Dedicated to: user83514485 & CharieCala
Dale POV:
"Are you sure? Dito magkikita yung dalawa?" Paniniguro nya na tanung sa napili nyang mag-espiya sa kanyang ama at kay Savin.
Hindi naman sana sya pupunta kung hindi lang dahil sa sinabi nito. Kagagaling lang niya kahapon sa date nila ng kanyang kasintahan at agad na nabasa nya ang message nito sa kanyang cellphone kaya agad syang naoccupied ng ganitong bagay.
Hindi naman nya pwedeng sabihin sa kanyang nobya at baka simulan pa ng kanilang pag-aaway dahil sa kawalan nya ng tiwala sa napili nitong bodyguard.
"Yes Sir. Lets wait a little longer" tanging nasabi lang nito na ikinatango nya at nagsimula syang mag-type sa kanyang cellphone.
Gusto muna nyang maging handa kung makita nga nya ng harapan ang pagkikita nito at ng kanyang ama.
Ilang minuto lang ang lumipas at may nakita na sya sa bintana na humintong sasakyan. Nakilala nya agad ito dahil ito lang naman ang gamit ng ama nya kapag makikipagkita sa kanya.
Ilang minuto rin ang lumipas at may dumating na nakamotor at all black ang suot nito. Halata ring hindi pinapakita ang mukha dahil pagkatanggal ng helmet nito ay may nakasuot dito na face mask at nagsuot din ng sumbrero.
Napalingon sa kanyang banda ang lalake kaya bago pa man ito makatingin sa kanya ay nagbukas sya ng newspaper na halos itakip na sa mukha nya.
"Sir. Huwag po kayong obvious. Mahahalata po tayo niyan." Pabulong na saad ng kanyang kaharap.
"Paano natin malalaman ang pinaguusapan nila?" Napangisi ito at tumayo.
Nakita nya pang bumangga ito sa naglalakad na lalakeng naka-mask at agad na humingi ito ng depensa. Napansin din nyang dumerecho ang kasama nya sa restroom.
Nakita nyang nakaupo na ang dalawa sa isang patagong banda ng restaurant. Kaya di nya mabanaagan ang mga mukha nito.
Maya-maya rin ay lumapit na ang kanyang kasama at may binigay sa kanya na wireless earpod. Hindi na sya nagtanung at agad nyang nilagay sa kanyang tenga. Maya maya rin ay narinig na nyang nagsalita ang kanyang ama.
"What do you want to eat?" Napakunot sya ng noo ng para itong nakikipagusap sa kanya nung maayos pa ang kanilang relasyon bilang mag-ama. Mas inayos nya ang earphone sa kanyang tenga para mas marinig nyang maigi ang usapan.
"Kahit anu... hindi naman ako mapili katulad ng isa nyong anak." Naiinis sya sa boses ng lalakeng kumakausap sa kanyang ama. Kung makapagsalita anak din sya nito.
"Anak? Anu bang dapat kong gawin para lang mapatawad mo na ako at matanggap mo na ako ang iyong ama?" Mas natinag sya sa narinig. 'Si Savin? Kapatid nya? Paano? Ni hindi nga nya makita na mukha nya ito. Baka ampon sya? No way!!!'. Inis nyang saad sa sarili.
Napatitig din sya sa kanyang kaharap na mukhang alam na rin ang tinatago ng baho ng kanilang pamilya at maging sya ay nagulat din sa nalamang sekreto.
"Can you please don't call me as if naging mabuti kang ama sa akin at asawa saking ina? I just want to tell you something kaya ginusto ko rin makipagkita sayo." Naging seryoso ang pananalita nito.
Hindi nagsalita ang kanyang ama ni hindi rin nya ma-imagine kung anung reaksyon nito pero dahil na rin sa pagsisimulang magsalita ng lalake na kausap nito ay malamang na tumango ito.
