Chereads / The Light Kingdom / Chapter 4 - Chapter 3.1: Detective Month

Chapter 4 - Chapter 3.1: Detective Month

BIEL

Bumulwak ang napakaraming dugo mula sa kaniyang bibig. Malabo ang lahat at hindi ko maaninag ang kaniyang mukha ngunit alam kong rumaragasa ang ilang luha sa kaniyang mata.

Pilit niyang inaabot ang aking mukha kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay at kusa itong nilagay sa aking pisngi. Lumunok siya at pilit na nagsalita.

"I-It was nice meeting you. Y-your my first and sad to say, last f-friend that I will ever have." Ilang beses muling umubo ang batang babae at mabigat na ang bawat paghinga niya.

Nilamon ako ng takot ngunit wala akong magawa kundi pagmasdan kung paano siya unti-unting mawalan ng buhay. Hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan. Sa sobrang inis ay napaiyak na lang ako habang hawak ang bata sa aking mga bisig. Pumikit siya ng mariin at ramdam ko ang panginginig ng kaniyang kamay. Nanghihina man ay pinilit niya muling magsalita.

"Remember this, I won't ever regret saving you, but please..."

"please s-save him too."

Tuluyang nalagutan ng hininga ang babae. Bigla siyang nawala at natira akong nagiisa sa malawak na kagubaatn. Puno ng dugo ang aking mga kamay pati ang aking damit. Kinilabutan ako ng lumakas ang hangin at mas dumilim ang paligid. Nagsimulang gumalaw ang mga dugo na mula sa batang babae. Papunta ito sa akin at tanging pagsigaw lang ang aking magawa hanggang sa tuluyan na akong nalamon nito.

Napabalikwas ako at hinihingal akong tumayo. Agad akong kumuha ng tubig at dali-daling itong ininom.

It was still the same.

The same nightmare that has been haunting me every night. Paulit-ulit na nagp-play ang imahe ng babaeng duguan sa utak ko. Pumikit ako at ikinalma muna ang aking sarili.

Hindi 'yun totoo. Isang bangungot lang 'yun, Biel. Ilang beses muli akong huminga ng malalim upang kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko.

Nang medyo ayos na ang pakiramdam ko ay tumayo na ako mula sa kama. Tiningnan ko ang wall clock at malalim pa rin pala ang gabi. It's twelve midnight.

Napagdesisyunan kong magpahangin na lang sa labas. Hindi na naman ako makakatulog nito at baka maistorbo ko rin ang pagtulog ni Samh. Nakitulog na naman siya dahil wala na namang tao sa kanilang bahay. Madalas na nasa mission ang mga magulang niya since they're one of the elites.

Humampas ang malamig na hangin sa aking mukha sa paglabas ko. Nagtungo ako sa burol na madalas kong puntahan tuwing gabi. Naupo ako at dinama ang malamig na hangin.

Hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung bakit at sino 'yung nasa panaginip ko tuwing gabi. Labingwalong taon na akong namumuhay magisa at wala akong naaalalang may ganung bagay akong nasaksihan.

Isinantabi ko na lamang ang panaginip ko at pinagmasdan ang kabuuan ng kingdom. Tanging ang mga ilaw na lamang mula sa street lamps ang nagpapaliwanag dito. Napansin kong bukas pa rin pala ang ilaw mula sa Medical Section. Nakakahanga talaga ang mga healer. Wala silang pinipiling oras sa pagsalba ng mga tao.

Naalala ko bigla ang misteryosong lalaki na lumusob sa kingdom. Dalawang linggo na ang nakakaraan ngunit wala pa rin siyang malay at kasalukuyang nasa Medical Section. Nakokonsensya ako ng husto dahil ang tagal na niyang hindi nagigising ngunit sabi naman ni Heidi, isa sa mga healer, ay epekto lamang 'yun ng curse.

Ilang araw pagkatapos ng labanang nangyari ay nakabalik na rin si King Light at Queen Emerald mula sa isang seremonya na naganap sa Might Kingdom. Isinalaysay namin sa kanila ang mga nangyari at nagutos agad ang hari sa ilang mga elites na alamin ang identity ng lalaki. Ngunit kahit ang mga bihasa at pinakamagagaling naming elites ay bigo sa pag-alam ng katauhan niya. Nagtanong na sila sa bawa't villages kung may nakakakilala sa lalaki pero walang nakakaalam kung sino ba talaga siya. Even the Might Kingdom had no idea.

