken at nagsalute pa.
Si Aku ang crush ni Samh since freshmen pa kami. Ahead siya ng one year sa amin gaya ni Ken. Malapit din na magkaibigan si Ken at Aku kaya parang si Ken ang mistulang tulay ni Samh para mapalapit sa crush niya.
Well, Ken and Samh shipper pa rin ako.
Agad na niligpit ni Samh ang gamit niya. Nagdalawang isip pa siya kung kukunin niya rin ba ang chips but in the end, hinablot niya rin ito at agad na sinilid sa bag niya. "Mauna na ko. Kailangan ko ng magpaganda. Bye!" kumaripas siya ng takbo papasok sa building.
Napailing na lang ako dahil mukhang magpapa make up na naman ang isang 'yun sa kung kanino.
"Hindi mo ba sa kaniya sasabihin?"
Napatingin ako kay Ken nang magsalita ito. Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang kalawakan ng field.
"Ayokong sabihin. Magaalala lang si Samh. Mas okay na tayo lang ang nakakaalam tungkol sa silent war." tugon ko.
Para sa iba, isang simpleng kasiyahan lang ang ball na magaganap pero sa likod nito ay patayan at kaguluhan. Sa oras na ginaganap ang ball, mahina ang barrier ng kingdom at kayang kaya ng mga kalaban na makapasok sa loob.
Kaya gumawa ng plano ang hari upang maiwasan ang pagkakagulo sa kingdom. Ang gaganapin na Grand Ball sa academy ay kasabay ng Grand Party na gaganapin para sa mga natitirang mamamayan ng kingdom. Ang Grand Ball ay gagawin sa gym ng academy at ang Grand Party ay sa loob ng palasyo. Both are enclosed places to protect everyone and prevent chaos.
Ang mga elites ay naatasan na magbantay sa labas ng palasyo samantalang ang Sokudo Clan ay sa labas ng gym sa pamumuno ni Ken. Ang ama ni Ken na siyang pinuno ng kanilang clan ay mananatili sa tabi ng hari't reyna kaya si Ken ang naatasan na pansamantalanag mamuno.
Habang nagaganap ang kasiyahan at puno ng ngiti ang mga labi ng mamamayan, sa labas ay dumadanak ang dugo sa gitna ng kadiliman.
We called this as the "Silent War".
This war reminds me how much I really hate myself. I'm the main reason why all of this is happening yet I can't do anything about this. I was told to attend the Grand Ball. They say it's for my own safety but I don't want that. I don't want to keep hiding while my comrades are risking their lives.
"Pipilitin ko ulit si King Light ngayong taon. Gusto ko ring lumaban kasama niyo. Ayokong magtago ng magtago." sabi ko kay Ken na ngayon ay nakatanaw sa malayo.
Tipid niya akong nginitian at umiling ng mabagal. "Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong manatili ka sa loob ng gym. Masyadong mapahamak. Hindi ko alam kung kaya kitang protektahan once na tumapak ka sa labas ."
Napabuntong hininga ako. Alam kong 'di nila minamaliit ang kakayahan ko pero sana naman ay pagkatiwalaan nila ako at hayaang lumaban. Ako ang puno't dulo ng lahat ng 'to. Ako ang dahilan kung bakit kailangan pang may mawalan ng buhay. Hindi ko kayang umupo lamang at manood sa isang tabi.
"Biel, I know that look," bigkas niya at pinanliitan ako ng mata. "don't try to do anything that will harm you, alright?"
Tinitigan niya ako at mistulang hinihintay ang sagot ko kaya wala akong magawa kundi ang tumango na lang.
"Good. Ayokong nasasaktan ka. Alam mo kung bakit?"
Kunot noo ko siyang tiningnan at hinnintay ang susunod niyang sasabihin.
"Kasi nasasaktan ako pag nakikitang nasasaktan ka pero kung magmahal ka ng iba, 'di ako magmamahal ng iba, sayo lang ako." sabi niya sabay kindat.
Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Kay Samh mo na naman 'yan napulot noh? Narinig kong sinasaulo niya 'yan nung isang araw. Sasabihin niya daw kay Aku sa Grand Ball." tugon ko.
Bumuntong hininga si Ken at kinapa kapa ang round table, kukuha siguro ng chips. Mas lalo siyang nawalan ng gana sa buhay ng maalala niyang hinablot nga pala ni Samh kanina ang chips na binili niya.
"Biel, huwag kang magpapaapi kay Samh ah? Huwag mong hayaang kuhanan ka niya ng pagkain gaya ko." pangangaral ni Ken sa akin.
"Tsk, kung kaya lang sana kitang bantayan ng magdamag." dagdag niya pa.
"No need. Si Samh ang kailangan mong bantayan, parang anytime ay may makakaaway ang isang 'yun eh." saad ko. Umaandar na naman ang pagiging Samhen shipper ko.
Yes, Samhen. Samh plus Ken equals Samhen. Ilang araw ko rin 'yang pinagisipan.
"GUYS!!!"
Napako ang tingin namin sa babaeng tumatakbo papalapit sa amin. Puno na ng make up ang mukha niya at may pulang highlights na ang buhok niya sa ilalim.
"Maganda?" bungad ni Samh ng makalapit sa amin.
Tumango ako at ganun din si Ken. Though hindi ko alam kung napilitan lang ba siya o ano.
Humalakhak ng todo ang bruha hanggang sa maubo siya. Tumikhim muna ito bago magsalita muli.
"Get ready for tomorrow Biel. We're going to..." nagpalinga linga muna siya sa paligid at lumapit sa akin para bumulong.
"the kingdom's best ever dressmaker." proud niyang sabi.
"Okay" walang gana kong tugon. I'm really not into this kind of stuff.
"At ikaw!" dinuro niya si Ken na humihikab as of the moment.
"Kasama ka rin."wika ni Samh.
"Huh? Ba't nadamay ako?"
Akmang magsasalita si Samh ng napatingin siya sa akin. Parang nagaalangan siyang magsalita and in the end, bumulong na lang siya kay Ken.
"Huy andaya, sali ako." giit ko. Feeling ko sila na ang mag bestfriend eh.
Sinilip ko ang reaksiyon ni Ken at parang nagdadalawang isip ito. Sa huli ay mukhang napapayag ito ni Samh. Taas noong humarap sa amin si Samh nang matapos ito sa kakabulong niya.
"Okay!" pumalakpak ito para makuha ang atensyon namin kahit kanina pa naman kami nakatingin sa kaniya. "Confidential ito ah? Wala kayong pasasabihan tungkol dito, kung hindi, alam niyo na mangyayari sa inyo." pagbabanta nito.
"Yes boss." matamlay na saad ni Ken.
Tinaasan ako ng kilay ni Samh.
"Opo ma'am." sabi ko na lang.
***
"Okay! Headcount guys! One!"
"Two"
"Three" walang gana kong saad.
Maypa headcount headcount pang nalalaman si Samh kahit tatatlo lang naman kami. Kasalukuyan kaming nasa harap ng isang bundok at hindi ko alam kung dressmaker ba ang pakay namin o trip lang ng bruha na maghiking.
"Samh sigurado ka bang d'yan nakatira 'yun?" tanong ni Ken na nakaturo sa bundok.
"Oo nga! Nung isang araw, naintriga ako kung saan nagpapagawa ng damit si Queen Emerald kaya kinulit ko siya ng todo tungkol dito. Sabi niya mailap sa tao si Ms. Pretty, 'yung dressmaker, kaya sa bundok niya naisipang manirahan. Tanging si Queen Emerald lang ang ginagawan niya ng damit kaya tayo ang second official customer niya." taas noong wika ni Samh.
"Tara na!" bulalas nito.
Wala na kaming nagawa ni Ken kundi ang sumunod. Tinahak namin ang bundok at ilang beses kaming nagkanda dapa-dapa sa dami ng mga naglalakihang ugat ng mga puno. Halos dalawang oras ang lumipas bago namin marating ang bahay ni Ms. Pretty.
