Dedicated to: hazelarsenal &
ivyrima
Keira POV
Nasa isang sikat na Amusement Park ang sumunod na date nila Keira and Dale. Hindi kasi naging maayos ang una nilang date nung day off niya dahil sobrang busy ni Dale at sya naman ay hiningian ng tulong ng Assistant nito na halata namang utos din ng nobyo nya.
Kaya hiniling nya talaga dito na magkaroon sila ng date na matino. Masaya nyang sinusuyod ang paligid at nakita nya ang mga fairy tale costumes na suot ng mga tao at damang dama na nya ang atmosphere na nasa EK na nga sya.
Nakasuot sya ng dress na kasing tulad ng mga nakacostume. Para syang isang prinsesa sa kanyang kasuotan. Pero sa tuwing tinitingnan nya ang suot ng kanyang nobyo ay naiinis sya. Ni hindi man lang sya tinernunahan nito. Hindi man lang nakisama. Yun ang tamang term. Walang pakisama.
Minsan lang maging bata ulit kapag andito sya sa EK pero di man lang pinagbigyan nitong kasintahan nya. Minus point para sa kanya ang ginawa nito.
"Dale, Kung sana pinagbigyan mo ako eh di sana parehas tayo ng suot. Binigyan na nga kita ng susuutin." Inis nyang saad dito nang nasa pila na sila papasok ng Sikat na Amusement park.
"Parang yun lang eh. Para kang bata. Its glitzy, thats why I took it off. What were wearing's not important. Lets go." Usal nito sa kanya. Pabulong lang iyon pero naiinis pa rin sya. Nagtimpi sya dahil date pa naman nila ngayon at gusto nya yung maayos na date. Walang away at walang di pag kakaintindihan. Tinalikuran na lang nya ito.
Nang makapasok na sila ay agad nitong kinuha ang kamay nya. Hinawakan sya nito at pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Namula sya sa ginawa nito. Nawala rin ang inis nya sa isang ito.
"Okey I give in." aniya sa kanyang isip. Napatingin sya sa seryosong mukha nito. Sa tingin nya ay bago lang ito sa mga mata ng kaanyang nobyo kaya nagpatianod na lang sya kung saan sya nito dalhin. Ang mahalaga ay kasama nya ito ngayon.
Nang makapasok sila at muling nilibot ang paningin sa paligid ay nakuha nya ang theme ng Amusement park na para silang nasa Wonderland. May clown na pula ang ilong at nagpapasaya sa mga bata. Isang elf princess na may pointed ears and wings, at exotic pirates from Caribbean.
Nakita nya ang walang kasiyahan sa mukha ng nobyo na salungat sa kanyang nararamdaman.
"Why is everyone dressed this way?" Nakakunot nitong saad habang nililibot ang paningin sa paligid.
"Kasi nga were here po at EK. Ito ang theme nila ngayon. Dont you find it fun and exciting? Dont you feel like a kid just for now?" Pinilit nya pang ngumiti sa harapan nito at hinihigpitan ang hawak sa nakasalikop nilang kamay.
"Im just not used to this kind of scene" yeah, you're not. Saan mo nga lang ba itinutuon ang life mo dati, sa work, sa mga babae na panay palibre lang sayo sa mamahaling restaurant o baka nga naghohotel pa kayo eh. Napailing na lang sya sa kanyang mga naiisip tungkol sa dating buhay nito ng wala pa sya.
Siguro nga ay dapat tinanung nya muna ito kung anu ba ang mga gusto nito bago sya bumuo ng plan na katulad nito. Kasi hindi naman pede na sya lang ang masaya at ito naman ay nakabusangot ang mukha. Kaya nga sila nag-date para makita nya ang ngiti ng kanyang kasintahan. Paano sya magiging masaya kung itong kasama niya naman ay hindi.
Napatingin sya sa Ferris Wheel na mabagal na umiikot kasabay ng langit na nagdidilim sa kulay.
