Dedicated To: JenEfer0880 & GeraldineBasilides
Keira POV:
Sobrang kainipan ay napagdesisyunan ni Keira na magbike paikot ng village para kung sakaling dumating ang kanyang kasintahan ay makita nya agad ito.
Ilalabas pa lang nya ang kanyang bike ng makasalubong nya rin ang sasakyan nito papasok ng gate.
Napatigil sya at kumaway dito. Huminto ito at nagsenyas na lumapit sya rito. Sa sobrang excited nya makalapit dito ay iniwan lang nya ang bike sa tabi at agad naglakad ng mabilis patungo sa kinaroroonan nito.
"Where are you going?" Tanung nito sa kanya ng tuluyan na syang makapasok sa loob.
"Naisip ko kung matatagalan ka pa, magbabike muna ako paikot ng village. But then you came just right in time." Masaya nyang pagpaaliwanag dito.
Ngumiti naman ito at agad na sinalubungan sya ng mabilis na halik sa kanyang labi.
Pinalo nya ito sa gulat.
"Dale! Anu ba? Ang pilyo mo talaga! Di pa ako naliligo. Nakakahiya!" Napakagat labi naman ang kanyang nobyo na halatang inaasar lang sya.
"I miss you Keira! At hindi ka pa maligo ng ilang araw, linggo, buwan at taon hahalikan pa rin kita" ngumiti lang sya ng pang uyam dito at humarap sa bintana at ngumingiti-ngiti dahil nasisiyahan sya sa narinig mula sa kanyang nobyo.
"Bakit pala hindi ka pa naliligo?" 'Tingnan mo to, kakasabi nya lang na okey lang sa kanya kahot di ako maligo ngayon naman nagtatanung bakit di ako naligo' saad nya sa kanya isip kaya bigla syang napalingon dito ng marinig ang tinanung nito. Nakita nya pang binuhay muli nito ang makina. At ganun na lang ang panlalaki ng mata nya ng maramdaman na hindi pala sila bababa ng sasakyan.
"Wait! Where are we going?" Pigil nya sa braso nito.
"We're going on a date! Di ba I told you na maghalfday lang ako?" Nagdrive ulit ito ng paatras.
"Pero hindi pa ako naliligo!" Nakanguso nitong sabi.
Nang makaatras ang sasakyan at mailabas na ng gate ay tumigil ito at ngumiti ng talagang nakakaasar.
"Its not my fault then!" Dahil sa sinabi nito ay napanguso lalo sya at nagkibit balikat.
"Don't worry love. Mabango ka pa rin naman at maganda sa paningin ko." At pagkasabi nun ay agad na pinaandar na nito ang sasakyan.
"Grrrrrr!" Ang tangi na lamang nyang nasabi sa sobrang inis at tumingin sa gilid ng bintana. Gusto na nyang kagatin ito. Nagtitimpi lang sya.
Lalo syang naasar ng marinig pa ang mala-demonyito nitong tawa.
-----------------------------------------
Nagising na lang si Keira ramdam ang malambot na labi ng kanyang nobyo.
"Wake up sleeping beauty!" Rinig nyang saad nito sa kanya.
"Kanina ka pa? Halik ka ng halik. Nakakarami ka na ah!" Sabay takip nya sa kanyang bibig at huminga sya para malaman kung mabaho ba ang hininga nya.
"Don't worry love! Fresh pa rin ang hininga. And I love it!" As if on cue narinig nito ang sinasabi ng utak nya. Napatingin sya sa paligid at nasa isang parking lot sila.
"Tsk! Where are we?" Saad nya kahit may konting inis sa inaakto ng boyfriend but deep inside kinikilig sya sa mga sweet gesture nito na ginagawa sa kanya.
"Sa hotel" nanlaki ang mata nya at nagulat sa narinig.
"Are you crazy? Ang manyak mo talaga!" Natatawa at halata ang amusement sa mata ng kanyang boyfriend habang nakatingin sa kanya.
"Kapag ba nasa hotel yun agad ang gagawin hindi ba pwedeng maliligo lang at kakain?" Nakaramdam naman sya ng init sa pagkapahiya sa narinig mula dito.
'Tsk, dyan ka na nga! Kainis to.' Bulong nya sa sarili. Kahit man lang sa isip ay makapagvent sya ng inis.
Nanahimik na lang sya at nang lalabas na sya ay pinigilan sya nito ng hawakan sya sa kanyang braso.
"Kanina ka pa naaasar sakin? Meron ka ba?" At doon sya natawa hindi lang dahil sa tanung nito maging sa reaksyon pa ng mukha nito na animo'y inaway na bata at gustong makipagbati.