I guess he's one of them. Afterall, matagal na nilang pinagtatangkaang makuha ang kapangyarihan ko. Ang tanong, bakit kailangan pa siyang lagyan ng curse kung isa siya sa kanila?

I already considered the possibility that he might be a captive of them, but how come no one knew who he really is? 

Who is he?

***

"Biel, pinapatawag nga pala tayo sa Royal Palace." bungad sa akin ni Samh pagpasok ko sa kwarto.

Tumango na lamang ako at kinuha ang uniform ko sa loob ng cabinet since first day of classes namin ngayon. Didiretso na sana ako sa banyo ngunit hinarang ako ni Samh. Halata ang pagaalala sa kaniyang mukha.

"Hindi ka na naman nakatulog?"

Umiling ako at napabuntong hinga na lang siya.

"Here," inabot niya sa akin ang isang baso ng gatas. "you better drink that or else!" pinandilatan niya ako ng mata at umagang umaga ay nakakuyom na naman ang kamao niya.

Tumango na lamang ako at agad uminom sa baso. Bago niya ako pinapasok sa banyo ay pinasahid niya muna sa akin ng todo ang gatas.

Napangiti na lang ako sa ikinilos niya. Mukha man siyang nakakatakot kasama but once na maging close kayo, you'll see na caring talaga siya. I'm really thankful that I met her.

Pagkatapos ng ilang minuto ay sabay na kami lumabas at nagtungo muna sa Royal Palace bago sa Academy.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga nakakasalubong naming mga estudyante. Naf-feel ko na talaga na pasukan na ulit kaya ang saya ko. Mas gusto kong pumasok kaysa magkulong sa kwarto.

Naramdaman kong ang sama na naman ng tingin ni Samh sa akin. Sumulyap ako sa kanya at agad umiwas ng tingin dahil nakakatakot talaga siya. Goodluck sa mapapangasawa niya.

"Ba't ang saya saya mo tuwing pasukan? Ako, ayoko! Ilayo mo ako sa academy Biel! Makikita ko na naman si... ugh! I really hate her." Napapadyak na lang sa inis si Samh at laking pasasalamat ko nang narating na namin ang Royal Palace. Buti na lang. Mukha kasing anytime ay sasabog sa inis 'tong kasama ko.

Binati kami ng mga guards sa labas at agad kaming pumasok. Tinahak namin ang mahabang hallway ng palasyo na puno ng paintings sa bawa't gilid. Puno ito ng mga larawan ng mga yumaong ruler ng kingdom. Sa dulo ng hallway ay naroroon ang Royal Chamber. Masasabi mong para itong office kung saan nagt-trabaho ang aming pinuno.

Kumatok muna si Samh bago tuluyang itulak ang naglalakihang pintuan.

Walang tao sa loob ng Royal Chamber maliban kay King Light at Queen Emerald na abala sa mga nakatambak na papeles sa kanilang mesa.

Biglang umihip ang hangin at wala pang isang segundo ay nakita ko ng nakatayo si Master Kirishima sa gilid ni King Light.

Right, the right hand man is always beside the king.

Tinapik ako ni Samh bilang sign na maghanda ako. Kumuha siya ng ilang tissue sa kaniyang bulsa at inabutan rin ako.

"Sorry for calling you on your very first day of classes," sabi ni King Light said habang nakatutok pa rin sa mga papeles na hawak niya.

Muntik nang mapatili si Samh nang biglang humalakhak ng todo si Queen Emerald.

Ito na ang normal na scenario sa tuwing pumupunta kami dito. Kahit ang iba ay alam ang kakaibang hobby ni Queen Emerald. She likes to laugh, like a lot. Pagkatapos ng ilang segundo ay tumigil na rin ito sa pagtawa. Pinunasan niya ang ilang butil ng luha sa gilid ng mata niya.

