Chereads / My Amazing Girl / Chapter 19 - CHAPTER 19 - THE PARENTS

Chapter 19 - CHAPTER 19 - THE PARENTS

Dedicated to: JimenezNemencio & angelicabinalingbing

Keira Pov:

"T-tito? T-tita? A-anu pong ginagawa nyo rito? Paano p-pong?" Napatayo sya sa upuan na nasa gilid ng kama nito at bago pa man sya makalayo ay naabot na ng kanyang pinsan ang kamay nya at pinisil.

"Ako ang nagpatawag sa kanila insan. Hindi lang sila kundi ang mga magulang mo." Napapikit sya at namamasa na ang kanyang mata. Sa lahat ng ayaw nyang makita ay ang mga magulang nya pero dahil sa kalagayan ng pinsan nya ay kinailangan pa ang presensiya ng mga ito.

Alam nya na kapag narito ang parents ni Lloyd siguradong kabuntot nito ang mga magulang nya at ito ang kinaaayawan nya. Tapos na rin ang tagu-taguan nilang pamilya.

Isang taon at mahigit din. Haist. Napabuntong hininga na lang sya.

Anu ba ang kalagayan ng pinsan nya at bakit kailangang buong pamilya pa dapat ang nandito.

Hindi sya makagalaw sa kanyang kinatatayuan ng muli pang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang kanyang mga magulang.

"Lloyd iho... kamusta ka na?---" natigil ang mga sasabihin ng kanyang ina ng mapadako ang paningin sa kanya.

"Marie, nandito ka lang pala. Mabuti na lamang at narinig namin mula sa mga magulang ni Lloyd na kasama ka nya. Matagal ka na naming hinahanap anak." Wika ng kanyang ina. Aaktong lalapit ito at yayakap sa kanya ng pigilan nya ito.

"Wag kang lalapit." Oo alam nya at matagal na syang hinahanap ng mga ito pero hindi naman sya nagpapahanap kaya bakit kailangan sya nitong hanapin.

"Patawarin mo kami iha. Hindi ka namin dapat pinipilit sa ayaw mong gawin. Patawarin mo kami kung masyado kaming naging gahaman sa pera." Wika naman ng kanyang ama.

"Ma, Pa, alam nyong hindi lang yan ang dahilan kung bakit ko kayo nilayasan. At hindi nyo na kailangan pang malaman. Doon po tayo sa labas mag-usap ng magkaroon ng masinsinan na paguusap din sila tito, tita at si pinsan." Saad nya dito sa malumanay na boses at lumabas ng pinto para hayaan makapag-usap at makapagpahinga na rin ang kanyang pinsan.

"Anak, nagkita na ba kayo ni Savin?" Natigilan sya at lumingon sa kanyang mga magulang. Nakita nya na nagtakip ng bibig ang kanyang ama at hawak hawak ang bewang na siguro'y nagmula sa kurot ng kanyang ina dahil sa kadulasan ng bibig nito.

"Savin? Yung lalakeng nagligtas sakin? Bakit nyo sya kilala? Huwag nyong sabihing may kinalaman kayo sa nangyareng pag-atake sakin ng lalake----" naputol ang kanyang pagsasalita ng marinig ang pamilyar na boses.

"Love? How is Lloyd? Is he getting better?" Lumapit ito sa kanya at agad syang inakbayan.

"Dale Lagdameo?" Narinig nyang sabi ng kanyang ina.

"Kilala mo po sya?" Nagtatakang tingin nya sa kanyang ina.

"Hello po. Tita Isabel at Tito Nilo, Hindi po tayo masyadong nakapag-usap last time sa bahay ni daddy. Anu pong ginagawa nyo rito?" Magalang na saad ng kanyang boyfriend sa kanyang ina.

"Kayong dalawa?" Gulat na saad ng dalawa sa kanyang harapan.

Tumango lamang sya bilang pag amin pero hindi pa rin sya makapaniwala na magkakilala ang kanyang ama't ina at si Dale.

"Yes. She is my girlfriend. Keira." Napansin nya ang pagkislap ng mga mata ng kanyang mga magulang pero isinawalang bahala nya ito.

"Umamin kayo? May kinalaman ba kayo ng araw na iyon?" Muli nyang tanung sa dalawa.

"Hindi mo ba kami ipapakilala sa nobyo mo anak?" Natigilan sya sa tanung ng mga ito.

"Anak?" Nakakunot noo na saad ng kanyang nobyo.

"Dale. They are my parents." Simple at walang gana nyang pagpapakilala sa kanyang nobyo.

Hindi naman umimik si Dale at tumango lamang na lalo nyang ikinabahala.