"So what's funny" ngayon ito naman ang naaasar. Bagay nga sila.
"Nothing. Yang mukha mo kasi parang ewan" patuloy pa rin sya sa pagtawa.
"Mukhang nasa mood ka na ah" bumalik ito sa pagiging seryoso but this time mas light na ito at hindi na nagtatampo.
"O akala ko galit ka?" Pagbabalik nya sa pagtatampo nito kanina.
"Well hindi na ngayon. Nakita na kitang tumawa. That's enough! Halika nga rito." Hinila sya nito at niyakap sya ng mahigpit.
Yumakap din naman sya rito kahit pa alam nyang di pa sya naliligo. Sabi naman nito mahal pa rin naman sya nito kahit ilang araw, linggo, buwan at taon pa syang walang ligo. At hindi rin naman nya gusto na masira pa ang maganda atmosphere sa pagitan nilang dalawa.
Nang tumagal anv pagyayakapan ay lumayo ito at humawak sa kanyang braso. Napapikit sya ng unti unting lumalapit ang mukha nito sa kanya. Dahil sa anticipation na hahalikan sya nito ay mas nasabik sya sa gagawin nito pero ni hindi man lang dumampi ang labi nito kundi narinig nya ang pagsinghot singhot nito. Kaya napadilat sya at tiningnan ang ginagawa nito.
"Naaamoy mo ba yun?" Pati sya ay nakisinghot wala naman syang naaamoy.
"Anung naaamoy mo?" Nakakunot ang noo niya sa ginagawa pa rin nito.
"Amoy...." matagal bago ito nagsalita at ng makita nya ang nagbabadyang ngiti sa mga labi nito ay agad syang humiwalay dito at agad na binuksan ang pintuan ng sasakyan.
"Ewan ko sayo Dale! Kakainis to! Makakabawe rin ako sayo." Inis nyang saad ng makalabas na sya ng sasakyan.
"Love naman... hindi pa nga ako tapos sa sasabihin ko eh." Alam nyang hinahabol sya nito kaya lakad takbo ang ginagawa nya.
"Heh. Magtigil ka dyan. Alam ko mabaho ako pero di mo naman sinasabi ang totoo." Kunwari nyang inis dito.
"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin Mahal." Naramdaman na lang nya ang pagtabi nito sa kanya.
"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!" Padabog nyang lakad papasok ng hotel.
Nang makapasok sila ng hotel ay nagbow ang mga tao at malugod silang binati.
"Good Morning Ma'am, Sir!" Sabay sabay na bati ng mga tao na nakauniporme ng reception at bell boy sa kanila.
Napatango naman sya at ngumiti.
Lumapit naman itong nobyo nya sa receptionist at narinig nyang may nireserve itong room para sa kanila.
"Reserve for Mr. Lagdameo, please. Thank you." Ngumit naman ang receptionist at agad na binigay ang susi sa kanila.
Sinundan nya lang ang kanyang nobyo hanggang sa makasakay sila sa isang magarang elevator.
"Anung gagawin natin dito?" Nagwink lang sa kanya ang kanyang nobyo at hinawakan ang kanyang kamay.
Medyo matagal bago tumunog ang elevator senyales na nakarating na sila sa kanilang paroroonan. Nasa roof top sila ng mismong hotel at nagulat sya ng bago sila lumabas ay sinuotan sya nito ng blind fold. Naramdaman nya ang paghawak nito sa kanyang bewang at bumulong.
"Trust me! Lets go." Hinayaan syang dalhin nito kung saan nito gusto pero ang mahalaga ay alam nyang may maganda itong surprise sa kanya at hindi nya gustong masira ang plano nito.
Naramdaman nya ang pagtanggal nito sa blindfold at hindi pa nya agad binuksan ang kanyang mata.
"Open your eyes love. Here we are!" Malambing at mahina nitong boses.
Nang idilat nya ang kanyang mata ay namangha sya sa kanyang nakita. Napakaganda ng paligid. Punong puno ng bulaklak at merong table sa gitna na pandalawahan lang ang kakain. Very romantic ng place pero bigla naman syang nahiya sa kanyang suot.
Inaya sya nito na makaupo. At patuloy pa rin na tinitingnan ang paligid.
"Wow!" Yun lang ang tangi nyang nasabi sa kabuuan.
Napatingin sya sa kanyang kasintahan na nakangiti rin sa kanya.
"Ang daya mo. Ni hindi mo man lang ako pinagligo at pinagsuot ng magandang damit. Eh di sana ready ako sa ganito." Nasabi nya ng makaupo ito.
"Mahal, no need. You are always beautiful in my eyes!" Hinawakan nito ang kamay nya at pinisil.
