Chereads / My Amazing Girl / Chapter 20 - CHAPTER 20 - THE SPY

Chapter 20 - CHAPTER 20 - THE SPY

Dedicated to: 18thInstinct &

rheyanneaniban

Dale POV

Magulong magulo ang isipan ni Dale habang nasa harapan sya ng kanyang closet at naghahanap ng kanyang susuutin.

Una dahil nalaman nya na ang magulang ni Keira ang kausap ng kanyang ama nung nakaraang buwan tungkol sa kanyang mapapangasawa. Hindi nya alam kung si Keira ba ang Fiancee na pinapahanap ng kanyang ama o meron pang iba dahil hindi naman sila nagkausap pa after nung nangyare yun.

Binugbog nya ang kanyang ama at muntik nya na rin itong mapatay sa galit kung hindi lang sya napigilan ni Keira.

Sa kasagsagan ng kanyang pag-iisip ay natigil lang ito ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Walter ang tumatawag. Tamang tama dahil nagsabi ito na tatawag kung anu ang mangyare.

"Yes Walter? Anung balita?" Ani nya.

"Bad news bro. Nalaman nila tita ang kalagayan ni Bea at gusto nilang pagkapanganak niya ay dadalhin sya sa States. Di na ako kumontra dahil alam mo naman sila tita kung paano ang galaw. Medyo hindi rin maganda ang sagutan namin kaya di na ako umimik." Damang dama nya ang inis habang pinapakinggan ang himutok ng kaibigan. Dahil kahit sya ay nagpipigil sa inis ng marinig ang balita.

"Si Lloyd? Alam ba nya?" Marami pa sana syang sasabihin pero naiintindihan nya ang sitwasyon ng kaibigan.

"Hindi. Dahil pagkatapos naming mag-usap ni tita, nagpunta ko duon at nakita ko na kausap pa rin nya ang mga magulang nya. Hindi ko na muna inistorbo. Saka na lang kapag nagkaroon ako ng chance." Naiimagine nya na nakaupo ito at minamasahe ang ulo dahil sa nangyayare.

"Paano ang baby? Di ba nila isasama?" Naisip nya bigla ang bata.

"I don't think na isasama nila pagkatapos nilang malaman ag kalagayan ng kanilang anak, nawalan sila ng pakialam sa bata. Actually, ngayon na ang alis nila. Kahit pa walang malay si Bea. Pilit nilang isinakay sa sasakyan. Nakakainis pre. Wala akong magawa." Naghihimutok ang kanyang kaibigan sa kabilang linya.

"Hayaan mo na pre. Anu sabi ni Dra. Lopez?" Naisip nyang kunin na lang ang baby pero iniisip rin nya na baka may sinabi ang mga magulang ni Bea sa doktora ng anak nila.

"Ah, umalis siya pagkatapos manganak ni Bea. May tumawag kasi sa kanya at agad umalis ng walang paalam." Nakaramdam sya ng himig na pagseselos base sa tono ng boses nito.

"Uy. Selos si doc.." pang aasar nya rito.

"Baliw! Kita mo na ngang may problema pa ako sa baby na iniwan nila tita eh. Anu na lang ang sasabihin ni Bea kapag nagkamalay sya?" Nararamdaman nya na sumasakit na talaga ang ulo nito sa pagiisip.

"Wag ka munang mag-isip jan bro. Andyan pa naman ang ama ng baby kaya wag kang mag-alala. I am sure na kukunin sya ni Lloyd. Nga pala bro. Pahiramin mo ng ako ng mga tauhan mo." Bigla nyang naisip.

"Yeah.. later I'll talk to him. Wait, sino naman ang gusto mong matyagan?" Pagtatakang tanung nito sa kanya matapos marinig ang sinabi nya.

"Sakin na lang yun bro. I need a spy. Male, and can work 24/7. Ako bahala sa sweldo nya. Dont worry." Seryoso nyang saad dito.