"Totoo ba ang nalaman ko tungkol sa fiancee ni Dale?" Hindi na naman nya narinig ang tugon ng kanyang ama rito.
Hindi na sya mapakali sa kanyang upuan at halos hindi na nya maidikit ang kanyang pang-upo sa kanyang upuan dahil gusto na nyang sugurin ang mga ito.
Natigilan sya ng marinig ang pangalan ng kanyang girlfriend. At napatigil sya at unti unti inilapat ang kanyang pang-upo sa upuan upang makinig ng mabuti sa pinaguusapan ng dalawa.
"Did he know this? Did he know that Keira is his fiancee in the first place?" Puro lang boses nito ang kanyang naririnig pero isa lang ang nagpatigil sa kanya, kundi ang rebelasyon na si Keira ang fiancee nya.
"If not, would you give her to me? Would you give Keira for me para sa kabayaran ng mga kasalanan mo sa akin?" Napalunok sya sa kanyang narinig.
Keira is his girlfriend. Why should he give Keira to him. Keira is not a thing. At si Keira lang ang importante sa buhay nya na hinding hindi nya ibibigay kahit pa sa nasasabing kapatid nya 'raw'.
"Then... if Dale wouldn't agree with that? What would you do? Would you rather give all your possessions to me instead?" Naririnig nya pa rin ang boses nito. Pero hindi na sya nakapagpigil at tumayo na sya para puntahan ang mga ito.
Ngunit bago pa lang sya makarating ay nakita na nyang nakatalikod na ang dalawa at nakalabas na ang mga ito.
Nais man nyang habulin ang dalawa pero naisip rin nya ang mangyayare kung magkakaroon agad ng confrontation sa pagitan nila pero hindi nya nagustuhan ang narinig, mukhang gusto ng lalake na nalaman nyang kapatid niya pala ay ang tungkol sa kanyang kasintahan.
Nanlulumo siyang napasakay sa kanyang kotse at agad na binagtas ang daan pauwe. Ni hindi na rin nya naisip ang kasama nya dahil masyadong okyupado ang kanyang isip.
Tinawagan na lamang nya ang kanyang secretary para sabihin na hindi na sya makakabalik sa office at pina-cancel nya lahat ng appointment nya ng hapon.
Kung hindi nya maibibigay si Keira paano naman nya bubuhayin ito kung wala na ang lahat sa kanya ngunit iniling nya ang kanyang ulo dahil hinding hindi mangyayare nun. Ni isang kusing walang naibigay sa kanya ang kanyang ama para mapalago ang kanyang business, lahat halos utang sa banko na nabayaran rin nya ng ilang taon. Wala syang utang na loob sa kanyang ama. Wala! Napapalo sya sa manibela at inilapat ang ulo rito dahil sa inis. Hindi pa sya nasiyahan at napasabunot pa sya sa kanyang ulo.
Napatigil lang ang pag-sesenti nya ng may tumawag sa kanyang phone. Nakaregister ang pangalan ni Savin.
Huminga sya ng malalim at binalik ang pagiging CEO- mode.
"Yes Savin! Any news about the task I gave you?" Professional and maawtoridad nyang saad ng sagutin nya ang tawag nito.
"Can we meet? I have to talk to you." Kaya ba nyang makipagkita dito? Parang di nya kayang harapin ito kahit pa maging CEO mode sya rito.
"You can say it here. Im busy right now." Napabuntong hininga ito sa kabilang linya at mukhang malaki ang problema nito. Ito pa talaga ang may problema samantalang sya nga ang pinaglihiman ng kanyang ama.
"If you're busy now then will meet tomorrow at your office. Ill be there by 7am." Na-relief sya sa sinabi nito mukhang magkapatid nga sila dahil parehas sila ng nararamdaman ngayon.
"Okey. Got it. Bye" hindi na nya hinintay pa ang sasabihin nito at agad na ibinaba na niya ang tawag.
