Chereads / My Amazing Girl / Chapter 16 - CHAPTER 16 - THE NEW BODYGUARD

Chapter 16 - CHAPTER 16 - THE NEW BODYGUARD

Dedicated to: queenethylcanoy

DarkRose-1524

Keira POV

A week has passed when Keira and his boyfriend, Dale went out for a date. It was magical lalo na nung bago sila umuwe because of his surprise.

Fireworks.

Hindi man naging maganda ang simula ng kanilang date dahil sa pagiging insensitive nito nagpapasalamat na rin sya at nakilala nilang magkasintahan si Panda na naging tulay ng pag-aayos nila.

Pero syempre hindi naman sa lahat ng oras magical. Hindi sa lahat ng oras masaya. At dahil sa CEO nga ang kanyang bofriend ay nawawalan na ulit ito ng time sa kanya.

Isa nga syang bodyguard pero never naman nitong pinagampanan sa kanya. Ni hindi sya binibigyan nito ng pagkakataon na samahan ito kung saan man ito magpunta.

Dale is in a conference meeting with his investors sa France. 3 weeks din itong mawawala dahil agad din itong lilipad patungong California at Japan dahil kinailangan ang presensiya nito lalo na at bago pa lang ang agency na itinayo nito sa mga nasabing bansa.

Naboboring na sya. Kung dati sanay sya na mediocre lang ang buhay nya. Yung tipong naghihintay lang sya ng grasya, ngayon gusto nya naman ay may mapagkakaabalahan sya.

Sinabi na rin nya ito sa kanyang kasintahan ng minsan nagkaroon sila ng videocall. Papagenrollin sya nito sa isang school of martial arts.

Ang kondisyon ay sa pagbalik pa nito nya uumpisahan. 3 weeks. Parang ang tagal. Nagpaikot ikot lang sya sa kanyang kama habang naghihintay ng oras na kainan na ng lunch.

At tuluyan na nga syang napatayo ng kama at tumuloy sa banyo para maligo at gawin ang kanyang ritwal. Pagkatapos maligo at magbihis ng kanyang komportableng damit ay nagsimula syang magjogging sa labas.

Ilang oras pa naman bago ang tanghalian kaya nagpaalam muna sya sa kanilang mayordoma na magjogging lang sa labas.

Nang makalabas ay lumanghap sya ng sariwang hangin at nagsimula ng magjogging. Naka sampung lapse na sya at natuwa sya sa nakakasabay nya na may bike.

Kaya naman nang bumalik sya ng bahay ay nagpahinga lang sya saglit, kumain ng tanghalian at nagmadaling lumabas ng bahay. Hinanap nya ang sasakyang Toyota Hilux ng kanyang kasintahan. Hindi ito madalas gamitin dahil Rolls Royce ang favorite nyang sasakyan na bigay sa kanya ng kanyang kasintahan nung hindi pa sila.

Nainggit kasi sya sa mga nakasabay nya kaninang may Bike habang nagjajogging sya kaya gusto nya ring bumili ng bike. Saka na nya sasabihin sa kanyang nobyo ang bigla nyang naisip. Napangisi sya.

Nang makarating sa mall at makapag-park ay agad syang nagtungo sa bilihan ng Bike. Ang dami nyang nakitang magaganda at naglalakihang bike. Kaya nagsearch muna sya sa google kung anu ang best seller dahil wala syang mapili. Una nyang nakita sa listahan ang TREK Bicycle Corporation. Kaya naman hindi na sya nagpatumpik tumpik pa at agad na hinanap nya ang logo na TREK sa bawat nakadisplay na Bicycle.

Hindi na nya tiningnan pa ang price at agad nya iyong binili. Nakaisip din sya ng isa pang mapag-lilibangan habang wala pa ang kanyang nobyo at nakita nya naman ang instrument sa tabi nito. Acoustic guitar. Nice. Kahit papaano may alam naman sya sa pag-sipra ng gitara kaya bibili na rin sya.

Babalikan na lang muna nya ang nabiling bike at pumasok sa bilihan ng gitara. Nang makita ang gusto nyang gitara ay agad nya itong binili.

Done buying! Yes at may mapaglilibangan na syang bago. Hawak nya ang gitara at bumalik sa booth na pinagbilhan nya ng bike. Pinasunod nya naman ang isang sales boy na karga karga ang bike na nabili hanggang sa makarating sila sa parking lot.

Pinalagay lang nya ang bike sa likod ng kanyang Toyota hi-lux at ang gitara sa rear passenger seat na nakahiga. Nagpasalamat sya sa salesboy at inabutan nya ito ng isang daan sa pag-aassist nito sa kanya.