"Okey. I'll send him to you. Maybe tomorrow? So paano? I got to hang up na. Kakausapin ko pa si Lloyd. Regards kay Kei. Pakisabi sorry kanina sa inasal ko." May himig na sinseridad sa pagsisisi nito.

"Thanks bro. Just give me his background and the details sa email ko na lang. I need it privately. Then about Lloyd, update me about his decision. And to Kei. Yes, makakarating. Sinagot ko na lahat ah. Get rest na." At nawala na ang tawag sa kabilang linya.

Tinapos na rin nya ang pagsasaayos sa sarili. Nawala rin naman ang iba pa nyang issue kanina at natuon ang isip sa nangyare sa baby, kay Bea at kay Lloyd. Bumalik na sya ng kama at natagpuan ang sariling nakatabi sa kanyang kasintahan.

Niyakap nya ito ng mahigpit at bumulong sa tainga nito ng 'sorry'. Hindi nya alam kung narinig nito ang kanyang sinabi pero kung hindi man ay uulitin na lang nya kinabukasan.

Naramdaman nya ang malalim na paghinga nito na ikinahigpit nya pa ng yakap dito at tuluyan ng dinalaw ng antok.

------------------

Kinaumagahan maaga syang nagising at napansin na wala na syang katabi. Napahinga sya ng malalim at agad na bumangon. Nakarinig sya ng pagbukas ng pinto at sa pagkusot ng kanyang mata ay nakamulatan nya itong may dalang pagkain.

"Breakfast in bed?" Nakangiti nitong sabi sabay lapag ng pagkain sa table na nasa tabi ng kanyang kama.

Hindi sya nagsalita at hindi rin sya tumango pero nagsenyas sya sa pamamagitan ng kanyang kaliwang kamay na lumapit ito.

Nakita nya ang pamamaga ng mga mata kahit pilit nitong itago. Nang lumapit ito ay agad nyang hinila ang kamay nito at ang bewang nito ay niyakap nya ng mahigpit.

"Sorry love. Forgive me sa inasal ko kahapon. Medyo nagsabay lang ang pagod, at puyat ko kaya instead na sagutin kita sa tanung mo nagsuplado pa ako. Sorry." Sabay himas nya sa likod nito at hinahalik-halikan ang leeg nito at buong mukha.

"Love nakikiliti ako anu ba." Natatawa nitong sambit.

"Pinapatawad mo na ako?" Panglalambing nito sa nobya.

Humarap ito sa kanya na medyo nagpunas pa ng parang luha sa gilid ng mga mata at tumango.

"Kung hindi ka lang gwapo eh. Huwag mo na akong paiiyakin ulit ah?šŸ˜¢ sakit sa puso kasi kapag di tayo nagkakaayos lalo na kapag matutulogšŸ˜¢ ayoko ng ganun. And sorry din kasi naitanung ko pa yung ganung bagay na wala namang kwenta." Pagsasaad nito.

Napapangiti na humiga sya at hinayaan nya lang na pumatong ang buong bigat nito sa kanyang katawan. At mahigpit nya itong niyakap sa bewang na may kasamang himas. Habang ito naman ay nakayapos sa kanyang batok at ang ulo nito ay nasa gilid ng kanyang leeg at nararamdaman nya ang init ng hininga nito.

"I miss you so much. Thank you mahal ko." saad nya rito.

"I miss you too." Babangon na sana ito pero mahigpit nyang iniyakap ang buong braso sa bewang nito.

" a little longer please. I want to stay like this." Dahil sa ganitong paraan ay nagkakaroon sya ng peace of mind. At medyo nawawala ang mga pinoproblema nya.

"How is Bea? The Baby and si Lloyd?" Paninimula nito ng topic. Alam nyang kahit anung iwas nya sa topic ay malalaman at malalaman pa rin nito ang totoo. Isa pa kakahingi lang nya ng tawad tapos gagawa na naman sya ng ikakaiyak nito. Hindi na dapat maulit pa ang ganung pinagtalunan nila.