Bago pa man nya buhayin ang makina ng kanyang sasakyan ay nakarinig muli sya ng tawag at nakita nyang nakaregister ang pangalan ng kanyang kasintahan.
Agad nya itong sinagot at natuwa sya ng marinig ang boses nito na parang gustong gusto na nyang umuwe at yakapin ito sa kanyang bisig.
"Hey love! Hows your day?" Saad nito sa kabilang linya.
"Im not okey love. Im so tired. I want to be in your arms again." Naglalambing nyang saad dito.
"Ooh, naglalambing ang mahal ko. What do you want me to cook for you for dinner?" Lunch palang at hindi nito alam na uuwe na sya ng maaga.
"Nah, I want you to make a Bento."
Napa-shock ito sa kabilang linya na ikinatawa nya.
"Why love? Shocks that Im going home for lunch?" Nakangiti nyang saad na animo'y kausap nya lang sa kanyang harapan.
"Nah! Im actually here at the mall, supermarket specifically. Im buying some food for our dinner. But you said you want a bento then I'll go buy ingredients and cook for you." Nanlambot ang puso nya. Ansarap talagang pakinggan ng boses ng mahal nya.
"I'll come and pick you. Give me the details of the place and Wait for me there."
"I brought the pick up truck with me."
"Don't worry, I tell my secretary to pick up the car. He has a duplicate key. Just wait for me there. Im on my way." Narinig nyang tumawa ito.
"Whats funny love?" Napakunot ang noo nya.
"Nah, you all have the means mahal. Walang excuses sayo. Pag gusto mo gagawin mo." Nagtaka sya.
"Ganun ba talaga ako?" Tanung nya sa rito ng painosente.
"Yeah. Kaya mo nga ako nakuha di ba? Kasi you all have that means?" Napakamot sya sa ulo.
"You are Mine Keira. Kaya gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lang." napa-tsk ito sa kabilang linya.
"Sa'yo naman talaga ako mahal ah. I am all yours love. Wala namang umaagaw. Sige na mag-ingat ka sa pagdrive mo. Na-message ko na ang details. I love you Dale!" sweet nitong banggit.
"I love you too Keira" saad niya rito at ibinaba na ang tawag. Binasa nya ang details at agad na binuksan ang makina ng sasakyan at binagtas ang daan patungo sa address na sinaad nito sa message.
Wala pang ilang minuto ay narating nya ang mall na sinaad nito, malapit lang ito mg kaunti sa kanilang masyon. Bumaba sya at agad na nasipat ang babaeng pinakamamahal nya.
Nakatalikod ito at agad syang bumaba ng sasakyan pagkatapos nyang magpark at itinakbo patungo sa kinaroroonan ng kanyang kasintahan.
Niyakap nya ito mula sa likod. Bahagya namang nagulat at nanigas ang kanyang kasintahan ngunit ng mapagtanto nito ang pabango nya ay humawak din ito ng mahigpit sa kanyang mga kamay na nakapulupot sa bewang nito.
"I miss you love!" Humarap ito para salubungin sya ng mas mahigpit na yakap.
"Awww... ang sweet ng mahal ko. Imiss you too." Matagal din bago sila naghiwalay mula sa yakap at agad nyang kinuha ang mga pinamili nito at tumungo sa kanyang sasakyan.
Nang makasakay na sila parehas ay agad nya itong hinalikan sa labi.
"I have a secret. You want me to tell you?" Pagumpisa nya rito.
"Hmm... if you want to tell me, fine but If you are not ready yet then I'll respect it." Saad nito habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay.
"Hindi ka ba curious sa nalaman kong secret?" Napailing ito pero makikita sa mata nito na gusto pa rin nitong malaman.
Hinalikan nya ang tungki ng ilong nito.