Aakma na syang sasakay sa driver seat ng sasakyan ng may narinig syang putok ng baril. Wala naman syang dalang defense weapon para sana madepensahan nya ang sarili nya sa ganitong sitwasyon. Napatakip na lang sya ng tenga at napaupo sa tabi ng sasakyan.

May nasilayan syang lalake na papalapit sa kanya at may hawak na baril na nakatutok sa kanya. Wait! Bakit sa kanya? Napayuko ulit sya at hinintay kung tatama ba ang bala sa kanya pero ng iputok nito ay wala ng bala na lumabas. Napahinga sya ng maluwag.

Handa na syang depensahan ang sarili ng may isang lalake naman ang sumugod sa bulto ng tao na pasugod sana sa kanya. Mukhang marunong ito sa hand combat kaya iilang tama lang ng mga kamao, braso at binti nito ay napasubsob na ang lalake.

Napatayo naman sya at lumapit sa taong nakahiga na ngayon. Tinadyakan nya pa ito para tuluyan nang hindi makatayo.

"Loko ka ah, wala naman akong ginagawa sayong masama. Ako pa gusto mong patayin." Sigaw nyang saad habang patuloy na tinatadyakan ang lalake hanggang sa mawalan ito ng malay.

Naramdaman naman nya ang pag-pigil sa kanyang braso ng lalakeng tumulong sa kanya.

"Thank you sa pagligtas mo sakin." Humarap sya rito ng nakangiti at yumukod sya rito.

Nagtama ang kanilang mata at hindi naman nya maisip kung sino ito at bakit sya nito niligtas.

"Wala yun. Mabuti na lang at napadaan din ako dito kung hindi baka nakabulagta ka na." Napahinga sya ng malalim. Maya-maya dumating na ang mga guard at kinuha ang walang malay na lalake.

"Thank you ulit Mr-" napatigil sya kasi hindi naman nya alam ang pangalan nito.

"Savin, Savin Madrigal. And you are?" Paglalahad nito ng kamay.

May itsura ang lalake. Hindi lang sa may itsura, gwapo ito. Chinito at talagang mapapanganga ang mga babae kapag nakita ito pero mas gwapo pa rin ang kanyang Dale. Wala ng mas gagwapo pa sa kanyang mahal. Napangiti naman sya.

"Care to tell me what you are thinking?" Kinuha nito ang kamay nya at pinisil pa ito.

"Ah Keira. My Name is Keira Alessandro." Nakita nya pa ang pagkislap ng mga mata nito kaya agad nyang binitaw ang kamay dito.

"So Savin right?" Tumango ang lalake habang nakangiti. Mukhang maginoo naman ito. Agad syang nagtiwala dito dahil na rin sa niligtas nito ang kanyang buhay.

"What do you do for a living?" Mukha kasi itong sundalo sa tindig o kaya pulis. Pede rin naman na piloto o kapitan ng barko. Ay ewan.

"Wala pa akong work ngayon. I used to work in Military Base pero maaga akong nagretire kasi gusto ko makasama ang pamilya ko." Saad naman nito.

Napatango naman sya. Naisip nyang gawin itong bodyguard dahil may magreretire na silang bodyguard at mukhang bata pa naman ito.

"Ilang taon ka na?" Hindi naman siguro masama kung kilalanin nya ang savior nya di ba.

"26 years old." Hmm same age. Sa isip nya. Napapantastikuhan naman ang mukha nito sa mga tanung nya.

"Lika, sabay ka na sakin hatid na kita." Agad naman na umiling ang lalake.

"Hindi na. Nakakahiya naabala pa kita at mukhang pauwe ka na eh. Basta next time mag-ingat ka na lang. Marami talagang mga loko loko sa panahon ngayon." Napatango sya at nagbigay ng business card dito.

"Dale Joshua Lagdameo? CEO ng isang sikat na modeling agency? Kaano ano mo sya?" Ngumiti naman sya sa tanung nito.

"Wala kasi akong business card kaya yan na lang binigay ko sayo. Thats my boyfriend. Don't worry. I share to him what happened and contact us if you want a job. Bibigyan kita ng trabaho kapalit ng pagligtas mo sakin." Nakita nya lalo ang kislap sa mga mata nito.

"Talaga? Bibigyan mo ako ng trabaho. Thank you so much Keira." Napayakap pa ito sa kanya.

"Paano? Ayaw mo magpahatid eh. Sige. Alis na ako. Thank you ulit. Tawag ka lang dyan. Don't worry ako naman ang sasagot or minsan ang secretary nya. Sabihin mo lang name ko." Kumawala naman ito sa yakap sa kanya at sumakay na sya ng sasakyan.

