Chereads / Ghost of Yesteryear / Chapter 2 - First Day

Chapter 2 - First Day

Unang araw nang ika'y aking muling nadatnan

Nakatulala't nakatingn sa kawalan.

Kitang kita ko ang hinanakit sa iyong mga mata

Ang mga bahid ng luha na nais kong punasan mula sa iyong mukha...

Bakit hindi mo ako magawang matitigan?

Dahil nakatatak pa rin ba sa iyong isipan...

Ang ating mapait at biglaang hiwalayan?

Kung iyong mamarapatin,

Sana sinta ako'y iyong patawarin...

Dahil hindi ko naman kagustuhan

Ang sakit na ating nararanasan.

Siya nga pala, naalala ko,

Ito ang unang araw mula nang tayo'y nagkalayo