"Anung meron?" Saad nya.
Ngumiti lang ito.
"Lets eat?" Napangiti na lang ito at nag serve ng food sa kanya.
"Mahal naman. Anniversary ba natin ngayon?" Napatingin sya sa calendar at nalaman na hindi pa nila anniversary. Malayo pa din naman ang birthday nya.
"Don't think too much love. Pambawe ko lang ito sa 3 weeks na di natin pagkikita. Gusto kong bawiin lahat ng araw na nawalay ako sayo." Mas napangiti sya ng napakatamis ng marinig mula rito ang tunay na dahilan. Napakasweet naman talaga ng boyfriend nya😍. Walang kupas!
"Ang bongga mahal ah. Pwede namang kumain lang tayo sa restaurant or gala lang sa mall." Napanguso naman ito.
"Just a word of "Thank you" is enough love." At nilagyan nito ang kanyang baso ng wine.
"Thank you love. And I appreciate it so much!" Tumayo sya at tumungo sa banda nito. Niyakap nya ito at tinadtad ng halik sa buong mukha nito.
Nakikiliti at natatawa ang kanyang nobyo sa ginagawa nya pero hindi pa rin sya tumigil.
"Thank you rin love at natuwa ka po sa pasurprise ko sayo." Saad nito at pinaupo sya sa lap nito.
Mabuti na lang at exclusive lang sa kanila ang rooftop na iyon kaya kahit anung gawin nila duon ay walang makakaalam.
They start eating then drinking wine, they also dance and hugging and syempre kissing. They enjoyed their date so much.
Sobrang saya nya at walang mapaglagyan ang kasiyahan na nararamdaman nya. Sapat na ang araw na ito para sa tatlong linggo nilang hindi pagkikita.
"Thank you for this unforgettable moment mahal ko. Im so happy and blessed to have you." Yakap nya sa kanyang kasintahan.
"Me too love. More than words can say how much I love you!" Saad din nito sa pagitan ng kanyang tenga at batok.
Ilang sandali pa ang tinagal nila at umalis na rin sila sa rooftop. May pinasukan silang room at hinayaan syang makaligo ng kanyang nobyo at makapagbihis dahil may iba pa raw silang pupuntahan. Nakaramdam naman sya ng kaginhawaan at kagaanan sa katawan ng makaligo na sya.
May naisip syang kalokohan na agad nyang dinampot ang kanyang phone at tinawagan ang kaibigan nyang pulis.
"Ano na naman tong kalokohan mo? Sa tuwing tatawag ka sakin kinakabahan ako sayo eh. Sino na naman ngayon?" Napangiti sya sa narinig mula rito.
"Basta makinig ka na lang sa sasabihin ko." At binanggit nya rito ang kanyang plano.
--------------------------------------------
"Mahal tigilan mo na nga yan. Kanina ka pa may kachat dyan. Magseselos na ako." Napangiti naman sya sa sinabi nito.
"Opo hindi na po. Tumingin ka na dyan sa dinadaanan mo at baka mahuli pa tayo ng pulis?" Ibinaba na nya ang kanyang phone tinignan ng makabuluhan ang kanyang nobyo. Napakunot naman ito ng noo.
"Keira?" Saway nito sa kanya na ikinatawa nya.
"Sshhh...tingnan mo na dinadaanan mo mahal." Nang mapatingin ito sa daan ay napahinto ito dahil may pulis nga sa harapan nila. Naramdaman nya ang paghawak ng kamay nito sa kanya.
Kinatok nito ang bintana ng driver seat kung saan nakaupo ang kanyang nobyo na ngayon ay panay ang tingin sa kanya.
"Wala naman akong ginagawang masama ah." Pero andun pa rin ang coolness sa mukha nito. Kalmado pero nakikita nya na ang pawis sa gilid ng noo nito.
Pinipigil na nya ang tawa sa harapan ng kanyang nobyo.
Binuksan nito ang bintana at tiningnan nya ang pulis na kumatok. Ito nga ang kaibigan nyang pulis na tinawagan nya.
"Boss, anung nilabag ko?" Pag aalangang tanung nito sa pulis.
Napatingin ang pulis sa kanya at nginusuan nya.
"Oh etong posas!" Binigay ang posas sa kanyang nobyo.
"Anu pong gagawin ko dito?" Napatingin sa kanya ang kanyang nobyo. Parang hindi CEO sa inaasta. Nakakatawa talaga.
"Isuot mo sa kanan mong pulso at ilagay mo sa kaliwang pulso ng kasama mo." Saad ng pulis. Napapangiti na tuloy sya sa pinaggagagawa.