"Lets' ride that." Itinuro nya ang bahaging iyon. Pinipilit pa rin na maging masaya para sa kanyang nobyo na wala pa ring kibo.
Nang nasa loob na sila ng cabin ay nagsimula ng gumalaw ng dahan dahan paitaas dala ng pagsakay ng iba pang magkakasintahan, pamilya at mga bata.
Tumunog ang phone ni Dale nang magsimula sana syang magsalita. Tumingin sa kanya ang nobyo na nagsasabi kung payag ba syang sagutin ang tawag na ikinatango lang nya at muling nilibot ang paningin sa mga bagay na nasa ibaba na nila.
"Yes. Assistant A? Im on a date with my girlfriend. Take charge on that matter. Bye." Walang emosyon nitong saad pero lihim din syang ngumiti ng marinig ang sinabi nito. Na mas mahalaga sya sa kahit anu pa mang bagay. Pero syempre di naman nya inoobliga ito. Minsan lang naman sila mag-date kaya sana wag na silang isrorbohin pa ng assistant ng kanyang nobyo.
Tahimik pa rin syang nakaupo nang ibinaba na nito ang tawag. Naramdaman nyang lumapit ito sa kanya at yumakap sa kanyang likuran at inihilig nito ang baba sa kanyang balikat habang haplos haplos naman nya ang buhok nito at hawak nya ang dalawang kamay nito na nakayakap sa kanyang bewang.
"I want to stay like this forever." Pumikit sya at dinama ang bawat salitang naging musika sa kanyang pandinig.
Nakita na rin nya na malapit na ang kanipang pagbaba dahil sa paunti unti ring paglaki ng mga bagay nung nasa itaas pa sila.
Nauna itong bumaba at inalalayan sya sa kanyang pagbaba at hindi pa ito nasiyahan ay para pa syang prinsesa na binuhat nito pababa. Naramdaman nya ang pagsinghap ng mga tao sa paligid at ang iba na kinikilig sa ginawa ng kanyang nobyo. Bahagya syang namula at yumakap sa batok nito at isinubsob ang sarili sa dibdib nito.
"Dale, put me down. Nakakahiya. Ang daming tumitingin." Natatawa naman itong nakatingin pang sa kanya habang sya ay pumapalo palo na sa dibdib nito.
"Tell me the password so that I could put you down." Nakangisi nitong saad sa kanya.
Napakagat labi sya. Anu yung password? Anu bang sinasabi nito.
"Dale, anu ba. Anu ba yang pakulo mo. May password ka pang nalalaman." Napaangat pa lalo ang labi nito at inilapit sa kanyang tenga. Naramdaman nya ang hininga nito na ikinakiliti nya.
"Just tell me the word. I LoVe You." Nakiliti sya at kinilabutan sa sinabi nito. Tumaas din ang kanyang mga balahibo at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ganito ba lagi ang epekto ni Dale sa kanya. Sobrang nakakagising ng sistema.
"I Love you." Mahina nyang sabi dito.
"What? I can't hear you Keira." Medyo napalakas na ang boses nito.
"I Said I love you Dale!!!" Pasigaw nyang sabi dito na mukhang narinig ng mga tao sa paligid. Napansin nyang namula din ito.
Ibinaba sya nito at naramdaman nya ang pagdampi ng labi nito sa kanyang noo kasabay ng pananakop ng dalawang palad nito sa magkabila nyang pisngi.
"And I love you more Keira" sabay mabilis na dampi nito sa kanyang labi. Nagpalakpakan naman ang mga tao na animo'y nakakita ng scene na sinasagot na ang lalake ng babae. Hello magkasintahan na po kami. Baliw lang talaga tong nobyo nya. Hihi.
"Nakakakilig naman."
"Anu ba yan PDA!"
"Ang sweet..."
"Sana All"
"Congrats!"
Natatawa sya sa mga bulong bulungan ng mga tao sa paligid habang hinihila sya nito palayo sa maraming tao.