Kinagabihan ay nagkaroon sila ng video call ng kanyang nobyo at naikuwento nga nya ang nangyare sa kanya kanina.

"Talaga mahal? Thank God you're safe. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyare sayong masama. Im going insane. Sana andyan ako sa tabi mo mahal at ako ang magliligtas sayo." Ang sweet talaga ng mahal nya.

"Ang OA mo love. Mabuti na lang talaga dumating yun si Savin. Alam mo love gwapo sya tapos ang ganda ng built ng katawan nya." Kumunot naman ang noo nito.

"Sino mas gwapo ako o sya?" Natawa naman sya sa selos na pinairal nito.

"Syempre walang iba kundi ikaw mahal ko. Ikaw lang ang pinakagwapo sa balat ng lupa. And your handsomeness is in my eyes only!" Napakagat labi naman ang nobyo sa cellphone.

"Mahal, namimiss na kita. Gusto ko ng umuwe dyan." Bigla syang nalungkot.

"Eh kaso lilipad ka pa ng California at Japan mahal. Hindi ka pedeng mag-absent." Napatsk naman ang kanyang kasintahan.

"Hay naku. Eh kung ikaw na lang kaya paliparin ko rito mahal. Magkita tayo sa California tapos sabay na tayo sa Japan." Umiling naman sya.

"Si mahal naman o. Sayang naman yung mga binili ko na pampalibang kung pupuntahan pala kita dyan" kanina ay pinicturan nya ang kanyang mga binili at pinakita dito via messenger.

Natuwa naman ang kanyang nobyo dahil nakita nitong nagkakaroon ng libangan ang girlfriend at hindi puro gimik ang inaatupag o panlalake.

Kung usapang loyal at faithful, masasabi nyang mapalad ang nobyo nya sa kanya dahil kahit kailan hindi sya tumingin ng mahalay sa mga lalakeng nakakasalubong niya. Kahit pa sa lalakeng nagligtas sa kanya.

"Mahal, si Savin pala, naisipan kong bigyan natin ng work as bodyguard. Tutal magreretire na naman yung isa mong bodyguard sa company nyo di ba? Wala kasing syang trabaho sa ngayon at sya naman ang nagligtas satin kaya naisip ko na iyon ang ipambawi natin sa kanya." Napahawak naman sa puso ang kanyang nobyo at nakita nya ang malambot na ekspresyon sa mukha nito.

"Napakabait talaga ng nobya ko. Kaya mahal na mahal kita eh. Sige love. Anything just to make you happy. And gusto ko ring makilala yang savior mo love. Makilatis ba kung mas gwapo ba talaga ako dyan." Humalik sya sa laptop at ngumiti rito.

"Ang mahal ko talaga. Thank you baby. Grrr. Namimiss na kita. Ilove you." Nakaramdam sya ng pangungulila dito.

"Ilove you too baby. Sige na mahal. Bukas na ulit. May meeting na ulit kami. Alam mo naman ang time difference natin di ba . Ikaw patulog na at ako aattend na ng conference room para sa meeting." Ilang minuto pa at binaba na nya ang tawag pagkatapos ng mahabang paalaman.

Kahit bitin ang kanilang pag-uusap ay iniipon na lang nya ang kasabikan nya sa kanyang nobyo pagdating nito. Doon na lang niya susulitin ng lahat ng kakulangan nito.

Pagkahiga nya sa kama ay nakarinig naman sya ng notification tone. Tiningnan nya ito at nabasa nya ang forward na message ng secretary ng kanyang nobyo.

Unknown:

Hi Ms. Keira, Good Evening! Vacant pa ba ang hiring for bodyguard? Savin here.

(Yan po ang message ms. Keira. Forward ko po sa inyo.)

Nagreply naman agad sya gamit ang kanyang phone sa number ng kanyang savior.

To Savin:

Hi Savin the savior, yes. Open pa ang bodyguard position. Come to the office tomorrow. Nakasulat na rin dyan sa business card na binigay ko ang address. See you. Goodnight.

Napangiti naman siya at agad na nagmessage sa secretary ng kanyang boyfriend.

Ms. Keira

Savin will come by tomorrow. Kapag dumating na sya. Imessage mo ako. Ako mismo magiinterview sa kanya.

Mr. A:

Noted Ms. Keira. Goodnight.

Ms. Keira:

Thanks. Nyt. 😊

Nabasa nya pa ang reply ni Savin.

Savin the Savior: pagpapalit nya sa pangalan nito sa kanyang phonebook.

