Chereads / My Amazing Girl / Chapter 17 - CHAPTER 17 - THE FAVOR

Chapter 17 - CHAPTER 17 - THE FAVOR

Dedicated to: rheyanneaniban &

JenEfer0880

KEIRA POV:

One week na ang nakakalipas ng ma-hire ni Keira si Savin as bodyguard sa kompanya ng kanyang kasintahan. Ang balita ng secretary ni Dale ay talagang makikita ang dedicated nito sa trabaho at laging maaga sa pagpasok, lahat ng rules ng company ay nasusunod nito.

Kaya naman natuwa sya dahil hindi sya nagkamali na ipasok ito sa company ng kanyang nobyo. Naikwento na rin nya ito rito at gusto na nga nitong umuwe para makilala rin ang nasabing nya ritong nagligtas ng buhay nya.

Kakatapos lang nyang mag-bike ng ilang lapse sa loob ng subdivision at nakakain na rin sya ng almusal. Patungo na sya ng banyo ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Insan Lloyd Calling...

Sinagot naman nya ito agad.

"Hey Insan! Whats up?" Lagi rin syang nakaantabay dito dahil kabuwanan na rin ng asawa nito. Kaya wala syang pinapalagpas na tawag nito.

"Insan, favor lang sana. Hindi pa naman manganganak si Bea pero kailangan kasi nya ng makakasama magpa-check up----" natigil ang pagsasalita nito at nadugtungan ng matigas na ubo. Mukhang may sakit ang kanyang pinsan.

"Naku insan sige, papunta na ako dyan. Maliligo lang ako. Mukhang hindi mo nga sya masasamahan." Nang marinig nya muli ang sabay sabay na pag-ubo nito sa kabilang linya.

"Sa...salamat insan.." at ibinaba na nito ang tawag dahil hindi na nga talaga nito kaya pang makipag-usap dahil sa ubo nito.

Madali syang naligo at nagbihis. Nagpaalam sya sa mayordoma na pupunta muna sa condo nila Bea at tumango naman ito.

Pagdating sa condo na dati rin nyang pinagtirhan ay agad nyang nabukasan ang pinto. Hindi na siguro ito ni-lock dahil alam na ang pagdating nya.

"Bea? Insan? I'm here." Tawag nya sa mga ito dahil hindi nya ito nabungaran pagpasok nya ng pinto.

"Insan...." at sunod sunod ang ubo nito. Nakita nya na naka-face mask na ito para na rin siguro hindi mahawaan ang asawa na buntis dahil prone ito sa sakit ngayon pa at malapit na ito manganak.

"Nasaan si Bea? Bakit ka pa tumayo? Uminom ka na ba ng gamot?" Dumerecho naman sya sa kwarto kung saan itinuro nito ang kinalalagyan ng asawa.

"Bea?! Anung ginagawa mo dyan? Sana hinintay mo na lang ako. Ako na sana nagpaligo sayo." Nagulat sya ng makita ang asawa ng kanyang pinsan na nakatapis at naglalakad ng dahan dahan palabas ng banyo. Agad nya itong inalalayan para hindi ito madulas.

"Keira, mabuti at nandito ka. Masama kasi pakiramdam ni Lloydee ang sabi ko naman wag na nya ako samahan at kaya ko naman. Tinawagan ka pa pala nya." Iginiya nya ito paupo sa gilid ng kama at sya na mismo ang nagpili ng isusuot nito.

"Pasaway ka. Eh pano kung sa pagbyahe mo mapaanak ka. Mabuti na rin at ako ang tinawagan ni Insan. Alam mo namang malalagot ako kay Dale pag may nangyare sa bestfriend nya." Napangiti naman ang babae habang sinusuotan nya ito ng underwear ng dahan dahan.

"Ang blessed sayo ni Dale. Hay kailan ka kaya nya pakakasalan nu? Ewan ko ba dun sa lalake na yun. Hindi pa maisip magsettle. Puro pagpapayaman ang gusto. Eh saan naman nya dadalhin yun kundi sayo rin at sa magiging babies nyo. Wait ka lang ah." Sunod sunod nitong sabi.

"Ikaw talaga. Kakasimula pa lang naman namin maging magkasintahan ni Dale. Ineenjoy muna namin ang stage na magbf at gf." Patuloy pa rin nyang pagsusuot ng damit dito.