Nagalit ba ito sa kanya o nagtampo dahil hindi nya pinakilala ito agad sa kanyang mga magulang. Mamaya na lang siguro sya magpapaliwanag.

"Pagod na ako Dale. Kanina pa akong madaling araw gising at wala pa akong pahinga. Ikaw rin simula ng bumalik ka from Japan wala ka pa ring pahinga. Siguro naman magiging okey lang ang dalawa. Kung sasaglit lang tayong uiwe ng bahay." Tumango naman ito at tahimik lang na iginiya sya patungo sa kanilang sasakyan.

Walang lingon likod nya na tinalikuran ang kanyang mga magulang.

"Dale, please take care of our daughter, okey?" Napatigil sya at napansin nyang lumingon ito sa nagsalita nyang ama pero hindi na nya inalam pa kung anu ang reaksyon nito.

Matagal na nyang nakwento kung bakit malamig ang pakikitungo nya sa kanyang parents at kaya rin sya lumayas sa bahay nila kaya hindi na siguro sya tatanungin nito tungkol sa nangyare.

Isa pa may itatanung din sya kay Savin kung kilala ba nito ang mga magulang nya. At kung kasabwat sya ng mga ito para lang magkita muli sila.

Pagdating sa sasakyan ay pinagbuksan sya nito sa passenger seat. Tumigil ito sa gilid nya at tiningnan nya ito.

"Love, hintayin mo lang ako dito. May nakalimutan lang ako sa loob. I-lock mo muna ang pinto ng sasakyan hanggat wala pa ako." Saad nito.

Tumango lang sya bilang pagtugon sa paalam nito. Tumalikod na ito at nagmamadaling pumasok sa loob ng hospital.

Hindi nya namalayan kung ilang minuto nawala sa paningin nya ang kanyang kasintahan kaya ng makarinig sya ng katok ay agad nyang pinagbuksan ito.

Sumakay ito sa driver seat at seryosong binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar ng tamang tama lang. Hindi gaanong mabilis hindi rin gaanong mabagal.

"Love, kamusta na si Bea? Is she alright? Nakapanganak na sya?" Nakakalumbaba syang nakatingin sa labas habang nagsasalita. Hindi nya rin matingnan ito dahil hindi nya rin gusto kung anu man ang magiging reaksyon ng mukha nito.

"She's fine pero hindi pa rin sya nakakapanganak. Walter will informed us about her. Lets take a rest muna, napagod ka rin sa pagbantay sa kanya at alam ko nag aalala ka rin para kay Lloyd." Naiimagine nya na ang mukha nitong seryoso na nakatutok lang sa kalsada at pagod sa himig ng boses nito.

Ipinikit nya ang mga mata. Mabuti naman at hindi na ito nagtanung pa about sa parents nya. Isa rin sa nag-ubos ng kanyang energy kanina. Isa pang ipinagtataka nya ang tinginan nito at ng magulang nya.

Nakaramdam sya ng parang may tinatago ang parents nya sa kanya na involve ang kanyang kasintahan. Nakita rin nya ang gulat na expression sa mga mata ng kanyang magulang at kalauna'y parang nawala lang na parang isang bula ang ekspresyon na iyon sa mata ng mga ito.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit sya lumayas sa puder ng mga ito hindi lang yung bagay na ikinuwento nya kay Dale. Hindi lang iyon. Nagagalit sya sa kanila dahil para itong hindi mga magulang kung bugawin sya. Hindi nya maisip na ang mga ito ay may balak pala syang ipakasal sa isang tao na kailanman hindi nya nakilala. Mga mukhang pera talaga. Nanggagalaiti talaga sya kapag naiisip nya iyon.

Paano nga naman nya makikilala eh hindi naman nya binigyan ng pagkakataon ang sarili na makilala ang mapapangasawa nya. Isa pa bakit andun ito sa bahay ng daddy ni Dale nung araw na pumunta sila dun? Anung relasyon ng mga ito kina Dale? May utang kaya ito na di nila mabayaran kaya ako ang ibebenta nila? At teka si Savin? Anung kinalaman naman ni Savin dito at kilala ito ng mga magulang nya?

Marami syang dapat imbestigahan at marami syang gustong malaman. Nawala na nga sa isip nya kung bakit pati si Doc Alejo ay hindi natatablahan ng kanyang power.

Napadilat sya ng maramdaman ang halik sa kanyang noo ng kanyang kasintahan. Wala naman syang ibang inaasahan kundi ito lang. Naramdaman din nya ang pagtanggal nito sa kanyang seatbelt. Kinusot kusot nya ang mata at pinalibot ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

"We're here Love." Mahina at halatang pagod sa boses nito. Alam nyang inaantok na rin ito. Naramdaman nya ang pagbukas ng pinto sa driver seat at pagsara rin ng pinto.