"Hindi mo kailangang magsorry Light. In fact, ayaw na magaral ni Samh." nagpipigil na tawa ni Queen Emerald.

Napakamot na lang ang kasama ko. Pagdating sa reyna, wala siyang takas. Queen Emerald can control the human brain and she can read it as well.

"How about Ken? Sa tingin ko po ay dapat kasama natin siya ngayon. He's involved, too." tanong ni Samh na sumulyap sa akin. Nagmamayabang na naman ata at nakapagsalita ng English.

"Kirishima already informed his son." Queen Emerald replied.

"Anyway, I called the two of you to say something important." King Light said.

Ibinaba niya ang hawak na mga papel at tumingin sa amin ng seryoso. Hindi na ito nakangiti pa. Agad nagbago ang atmosphere sa loob ng Royal Chamber. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Malimit lang ang pagkakataon na nakikita ko ang hari na ganito kaseryoso. Madalas ay nakangiti ito.

"The timing is too right to be called a coincidence. When the duel between Biel and that man happened, I was not here as well as my wife. All of the elites became busy since there's too many missions to be done," King Light shifted his piercing gaze towards me.

"and you, Biel, arrived at the very right time when that man infiltrated our kingdom."

Napaisip ako sa sinabi ni King Light. Tama siya, paano nangyari 'yun? How could the enemies knew the situation inside the kingdom? Biglang may pumasok na ideya sa isip ko. Nanlaki ang mata ko at kunot noo akong napatingin sa hari. Don't tell me th-

"Oo Biel," nakangiting tugon ni Queen Emerald. "there's a spy among us."

Napasinghap si Samh at napatakip ito sa kaniyang bibig. Kahit ako ay nanlamig at hindi makapaniwala. How can a spy enter our kingdom? Whoever that spy is, he or she is really dangerous. To think na nagawa niyang makapasok dito kahit na napakatatag ng aming barrier.

"I want you, Biel to find the enemy hidden in our kingdom while Samh and Ken will be on the lookout in case someone around you acts suspiciously or if someone suddenly attacked you."

Napalunok ako dahil hindi ito isang ordinaryong mission. Simula ngayon, nakasalalay sa akin ang kaligtasan ng tao sa loob ng kingdom. Kailangan ko agad mahanap ang espiya dahil kung hindi, baka dumanak ang dugo ng mga inosenteng tao. Maaaring magdulot din ito ng panibagong digmaan.

"Alam kong mabigat itong mission na 'to Biel, pero alam kong mas gugustuhin mo rin na ikaw na mismo ang tumapos sa sitwasyon na ito." mahinahong saad ni Queen Emerald. "Gagawin din namin ang lahat ng aming makakaya upang matukoy kung sino ang espiya."

Huminga ako ng malalim at umiling. "Huwag na muna po sana kayong gumawa ng anomang kilos. Sa puntong ito, hindi natin alam kung sino ang pagkakatiwalaan. Ako na po ang bahala sa misyong ito. Ako ang nagdala ng panganib kaya ako rin ang gagawa ng paraan para tapusin ito."

***

Pagkatapos naming magtungo sa Royal Palace ay dumiretso kami sa academy. Wala ni isa ang umimik sa amin ni Samh. Pinili kong manatili munang tahimik dahil marami ring bagay ang tumatakbo sa isipan ko.

Ilang libo ang tao sa kingdom. Siguradong mahihirapan ako sa paghahanap sa espiya. I need to do a process of elimination.

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng academy. Maaaring isa sa mga tao dito ang kalaban kaya isinantabi ko muna ang mga iniisip ko. I should act normal.

Dumiretso kami sa ikalawang palapag ng academy. Dito ang lahat ng Middle Class kaya naman hindi masyadong mahirap ang paghahanap ng classroom. Kakaunti na lang ang naghahanap ng kani-kanilang klase dahil malapit na magtime.

Nagmamadali naming inisa isa ang bawat papel na nakapaskil sa mga classrooms. Luckily, magkasama kami sa iisang klase ni Samh. Minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon kaya naman tuwang tuwa kami. Random kasi ang paglalagay sa amin sa bawa't sections.