Pupunta ako. Thank you. Nyt. 😊

Pagkahiga nya ay agad din syang dinalaw ng antok at agad syang nakatulog.

____________________________________

Kinaumagahan, agad syang lumabas ng bahay kahit madaling araw pa lang at sinubukan na ang kanyang bagong bili na bike. May alam na sya sa pagbabike dahil minsan na rin nyang nahiram ang bike ng kanyang kaklase nung grade school palang sya.

Tinagurian pa nga syang semplang girl dahil panay semplang nya pero hindi sya nagkakasugat dahil kapag alam nyang matutumba sya ay agad nyang bibitawan ang bike. Mabuti na lang at wala syang natatamaang tao sa ginagawa nya.

Nakailang lapse din sya sa pagbabike paikot ng lugar na malapit sa kaniyang bahay. Ang sarap sa feeling kasi ang lamig ng simoy ng hangin na yumayakap sa kanya. Bumalik lang sya ng bahay ng maramdaman na ang init na pumapaso sa kanyang katawan.

Nagpahinga sya ng ilang minuto habang nagpupunas ng pawis at kumain na ng almusal. Alas nuwebe na ng makita nya message ng secretary ng kasintahan na andun na ang kanyang iinterviewhin. Pinapaghintay muna nya ito sa office ng kanyang kasintahan at agad syang nagtungo sa kwarto para maligo.

Nagsuot naman sya ng office attire at nagulat ang mayordoma sa kanyang porma.

"Pupunta pang po ako sa office ni Dale. May iinterviewhin lang ako na empleyado." Hindi na nya hinintay ang sagot nito at agad syang sumakay sa kanyang Favorite na Rolls Royce.

Nagtipa sya ng message sa kanyang nobyo para i-update dito na papunta sya ng office nito at iinterviewhin ang lalakeng nag save sa kanya.

Hindi na nya hinintay ang sagot nito dahil tiyak na tulog pa ito dahil nga sa time differential nila.

Pagdating nya sa company ay agad syang sumakay ng elevator. Bumungad naman agad sa kanya ang secretary ng kanyang kasintahan at sabay nilang tinungo ang office ng nobyo.

"Mr. A, meet our New Bodyguard. Savin Madrigal." Agad nyang saad ng makapasok at tumayo naman ang huli.

Nakita nya ang pagkabigla sa mukha ng secretary ni Dale at agad din namang nahimasmasan at ngumiti sa lalakeng pinakilala nya.

"Don't worry, Mr. A, Dale knows about it. Tutal magreretire na si Kuya Fred. Sya na ang ipapalit ko. Pakitawagan na lang si Kuya Fred para masimulan na ang orientation sa kanya. Give him the benefits na tulad kay kuya Fred okey?" Tumango naman ang secretary at agad naglahad ng kamay sa lalake.

"Congratulations Mr. Savin Madrigal and welcome to Lagdameo Group of Companies." Tinanggap naman ng lalake ang kamay ng secretary at tumango.

"Thank you Sir. I'll do my best. Thank you too Ms. Keira." Nakita naman nya ang kasiyahan sa mata nito at the same time may nakita syang iba pang emosyon sa mata nito pero hindi na nya ito pinansin.

Nang dumating si Kuya Fred ay agad na pinakilala ng secretary ni Dale ito at sinimulan na agad ang orientation.

Napaupo naman sya sa swivel chair at nakatayo lang ang secretary tila naghihintay ng kanyang paliwanag.

"Savin is my savior. Kahapon kasi muntik na akong mabaril at sya ang nagligtas sakin para hindi mangyare yun so bilang pag-bawe naisip ko na bigyan sya ng trabaho dahil napag-alaman ko na wala syang trabaho. Nasabi ko na rin yan kay Dale kaya pumayag sya agad." Napahinga naman ng malalim ang secretary.

"Mabuti na lang at walang nangyare sa inyong masama maam. Kung hindi malalagot ako kay Boss. I understand now. Pero pasensya na Ms Keira kung hindi ko agad maibibigay sa kanya ang full trust. Para kasing may nafefeel ako sa kanya pero dahil sabi mo nga na sya ang nagligtas sayo kaya wala akong pagkontra. Aasikasuhin ko na lang ang contract nya at iba pang benefits from HR." Napangiti naman sya sa saad nito.

"Thank you Mr. A." Yumukod na ito at lumabas na ng kanyang office.

We have a new bodyguard love. Message nya sa kanyang nobyo via messanger. Hindi man ito magreply. Mahalaga ay makapag-update sya rito.

At unti unti ng nawawala ang boredom nya sa pagdaan ng mga araw habang naghihintay sa kanyang kasintahan.