Nang aakmang bubuksan na nya ang pinto ng passenger seat ay nabigla sya dahil sa pagbukas nito ng pinto kaya ang kamay nya ay dumerecho sa matigas na dibdib nito at ang mga kamay naman nito ay pumulupot sa kanyang bewang. Naamoy nya tuloy ang mabangong samyo ng gamit nitong pabango. Nakakahumaling talaga ang amoy nito. Dinadala sya sa kung saan.

Hindi na sya nagpatumpik tumpik pa dahil namiss din naman nya ang boyfriend nya kaya nagawa nyang ipulupot ang kanyang mga binti sa bewang nito. At kumarga dito.

Naramdaman nya ang higpit ng yakap nito sa kanyang bewang at narinig nya ang pagsarado ng pinto ng sasakyan. Ibinaon nya ang kanyang ulo sa leeg nito at inamoy amoy. Naririnig nya pa ang pagsinghap nito na animo'y nakikiliti sa ginagawa nya.

"Keira! Stop it! Nakikiliti ako!" Saway nito sa kanyang ginagawa. Mas ipinulupot pa nya ang kanyang braso sa leeg nito habang hinahaplos nya ng isa nyang kamay ang buhok nito. Hagod hanggang anit nito ng kanyang kamay. Mas humahalimuyak ang pabango nito sa kanyang ilong.

"You smells good love! Hmmmm. You do know that I always love your scent." At panay ang singhot nya sa leeg nito.

Naramdaman nya na itinaas sya nito at hawak na nito ngayon ang kanyang pang-upo. Nakita nya rin na malapit na sila sa pintuan ng bahay nila. Hindi sya nakuntento at dinilaan nya ang leeg nito.

"You tastes good too!" Pinahid nya naman ng kamay ang naiwan na laway sa leeg nito. Napa-tsk na lang ang kanyang nobyo sa ginawa niya dito.

"Naughty girl!" Nahinto sya sa pagharot ng pagbuksan sila ng kanilang mayordoma.

"Good Evening, Ms. Keira, good evening, Sir. Dumating na po pala kayo from your conference. Ahinan ko po ba kayo ng pagkain?" Umiling lang ang kanyang kasintahan. Nadama nya dahil gumalaw ang leeg nito kung saan nakabaon ang kanyang mukha.

"Mukhang napagod si Ms. Keira ah. Sige po magpahinga na po kayo. Ako na po ang bahala dito sa baba." Saad ng mayordoma.

"Salamat po Manang Ling" naramdaman nya ang muling paglakad nito.

Nang malapit na sa kwarto ay nagpababa na sya pero hindi sya binitawan nito. Tuloy tuloy ito hanggang sa maibaba sya sa malambot na kama. Napaupo sya.

"Magpahinga ka at maligo para makatulog ka na agad." Tumango lang sya habang nakatingin sa pagod pero gwapo pa rin nitong mukha.

Naghihintay sya sa anu pang pede nitong gawin sa kanya pero nakita nyang tumalikod na ito na sya namang ikinabigo nya. Pinanuod lang nya itong buksan at isara ang pinto saka sya humiga.

Napapikit sya at nagtataka sa inakto nito. Kaya napanguso rin sya. Nang mainis ay napaupo sya at umupo ng indian sit at nagkrus ng mga braso.

"Anung problema nun? Kanina lang eh. Hmp." Inis syang umalis ng kama at naglakad patungo sa closet para kumuha ng pantulog at ilang under garments.

Dumerecho na sya sa banyo at binuksan ang heater para makaligo na.

Ilang minuto pa ay nag-umpisa na syang maligo. Andami pa ring umookyupa sa isip nya. Maraming mga tanung ang nabubuo pero hindi naman nya mailabas. Naisip nyang isa isahin ang mga tanung at isusulat nya. Kung hindi nya maicompose sa isip nya bakit hindi nya isulat di ba?

Ilang minuto pa ang ibinabad nya sa shower bago sya tuluyang magdesisyon na tapusin na ang pagligo.

Nang makalabas ng banyo at makapagbihis ay hindi rin naman nya nagawa ang nasa isip nya at agad na ibinalibag ang katawan sa malambot na kama.

Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin sya makatulog. Panay ikot nya at gulo lang sa maayos na kama. Naiinis pa rin sya at hindi mapakali.