"Sa wakas." sabi ni Ken na naguunat unat.
Mabuti na lang nagdala ako ng apple juice kaya agad ko itong nilagok.
Agad namang kumatok si Samh at kusang bumukas ang pinto. Sinenyasan niya kami na pumasok kaya lumapit na kaming dalawa ni Ken. Pagpasok namin sa loob ay namangha kami sa dami ng naggagandahang mga damit na nakadisplay sa paligid. Kung kilala siguro ng maraming tao si Ms. Pretty, tiyak na dadagsain siya ng mga customer.
"Queen Emerald already told me that some visitors will come. Have a seat."
Nabaling ang tingin namin sa isang pigurang nakaupo sa isang pink na swivel chair. Nakatalikod ito sa amin kaya kitang kita namin ang mahaba niyang buhok na kulay pink. Kahit ang mesa sa harap niya ay kulay pink rin.
"I'm sorry to say this but I'm quite picky with my customers."
Agad kaming naupo sa isang sofa at narinig kong naubo si Ken ng humarap si Ms. Pretty.
Ang pretty nga niya, but she's not a she.
Nakataas ang kilay nito ngunit ng nabaling ang tingin niya kay Ken ay lumapad ang ngiti niya.
"Ay perfect naman pala, may kasama kayong gwapo! Ano pang hinihintay niyo, tara sukatan na!" masiglang saad nito.
Sinukatan niya kami isa-isa habang ang mata niya ay nakapako kay Ken na mukhang pinagpapawisan ng malamig. Kaya naman pala siya sinama ni Samh, para gawing alay kay Ms. Pretty.
Ms. Pretty told us that she has the ability to produce clothes. She said every clothes she made are perfectly handmade kaya napakapili niya sa customer. Her goal in life is to make clothes for special person only.
"So what makes the three of you special?" tanong niya bago kami sukatan.
Nung una ay bumigay siya ng makita si Ken pero mukhang natauhan siya at naalala ang goal niya sa buhay.
Pinagpawisan ako ng todo at laking pasasalamat ko ng itinaas ni Samh ang kamay niya. Mahina ako sa question and answer portion kaya nakahinga ako ng maluwag ng nagsalita si Samh.
Tumayo pa siya sa sofa na akala mong nagrerecite sa isang teacher.
"I don't want to brag about our identity but if you'll ask, we're quite special."
Ito ang gusto ko kay Samh. Kapag naiipit sa isang sitwasyon ay napapa english siya and it's quite convincing. Napalunok ako at kabadong hinintay ang susunod niyang sasabihin. Huwag ka sanang magkakamali Samh, nakasalalay sa iyo ang lahat.
"She's Biel." pagpapakilala sa akin ni Samh.
Nanlaki ang mata ni Ms. Pretty ang napaawang ang kaniyang bibig ng marinig ang sinabi ni Samh.
"Oh, you're that Biel?! It's a pleasure to meet you!" Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala gayong nasa kabundukan siya. Inabot niya sa akin ang kaniyang kamay at kinamayan ko naman siya.
Taas noo naman si Samh at parang proud na proud sa pinagsasasabi niya.
"He's Ken SOKUDO." turo naman niya kay Ken habang pinagdidiinan ang salitang "Sokudo".
"Adiitionally, Ken is the son of Master Kirishima, so we can say he's the next leader of the clan." pagyayabang ni Samh.
Walang sinoman ang hindi nakakaalam sa Sokudo Clan sa loob ng kingdom kaya hindi na ako nagulat na kilala sila Mukhang namangha na naman si Ms. Pretty at parang mas nainlove pa siya sa kawawang lalaki. Dumako naman ang tingin niya kay Samh at tinaasan ito ng kilay.
"Ikaw? Who are you?" mataray nitong tanong.
Sandaling natigilan si Samh. Patay, huwag ka sanang mamental block. Kaya mo 'yan.