Sa kanilang paglalakad ay nakakita sya ng batang umiiyak, nakasuot ito ng panda hat at nagpapalingon sya from left to right na parang may hinahanap. Sa tantya nya ay nawawala ito. Kaya agad syang bumitaw sa kanyang nobyo at tumakbo patungo rito. Naramdaman nya ang pagsunod nito sa kanyang likuran.
"Hey, Kei,,? Where are you going?" Naririnig nyang sigaw nito sa kanya ngunit hindi nya ito pinansin dahil nakatuon ang kanyang isip sa batang umiiyak.
"Where are your parents, little boy?" Hinawakan nya ang dalawang braso nito nang makalapit sya rito.
Umiling lang ito habang umiiyak.
"He probably got lost." Nakita nya ang nakatayong nobyo sa gilid niya at ng bata. Tumingin sya rito ng malungkot at tumango bilang pagsang ayon sa sinabi nito.
"What's your name?" Lumuhod ang isang tuhod nito at ang isang binti ay dinadantayan ng bigat ng braso nito.
Napahinto ang pag-iyak ng bata at tumitig sa kanyang nobyo. Hindi pa rin ito nagsasalita.
"Where was the last place you saw your parents?" Seryoso nitong tanung na akala mo pulis sa klase ng interogasyong isinasagawa sa bata. Napatingin sya sa bata at parang iiyak na naman dahil natatakot sa klase ng tono nito.
"Are you scared of me?" Nag-aalala nitong tanung. At tumingin sa kanya. Umiling naman sya para ipahiwatig na hindi dapat ganun ang pagtatanung nya sa katulad nitong bata.
Umiling ito at hindi pa ein tumitigil sa pag-iyak.
"Then why are you crying?"
Lalo lang lumakas ang palahaw nito sa pag-iyak.
"Stop crying and talk to me."
"Ang harsh mo naman sa bata." Sinaway nya ito. Matalim nyang tinitigan ang kanyang kasintahan. Sabay alo niya sa bata. Hinaplos nya ang buhok nito.
"Lets go to a guard" pilit nyang pinatayo ang bata. "We're going to ask where your parents are." Yumakap ito bigla sa kanya.
"Wait up. Hindi pede yan" paghysterical ni Dale sa tabi nya.
"Ako lang dapat ang yumayakap sayo." Natawa sya sa inakto nito. Himig pagseselos ang tono ng boses nito.
"Tsk.Para ka namang bata." Napapailing sya habang naglalakad na sila para hanapin ang guard.
"Aba at nagbebelat ka pang bata ka." Natatawa sya dahil sa sinabi nito ay parang inasar pa sya ng bata.
Lumakas ang iyak ng bata sa gilid nya.
"Dale? Anu ba? Bakit mo naman pinaiyak? Tahimik na eh." Saway nya sa kasintahan.
Mas lalong humigpit ang yakap ng bata sa kanya.
"Wala naman akong ginagawa sa kanya eh." Pagtatanggol nito sa sarili.
Napahinto sya sa bilihan ng marshmallow. Agad nakuha naman ng kanyang nobyo ang gusto nyang mangyare kaya bumili ito ng walang kibo.
"Tatlo po nito." Ngumit naman ang tindera sa kanyang nobyo medyo nainis sya dahil halatang nagpapacute ito. Nakaisip sya ng paraan para madistract ang tindera.
"Honey, bilisan mo nga jan. Nagugutom na ang baby natin." Ngumisi sya ng lumingon ang kanyang nobyo na nakaawang ang labi. Parang inaabsorb ang malambing nyang pagkakasabi dito.
Nang makuha na ang marshmallow, napansin nyang napahiya ang tindera at di na makatingin ng diretso kay Dale.
"Anung sabi mo? Hindi ko anak yan nu. Mas gwapo pa dyan ang magiging anak natin nu." Saad nito ng makalapit sa kanya at bumulong. Napakagat labi naman sya at namula sa sinabi nito.