Nakaisip sya ng bagay na gusto nyang gawin sa pagkakataong ito. 'Anu na kayang ginagawa ng isang yun sa kabila? Mapuntahan nga. Hmm.' Ani nya sa isip.

Kinuha at niyakap nya ang isang malambot na unan at nagtungo sa pinto. Paglabas nya ng kwarto ay agad nyang tinungo ang kwarto ng kanyang nobyo. Napahiling sya na sana ay hindi naka-lock ang pinto at nagpasalamat sya dahil hindi ito nakalock.

Dahan dahan syang pumasok at naririnig nya pa ang lagaslas ng tubig mula sa shower ng banyo. Naliligo pa ito. Agad syang nagtungo sa mga koleksyon nito na talagang stress reliever nya kapag tinitingnan ito.

Nang wala na syang marinig na lagaslas ng tubig mula sa shower ay mabilis nyang tinungo ang kama nito at humiga. Nagtabon din sya ng kumot para hindi nito mapansin.

Madilim sa kwarto nito kaya hindi mahahalata na andun sya. Narinig nya ang pag-lock ng pinto nito. At alam nyang dederecho pa ito sa closet kaya matagal pa ang hihintayin nya.

Kinabahan sya ng lumiwanag ang paligid at naramdaman nya ang pagbaon ng isang bagay sa kama. Hudyat na naroon ito at nakaupo.

"Hey!" Inalis nito ang kumot na nakatabon sa kanya.

"Hey!" At awkward pa syang ngumiti rito habang nakayakap sa kanyang unan.

"Why are you here?" Nakayuko sya kaya hindi nya makita ang reaksyon ng mukha nito.

"Ahmm... can I sleep here?" Tanung nya na may hiyang tono.

"Pwede naman. Dun ako sa kabilang kwarto." Akma na itong tatayo ng hawakan nya ito sa braso.

"G...gusto ko sana katabi kita. I miss you so much." Napansin nya ang pagtigil nito at akala nya tuluyan na itong tatayo ng bigla na lang nitong tanggalin ang unan na yakap nya at hinawakan ang kanyang chin para iangat paharap dito.

Salit salit ang mga mata nito na nakatitig sa kanya at tumitingin din ito sa labi nya. Iyuyuko na sana nya ang kanyang ulo ng lumapit ito at mabilis syang hinalikan sa labi. Napapikit sya at kusa ring napadilat. Nakita nya ang pagngiti nito pero saglit lang.

Tatayo na sana ito pero napigilan nya ng iyakap nya ang mga braso sa batok nito at halikan ito sa labi.

Napakalambot ng labi nito at nakakamiss talaga ito. Naramdaman nya ang pagpulupot ng mga kamay nito sa bewang nya at may kasama pang pagpisil.

"Oh Keira, how I miss you too." mahina at husky nitong sabi at muling sumunggab ng halik sa kanya. This time ay may halo na itong pagkauhaw at pagnanasa. Kinagat na rin nito ang ibabang labi nya at nagsimulang sakupin ang kalooban ng kanyang bibig.

Tinugon nya rin ito ng may kapanabikan at pagnanasa. Nararamdaman nya pa ang basa nitong buhok na tumutulo sa kanyang katawan.

"Dale... namiss ko to. Namiss kita mahal ko." Naramdaman na lang nya ang pagtulo ng kanyang luha. Nalasahan siguro nito ang iyak nya kaya tumigil ito sa paghalik at pinahiran ang kanyang pisngi na may luha.

"What's wrong mahal ko? Why are you crying?" Habang patuloy pa rin sa pag-agos ng luha ang kanyang mga mata at patuloy naman din itong pinapahid ang kanyang mga luha.

"Kasi naman nakakainis ka love kanina. Akala ko galit ka sakin or what so ever. Bigla mo na lang akong tinalikuran kanina." Napahinga ito ng malalim.

"Akala ko kasi pagod ka, you told me earlier sa harap ng parents mo na simula kaninang madaling araw ka pa gising kaya gusto kitang magpahinga. And don't worry I sense your naughtiness kanina pero dahil gusto ko magpahinga ka kaya pinigilan ko sarili ko." Napailing sya sa rason nito. Yun pala ang nasa isip nito.

"Kahit kiss di mo ko ginawaran kanina. Nakakatampo. Hmp" bigla naman syang nag-kibit ng balikat.

"Ang mahal ko talaga. So Childish! Sorry love. I want you to take a rest kasi but thank you kasi pinuntahan mo ako dito para linawin yung misunderstanding natin." Umiling ulit sya.

"Nope. I came here because I want to sleep with you." Nanlaki naman ang mga mata nito. Halatang nagulat sa sinabi nya.