"Sige na nga. Basta ikaw na ang gusto ko para sa kanya. Basta wag kang bibitaw kahit may ipakilala pa si tito na ipapakasal sa kanya. Ikaw lang ang mahal nun. Promise. I saw it in his eyes sa tuwing tinitingnan ka nya." Napapangiti naman sya habang nakikinig lang sa sinasabi nito.

"Hindi talaga nu. Kahit ilang milyong babae pa ang ipakilala sa kanya ng kanyang ama wala akong pakialam ipaglalaban ko sya." Tumayo na sya ng matapos nyang madamitan si Bea.

Saka naman pinaupo nya ito sa table na may salamin at sinimulan nyang suklayan. Ponytail lang ang ginawa nya rito at naglagay naman ito ng lipgloss at kunting pulbo. Maganda pa rin naman ito kahit buntis.

Makikita na rin dito ang pagkapayat at halatang hirap na hirap na kahit umaakto itong tough.

"Ahm...may Favor sana ako sayo Kei. Gusto ko lang makasiguro." May lungkot sa mga mata nitong nakatingij sa kanya.

Kinutuban naman sya ng masama pero ginawa lang nyang expressionless ang kanyang mukha.

"Anu yun?" Napalunok sya at pinipigilan ang sariling umiwas na tumingin dito.

"Alam mo naman ang kalagayan ko di ba? Hindi din natin alam ang mangyayare pero kung dumating ang araw na------" pinatigil nya ito.

"Anu ka ba? Madedeliver mo ang bata ng maayos kayong dalawa. Wag ka ngang magsabi ng ganyan."

"Keira, lets face the reality. Hindi lingid sa inyo ang problema naming mag-asawa. Gusto ko lang na kapag hindi ko kinaya at nawala na ako sa mundong ito. Alagaan mo sana ang anak namin ni Lloyd na bilang anak mo. Huwag mo syang pababayaan ah. Please, minsan lang itong favor ko sayo Kei. We don't know what will happen but atleast were ready for that day." Pinisil nito ang kamay nya na nakatanday sa kanyang balikat.

"Bea naman. Hindi ko hahayaan na may mangyare sayo, sa inyo ni baby. Mabubuhay ka pa ng matagal." Hindi na nya napigilan at namalayan na lang nya ang pagtulo ng kanyang luha. Niyakap nya ito mula sa likod.

"Please Keira. Sayo ko lang ito sinabi dahil natitiyak ko na kapag kay Dale ko ito sinabi tutuktukan ako nun. Kaya please Keira. Promise me." Mas humigpit ang yakap nya rito. Naramdaman na rin nya ang pagtulo ng luha nito.

"B-Bea, alam ko na magtatagal pa ang buhay mo pero huwag ka mag-aalala. Kahit andyan ka. I will take care of your baby ng tulad sa anak ko. I will. I promise." Sakto naman ang pagkatok mula sa labas ng pinto. umayos na sya ng tayo at pinunasan na ang mga luha.

"Matagal pa ba kayo dyan? Malelate na si Bea sa appointment nya." Umuubo pa ito habang nagsasalita.

"Palabas na." Sigaw nya rito.

"Lika na at baka pagalitan na tayo ng asawa mo. Haha.." pinunasan nya rin ang mga mata nito. Tumalikod na sya rito.

"Keira." Tawag nito sa kanya na ikinalingon nya.

"Hmm" si Keira.

"Thank you!" Sabi lang nito na nakangiti.

"Tama na ang drama. Haha. You're welcome dear. Halika na." Nilapitan nya ito at inalalayan hanggang sa makasakay na sila ng sasakyan nya.

Pagdating sa clinic ay naupo si Keira sa upuan malapit sa bed kung saan nakahiga si Bea at chinecheck ng doctor ang lagay nilang mag-ina. Halata sa itsura ng doctor na hindi mabuti ang lagay nito maging ang nasa sinapupunan nito.

"Doc, kamusta? Okey lang ba sila?" Kahit alam nyang hindi gusto pa rin nyang malaman ang kalagayan ng mga ito mula sa bibig ng doktora.