"Ikaw talaga. Okay, I want you to know na kilala ko na ang fiancee ko na sinasabi ng daddy ko." Napatahimik ito at naramdaman nya ang unti unting pagbitaw nito sa kamay nya ngunit hindi nya hinayaan na bumitaw ito kaya naman sya na ang humawak ng mahigpit dito.
"Aren't you curious about my fiancee?" Nakita nya ang kalungkutan sa mga mata nito.
Hindi nya rin gusto na paglihiman pa ito. At gusto nya na sa kanya magmumula ang mga nalaman nyang sekreto kesa sa iba pa nito malaman ang lahat.
"Don't be sad love. Dahil ang fiancee ko ay matagal ko na palang kasama at girlfriend ko pa sya. ayaw mo nun?" Napakunot ang noo nito at halatang pinagtatagpi tagpi ang sinabi nya.
Nakitaan nya ang pagkagulat dito. At sa mga mata nito makikita ang pagkislap at pagbabago ng ekspresyon nito from sadness to happiness.
"You mean?" Bilog na bilog ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"Yes, you are my fiancee" napakagat labi ito at agad na yumakap sa kanya.
"I can't believe it. Dahil kung panaginip lang ito ayoko ng gumising mahal." Narinig nya ang paghikbi nito sa kanyang balikat.
"Why are you crying? Aren't you happy?" Napahigpit ang yakap nya rito.
"No! I really am so happy! Hindi lang ako makapaniwala na sayo pala ako gustong gusto ibugaw ng mga magulang ko." Nagpalahaw na ito.
"Alam mong galit na galit ako sa kanila at naglayas dahil akala ko sa MMMM nila ako ibibigay." Natawa sya kahit puno na rin ng luha ang kanyang mga mata.
" anung MMMM mahal?" Natanung nya pa.
"Matandang Mayamang Malapit ng Mamatay" nagkatawanan pa sila dahil sa kanyang narinig.
"Sobra mahal. Hindi ko alam that were destined talaga for each other."
" yes ako rin kaya nagulat ako at the same time natuwa ng marinig ko yun."
"Kanino mo po narinig?" Mukhang hindi sya handa na sabihin iyon pero andito na, corner na sya kaya dapat sabihin na nya ang lahat dito at wala na syang lihim pang maitatago dito.
"Kay dad at Savin, I hired Savin as my spy kay daddy and iyon ang narinig ko." Di nya pa rin talaga masabi ang about kay Savin na kapatid nya ito dahil iyon ang sekretong ayaw nya pang paniwalaan. Gusto nya marinig mula sa kanyang ama.
"Ohhh really. Nga pala nagpakita sakin si Savin kanina and He---" natigilan ito ng bigla nyang halikan ito.
"Uhmm... Dale.." mas lumalim pa ang halik at lalong naging mapusok siya ng ipasok nya ang kanyang dila sa bibig nito at maging ang kanyang kamay ay naging mapaglaro.
"Ohhh... Dale.." panay sambit nito sa pangalan nya. Nadadarang dahil sa ginagawa nya.
Gusto nya pa sanang lumalim pa ang kanilang ginagawa ng may bumusina sa likuran nila. Mukhang lalabas na rin ng parking.
Parehas silang napatawa at agad na binuhay niya ang makina ng sasakyan at binagtas ang daan pauwe sa kanilang tahanan.
Life is very unpredictable but its amazing. Sa lahat pa ng magiging fiancee nya ay ang girlfriend nya na pala. At sa lahat ng magiging kapatid nya ay si Savin pa.
Hindi man kapanipaniwala at parang nais nyang kurutin ang sariling pisngi para masabing totoo ito at hindi lang sya nananaginip. Napakasaya niya. Napakasaya nito. Napakasaya nilang umuwe ng bahay.
Nagluto nga ng bento ang kanyang kasintahan at sabay silang nananghalian. Pagkatapos ay sabay rin sipang naghugas ng pinggan. Maraming laro bago natapos ang kanilang ginagawa at marami ring panakaw na halikan at yakapan.