"Sleep love. Sleep. No more than that. Ikaw ang dumi ng isip mo." Sabay tapik nya sa noo nito.

Napakagat naman ito ng labi at umibabaw sa kanya na ikinagulat nya. Sinamahan pa ng pagngisi nito na dumagdag sa kagwapuhan nitong angkin.

"And what make you think na tulog lang talaga ang gagawin natin. I don't believe in that. An opposite sex sleep together na walang gagawin? Spill it love." Nakangisi nitong saad.

"Yeah... i know that. Pero dahil ilang weeks na tayong di nagkikita. I want to sleep with you po. Other than that ikaw po ang bahala. Namiss ko itong kiss nating ito. Naalala mo nung una nating pagkikita tapos nung pagbaba natin sa elevator. Hinalikan mo ko nun. Hanggang sa marating natin ang parking ground." Nakita nya ang pagsilay sa ngiti nito. Halatang naalala ang kwento nya.

"Yeah. I remember that. Natatandaan mo pa iyon? Ang talas talaga ng memorya mo. Parang ang tagal na natin mahal nu? Ilang years na ba tayo?" Napapakamot sa ulo nito.

"Ilang years ka dyan. Months pa lang. Eh manganganak palang si Bea oh. Siguro ilang buwan na lang at anniversary na natin. May question ako love." Niyakap nya ito at naramdaman nyang wala pa pala itong saplot.

Naramdaman nya ang paginit ng kanyang pisngi dahil dito.

"What is it?" Nakaupo lang sila kaya hindi masyadong malapit ang pagkakayakap nya rito.

"Magbihis ka nga. Nakakailang makipag-usap ng wala kang saplot. Kaloka akala ko nakapagbihis ka na." Tapik nya sa likod nito.

"Later after your question. Kanina pa tayo magkayakapan di mo napansin na nakatapis lang ako." Tumatawa nitong sabi.

"Sige na nga.. anu kasi... anu...Paano kung dumating ang fiancee na sinasabi ng daddy mo? Paano kung matagpuan na sya? Paano ako? Paano tayo?" Naramdaman nya na lang ang pagtigil nito at paghiwalay nito sa yakap nya.

Parang nagsisi tuloy sya na tinanung nya pa ito. Nagbago tuloy ang ambiance sa pagitan nila.

"Sorry, hindi ko na lang po sana tinanung alam ko naman na kapag dumating sya, alam ko na wala na akong lugar sa buhay mo." May himig sya ng lungkot sa pagkakasabi. At natigilan sa sarili. Bakit nya pa sinegundahan ng ganun. Ang drama ng buhay.

"Keira! Please. Hindi ko gusto ang patutunguhan ng topic na ito. Can we please change it na lang? Hindi rin ako handa kapag nangyare yun. Hindi ko alam ang kasagutan sa tinatanung mo." Tumayo ito at nakita nya pa ng tuluyan ang nakatapis lang ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan nito. Tumungo ito sa closet para siguro magbihis.

"Sorry. Hindi ko na lang sana tinanung" sa mahina nyang sabi.

"Bakit mo naman natanung yung bagay na yun?" Narinig nyang sabi nito habang nakatalikod sa kanya.

"Bigla lang po na pumasok sa isip ko. Sorry mahal. Hindi na po ako magtatanung pero sana kung dumating man iyong bagay na iyon. Handa tayo parehas. Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa parents ko?" Nagpatuloy itong naglakad patungo sa closet nito nang hindi sinasagot ang sinabi nya.

Wala syang nagawa kung hindi hintayin ito na lumapit sa kanya. Pero ilang minuto at oras na rin ang lumipas pero walang Dale na bumalik sa kanyang hinihigaan.

Napatalikod na lang sya at pinilit na makatulog. Naiinis sya sa inaakto ni Dale. Pero tulad nito ay may nililihim din naman sya dito. Pero hindi naman nito dapat malaman pa iyon dahil kung sya lang ay kaya nyang ipaglaban ito. Hinding hindi nya ipagpapalit ito sa kahit sino pang poncio pilato na Fiance na ipakikilala sa kanya.

Pero anung laban nya. Ni hindi naman nagpopropose pa sa kanya ang nobyo nya at malabo sila ngayon. Diniinan nya ang pagpikit at may butil ng luha ang kumawala sa kanyang mga mata.

Ilang saglit lang at naramdaman nya na may tumabi sa kanya hindi nya alam kung panaginip o totoo pero naamoy nya ang amoy nito at naramdaman nya ang pagyakap nito sa kanyang bewang. May binanggit ito pero hindi na rin nya masyadong marinig dahil nalamon na sya ng antok.