"I'm part of the Royal Ten of Light Academy and in a young age, I have gone through several S-rank missions. Because of my ability, I was also assigned to be Biel's partner." taas noong wika ni Samh.
Gulat kaming napatingin sa kaniya ni Ken. Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para sabihin 'yun.
"Well, you all passed audition. Pwede ko na kayong sukatan." saad ni Ms. Pretty.
***
"Royal Ten huh?" pangaasar ni Ken.
Agad namang umakyat ang dugo ng kasama ko at inatake ng suntok si Ken. Buti na lang nakailag siya.
Samh really hates lies so I don't know how she managed to say that.
Napasapo siya sa kaniyang ulo at bumuntong hininga.
"Guess I have to study hard to be part of the Royal Ten. In that way, my lie can be converted into truth." walang ganang saad ni Samh.
Kasalukuyan kaming naglalakad at pauwi mula sa bundok. Napaisip naman ako bigla tungkol sa Royal Ten. In the previous years, laging galing sa upperclass ang mga kabilang sa Royal Ten ng academy kaya sa tingin ko ay mahirap makapasok doon. But may pagasa si Samh kung magaaral lang talaga siya ng mabuti. I bet she can ace the physical test so the written test is her only problem.
Nadaanan namin ang Medical Section kaya tinamaan na naman ako ng matinding konsensiya. Tumigil ako sa paglalakad at sinabihan sila Ken na mauna na sila.
My Samhen ship is sailing.
Bumili muna ako ng apple juice sa isang store na malapit. Pagpasok ko sa Medical Section ay nakasalubong ko si Heidi na mukhang nagmamadali sa pagalis.
"Heid-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nalagpasan niya agad ako. Hindi niya ako napansin.
Okaay.
Dumiretso na lang uli ako sa room nung lalaki. Bumungad sa akin ang mahimbing na binatang nakaratay sa kama. Mukha na naman siyang hinihingal at pinagpapawisan ata siya?
Nagtungo ako sa bintana para buksan ito pero bukas naman.
Pinagmasdan ko muli siya at naawa ako sa kalagayan niya. Kaya naman ginamit ko ang wind element at sa isang sipol ay humangin ng malakas. Medyo hindi ko na control kaya naman napalakas ng unti. Nagkandagulo gulo ang buhok ko at ganun din ang sa lalaki. Mas nakonsensya tuloy ako.
"Sorry po." mahina kong wika at inayos na muli ang nagulo niyang buhok. Nagulat ako ng maamoy ang buhok niya.
Bakit ang lambot at ang bango?
Nakaramdam tuloy ako ng inggit. Halos magiisang buwan na ata siyang nakaratay pero parang alagang alaga ang buhok niya. Isang linggo pa nga lang akong hindi magsuklay ang lagkit lagkit na ng buhok ko.
Paggising niya tatanungin ko talaga kung anong brand ng shampoo ang gamit niya.
***
"Ken, what do you think?" Tanong ni Samh.
Humalukipkip si Ken at halos maningkit ang mata niya nang suriin si Samh.
"Mukha ka ng normal." Nakangiting saad nito at nagthumbs up pa.
Umakyat na naman ang dugo ni Samh at anomang oras ay mukhang sasabog na siya. Dala ng takot, nagsalita na ako.
"You look elegant, really." Wika ko.
Seriously, Samh is really gorgeous tonight. She's wearing an off-shoulder red long dress and it totally matched with her red highlights.
"Syempre, nagpaganda ako ng todo ngayon. Aku will be attending so this is my chance to impress him." Saad ni Samh na puno ng determinasyon. For a second, I think I saw fire blazing up in her eyes.
"Biel, you look perfect by the way."
Hindi pa ako ready sa compliment kaya bigla akong tinamaan ng hiya. Nginitian ko na lamang si Ken at agad na umiwas ng tingin.
I'm really thankful Ms. Pretty made my dress light and comfortable. It's a simple gold dress with some embroideries on it. This is way better compared to what I wore last year. Samh picked my dress last year and it was really tight and revealing.