Mabuti na lamang at nakaday-off ang kanyang mayordoma ng hindi sila mahuli na naglalampungan at baka masabihan silang malalandi.
Pagkatapos ay nanuod sila ng movie sa entertainment room. Nakahiga ang kanyang nobya sa kanyang lap habang kumakain ng popcorn. Sinusubuan naman sya nito ng popcorn at parehas na tumatawa, umiiyak at naiinis sa kanilang mala-roller coaster na pinapanuod.
Nang mag-gabi ay nag-order na lamang sila ng pizza at steak sa kilalang restaurant nag-dinner sila in bed. Nang matapos ay tinabi lang nila ang mga pagkain sa lapag at magkayakap na nagkukuwentuhan.
"Di ko talaga mapaniwalaan na ikaw ang fiancee ko. Alam mo ba na balak kong magtago sa kanya at magpakasal na sayo. Kung tatanungin mo agad ako." Wala talaga syang masabi sa kanyang kasintahan. Napaka-blunt magsalita ng nararamdaman.
"Ganyan talaga gagawin mo sa fiance mo? Siguro ako kung nalaman ko na iba ang fiancee ko, syempre yayayain na kitang pakasalan agad dahil gusto ko ikaw lang talaga at wala ng iba." At niyakap nya ito ng mahigpit.
"Napakasweet talaga ng mahal ko."
"Pakasal na kaya tayo?"
"Where's the ring?" Itinaas nito ang kamay para sabihin na 'put the ring on it"
Natameme sya at natawa sa ginawa nito.
"Wait for a minute." At nagdial sya sa kanyang phone ngunit natigilan sya ng binaba nito.
"Anung gagawin mo?"
"Tatawagan ko si Aey para sabihing magdala ng mga singsing dito para papiliin ka."
Agad syang tinampal nito sa kamay.
"Ikaw talaga love hindi ka nawawalan ng mga paraan. Wala akong narinig sayo ni minsan na 'mahal bukas. Or mahal mangyayare din yan in due time."
"Love, kilala mo naman ako di ba? Basta sayo. Lahat gagawin ko dahil ayaw po kita madisappoint." Hinalikan siya nito sa labi at napaaray sya ng kinagat nito ng bahagya ang kanyang labi.
"Naughty girl!" Nagpatuloy ito sa pagpapak sa labi nya and it turns him on. Kaya unti unti ay sinagot nya ang halik nito. Gumanti sya at kinagat din nya ng bahagya ang ilalim na labi nito na ikinabuka ng labi nito. Naipasok nya ang kanyang dila at nagkaespadahan ang mga ito. Mas lumalim pa ang kanilang ginagawa hanggang sa namalayan na lang nya na nasa itaas na sya at nasa ilalim nya ito.
Nagkatitigan sila at makikita sa kanilang dalawa ang pagnanais na makaniig na ang isa't isa. Nakikita ang apoy na lalong lumalagablab sa labis na kalapitan ng kanilang katawan.
Pero bago pa man sila dumating sa climax ay may tumawag sa kanyang phone.
"Answer it love." Saad nito.
"Istorbo eh!" Inis nyang saad.
"Kahit tingnan mo lang." Pagpilit pa rin nito.
Umalis sya sa ibabaw nito at kinuha ang phone. Nanlaki ang mata nya ng makitang nakaregister ang ama nya. Napakunot ang noo niya bakit ito tumatawag sa dis-oras ng gabi.
"Who is it?" Narinig nyang saad ng kanyang nobya.
"Its my dad." Disappointed pero kalmado pa rin ang salita.
"Answer it. Im okey." Napailing sya.
"But Im not okey with it love. Bitin pa ako." Napakagat labi ito sa harapan nya and it turns him on desperately.
"Grrr... lets continue it later. Come on pick it up." Kaya wala na syang nagawa at sinagot na ang tawag ngunit mas ipinagtaka nya na babae ang nagsalita sa kabilang linya.