Sinunod naman nito ang sinabi ng pulis.
Hinagis naman ng kaibigan nyang pulis ang susi sa kanya.
"Enjoy!" At umalis na ang pulis na seryoso pa rin sa acting.
"Anu yun?" Narinig nyang saad nito habang sya ay nagtitipa ng message plsa kanyang kaibigan gamit ang kanyang kanang kamay.
Napapangiti na sya sa nangyayare.
"Loko yung pulis na yun ah. Di ba nasayo yung susi mahal. I-unlock mo na to." Umiling sya habang nakangiti dito.
"Mahal???? Ikaw ba ang may pakana nito?" Nahihinahuna na ng kanyang nobyo ang ginawa nya.
"Pinaparusahan mo ba ako mahal?" Hindi pa rin sya sumasagot.
Binuksan nya ang posas na nakalock sa kanya ay kinuha ang kabilang kamay nito at iyon ang pinosasan.
"Mahal, anung ginagawa mo? Hindi ka ba natuwa sa surprise ko sayo?"
Lumabas sya ng pinto ng sasakyan at pumunta sa driver seat. Pinalabas nya ang kanyang nobyo at iniupo sa passenger seat.
Sya naman ang umupo sa driver seat at nagdrive.
"Ako muna ang magdadrive mahal napagod ka ata eh." Napakagat labi pa sya para pigilan ang pagtawa.
"Love hindi na nakakatuwa ah. Anu bang binabalak mo?" Hindi nya pa pinaaandar ang makina ng sumuot sya sa nakaposas nyang boyfriend. Malapit sila sa isat isa at nakapikit lang ang kanyang nobyo na akala mo'y may gagawinsa kanyang masama.
"Kanina mo pa ako inaasar eh. Pambawe lang yan. Ikaw naman ang aasarin ko." At hinalikan nya ito sa labi. Bago pa sya umalis ay humigpit ang yakap nitong may posas sa kanya at kahit sya ang malaya ay hindi pa rin nya magawang makawala sa yakap nito.
Malalim na ang halik na ginawa nito sa kanya. Nadadala na sya ng sensasyon ng mga halik nito.
Nagkahiwalay lang sila ng sabay ng makaramdam sila na parang mauubusan sila ng hangin.
"Is this what you want?" Napakagat naman sya ng labi sa sinabi nito.
"Naughty girl!" Napailing na lang ito at muling binuhay ang makina ng sasakyan.
"Nakaligo na ako kaya nasa mood na akong magdrive. Just seat back and relax mahal." Ito naman ngayon ang nakanguso at tumingin sa bintana.
"Mahal!" Tawag nya rito.
Bago pa nya pinaandar ang sasakyan ay agad syang dumukwang sa kanyang nobyo at hinalikan nya muli ito sa labi ng tumingin ito sa kanyang banda. Hindi naman ito agad nakareact at mukhang nagulat pa ng pahiran nya ang labi nito.
"You know what the feeling of that handcuff love?" Umiling ito na nakatitig pa rin sa kanya at gulat na gulat sa ginawa nya rito.
"Anu po yun?" Maamo nitong tanung sa kanya.
"It means na wala ng hiwalayan to. Akin ka lang at sayo lang ako. At sa tuwing lalayo ka sakin lagi ko ipapabaon yan sayo para maalala mo itong araw na ito. Ilove you!" Saad nya rito at pinaandar na ang sasakyan.
"Ikaw lang nakagawa sakin nito." Napangiti naman sya ng marinig ito mula sa kanyang kasintahan.
"At sino pa gusto mong gumawa sayo nyan?" Umiling naman ito.
"Nope. What i mean is, ikaw lang ang babaeng nakagawa sakin nito. Yung lahat ng emosyon nailalabas ko kapag kasama kita. Yung hindi ako natatakot na mawala yung coolness ko sa harap mo dahil alam kong tanggap mo pa rin ako. And thank you for this exciting relationship with you. Ilove you too!" Itinaas nito ang may posas na mga kamay at ngumuso na nagsasabing ialis nya na ito sa kanya.
Itinabi nya ang sasakyan at inihinto para buksan na ang posas sa kamay ng kanyang nobyo. Nang matanggal ay niyakap sya nito ng mahigpit at hinalikan ng malalim sa labi. Itatago nya sana ang posas ng pigilan sya nito.
"Nope! Thats mine now." Napatango naman sya at muling binuksan ang makina at masaya nyang binagtas ang daan patungo sa gusto nyang ipakita sa kanyang nobyo.
Sobrang saya lang ng pakiramdam na ang mahal mo ay mahal ka rin at kung anung kabaliwan mo ay papantayan rin niya ng kabaliwan.