Dedicated to: villartaaimee &
baugjonaker
Keira POV
Today is a Special day for Dale. Presscon na nito para sa itatayong ilang agency sa Hongkong, Japan, Korea and sa California.
Napaunlakan rin ito sa Forbes Magazine para maging modelo at ma-featured ito as one of the Youngest Billionare sa kanilang country at syempre proud sya sa tinatamasa ng kanyang nobyo.
Bilang suporta ay sasamahan nya ito para sa interview na gagawin mismo sa opisina nito. Simpleng interview lang para sa ilang empleyado kung paano magpatakbo ang isang katulad ni Dale James Lagdameo. Kaya naman pili lang sa mga modelo at maging ang assistant nya ang kasama sa haharap sa camera at makikita sa buong mundo.
Kasama na dito ang kanyang pinsan na si Lloyd , kasama sana si Bea pero dahil maselan at nalalapit na ang panganganak nito ay minabuti na lang na magpahinga ito sa condo. Hindi na rin sana sasama si Lloyd dahil ayaw nyang maiwan ang asawa pero dahil importanteng event ito para kay Dale ay napa-oo na rin ito ngunit humingi ito ng permiso na kung pedeng unahin na ito na interviewhin para makauwe na sa asawa nito na agad namang tinanguan ng host na magiinterview sa kaniya.
Nasa loob na ng opisina sila Lloyd at inaayos na ang lahat para sa pagharap nito sa camera from his hair style, Make Up and even in attire. Very cool lang ang tindig nito at fresh na sa camera pero hindi pa nagsisimula. Checking pa lang ng mga cameras, speakers and anything na kakailanganin sa interview. Binigyan na rin ng reviewer si Lloyd para sa interview later.
Nauna na sya dito sa opisina samantalang si Dale ay nasa baba at may mga kausap na taga- presscon. Hindi na sya nag-abala pang panuorin ang nobyo dahil sa crowded na ang place at mas minabuti na lang nyang tumulong na sya sa mga pagsasaayos sa loob ng opisina mismo nito.
Lahat ay nakaayos at pormal na nakabihis para sa mahalagang event na ito. Last week pa ito sinabi ng assistant sa kanila para nga maging handa sa mangyayare ngayon at ito na nga ang bunga.
Nakita nya ang assistant ni Dale at namangha sya sa kasuotan nito.
"Look Ms. Keira, I rented this suit. It's nice, isn't?" Pagcoconfirm nito sa ayos nito.
"Simple lang naman ang gagawin na interview. Sobra pa nga yang suot mo. So formal." Namangha sya sa suot nito.
"Kumpleto rekado meron ka pang vest sa loob ng suit mo." Dagdag nya pa rito. Talagang pinaghandaan ah.
"Dahil sa interview na ito makikita ang kaayusan ng isang company. I am an employee of this company and also an Ambassador kaya dapat maayos din pati ang aking pananamit." Napatango tango na lamang sya. Masasabihan ko itong si Dale na taasan ang sweldo ng assistant nya. Sobrang loyal wala akong masabi. Bow ako sa pagiging devoted nito hindi lang sa trabaho kundi sa company na pinagtatrabahuan.
"As the Assistant to the CEO I have an image to maintain." Dagdag pa nito.
Kumpara naman sa suot nya na napaka-plain lang. Bigla syang nakaramdam ng pananakit sa kanyang dibdib at puson. Parang darating na ang kanyang bisita sa buwan na ito. Bakit ngayon pa. Naku naman. Kaya pala parang nanghihina sya at iritable minsan o laging gutom na di nya mawari meron pa minsan na constipated sya for 3 consecutive days, ito na pala. Darating na.
Napahawak sya sa kanyang puson at napangiwi sa sakit na nararamdaman. Naikagat nya na rin ang kanyang labi dahil sa di maipaliwanag na sakit. Aaaaahhh mahina nyang banggit
"Mabuti na lamang at hindi ako haharap sa camera." Napabuntong hininga sya sa naisip.
Pero nagbalik sya sa kanyang ulirat ng lapitan sya ng isang cinematographer.
"Andito ka lang pala. Nasabi kasi samin ng pinsan mo na empleyado ka rin ni Mr. Dale at ito pa ang scoop, ikaw pa ang real time girlfriend nya. Ayiieee. Kaya we need you to be on camera today. Please?" Kinikilig at pakiusap nitong sabi sa kanya. Grabe talaga tong si pinsan eh. Ang bilis ng balita. Weeks pa lang naging kami ni Dale grabehan na ang pakpak ng balita. Napailing na lang sya.
"Naku, Ngayon? I'm not feeling all that well kasi." Bahagya syang nabigla at hirap pang gumalaw lalo na at first day pa, hindi pa masyadong lumalabas.
"Sasabihin mo lang yung magagandang traits ni Dale as CEO. Just a few sentences and then your up. I need to talk to the CEO too. See you later." At hindi na hinintay pa ang approval nya.