"Walter called and sabi nya dinala daw ng mga magulang ni Bea ito sa states para dun magpagaling dahil sa sitwasyon nito." Naramdaman nya na ang pagkabigla nito sa balita pero hindi nya hinayaan itong bumangon at nanatili sila sa ganung posisyon. Mas gusto nyang makausap ito ng magkayakap sila. Dahil mas nararamdaman nya ang nararamdaman nito kapag malapitan. At alam nya kung paano pahupain ang anu mang tense sa pagitan nila or sa topic na pinaguusapan nila.

"Dont move. I want us to talk like this." Dagdag nya pa sa kanyang sinabi dito.

"And then... what about the baby and Lloyd?" Pagpapaproceed nito sa update nya.

"That is the problem. Iniwan nila ang baby sa custody ng ama pero hindi pa alam ni Lloyd ang nangyayare dahil hindi pa nakakausap ni Walter ito gawa ng nandun pa ang mga magulang nito." Huminga ito ng malalim ganun din sya dahil na rin sa posisyin nila.

"Bea talk to me about the baby love." Malungkot at medyo garalgal ang boses nito.

"About what?" Kalmadong saad nya rito.

"She told me na kapag may nangyare sa kanya. Tayo daw ang mag-alaga sa bata. She doesnt consider Lloyd dahil siguro may sakit ito nung nagkausap kami ni Bea. Even Lloyd told me about the baby." Pagpapaliwanag nito na may halong malalim na buntong hininga.

"Lets wait for Walter. He will call me once he get in touch with Lloyd. Don't worry mahal ko. Will take good care of the baby alang alang sa kanila." Hinihimas nya pa rin ang likod nito. Inaalo at baka umiiyak na naman ito. Mababaw pa naman ang luha nito.

"Walter also told me to say sorry about what happened yesterday. You know, like me. Medyo nagsabay sabay lang lahat." Naramdaman nya ang pag-iling nito.

"Okey na yun. Napatawad ko na sya. Kain ka na at baka ma-late ka pa sa work mo." Hindi na nya ito pinigipan ng kusa itong bumangon at nagpatianod na lang sya ng hilain sya nito at paupuin sa kama. Nakatabi pa rin naman ito sa kanya.

Pinahid nya ang mga luha sa mata nito at hinalikan sa noo.

"Don't worry mahal ko. Everything will be alright." Tumango tango naman ito.

Nagsimula syang kumain at wala pang ilang minuto ay naubos nya na ang pagkain. Ng matapos syang kumain ay tumayo ito at kinuha ang pinagkainan. Sya naman ay nagcheck ng email at cellphone at ilang minuto lang ay magtutungo na sya ng banyo para maligo.

"I'll go down stairs. Maliligo na rin ako and sabay na tayo pumunta ng office mo." Umiling naman sya at ngumiti. Mabuti ng nasa bahay lang ito ngayon dahil may aasikasuhin din sya at hindi nito dapat malaman.

"Love. I want you to take your rest today. Dont worry. Half day lang ako ngayon may gagawin lang ako sa office and then babalik din agad ako." Hindi naman nagusisa pa ang kanyang nobya at ngumiti lang ito ng pinagbuksan nya ito ng pinto dahil sa dami ng dala nito.

"Thank you love." At humalik na ito sa kanyang labi. Napakagat labi naman sya pagkasara niya ng pinto.

Namimiss na nya ang landian nila pero dapat munang asikasuhin ang lahat ng problema bago nya isettle ang lahat sa kanilang dalawa.

Medyo hindi talaga sya nagtitiwala sa bagong hire na bodyguard ng kanyang kasintahan. Kung hindi lang talaga ito ang nagligtas sa kanyang nobya at nunka nya itong tatanggapin.