"Are you jealous love?" Tudyo nitong sabi sa kanya. Naasar sya kaya inirapan nya ito at kinuha nya ang dalawang marshmallow sabay talikod. Binigay nya ang marshmallow sa bata at tumigil na ito sa kakaiyak.
"Ate, I want to watch a circus..." nawala na ata ang paghahanap nito sa mga magulang kaya kung anu anu na ang gusto nitong gawin.
"Ate, I wanna ride the spaceship..."
Masaya niyang pinagbigyan ang bata papunta sa mga gustong puntahan habang hindi pa rin nya pinapansin ang nobyo sa kanyang likuran na halatang sumusunod lang din sa kanila at naririnig nya ang mga salita nitong naiinis sa nangyayare. Napapaangat ang kanyang labi at nagugustuhan nya ang pang aasar dito.
"Hey, wait up!"
Nanuod nga sila ng circus at kumain ng matatamis na pagkain ng sa gayon ay mawala ang lungkot sa mga mata ng bata.
Patuloy din sa pagpapapansin si Dale minu-minuto para lang makuha nito ang atensyon nya.
"Anyone want Ice Cream?" Nagpatiuna ito sa kanila.
"That one seems fun, anyone interested?"
Bigo pa ring makuha ang response mula sa kanila, nagpatuloy na lang itong sumunod sa kanila mg tahimik.
Napahinto ang bata ng madaan nila ang isang shooting gallery. Tinitigan nito ang malaking teddy bear na maaaring reward kapag nanalo sila sa ganung klase ng game.
Napansin niyang sinundan ni Dale ang tingin ng bata at nakita nitong nakatitig ang mga mata sa malakong teddy bear.
"You want one?" Nagkibit balikat ang kanyang nobyo.
Tumitig ang bata sa kanya at masayang tumango. Kung mga magulang siguro nito ang kasama nito baka nagtatatalon na ito sa tuwa.
"You have ten shots. Get nine hits and it's yours! Wanna Try?" Anyaya ng tindero sa kanyang kasintahan at mukhang chinachallenge pa ito.
"Just watch and learn." Confident na sabi ng kanyang nobyo. Hmm... let me see. Napatango pa sya dito at lihim na ngumiti nang lumapit na si Dale at binigyan na ito ng baril para sa simulan na ang laro.
Nang pumuwesto na si Dale. Kinakabahan naman silang nakatitig dito at halos pigil hininga ang kanilang ginawa dito.
Nang pindutin nito ang gatilyo at tumira ay hindi iyon tumama. Walang kibo sa side ng kanyang nobyo. Kita pa rin nya ang confidence nito.
Nakita nyang ngumuso ang bata. Halata sa mga mata nito ang pagkabigo habang ang tindero ay nangungutyang tumitig sa kanyang nobyo.
Nakitang nyang mariing nag-adjust ng angle ito at sinimulang paputukan ng syam na sunud sunod ang target.
Nakita nila na lahat ay natamaan at walang mintis. Masaya silang napapalakpak sa ginawa ng kanyang nobyo.
Napaawang ng bahagya ang bibig ng tindero ngunit saglit lang at kinuha na nito ang malaking teddy bear at ibinigay sa kanila.
Kinuha ito ni Dale at nang ibibigay sa bata ay mas malaki pa ito dito. Kaya naman napagpasyahan na lang nitong bitbitin ang bear na para sa bata.
"Here you go, but first we have to find your parents." Hinayaan nitong ipayakap sa bata ang teddy bear habang nakaalalay ito. Lumambot ang puso nya ng makita ang sincerity sa mata nito na mapasaya ang bata. Kung talagang anak nila iyon siguro ay mas masayang tingnan.
"You are so amazing! We're friends now." Masayang saad ng bata sa kanyang kasintahan. Napapangiti sya habang pabalik balik ang tingin nya sa dalawa.
"What's your Name?" Tanung ng bata.