Nang mawala na ito sa landas nya ay umatake na naman ang sakit ng kanyang tyan pababa sa kanyang puson.
Napansin sya ng assistant ni Dale at nag-aalala itong lumapit sa kanya.
"What's wrong with you today? May nakain ka ba? Hindi ka ba natunawan?" Sunod sunod na tanung nito sa kanya.
"Ummm...I" sasabihin nya ba o hindi. Nakakahiya naman kasi kung malaman pa nito ang kalagayan nya.
Pero hindi na sya tinanung pa ng assistant at tumingin na lang sa kanya ng mga matang naiintindihan nito ang nararamdaman nya. Sana lang maging okey ang performance nya sa harap ng camera.
Lumipas ang kalahating oras at magsisimula na ang shooting.
Nagpakita si Dale sa kanya at kitang kita nyang nag stand ang suot nito sa lahat. Talagang makikilala na ito ang CEO dahil sa tindig at Aura nito. Ngumiti lang ito sa kanya at sya rin ay impit na napangiting balik dito.
Nang matapos na ang lahat na mainterview ay tinawag na sya ng isang crew. Que na sya na ang susunod na iinterviewhin.
Mabagal ang kanyang paglalakad para hindi masyadong maramdaman ang sakit. Hindi pa naman sya nakainum ng gamot na pain reliever.
"Relax Ms. Keira, Just say a couple of sentences to praising the CEO" at narinig nya pa ang word na 'girlfriend' na ikinakilig ng mga nakakarinig. Napailing na lang sya na napapangiwi dahil kapag tatawa sya ay mas nararamdaman nya ang sakit kaya mas minabuti nyang magpakita ng poker face.
"Alright..." Nahihiya siyang tumango sa harap ng director. Napaupo na sya sa chair na inihanda para sa kanya at nagsimula na ang recording at sa kanya na nakafocus ang camera. Mabuti na lang din at hindi masyadong malamig sa loob ng opisina kaya hindi sya magkakaroon ng muscle cramps.
Mas pinili nya na lang ang mapasandal sa pader mabuti na lamang at hindi na sya pinilit pa ng director ng tamang posisyon sa interview. Para tuloy syang mag-auaudition sa isang contest.
"Sir. Dale is a very easy-going person." Napansin nyang nakatitig sa kanya si Dale na parang naging bato sa kinatatayuan nito. Nabigla din siguro ito na kasama sya sa mga iinterviewhin ngayon. Damang dama nyang titig na titig lang ito sa kanya at pinapakinggan ang mga sinasabi nya.
"He always helps his staff with the work." Dagdag nya pa sa pagsabi kung sino para sa kanya as boss si Dale.
Nararamdaman nya ang pagtulo ng pawis sa kanyang noo. Butil butil na pawis dahil sa pagkontrol nya sa kanyang nararamdamang sakit.
"And..." kaya mo to Keira, unting sentences na lang para sa boyfriend mo. Pageencourage nya sa sarili.
"And He is such an effective leader that his company is lucky to have..." wag naman sana. Please. Napapikit sya sa sobrang sakit mula sa kaloob-looban nya.
Namutla na sya. Hindi na talaga nya kaya. Wala na syang maisip na sasabihin pa. Nakita nya sa paligid ang mga tinginang nag-aalala at ang iba ay confuse para kasing hindi makatotohanan ang mga nasabi nya dahil sa expression ng mukha niya. Hindi na nya kaya pang tumayo ng mas matagal. Naramdaman nya muli ang sakit kaya naman napaupo sya sa sahig na sapo ang tyan.
"Cut!" Rinig nyang sigaw ng director sa harapan nya. Nagmadaling lumapit ang director sa kanya pero bago pa man sya mahawakan nito ay naramdaman nya ang pagkarga sa kanya ng mga braso na nagmumula kay Dale. Naamoy din nya ang pabango nito. Napayakap sya sa batok nito.
"Ms. Keira, anung nangyare sayo? Hindi naman mahirap yung pinapagawa namin pero parang -----" napahinto ito sa pagsasalita ng humarap si Dale sa kanila. Hindi man nya nakita ang expression nito pero naiimagine niya ang panlilisik ng mga mata nito na nakatingin sa kanila.
"Whoa, The CEO will gonna kill us with his look." Narinig nya ang mga staff doon na nagbubulong bulungan tungkol sa nangyare.
"Im Sorry Dale," umiiling iling sya na parang pinahiya nya ang kanyang boyfriend sa madla. Napayuko na lang sya at humilig sa dibdib nito.
"Im just not feeling well today." Naramdaman nya ang mabilis na hakbang nito palayo sa opisina at naramdaman din nya ang paghalik nito sa kanyang noo.
"Its alright love. No need to say sorry." Mabuti na lamang at may clinic ang company ni Dale. Dahil kung hindi, susugod na ito sa ospital dahil sa pag-aalala sa kanya.