"Let's kill this Ball tonight!" Masiglang wika ni Samh.
Kabado kaming nagkatinginan ni Ken, knowing na minutes later, real killings will happen.
Pagpasok namin sa loob ng gym ay sinalubong kami ng tunog ng isang classical music. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid na puno ng mga elegeanteng disenyo. Nagkalat ang mga estudyante na suot-suot ang kanilang magagarang damit. Makikita sa kanilang mukha ang saya na mas nagpakaba sa akin. Wala silang kaide-ideya na anomang oras ay maaari kaming mapasok ng kalaban.
Agad na humiwalay sa amin si Samh at nagpaalam para hanapin niya si Aku. Si Ken daw ang partner ko ngayon kaya't iniwan niya kaming dalawa sa isang table sa gilid. Bago ito tuluyang umalis ay bumulong siya sa akin.
"It's time to look at him as a man. Give him a chance." She said before walking away. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.
Kapuwa kami nakaupo ni Ken at tahimik na nagmamasid sa mga estudyante. Alam kong pareho kaming kabado ngayong gabi kaya hindi ko na piniling magsalita pa. Ilang minuto kaming nanatiling tahimik hanggang sa ayain niya ako sa isang sayaw. Hindi na ako tumanggi pa at sumabay kami sa mga estudyanteng nagsasayaw kasabay ng isang slow music.
Nakahawak si Ken sa aking beywang samantalang nakapalibot sa kaniyang leeg ang aking mga kamay.
I avoided his eyes since it was too awkward. I suddenly felt cold when he placed his hand on my chin and gently moved my face to meet his gaze.
I looked up at him and he was genuinely smiling at me.
"Biel" he called and I was again taken aback when he moved some strands of my hair behind my ear.
"Don't do anything reckless tonight. No matter what happens, think for yourself first, okay?"
Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko magawang sumagot dahil alam ko kung anong nararamdaman niya.
Deep down, he's scared.
I know he can feel it too. Something big will happen tonight and I think the situation will worsen if I stay still here inside.
Unti unting humina ang music at ang mga ilaw ay namatay. Napuno ng kaba ang sistema ko at pinigilan ko ang panginginig ng aking kamay.
Hinila ako ni Ken sa isang yakap at mahina kong tinapik ang kaniyang likod. Ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga at alam kong nababalot siya ng takot ngayon. Kailangan niya ng lakas at suporta. Siya ang kaisa-isahang estudyante na tatapak sa labas.
"Be safe." Mahina kong saad bago humiwalay sa kaniya.
Tinanguhan niya ako at sa isang iglap, nawala na siya sa paningin ko.
The Silent War had just began.
Biglang napuno ng neon lights ang madilim na paligid. Dumagundong ang isang malakas na tunog at naghiyawan ang mga estudyante.
The sound was purposely changed to a loud one to prevent us from hearing what's happening outside.
Nagtungo ako sa isang gilid at nanatiling nakatayo. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ako mapakali ngayon. Habang tumatagal ay mas tumitindi ang kabang nararamdaman ko. Ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay at napako ang tingin ko sa malaking pintuan.
Should I go outside now? Should I help them?
I was too occupied by my thoughts when someone grabbed me in my waist. I quickly placed my hand in his chest to prevent myself from crashing into his body.
Napuno ako ng inis at agad na tumingala para makita kung sino ba ang taong 'to. Magsasalita na sana ako nang bigla akong natigilan ng makita kung sino siya.
Hindi agad ako nakapagsalita at tuluyan akong nanigas. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito at kung kailan siya nagising. Nakatitig sa akin ang malalamig niyang mata at kitang kita ko na ang mukha niya ngayon dahil nakataas na ang dating bagsak niyang buhok.
Inilapit niya ang kaniyang mukha at lalayo na sana ako ngunit hindi na ako makagalaw pa dahil hawak hawak niya ako sa beywang. Lumapit siya sa tainga ko at ramdam ko ang mainit na paghinga niya.
I flinced when I heard his deep voice again.
"Whether you like it or not, we're going outside."