"You can call me Kuya Dale and I'll call you Panda" saad nito.
"Deal" bungisngis na pagtango ng bata.
Masayang nakahawak ang bata sa kamay ng teddy bear na dala ni Dale habang sya ay nakahawak sa isa pang kamay ng bata. Parang may tanung sa mata ng bata na tumitig kay Dale.
"Kuya Dale, why did you miss the first shot?" Takang tanung ng bata dito.
"Well, pinapakiramdaman ko lang muna kung paano gamitin yung baril. You know im not into gun." Nagtataka rin sya kasi bakit ito pumayag na maging bodyguard sya nito gayong marunong pala ito sa ganung larangan at kaya naman pala nitong ipagtanggol ang sarili. Somethings fishy. Siguro she will let it slide for now pero pag nacorner nya na ito ay tatanungin nya ito ng bonggang bongga.
"Those other shots were accurate. Are you a guard or a policeman?" Natatawang napailing ang kanyang nobyo.
"Do you want me to teach you on how to shots accurate like that?" Tumaas ang noo nito at umangat ang labi na nakatingin sa bata.
"Really?" Masayang tumango ang bata.
Nang tumingin ito sa kanya ay napataas sya ng kilay. Explain-to-me-everything ang sinasabi nya sa mukha nito. Nag-iwas ito ng tingin at nagpatiuna sa paglalakad.
Habang naglalakad sila ay napapansin nya ang pagpapalit palit ng tingin ng bata sa kanilang dalawa.
Dale POV
Marahan na inilayo ni Dale sa kanyang nobya ang bata.
"Panda, do you know why she's upset?" Tanung niya sa bata.
"Women are impossible to understand. My dad said that." Saad ng bata habang umiiling.
Naramdaman nya ang pagkapagod ng bata sa paglalakad kaya napaupo sila sa bench na malapit sa kanila.
Binuksan ni Dale ang coke in can at ibinigay sa bata.
"Give this to the nice lady." Utos niya sa bata habang naglalaro ito ng teddy bear na binigay nya.
"Why don't you give it to her yourself?" Walang malay na sagot ng bata sa kanya.
Tiningnan nya ng malalim ang bata kaya naman natakot ito at kinuha ang coke in can sa kanyang kamay at ibinigay sa kanyang kasintahan.
"Ate, pinabibigay po ni kuya Dale." Nakita nyang kinuha nito ang coke in can na pinabibigay nya at nainis pa sya ng haplusin pa nito ang buhok ng bata.
"Thank you." Narinig pa nyang nagpasalamat ito.
"Thank you daw sabi nya." Saad ng bata na tumingin sa kanya.
Patuloy lang nyang minamatyagan ang bawat paguusap ng bata at ng kanyang kasintahan habang umiinom ito sa coke in can na binigay nya.
Nang makita nyang nadidistract na ito ay binuhat nya para itabi ang bata sa kanya.
"What did she just say?" Bulong nya sa bata.
"She said she wants to play on the merry-go-round" bumulong din ang bata sa kanya.
"Tell her that merry-go-round is for the girls. I wanna ride the roller coaster." Agad namang lumapit ang bata sa kanyang nobya at narinig rin nya ang sinabi nito na eksaktong sinabi niya sa bata.
"Kuya Dale said the merry-go-round is for girls and he wants to ride the roller coaster."
"You do..not me.." saad nya rin agad sa bata.
"You do..not me" panggagaya ng bata sa kanya.
Napahinga sya ng malalim at hindi na kumibo.
Narinig nyang tumawa ang kanyang kasintahan sa wapang sense na usapan nila ng bata.
Marami pang usapan ang nangyare hanggang dumating na ang parents ni Panda at makita ang bata. Ito na rin ang oras para magpaalam si Panda sa kanila.
Bago ito umalis ay bumulong ito sa kanya at tumingin sa kanya ng makahulugan. Naughty look huh.
"Just give her something that can make her heart boost into happiness. Thats all I can give. The rest is up to you."