"May mga signs na malapit ng lumabas ang bata pero dederechuhin ko na kayo. Kailangan na ma-confine ng pasyente ngayon dahil anung oras ay maaari na nyang maideliver ang bata. Magiging mahirap ang sitwasyon kung pipilitin pa syang umuwe ng bahay. Mas maigi madala na rin sya sa hospital na kumpleto ang aparato. Huwag kayong mag-alala ako pa rin naman ang maglalabas sa bata. Kailangan lang ng coordination ng ospital na mapupuntahan ninyo. Nasaan ang asawa nya?" Patuloy pa rin ang pag-aalala sa mukha ng doktora.

"Masama po ang pakiramdam ng asawa nya kaya ako muna ang pinapunta." Lumapit na sya sa gilid ni Bea at hinawakan ang kamay nito.

"Kung ganun ikaw na ang magdala sa kanya sa ospital at tawagan mo na lang ang asawa nya kapag andun na kayo." Inalalayan nito ang pagtayo ng asawa ng kanyang pinsan at tumulong din sya rito.

"Possible naman po na maligtas silang dalawa kung sakali mailabas ang bata. Tama po ba ako doktora?" Na ikinailing ng huli.

"Walang kasiguraduhan iha. Neither isa sa kanila ang mabuhay o parehas silang hindi maligtas. Wala sa aking mga kamay ang kasagutan." Nainis sya at hinawakan ang magkabilang braso ng doktora.

"Parang sinabi nyo na walang pag-asang mabuhay ang dalawa. Di ba doktora ka? Dapat sabihin mo na gagawin mo ang lahat para maligtas sila." Malungkot ang mga matang tumingin ito sa kanya.

"Kung sasabihin ko man iyon sa inyo binigyan ko lang kayo ng pag-asa at sa huli ay hindi mangyayare. Para ko lang kayong pinaasa sa Wala. Magagalit pa rin kayo sa akin. Mas mabuti ng ihanda ninyo ang inyong sarili sa mangyayare. We don't know what will happen in the future but the only thing we have to do now is Pray. Miracle can happen. Just have Faith." Napatango na lang sya at laglag balikat na ibinitaw ang mga kamay sa magkabilang braso ng doktora.

"Salamat po doc." Si Bea ang sumagot.

Paglabas ng clinic ay agad na inalalayan ni Keira si Bea na maupo sa passenger seat at sya namang pasok nya sa driver seat.

Papaandarin pa lang nya ang sasakyan ng hawakan sya ni Bea at pinisil ito.

"Kei, don't worry. Di ba nagusap na tayo about this? We must be prepared sa mangyayare kaya nga humingi ako sayo ng favor ang you promise me kaya kung anu mang worst thing na mangyare alam ko na magiging maayos din ang lahat." Pilit na ngiti ang pinakita nito sa kanya.

Naiinis sya dahil wala syang magawa. Anu lang ba ang power nya kundi ang magpatigil ng oras. Anung gagawin nya?

"Bea, don't say that. Gagawa tayo ng paraan para walang masamang mangyare." Umiling naman ang huli.

"Huwag mo na akong bigyan ng pag-asa Keira alam ko na ang kapalaran ko. Matagal ko ng tinanggap." Sagot nito.

"No! Kung kailangan may gawin ako. Gagawin ako at kahit maging kalaban ko pa ang buong mundo sa gagawin ko walang makakapigil." Derecho syang tumingin sa kalsada at sinimulang paandarin ang sasakyan.

"Para namang kaya mong pahintuin ang oras para hindi mangyare ang mga bagay na iyon." Mahina man ang boses nito ay narinig nya ito.

Desidido na sya. Gagawin nya ang lahat ng kanyang makakaya para lang maging ligtas ang dalawa kahit buhay nya pa ang maging kapalit ng kalapastanganang gagawin nya. Hindi nya man alam ang limitasyon ng kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanya ay wala na syang pakialam. Ang alam lang nya ay mabuhay lang si Bea na mahalaga sa kanyang pinsan at sa kanyang kasintahan.

Nasa loon na sila ng hospital at nagpapahinga na si Bea sa loob ng kwarto nito. Napagpasyahan ni Keira na tawagan ang kanyang pinsan.