"Who are you? Where's my dad?" Narinig nya ang pagbuntong hininga sa kabilang linya.
"Its me son. Your mom!" Para syang nabuhusan ng yelo o nitrogen na lang sa kanyang ulo. Nanigas ang buo nyang katawan. Hindi nya alam ang gagawin. Is it true? Her long lost mommy? Came back to life?
"Are you kidding me? My mom is dead!" Narinig nya ang paghikbi sa kabilang linya.
"Son. Its me your mom. Please believe in me. I plead on you." Napaupo sya sa gilid ng kama at kinalma ang sarili.
"I want to talk to my dad. Where is he?!" Malapit na syang mabaliw. Malapit na syang masiraan ng ulo.
Overloaded na ang isipan at puso nya sa nalaman nya ngayong araw na ito. At dumagdag pa itong isang ito. Hindi ba ako pede magpahinga muna. Kailangan sunod sunod na rebelasyon. Sige na ilahat nyo na ngayong araw na ito.
"He... he is in the hospital. Inatake sya sa puso kanina. When I came. We had a fight and now he is in ER."
"Where? Can you please give me the details. I'll go there!" At binaba na nya ang phone. Napasabunot sya sa kanyang buhok. Bakit nangyayare ang mga ito. Kung anung swerte nya sa pagibig at career syang bagsak nya sa kanyang pamilya.
"Love what happened?!" Pag aalalang saad ng kanyang magandang kasintahan.
"My...my... mom.. she came back!" Nagulat din ito at agad na yumakap mula sa likod nya. Alam nito ang past nya. alam nito ang nangyare sa kanilang pamilya. Pero mas marami pa itong di nalalaman sa baho ng kanilang pamilya. Kaya di nya pa maisaad dito ng buong detalye.
"Dad is in the hospital. Love. I dont know what to do. Overloaded na ako. Parang mababaliw na ako sa mga nalalaman ko ngayon. I really dont know what to do." Napapailing na lang sya habang sapo ang noo.
Napansin nyang kinuha nito ang cellphone nya at mukhang may binasa dun. Tumayo ito at agad na inayos ang sarili.
"Where are you going? Are you going to leave me?" Parang di nya kakayanin kung mawawala lalo ito sa buhay nya.
Natatakot na syang mag-isa muli.
"No. The right question is where are we going love? Because you dont need to sit there. I've red a message and it indicates here the name of the hospital. I drive for you there dahil alam kong di mo kaya. Alam kong wala ka sa huwisyo para magdrive at alam ko rin na gustong gusto mo ng makita ang iyong ina. Kaya anu pang ginagawa mo dyan. Lets go." Napahinga syang malalim dahil ito lang ang kaisa isang babaeng nakakaintindi sa kanya. Napakasarap makatagpo ng babaeng mahal sya at iintindihin sya sa ganitong punto ng kanyang buhay.
Kaya naman niyakap nya ito ng mahigpit. At humagulhol. Wala na syang pakialam kung ipakita nya pa ulit ang weakness nya bilang isang lalake.
"Hush now baby. I love you. " habang hinahaplos nito ang kanyang likod.
Matagal rin bago sila maghiwalay sa yakap. At nag ayos na sila at nagtungo sa sasakyan. Sedan ang gamit nila na car ngayon dahil para lang sa work nya ang sasakyan nya at baka masundan pa ng media.
Halo halo ang emosyon na dumadapo sa kanya. Iniisip pa lang nya na anjan na ang kanyang ina ay parang gusto na nyang liparin ang sasakyan na dinadrive ng kanyang girlfriend ngunit nagpigil sya at hinayaan na lang sa kamay ng kanyang kasintahan ang pagmamaneho. Sobrang palad nya sa girlfriend nya kaya never nyang ibibigay ito sa kapatid nya. Never!