Nabasa nya na ang resume at lahat ng detalye ng spy na pinahiram sa kanya ng kanyang kaibigan. Ipapamanman nya lang naman ang bago nyang bodyguard. Pero para hindi sya mahalata ay gagawin nya rin itong spy ng kanyang ama. May naiisip na sya na maaaring connection pero hindi nya pa masigurado at iyon ang kokompirmahin nya.

---------------------------

"Good Morning Sir. Dale." Bati sa kanya ng kanyang secretary.

"Good Morning. Ey, I need Savin. Pakisabi pumunta sya sa office. Now na. Half day lang ako ngayon kaya pakicancel lahat ng schedule ko for this afternoon."

Nakaupo na sya sa kanyang swivel chair at nagbubukas ng kanyang laptop.

"Yes. Sir. By the way sir. May lalake rin na naghahanap sa inyo. Sabihin ko raw na pinapapunta sya ni Dr. Walter Alejo at alam mo na raw iyon." Tumango naman sya.

"Papasukin mo sya pagkatapos kong kausapin si Savin. You may go now." Tumango naman ito at lumabas ng pinto ng kanyang opisina.

Ilang minuto lang ang hinintay nya at may kumatok na sa kanyang opisina.

"Savin Sir. Reporting." Formal nitong saad na animo'y isang militar kung makipagusap.

"Come in." Maawtoridad nyang saad.

Narinig nya ang pagbukas ng pinto at pagsara. Tumayo sya at humarap sa malaking glass wall. Mabuti na lang at gaanong nakakasilaw ang kalangitan kaya minabuti nyang bukas ang kurtina nito.

"Pinatawag nyo raw po ako sir." Kahit hindi nya nakikita ito alam nyang may klase sa tono ng boses nito na hindi nya gusto.

"Please seat down. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sayo ng pormal sa ginawa mong pagliligtas sa aking kasintahan." Paninimula nya.

"Wala pong anuman sir." Medyo naramdaman nya ang pagkahiya sa boses nito na may bahagyang gulat dahil siguro sa inasal nya. Kailang nya ring ipakita rito na dapat syang pagkatiwalaan nito.

"I call you kasi may gusto akong ipagawa sa iyo. May background ka ba sa pag-spy?" Nilingon nya ito at nakita nya na bahagya itong nagulat sa kanyang tanung.

"Ah..eh... yes sir. And willing po akong matuto under your supervision." Napailing sya.

"Nope. Actually. Kayang kaya mo naman ang ipapagawa ko. All you need to do is to spy my father. You can check his picture there over the table." Tinuro nya ang kanyang table at agad naman itong dumulog.

Nakita nya pa ang pagkagulat sa mga mata nito pero hindi na nya pinahalata.

"All you need to do is report to me everything he does in a day. Parang diary. Ineed every single details ng ginagawa nya. At kung sino ang mga kausap nya at katransaksyon nya. Kaya ba?" Pagpapaliwanag nya sa gagawin nito.

"Yes sir." Tumango ito habang titig na titig pa rin sa picture ng kanyang ama.

"Dont worry. Dodoblehin ko ang sweldo sayo. I tell Ey. And sagot ko allowance mo. Papahiramin din kita ng sasakyan kung kinakailangan." Napalunok naman ito sa narinig.

"Kailan ko po sisimulan sir?" Saad nito na seryoso ang mukha. Stern and firm.

"Tomorrow. I want you to tell me everything. Ikaw na ang bahala sa mga strategy mo kung paano ka makakalapit sa kanya. Ang mahalaga malaman ko ang mga plano nya at ginagawa nya everyday. Dapat walang labis at walang kulang. Dahil kapag hindi mo nagawa ang trabaho mo pasensyahan tayo." Mahigpit nyang saad dito. Nakita nya na nagtagis ang panga nito at kumuyom ang kamao. Napangisi naman sya sa inaakto nito. Medyo nagkakaapekto ang ginagawa nya rito.