"Yo! Insan, hindi na kami uuwe. Pina-confine na ni doc si Bea dito kami sa Herrera Hospital. Anytime daw kasi pede ng manganak si Bea at baka makasama pa iyon sa kanila kapag tinakbo pa. Malayo pa naman ang ospital dyan sa condo mo." Nakahawak naman ang isa nyang kamay sa kanyang sentido.

Inuubo pa rin ito.

"Okey. Salamat Insan. Punta na lang ako dyan. Siguro bukas." Sagot nito sa kabilang linya.

"Ipapasundo kita sa bago naming bodyguard. Hintayin mo na lang sya bukas ng umaga. Magpahinga ka na muna dyan ako ng bahala sa asawa mo." Napasandal na sya ngayon sa dingding.

"Sige. Salamat insan." Sagot nito at binaba na nya ang phone.

Bago pa man nya isukbit sa bulsa ang cellphone ay tumunog ito.

Mahal ko Calling...

Sinagot nya agad ito.

"Hey. How are you?" Rinig na rinig na nya ang pamilyar na boses ng kanyang kasintahan. Sobrang namiss na nya ang boses na ito.

"Hey. Im fine. Nandito lang ako sa ospital." Naramdaman nya ang paghigit ng hininga nito at parang itinigil ang ginagawa.

"A-anung ginagawa mo riyan, maayos ka lang ba? May sumugod na naman ba sayo na masasamang loob?" Napapangiti sya dahil sa himig na pag-aalala nito.

"No. Its Bea. Pinaconfine na sya ni Doc. Dahil anytime by now she will immediately deliver the baby." Napa-'O' naman ang nasa kabilang linya.

"It such a relief na marinig na hindi ka napaano mahal ko. Anyway, kamusta na si Bea." Nanghina sya at di alam kung paano sasabihin ang hininging favor sa kanya ng dalaga.

"Bea is very stubborn, love. Hindi sya nakikinig. She always tell me to do her a favor. To take care the baby when she's gone. Tsk." At sa wakas ay nasabi na rin nya sa kanyang nobyo.

"Haist. As usual, the bratinella. Stubborn as always. Hindi sya si Bea kung hindi sya ganyan. Nakakainis, may 2 weeks pa ako bago umuwe. Tell me the details later baby ah. May gagawin pa ako. Anyway, pipilitin kong makauwe agad para masamahan ka. Hindi rin ako mapalagay sa kalagayan mo. This past few days. Hindi rin mawala sa isip ko kung bakit may nagtatangka sa buhay mo. Samantalang, wala naman akong pinagkakautangan ng malaki." May himig pag-aalala sa boses nito sa kabilang linya.

"Don't worry about me. Tapusin mo na ang work mo dyan para makauwe ka kaagad. Miss na miss na kita mahal ko." May himig na pagkasabik at lungkot sa boses nya.

"I will. Miss na miss na rin kita mahal ko. Ilove you." Huminga pa ito ng malalim na hindi nakaligtas sa kanyang pandinig.

"Ilove you too. I got to go. Kailangan na ako ni Bea at may sakit kasi si lloyd kaya ako muna nag-aasikaso sa kanya." Hindi na nya hinintay pa ang sagot nito at ibinaba na nya ang phone.

Pagkatapos naman nyang makausap ang kanyang nobyo ay agad nyang tinawagan ang sekretarya nito at pinakiusap kung pedeng hiramin ang bagong bodyguard na si Savin para sunduin si Lloyd sa condo nito na ikinatango naman ng secretary.

Paglagay na paglagay pa lang nya ng cellphone sa bulsa ay napansin nya ang sunod sunod na pasok ng nurse at doktor sa kwarto kung saan nakaconfine si Bea.

Nakita nya ang mabilis na pagkilos ng mga nurses kaya naman nag-alala sya kung anu ang nangyayare.

Anung nangyayare???

Agad syang tumakbo papasok kung saan ang kwarto ni Bea.

A/N: pasensya na guys sa sobrang late ng pag-update ko. Nahiligan ko naman kasi ang manuod ngayon ng Naruto. Hahah maganda naman kasi nakakainspired yung kwento. Ayun, uunti-untiin ko na talagang tapusin ito. Need a little bit of inspiration guys. Please follow my account, vote and comment. Thank you so much and Godbless.