Kumindat naman sya sa bata at nagkangitian silang dalawa bago ito tuluyang mamaalam. Nagpasalamat naman ang mga magulang nito sa pag-aalaga nila sa anak nito at sa teddy bear na ngayon ay bitbit ng daddy nito.
Nang silang dalawa na lang ulit ay parang naging awkward ang atmosphere. Wala ni isang gustong magsimula ng conversation.
"Its almost 6 in the evening." Napatingin sya sa kanyang orasan.
He almost spend all evening here but he is not really into amusement park.
"We've had enough for one day. Let's go home." Nararamdaman siguro nito na hindi talaga sya fan ng amusement park kaya kinonsider nito ang nararamdaman nya. Pero hindi matatapos ang gabing ito ng hindi nya napapasaya ang nobya.
"Wait, let me take you somewhere." Alam na nya kung anu ang makakapagpasaya rito.
Kinuha nya ang kamay ng kanyang kasintahan at sinimulang tumakbo. Saglit lang ay napahinto sila.
"Close your eyes" pakiusap nya rito.
Naramdaman nya ang takot nito dahil sa dilim kaya mahigpit nya hinawakan ang malamig na palad nito kaya naramdaman nya ang unti unti nitong pag-relax sa hawak nya. Napangiti sya habang tinititigan ang magandang mukha ng kanyang kasintahan.
Inalalayan nya ito sa paghakbang.
"Are we there yet?" Saad nito habang nakapikit pa rin. Napapahigpit din ang hawak nito sa kanya.
"Almost. No peeking." Nakangiti nyang saad dito habang patuloy pa rin ang pag-alalay sa paghakbang nito.
Naramdaman na niya na malapit na sila sa lugar kung saan nya ito gustong dalhin. Malamig na ang simoy ng hangin at halatang nasa mataas na lugar na sila. Nililipad na ng hangin ang suot nito, maging ang buhok nila.
"Open your eyes" utas nya sa kasintahan.
Unti unti nitong binuksan ang mga mata at nakita niya sa mga mata nito ang magkahalong mangha at pagkagulat nang masilayan at malaman na sila ay nasa teresa ng isang castle.
"The view is better here for the fireworks." Saad nya na ikinatingin ng nobya sa kanya.
"How did you know that I was looking forward to that..." takang tanung nito sa kanya.
Alam na siguro nito kung anu ang binulong sa kanya ni Panda. Umangat lang ang kanyang labi at tumitig sa namamangha pa rin at kumikislap nitong mga mata.
Tumunog ang bell nang tumutok ang mahabang kamay nito sa 12 at ang maliit na kamay sa 6. Nakita nya ang orasan na nasa eksatong alas sais na ng gabi.
Hinila nya ito gamit ang kanyang braso at iniharap sa kanya.
"Where are you going, my lady?" Mahinahon nyang saad dito ng makitang naglalakad ito pasulong sa terasa.
Nagkatitigan sila at ilang saglit lang ay nagsimula na ang fireworks display. Kitang kita ang kagandahan ng bawat pagputok nito sa kalangitan. Kung titingnan ay para itong mga bituin na makalat sa langit. Ibat ibang kulay at masarap sa pandinig ang pagsabog.
Masaya syang nakatingin sa langit at muling tumitig sa kanyang nobya na ngayon ay masayang nakatunghay sa sunod sunod na pagpapakawala sa mga firworks sa kalangitan.
Nakita nya ang kasiyahan sa mata nito. Yung saya na alam nyang makakapagpalimot sa inis nito simula pa lang ng hindi nya pagsunod sa pagsuot ng damit na gusto nito, sa pagseselos nito at sa pagpapakita nya ng walang kainteresaduhan sa pagpunta dito sa amusement park.
While watching the Fireworks display, It felt just like the world was built for both of them. And It seems to it that her dream of everlasting romance has finally come true.
And that is his dream, to make all her dreams come true.