"Makakaasa po kayo sir. Aalis na po ako." Tumango ito tumalikod na sa kanya. Halatang nagpipigil sa gustong sabihin. Lumabas na ito ng kwarto.

Babalik na sya ng kanyang table ng muling bumukas ang pinto. Hindi nya kilala ang lalake pero natitiyak nya na nakita nya ang picture nito sa resume na sinend sa kanya ng kanyang kaibigan.

"Oliver Magsaysay right?" Tumayo ito ng tuwid at nagsaludo.

"Sir yes sir!" Paggalang nito na animo'y nakikipagusap sa police na may mataas na katungkulan.

"So you are a spy for 15 years. Very impressive ang background mo sa resume. Batang bata ka pa lang pero marunong ka na sa ganitong larangan. Have a seat." Nilahad nya ang kamay sa sofa na nasa kalagitnaan ng opisina nya. Lumapit na rin sya at nakipagkamay sa lalake.

"Thank you sir for the appreciation. Sino po ba sir?" Naupo sya at umupo ng nakadekwatro.

"I want you to spy on that man. Yung kalalabas lang dito sa opisina. Savin is his name. I dont actually know his background dahil ang kasintahan ko ang naghire sa kanya." Ibinigay nya ang litrato na gusto nyang ipamanman.

Napatango tango ito at napakunot ang noo ng makita ang litrato na binigay nya. Nilagay pa nito ang daliri sa baba na animo'y nagiisip.

"Familiar?" Tanung nya at curious dahil sa inakto nito.

"Yes sir. Familiar. It is Savin Madrigal. Classmate ko sya sa Spy Academy." Napangisi sya.

"Medyo hindi halata sa kanya. Magaling syang magtago. Tinanung ko sya kanina kung may alam sya sa pag-spy. And convincing naman sya." Napangalumbaba sya.

"Every details. Makakaasa po kayo na susundan ko sya 24/7." Napangiti naman sya dahil sa initiative nito.

"Tell me everything about him. I Know Walter. He'll give me the best man in his agency. Salary, allowance, transpo, accommodation. Sagot ko na even the benefits. Lapitan mo lang ang secretary ko."

"Sir! Yes! Sir!" Sumaludo muli ito.

"Hindi po kayo mabibigo sir. Kahit ang natatagong lihim ay mailalantad ko. Just give me time." Tumayo na sya at sumabay na rin itong tumayo at nagkamayan sila.

"Thanks. By the way, Once na may naconfirm na ako dun lang matatapos ang work mo." Ngumiti ito.

"Copy sir. Aalis na po ako." Tumalikod na ito at lumabas ng pinto.

Sya namang pasok ng kanyang sekretarya.

"Done your work sir?" Tumango naman sya at agad na sinara ang laptop pagkatapos magtype ng saglit.

"I already emailed you the instruction for Savin Madrigal and Oliver Magsaysay. Just contact me kung may katanungan ka. I'll go ahead." Tumayo na sya at umalis ng kanyang opisina.

Hindi na nya hinintay pa ang sasabihin nito at tumungo na sya ng elevator. Medyo occupied pa rin sya dahil sa mga kasalukuyan nyang nararanasan.

Gusto nya sanang bisitahin si Lloyd sa ospital pero dinadala sya ng kanyang isipan sa mansyon nya. Mas gusto nyang makita ang kanyang nobya dahil alam nyang ito lang ang makakapagbigay sa kanya ng positive energy. Ngayon pa na miss na miss nya na ito.

Naeexcite sya na magdrive na pauwe ng makita na nya ang kanyang kasintahan. Sunod sunod man ang problema na kanyang nararanasan pero kung haharapin naman nila ito ng magkasama ay maaayos din ito.

Kung dati ay hinaharap nya ang mga problema ng mag-isa, ngayon ay masasabi nyang makakayanan nya ito dahil may katuwang na sya na harapin ito. Nakangiti syang binabagtas ang kalsadang patungo sa kanyang minamahal.