Inihiga sya ni Dale sa kama at lumabas ang isang babae na nakauniform na pang-nurse. Ito na siguro ang nurse sa clinic nila.
"I think its her monthly period Sir." Agad na natinag sa kinauupuan si Dale habang kausap ang Nurse. Sapo pa rin nya ang tyan at namimilipit sa sakit.
Narinig naman nya ang relieve na paghinga mula kay Dale. Akala siguro nito kung anu na. Umalis ang nurse at nang bumalik ay may dala na itong hot compress at gamot na pain reliever.
"Here take this." Ininum nya ang gamot na binigay sa kanya kasabay ng paginum nya ng tubig. Nilagay naman nito sa kanyang puson ang hot compress. Nakaupo lang sa tabi niya ang nobyo. Lumayo ang nurse at hinayaang si Dale ang magdampi ng hot compress sa puson nya dahil utos na rin nito na iwan muna sila.
"Galit ka ba sa mga nasabi ko? Lahat naman ng sinabi ko totoo pero hindi lang talaga okey ang pakiramdam ko kaya mukhang hindi totoo ang mga sinabi ko dahil sa expression ng mukha ko." Utal utal nyang pagsasalita dahil hindi pa rin umuubra ang ininum na gamot.
"Akala tuloy nila hindi maganda ang relasyon ko sayo. Akala tuloy nila hindi totoo ang mga sinabi ko. If you want uulitin ko yung interview." Dagdag nya pa rito para lang mahimasmasan ito.
"No need love. In fact, I realized that Im so blessed to have you. Yan pala ang pagkakakilala mo sakin as CEO. Im still happy kasi kahit masama pakiramdam mo pinilit mo pa ring magsalita para sakin." Nakayuko ito at matamang nakatingin lang sa puson nya na dinadampian ng hot compress.
Namumula sya sa mga sinabi nito. Naramdaman nya ang appreciation sa mga sinabi nito.
"I'm so proud of you Love! Im really really proud of you. Yun pa yung isa kong gustong sabihin on camera. Kaso di na talaga kinaya ng balakang at puson ko ang sakit." Nagbunot ito ng panyo mula sa bulsa nito at pinunas sa namumuong mga pawis nya sa kanyang noo.
"Thank you Love. Ikaw pa lang ang nakapagsabi sakin nyan. Not my dad, not my mom in person but only you. You make me the happiest man on earth dahil sa sinabi mo." Nakita nya ang pamumula ng ilong at mga mata nito. Ngayon nya lang ulit nakita itong umiyak pero hindi sa kalungkutan kundi sa saya.
Naramdaman na rin nya na unti unti ng umaayos ang pakiramdam nya dahil sa hot compress na binigay ng nurse at sa ininum nyang gamot na pain reliever. Sana pala dumaan muna sya dito para uminom ng pain reliever bago sya nagpa-interview. Tsk.
"Mahalaga na sakin ang sinabi mo kesa sa iba na parang napipilitan lang na pagandahin ang imahe ko dito. Bago ka dumating sa life ko, my title as a CEO ay hindi makita kita sa aura ko dahil nga kilala akong womanizer, Playboy at hindi nagstick sa isang babae lang. Parang laro lang din sakin ang lahat but when you came I became more serious and responsible as a CEO kahit itanung mo pa kay Assistant Aey. There are lot of things that has change when I met you. Kaya masasabi ko na bless talaga ako to have you. Kaya please wag kang mawawala sakin ah. Half of my life is you." Para namang natunaw ang kanyang puso sa narinig mula rito. Pero parang mas natunaw yung namumuong dugo sa loob nya dahil sa malakas na bulwak nito palabas.
Napasinghap sya. Mabuti na lamang at nakapagsuot na sya ng napkin. Napaayos sya ng upo na kinabigla nito.
"Are you alright love?" Napangiwi sya sa tanung nito. Ang hirap ngumiti o gumawa ng kahit anung reaksyon dahil anytime pedeng lumabas na parang gripo kung anung meron sa loob nya.
Tumango na lang sya at humawak sa braso nito. Pinagpatuloy naman nito ang pagdampi ng hot compress sa kanyang puson.
Dale POV
Mabuti na lamang at bago mangyare ang interview ay nakausap na nya ang kanyang Assistant.
"If anything happen sa interview sir. Huwag po kayong magagalit or what." Nangunot ang noo nya sa sinasabi ng kanyang assistant.
"Why? Is she alright?" Nagaalala nyang tanung dito.
"Well, I saw her recently and I think she is dealing with her monthly period." Napatango tango naman sya.
"Well ganito rin ang problem ni Bea nung minsang nag-taping sila." Napailing na lang sya.
"I should be on her side during the shooting. Thanks Aey for telling me that." At hinawakan niya ito sa balikat at nagmamadaling pumasok sa kanyang opisina upang tingnan ang kanyang nobya.