Chereads / Ghost of Yesteryear / Chapter 3 - Invisible

Chapter 3 - Invisible

Ilang araw na ba ang lumipas?

Mula noong ika'y aking binisita?

Ngunit bakit ka tumakbong kumakaripas?

Habang hawak hawak ang iyong mukhang lumuluha?

Tila ika'y nasasaktan.

'Di lang naman ikaw.

Maging ako'y pinagdusahan...

Ang kaparusahang ipinataw.

Ngunit mababago ba niyon, ang walang hanggang pag-ibig ko sa iyo?

Ngunit bakit nga ba ganoon sinta ko...

Bakit ni minsan ay hindi ka napatingin sa gawi ko?