Nakasulat sa taas ng pintuan ang salitang 'Middle Class B'. Pumasok na kami sa aming silid at saktong may natitira pang dalawang bakanteng upuan sa dulo. Dumiretso na kami rito at tahimik na naghintay sa una naming guro.

Ang mga kaklase namin ay mga busy sa pakikipagkuwentuhan at ang iba'y nagtatalo sa upuan. Napangiti ako at pumikit upang sandaling magpahinga. I really like this kind of noises. It's loud but comfortable.

Akala ko ay magiging payapa ang school year na ito pero mukhang nagkakamali ako. Sa bandang unahan ay may nagsalita ng malakas, enough para makuha ang atensyon ng lahat.

"The great Biel is here with us. Don't you think we need a proper a greeting?" saad ng isang babae. Nakakaasar ang ngiti nito at nakataas ang isang kilay.

Well sorry, wala akong balak magpaasar. Ang spy ang priority ko sa ngayon.

Natahimik ang lahat at walang naglalakas loob na magsalita. Napunta naman agad ang atensyon nila sa isa pang babae na nakatayo ngayon at matalim ang titig sa akin.

"Our Biel here looks like she's not satisfied with us. Should we clean your throne there, your Highness?"

Pinaka ayoko ay makatanggap ng special treatment dahil sa kakayahan ko. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan sila.

Wala talaga akong kawala sa mga kaibigan ni Irene. Mga alipores daw ang tawag sa kanila sabi ni Samh. Though hindi ko alam kung anong ibig sabihin 'nun.

Kung natitiis ko na manahimik, ay malamang, 'yung katabi ko hindi.

Tumayo si Samh at tanging pagtayo niya ay ang lakas ng impact. Sandaling lumakas ang hangin. Nakita kong nakakuyom na ang kamao nito at mukhang anytime ay sasabog na naman. Siya talaga 'yung kinakatakutan ko, baka masira nito ang academy. Her monster-like strength is crazy.

Biglang pumalakpak si Samh ng isang beses. Lumikha ito ng malakas na hangin at alam kong sinadya niya na tumama ito sa mga alipores ni Irene. Agad nagulo ang buhok ng dalawa at mukhang nadamay rin si Irene na nakaupo sa gitna nila.

"Hoy, Irene tigilan niyo 'tong si Biel kung hindi, ako sasapak sa inyong tatlo." pinatunog niya ang kaniyang kamao at ang sama na talaga ng tingin niya.

Pero natigilan kaming lahat ng biglang tumayo si Irene. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi namin makita ang reaksiyon niya pero alam kong naiinis na siya sa nangyayari.

Tahimik na tao si Irene. Kung gaano kalamig ang kaniyang kapangyarihan ay mukhang ganun rin kalamig ang personality niya. Madalas wala siyang pakialam sa mga nangyayari pero isa lang ang alam ko.

Mabilis kumulo ang dugo niya pagdating sa akin.

Nagsimulang lumamig ang paligid. Napansin kong may mga yelong namumuo sa sahig. Giniginaw na ang ibang kaklase ko at ang iba'y nagsimula nang mangatal. Nilalamig man ay walang pumiling magreklamo. Alam naming lahat kung anong kaya niyang gawin.

Naawa ako ng husto sa mga kaklase ko kaya hindi na ako nakatiis. Tumayo ako at madiing tumingin sa kaniya.

"Tama na, Irene" mahinahon kong saad habang nakatalikod pa rin ito sa amin.

Mukhang ang laki nga talaga ng galit sakin nito.

Imbis na tumigil ay mas pinalamig niya ang temperatura ng silid. Tuluyan na itong lumingon at tumitig sa akin.

Kung nakakapatay ang tingin, matagal na akong patay.

Napasigaw ang lahat sa mga sunod na nangyari. Biglang bumulusok ang isang ice spear sa direksyon ko. Napako ang lahat habang nanatili akong nakatitig kay Irene, not moving an inch in my position.

Bawat taon ay magkasama kami sa iisang klase at sa nakalipas na tatlong taon sa academy, ay wala akong ginawa kundi hayaan ang mga kinikilos niya.

Ayoko sa gulo, pero oras na ata para lumaban ako.